Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - butch

Pages: [1] 2 3
1
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: January 04, 2012, 01:39:30 pm »
sorry sis,i'll keep it in my mind, thanks for the info :)

2
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: January 04, 2012, 09:44:26 am »
i agree! kung makuha sa magandang usapan go! un nga iba iba personality ng mga tao and you can't expect a good reaction always. sabi nga walang inaabuso kung walang magpapaabuso. but of course maging makatao tayo or else karma will be back to us. sa mga mommies na may may mabubuting kasambahay love them more and treat them as part as your family. para naman in return they will love our kids too and will take good care of them like their own kids.

@butch: sana may mga kasambahay na makabasa din ng mga posts mo. i'm sure they will be inspired by you. God bless.

thanks sis momaye,
sana kung meron man kagaya ko na yaya dito please do your responsibilty with love,patience,humility and integrity...learn how to make your dreams come true sana wag tayong tumanda na yaya na lang habang-buhay,iilan na lang ang libre sa mundo at yun ay ang mangarap.sa mga amo try to help your yaya or kasambahay to become a much better person,wag nyo po silang pabayaan na wala silang matutunan na kagandahang asal sa inyo...you have all the rights to discipline her but dont hurt her physically,emotionally and mentally....basta kung alam mo bilang isang amo na hindi na dapat ang ginagawa ng kasambahay or yaya mo,paalisin mo na lang para mas maiwasan natin makasakit ng kapwa at magkasala. :)

3
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: January 03, 2012, 11:59:48 pm »
para sa lahat po ng mommies na may matatakaw na yaya,siguro po ang pinaka-maganda pong move na magagawa natin is pagsabihan agad ang yaya,kapag may nagagawang hindi nyo gusto.hindi naman kasi pare-pareho ang mga tao.may mga tao talagang hindi ganun kadaling makaintindi at manhid ang pakiramdam, kung sasabihin ng yaya nyo na aalis na sya after na mapagalitan nyo, just let her go....wag nyo po ipakitang hindi nyo kayang wala siya.kasi its one of the reasons kung bakit lumalaki ang ulo ng isang yaya.kung may nagawa or ginagawa ang yaya nyo na hindi nyo gusto,as soon as possible reprimand her,ilagay nyo siya sa dapat niya kalagyan....para hanggat maaga hindi kayo maabuso...at hindi kayo aabusuhin ng mga yaya nyo.
             a piece of advice from a yaya before......

4
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: December 29, 2011, 02:49:58 pm »
alam ko po na hindi nyo intensyon na mang-libak ng tao mamachris.....lahat po tayo may freedom of expressions....as long as wala po akong nababastos na tao dito sa forum na ito,magpopost pa rin po ako ng messages ko at sana po maintndihan nyo....HAPPY NEW YEAR SIS!!!

5
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: December 29, 2011, 02:39:53 pm »
hello mommies! happy new year!

kami ng husband ko talaga nagluluto ng food namin. we usually cooked it at night un pang lunch nila ng son ko. sa umaga minsan si yaya nagluluto usually prito prito lang. i understand kung un kaya niya kasi hinde din naman uso sa kanila un mga complicated dishes e. nagtitira na ko ulam nila for lunch sa ref. sa breakfast din rice talag usual breakfast namin. tinuturing na namin na kapamilya si yaya kasi sya naman nagaalaga ng anak namin. isipin na lang natin pag wala tayo sa bahay, kung maganda treatment natin sa kanila magiging ganun din pag-aalaga nila sa mga anak natin. yes tao din sila katulad natin kaya ako nagsshare din ng mga beauty secrets sa kanya at alam kong natutuwa sya. hinde ko na binibilang un binibigay ko sa kanya kasi alam ko naman un pag-aalaga na ginagawa niya sa anak ko. di bale na din di sya masyado malinis sa bahay basta alam kong di niya pinapabayaan anak namin. i let her take her day off every week minsan ayaw niya minsan lumalabas din sya o sumasama sa amin.

mahirap makahanap ng mapagkakatiwalaang kasambahay ngayon kaya naman un maliliit na flaws merun sya inooverlook na lang namin. mahalaga kasi mahal niya at inaalagaan niya anak namin.

thanks mommy Momaye :)  hindi po ako naghahanap ng away.......as what I've said before hindi ako galit sa inyo...kasi kagaya nyo nanay din ako at pinagkakatiwala ko ang mga anak ko sa yaya nila.ang gusto ko lang iparating sa inyo na lahat ng bagay ay napag-uusapan ng maayos,hindi ako nasasaktan sa post na ito,kasi nga hindi ako kagaya ng mga sinasabi nyo,i know my limitations.parang unfair lang kasi ang dating,kasi tayo pwede nating ipagtanggol ang sarili natin....pero sila hindi nila maipagtatanggol ang sarili nila sa forum na ito,kaya nagsasalita ako on behalf of them or rather as one of them....lahat ng tao maaring pakiusapan,maaring turuan basta tama ang pagpapaliwanag....HAPPY NEW YEAR!!!

6
Yaya Solutions / Re: matakaw si yaya
« on: December 28, 2011, 04:01:21 am »
kaya ayaw nila ng isda dahil sa probinsya nila yun ang palagi nilang ulam...matakaw sila sa mga pagkain dahil yun ang wala sila sa probinsya nila,kaya sila namamasukan para makabili ng pagkain...gusto nila ng mas masarap na inumin dahil kapeng sinunog na bigas lang ang kaya nilang inumin sa probinsya nila bukod sa tubig...gusto nila ng junk foods dahil hindi nila yun natitikman ng ganun kadali dahil mas mahalaga sakanilang bilhin ang bigas kaysa ano pa man....hindi ako against sa mga taong nagpopost dito..against ako sa mga sinasabi nyo,nababasa nyo ba ang mga sinasabi nyo bago nyo ipost dito,or gusto nyo lang na may maipost??? nasasaktan ako dahil minsan naging YAYA din ako!!! at gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat,na ang isang YAYA ay tao din kagaya nyo.ilagay nyo muna ang sarili nyo sa sitwasyon para maintindihan nyo kung bakit kami ganun.hindi masamang magtanong,ang pagkakaron ng kasambahay ay parang pagkakaroon ng isang bagong kakilalang kamag-anak..itatanong nyo kung bakit??? simple lang ang sagot dahil ang kasambahay o YAYA ay dapat na itinuturing na kapamilya,mas higit na magiging madali ang pakikipag-usap nyo sa kanila kung ganito ang isasa-isip nyo.dapat sa simula pa lamang ng pagtatrabaho niya sa inyo ibriefing nyo ang kasambahay nyo,sa mga DO's and DONT's sa bahay nyo.dapat detalyado at malinaw para sa kanya ang rules nyo.kung ayaw nyo ng ginagawa niya hanggat maaga sabihin nyo sa kanya sa paraang mahinahon at hindi makaka-sakit sa damdamin ng nila.alam ko mga propesyunal kayong tao kayat kaya ninyong bumayad ng YAYA ng mga anak nyo...sana lang maging makatao din kayo sa pagpopost ng mga messages nyo.sana lang isipin nyo din na ang mga YAYA nyong "matatakaw" ang nagpoprotekta at nag-aalaga ng inyong mga anak sa mga oras na wala kayo,katuwang ninyo sa gawaing bahay bagamat hindi ganun kapulido ang mga gawain,sila ang tumatayong ina sa mga oras na kailangan kayo ng mga anak nyo.sana konting respeto,konting isip at higit sa lahat maging patas at makatao kayo hindi lang para sa ibang tao,higit para sa sarili nyo.

7
Your Kid's Health and Safety / Re: Dengue - experience and tips pls.
« on: December 28, 2011, 02:11:03 am »
case to case basis kasi ang pag-inom ng tawa-tawa,kasi kung medyo malala na ang patient hindi na advisable ang tawa-tawa...saka kung may allergy ang isang tao hindi ganun kadali magpainom nito baka imbes na makabuti para sa tao makasama pa ang epekto.

8
Your Kid's Health and Safety / Re: Dengue - experience and tips pls.
« on: December 23, 2011, 02:36:18 am »
its a big NO!!! mas safer pa rin ang magpunta sa doctor, i should know that kc 4x nang nadengue ang daughter ko.and thanks GOD we surpass all those challenges in our lives.

9
one of the causes talaga ay over feeding...orasan mo ang pagdede niya,ang baby naman kasi kahit busog umiinom pa rin ng gatas kaya dapat imonitor mo ang pag-inom niya.aside from that kapag gutom ang baby siguradong iiyak yun para humingi ng gatas...at wag mo kakalimutan magpa-burp ng baby after the feeding.wag mo din siyang yuyugyugin kapag kakatapos pa lang niya mag-gatas.

10
sis,kung baby pa mga anak natin madali sila mapapakain ng veggies...pero kapag toddlers na medyo challenging,share ko lang experienced ko sa eldest daughter ko nung 1 year old sya veggies ang ginagawa kong junk foods niya buy giving her a sliced of tomato,carrots and cucumber.at first ayaw niya kumain pero ng makita niya ako na kumakain nung veggies,she decided to taste it kasi pinapakita ko na nasasarapan ako sa kinakain ko.but i didn't forced her to try it sya mismo ang kumuha at kumain...hanggang naging daily routine na namin ang pagkain nun then minsan hinahaluan ko din ng slices of fruits.
 
ang toddler kasi magaling manggaya ng nakikita niya,aside from that kung kayo mismo eh hindi kumakain ng veggies im pretty much sure na  hindi din kakain ang bata,mas maganda din kung lagi nyong isasama yung veggies sa meal nyo daily...

11
Your Health / Re: all about scoliosis......
« on: December 08, 2011, 03:12:57 pm »
naku sis hindi kayo nagiisa, ganyan din ang eldest daughter ko she was diagnosed of dextroscolliosis di pa pwede itheraphy kasi she was young that time she is only 5 years old that time,but now she already 10 yrs old kaya need na namin ipacheck ang scollio niya kung nadeveloped na.para malaman kung pwede na itheraphy.

12
Wellness / Re: May alam ba kayo gamot mabilis makataba?
« on: December 08, 2011, 02:55:07 pm »
hi sis, try mo ang centrum kc dun medyo nag-gain ng weight ang hubby ko....saka maganda din ang B-Complex kahit anong vitamins sa dugo makakatulong sa pagtaba,ganyan din kasi sis in law ko sobrang payat pramis!

13
Your Kid's Health and Safety / Re: Kawasaki Disease
« on: November 25, 2011, 10:06:19 pm »
yan ang naging sakit ng anak ng kapitbahay namin...ang maganda lang naagapan  aside from that mabigat talaga ang expenses ng gamutan...70k ang halaga ng gamot na ituturok sa bata.after nun madami pang test na gagawin kasi affected din ang heart...kaya advice ko to all the parents kapag may fever ang bata dont take it for granted,isa sa mga symptoms niya ay mataas na lagnat,rashes,nagpuputok ang mga labi,dumudugo ang gums...at first aakalain mong dengue..kaya better check it earlier.

14
i remembered as what my hubby told me...you made my life complete,and you made my self very much satisfied :D

15
Your Kid's Health and Safety / Re: dealing with asthma and allergies
« on: October 23, 2011, 12:41:01 am »
alerin tablet pero alam nyo mga sis,.,. hahaha may suggest sa akin kapag nagka alergy .,.,eh kumain daw,.,.,, as in kumain daw ng asukal para mawala ,.,.,

yes its one of the home remedies na alam ko din sis,but still mas need pa rin na uminom ng medicines.

Pages: [1] 2 3