Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - eaglesoar28

Pages: [1] 2
1
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Primary Complex Part 2
« on: November 04, 2012, 10:48:43 pm »
hi mommies, nalulungkot ako kasi si baby ko din diagnosed with pc...yung first xray niya 3mos ago negative naman pero nagpositive sa ppd test isoniazid lang ang gamot niya then after 3mos pinaulit ng pedia ang xray, ayun lumabas positive sa pc kaya start na ng gamutan for 6mos.  Di ko alam kung saan nahawa si baby kasi lahat naman kami sa bahay nagpa xray negative naman kami lahat, huhuhu...minsan kahit anong ingat natin kay baby di pa rin maiwasan magkasakit sila...

question ko pala mga mommies, kapag ba natapos na gamuta at gumaling na si baby may possibility ba na bumalik ulit yng pc?

thanks!

2
Baby Development and Milestones / Re: kelan umupo at tumayo babies nyo?
« on: December 21, 2011, 06:32:07 pm »
Si baby ko 91/2 months na hindi pa rin marunong magsit without my support. Saka ayaw niya magsit mas gusto niya nakatayo per with support pa rin yun. Medyo worried na nga ako kasi mostly babies at his age marunong na magsit without support. I already told his pedia about it, and she referred me to pediatric neurologist for further check-up, lalo tuloy ako kinabahan...

As of now am still observing him, napapansin ko sobrang likot niya at kapag may nahahawakan nakakatayo na sya, pero sa pag-upo dpa rin niya ginagawa. Hintayin ko lang mag10 months sya saka ako magpacheck-up sa neurologist.  Sabi din kasi ng mother ko iba-iba naman ang pace ang developments ng baby, yung iba nga daw they skip sitting down & crawling derecho tayo na or lakad agad...

Hopefully normal lang ang development ni baby...

3
sali ako sa thread na to, thank God I found this thread.... thanks to all!

4
hi mommies,

si baby ko naman since 2 weeks palang sya may sipon na. napansin ko kasi kapag humihinga sya parang tumutunog sa ilong  niya na barado, nung pina-check-up ko sa unang pedia niya sabi wala daw yun, wag lang daw itapat kay baby yung electric fan...hindi rin naman yung sipon na may lumalabas talaga sa ilong niya, yung parang nasa loob ang barado, saka observe ko umaatake everynight at madaling araw lang. pero nung nag 2months si baby nilagnat sya tinxt ko agad yng bago nyang pedia sabi painumin ko muna ng paracetamol then dalhin sa kanya kinabukasan for check-up...nawala naman na yung lagnat niya kinabukasan pero napansin namamaga yung left cheek niya kaya dinala ko agad sa pedia, sabi kulani daw yun kaya niresetahan sya ng antibiotic 7days na inuman.,kawawa nga eh kasi ang liit pa antibiotic na agad...nung mag 3months sya hindi pa rin nawawala yung parang barado sa ilong niya saka napapansin ko may lumalabas na, sabi nga pedia allergic rhinitis daw ang binigay sa kanya singulair yng powder na hinahalo sa milk, bale 30days yun pero observe daw muna after 15days na gamutan inform ko si pedia kng ano development., so far ngayon 1 week na sya umiinom nung singulair parang medyo nawawala na din sana nga gumaling na si baby kasi kawawa talaga sila kapag nagkasakit...saka mahina uminom ng milk kapag barado ilong.

5
si baby ko polyvisol since nung 10days old sya, ngayon 3 months na sya nutrilin at ceelin na vitamins niya, takaw tulog saka sarap magmilk   ;D

6
mommy ryuu, tama ka nga nababasa ng ihi yung bigkis tapos na-soak yung pusod niya. sige tanggalin ko na muna yung bigkis tapos gawin ko rin yung ginawa na mo na pagfold ng diaper, sana matulyo na pusod ni baby. thanks sa advice.

7
thanks sis ryuu, tumawag ako sa pedia ganun din advice continue lang daw paglagay ng alcohol..tapos lalagyan ko na din ng bigkis kasi hindi maiwasang masagi ng diaper niya, lalo kapag naglilikot yung paa niya.

thanks ulit!  ;D

8
hi everyone need your help, si baby kasi nagfall off na yung umbilical cord niya nung 2weeks old palang sya..saka tuyo na, nilinis pa nga ng pedia nung 1st visit namin sa kanya. kaya lang napansin ko lately para nagbabasa yung pusod niya diko alam kung nana kasi yellowish yung color., hindi rin naman protruding yung pusod niya, ano kaya cause nun hindi kaya dahil sa sobrang pag-iyak niya minsan? kabagin kasi si baby kaya iyakin minsan. pinatakan ko ng 70% ethyl alcohol umiyak si baby nahapdian kaya siya? he's 1 month and 2weeks old now, share naman if you have the same experience with me. tomorrow tawag ako sa pedia niya kung ano dapat gawin worried lang kasi ako.

9
Baby Development and Milestones / Re: Kabagin si Baby
« on: April 23, 2011, 11:09:11 am »
si baby ko din kabagin, iyak ng iyak tapos hindi niya nauubos milk niya ng isang inuman kapag umaatake ang kabag niya, napansin ko 3x/week sya inaatake ng kabag., nilalagyan ko ng manzanilla ang tyan niya medyo na-ease naman pero hindi pa rin nawawala, sinabi ko na sa pedia niya advise niya try muna change milk from NAN HW1 to Enfalac LF kaya lang constipated naman sya sa enfalac kaya binalik ko sa NAN., ayoko naman bigyan si baby ng gamot na relestal kasi ang liit niya pa, siguro last resort na yun kapag sobrang kabag na talaga. Nasanay na nga sa karga si baby kasi every time na kinakabag sya talaga ayaw magpababa pero ok lang yun as long as ma-ease yng nararamdaman niya, try ko din yung colic carry.  Sabi naman nila they will outgrow it pagdating ng 3-4mos mawawala din ang pagkakabagin ni baby. 

10
haha, sabi ko na nga ba hindi totoo ang pamahiin na to   ;D

11
Baby Development and Milestones / Re: help pls ...
« on: March 10, 2011, 10:01:02 am »
hehe, ako nga sis thumbsucker din nung bata...and i remember 10yrs old na yata ako tumigil, kusa na ako nagstop kasi nahihiya na ako dahil madalas ako tuksuhin ng mga kapatid ko saka mga cousins ko kapag nakikita nila ako nagthumbsuck... ;D

12
Pregnancy Health and Nutrition / Re: Pounds Gained During Pregnancy
« on: February 27, 2011, 03:48:32 pm »
i'm on my 37th week now and i gained 23lbs already...my baby's weight was 6.3lbs already on my ultrasound last week...sabi nila ang normal weight gain during pregnancy is 25-30lbs.

13
Real Parenting / Re: Anong feeling ng first glimpse sa baby mo?
« on: February 27, 2011, 03:26:12 pm »
hi mommychi, nandito na din ako sa SP...musta kina? hindi mo siguro alam sayo ko nalaman itong SP sa kwento mo kay jing2x...now you know me na, hehe..

@ ch0c0_holic - congratulations nanganak kana pala di na umabot si baby ng march.

14
Pamahiin / Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« on: February 25, 2011, 11:08:58 pm »
ako hindi rin naniniwala dito pero mas mabuti na din yung nag-iingat depende din kasi sa lugar saka sa mga taong nakakasalamuha natin...marami na ako narinig na kwento na totoo daw ito lalo na sa mga probinsya firsthand experience ng mga buntis....number 1 siguro na pangontra natin sa kanila is our PRAYERS kasi mga evil spirits din yan sila.

15
Romantic Relationships / Re: sa lahat na mga asawa ng seaman
« on: February 19, 2011, 08:52:04 am »
thanks mommy Nuna & momigelai for the encouragement... buti nalang may communication kami ni hubby ngayon until the end of this month...tama kyo mas mahirap situation nila sa barko kasi mga nakakasalamuha nila pare-parehong mukha lang din, basta think positive nalang ako palagi para hindi na rin magworry si hubby.

Pages: [1] 2