Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - layahasmin

Pages: [1] 2
1
Big Kids / Re: communicating with kids in english
« on: March 27, 2014, 02:32:07 pm »
My eldest, who is now 12 and in high school, grew up speaking English. May American accent pa kahit dito lang naman sa Navotas lumaki, gawa ng mga cartoons na pinapanood niya. Hehe. Medyo nahirapan nga siya sa Filipino subject sa school pero nakakaintindi naman siya ng Tagalog. Nung Grade 2 or 3, fluent na rin siya mag-Tagalog dahil Tagalog naman ang salita ng classmates niya.

Yung 2nd son ko naman na 3 years old ngayon, marunong ng Tagalog, English at Bisaya. Pag kami ng Kuya niya ang kausap, English. Pag yung Papa niya and almost everyone else, Tagalog. Yung mga helpers, pinababayaan namin kung ano gusto nilang gamitin, Tagalog or English, as long as tama ang salita. Minsan bini-Bisaya rin nila, which is fine for us. Marami-rami na ring alam na Bisaya words yung anak ko. Pati ako nakakaintindi na rin. :)

Sa mga young moms na nag-aalala kung mahihirapan ang mga bata, don't worry. Kaya nila matuto ng multiple languages na sabay-sabay, lalo na kung simulan niyo silang turuan nang maaga. Pero gaya ng sinabi ng isang mommy dito sa thread, mas maganda kung ma-associate nila ang bawat language sa specific na tao. Kunyari si Mommy sa English, si Daddy sa Tagalog, sina Lolo at Lola sa Ilokano, si Yaya sa Bisaya, and so on. Don't underestimate the learning ability of a young child. :)

2
Other Relationships / Re: How to deal with noisy neighbors
« on: March 27, 2014, 02:30:23 pm »
Oo nga ipa-barangay na yan. Kung hindi sila umaksyon, isumbong mo yung barangay chairman kay tulfo.

Mommy Diane, san ba nakakabili ng liquid ass? Meron ba sa Pinas niyan? That might come in handy. Hehe.

3
Yaya Solutions / Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« on: July 16, 2013, 04:17:00 pm »
Grabe naman yata yung P10,000 para sa stay-out maid. Meron kaming stay-out na sinuswelduhan namin ng P2,500 a month. Ang pasok niya 6am to 4pm. Naglilinis ng bahay, hugas ng pinggan, once a week laba at plancha, tapos assorted errands din. Libre siya lunch at snacks, eat all you can kumbaga. :) Konti lang naman din ang nililinis niya kasi meron kaming stay-in na all around na sinuswelduhan naman namin ng P6,000 kasi matagal na rin siya samin.

4
Jokes and Funny Stories / Re: Anong expression mo kapag nagugulat ka?
« on: July 10, 2013, 10:55:34 pm »
I know this is an old thread kaya lang naalala ko lang yung expression ng college schoolmate ko dati na sa kanya ko lang talaga narinig. "Ay, p*king may tattoo!" Hahaha! Maganda pa naman siya at hindi mo ieexpect na magsasalita ng ganun. :)

5
Naka-2 na kong CS and will have my third in about 5 months.

Re: contractubex, magwo-work pa kaya yan kahit 11 years ago pa yung first cs ko?

Sis insensitive, magkaiba yung OB ko for first and second CS. Sa CGH din ako nun una pero yung second sa Metro na. Matanda na kasi yung una kong OB, parang ayoko na magpa-opera sa kanya. Hihi. Okay lang naman ang experience ko, medyo nainis lang yung second OB ko kasi bakit daw ganun yung ginawang hiwa sa akin nung una, masyado daw mahaba. Baka nga kasi dahil matanda na yung doctor at old-fashioned ang style na alam. :P

6
Money / Re: Baby's monetary gifts -- save or spend?
« on: November 22, 2012, 04:37:32 pm »
Same as everyone else here...save it in his bank account. I opened bank accounts for each of my boys right after they were baptized, so dun napunta lahat ng monetary gifts nila. There was a time when I had to spend some of my youngest son's money (for his 1st birthday party) but I did pay it all back after a few weeks. Di ko lang maatim na gastusin yung pera ng mga anak ko talaga because it's theirs, not mine.

7
Home / Re: Mommies na walang maid
« on: November 11, 2012, 08:32:40 pm »
Saludo ako sa inyo mga mommies! Ang gagaling niyo, I swear. I have 2 boys (age 11 and 2) and I'm 4 months pregnant. Meron kaming maid na yaya rin ng bunso ko kasi both my partner and I work all day (although home-based naman) at hindi na namin kaya lahat ng chores.

Actually kaya ako nagpost dito e gusto ko lang mag-mini rant about my cousin-in-law. Hehe. Nakakainis kasi, hindi niya kaya mabuhay na walang maid at yaya for her baby. Nung nanganak sya early this year, nag-resign siya sa trabaho para daw mag-alaga ng baby. Pero halos lahat ng pag-aalaga naman e sa yaya pinapagawa, from timpla ng gatas to bath to karga all day. Habang sya nakahiga sa kwarto at naglalaro sa cell phone. Di naman sila mayaman at underpaid pa nga ang yaya at maid. Basta lahat na lang inuutos sa yaya at maid, as in wala syang ginagawa sa bahay. Bawal pa maputol ang tulog niya kahit sa gabi na gigising si baby. Pinsan ko ang gigising at ibibigay ang baby sa mother niya para alagaan.

Basta naku naiinis talaga ako. Kung pwede lang ipabasa ko sa kanya yung mga post niyo tungkol sa sacrifices at pinagdadaanan niyong mga mommies na walang maid para makita naman niya kung pano maging mabuting ina. Hehe. Pasensya na po. Mods, pakitanggal na lang post ko kung OT pero naiimbyerna lang talaga kasi ako. Haha!

Again, kudos to you mommies. Mga tunay kayong bayani. =)

8
It's definitely not common but I would say it's normal.  http://www.teething.org.uk/articles/early-teething.html

Yyung eldest ko pinanganak ko na may 1 tooth na, pati yung doctor di makapaniwala nung una. Very rare naman kasi talaga pero nangyayari daw. Pero ngipin talaga at hindi naman natanggal. Nung 6 years old yung anak ko, yun ang unang tooth na nabungi. =)

9
Home / Re: How often do you change your bath towels?
« on: November 09, 2012, 04:31:22 pm »
Oo nga e. May pagka-clean freak kasi, feeling daw niya kasi puno na ng dead skin cells yung towel pagkatapos gamitin.  :o Good to know na hindi ako nag-iisa. Hehe.

10
Nung first baby ko, 5 months na e hindi pa halata na buntis ako. Ngayon naman sa third baby ko, 14 weeks pa lang e parang nakalunok na ko ng pakwan.  :D

11
Money / Re: paano mag budget
« on: October 30, 2012, 11:18:57 am »
Ako din I made my own spreadsheet para sa budget. Maraming free templates na pwedeng i-download pero gusto ko kasi yung talagang customized para sa family budget namin. Medyo anal din kasi ako sa pag-update ng budget. Hehe. Monthly ang allocation ko ng funds pero naka-breakdown din sa daily expenses. As in lahat ng perang lumalabas, ultimo yosi ni hubby na 1.50 lang e nakalista talaga.  :P Malaking sakit sa ulo sakin pag hindi nag-balance yung nasa spreadsheet at yung actual na perang hawak namin.

12
Lactacyd Toddler Tubs ang gamit ko sa 2-year-old ko. Mild at nakakapag-moisturize sa skin ni baby and I really like the smell...ang bango! =)

13
Single Moms / Re: will you let your child know her dad?
« on: October 28, 2012, 08:55:35 pm »
One of my best friends got pregnant after a one night stand with a guy from her office. Nung sinabi niya na buntis siya, the guy suggested for her to get an abortion. From that moment, she decided not to have anything to do with the guy anymore. Her baby is now 3 years old and my friend has no intention of introducing her to the dad. I guess it depends on the circumstances.

14
Home / How often do you change your bath towels?
« on: October 28, 2012, 02:39:33 pm »
Ako kasi every 3 days ako nagpapalit. Masyado bang matagal yun? Hubby kasi uses a fresh towel every time maliligo siya. Naiinis ako kasi ang daming towels na nilalabhan. O baka naman yun ang normal at unhygienic pala ako.  :o Gaano kadalas ba dapat talaga palitan ang bath towels?

15
Breastfeeding / Re: Breastfeeding After a C-Section
« on: October 23, 2012, 02:33:32 pm »
Salamat mga sisses for your reply. My question lang ako, if ever na I couldn't physically breast feed him, puwede ba mag-pump and ilagay sa bottle yung milk or would that lead to nipple confusion??

I don't think that would be a problem. With my 2nd baby, ganun ang ginawa ko the first day kasi hindi pa pwede room-in because of some complications -- baby was being treated for a minor infection at hindi pa pwedeng ilabas sa nursery. Pero sabi nga ni mommyTMS, don't expect to get a lot of milk by pumping sa first few days.

Personally kasi mas gusto ko talaga direct breastfeeding so nung second day, kahit masakit pa ang tahi, ako na ang pumupunta sa nursery every feeding time at dun ako nagpapa-BF, except sa night feedings, di daw pwede so nagpa-pump pa rin ako and sa bottle dumedede si baby.

Pages: [1] 2