Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - hanne

Pages: [1] 2 3 ... 11
1
Yaya Solutions / Re: are you looking for yaya? Post your requirements here
« on: December 21, 2013, 02:34:52 am »
Need yaya for 2yo. My mom is taking care of her pero siya din kase gumagawa ng lahat sa house kaya need lang ng extra hand esp since bumibigat na si baby.

Responsibility:
1) mainly as support to my mom
2) bantay sa anak ko and general company - samahan pahangin sa labas, bantay while watching tv or playing etc and kasama pag lalabas like pag sinasama ko mag grocery anak ko etc
3) light housework. When i say light kase di naman kame makalat or magulo. Again at the moment my mom and i can everything naman need lang ng help. May fully automatic washing machine naman. Ang pinaplantsa damit ko lang cos im the only one working. Apt size lang ang house so maliit.
4) errands. Utusan bumili sa palengke minsan. Or punta mercury etc. Mga simple lang naman cos i do the groceries weekly and lahat ako in charge except pag may nalilimot or biglaan mangyari.

Others:
-- preferred ko stay out, were between marquinton marikina and masinag antipolo. Pero pwede stay in.
-- 2.5k a month mon-fri lang
-- bonus every anniv
-- sss after 6mos
-- between 18 to 30yo
-- need brgy clearance and IDs sana na may address matching the brgy clearance

Pls pm or text 09228661774

2
Jokes and Funny Stories / Re: Kids say the darnest things :)
« on: April 25, 2013, 10:19:17 pm »
ang sarap naman mag back read dito.

share ko naman sa daughter ko who is 18 mos old. dumalaw daddy niya sa kanya (hiwalay na kame) one afternoon. tapos ayaw niya lumapit kay daddy to kiss or hug. sabi ni daddy niya, "you want daddy to leave nalang baby girl?" tapos acting na palabas ng door.

sabi ng daughter ko, "okay". sabay sara ng pinto sa face ng daddy niya. pagbaba ko galing sa taas I asked the yaya why nasa car lang daddy ni baby. sabi sa akin, 'ate, sinarhan ng pinto nito, nagtampo ata si kuya."  ;D

3
Labor and Child Birth / Re: Recommended Food After CS Delivery
« on: April 12, 2013, 01:30:32 am »
first 24 hours water lang, 24-48 hours crackers naman pinakain sa akin. 48-72 hours lugar and other fruits/veggies. after that kahit ano na.  ;D well yun ang pinapakain sa akin ng OB ko while nasa hosp ako.

4
I started with cycles including all m baby's beddings, blankets etc. after 2 mos i moved to perla white na. when my daughter was 7mos old, regular detergent nalang, kung ano gamit namin yun na din gamit ko sa damit niya.  ok naman, buti hinde sya nagdevelop ng allergies or anything like that.

5
Single Moms / Re: child support or " sustento "
« on: April 11, 2013, 08:06:32 pm »
mga sis, sa mga nagtatanong if kelangan talaga ng lawyer pag nag file ng request for child support sa family court ang sabi ng lawyer ko pwede naman daw. may mga judge daw na lenient and maawain sa mga single moms and naiintindihan na hinde madali kumuha at magbayad ng lawyer. pero may mga judge din na ayaw esp if yung kabilang side (SD/father ng anak niyo) ay may lawyers, baka makawawa kayo.

so there, gusto ko lang ishare kase kahit paano nakakapagtanong tanong ako sa lawyer ko ng libre. sana makatulong kahit paano sa mga desisyon niyo moving forward.

6
^naku sis, hinde kaya nagpanic lang sya nung umpisa? yun nga, hinde pa ready talaga?

share ko lang na yung daddy ng anak ko ganun. to think pang 6th na panganay na niya anak ko ha. lost siya until last jan (1year, 3mos na si baby nun). nagfile ako ng petition for child support ng hinde niya niya. tapos ayan nagbabalik. since feb ok kame. twice ako week regular ang dalaw niya kay baby and support niya. nung dumating ang summons ng court last monday, nag away kame kase akala niya joke lang. anyway, 1 day lang yung away. after that nag-usap kame and ok na kame now. sabi niya natakot lang talaga sya from the very beginning, hinde niya ma explain. pero if it means na harapin niya yung consequences ng ginawa niya nun, haharapin daw niya ngayon. weird nga ng set-up e, we're dating again pero may kaso ako against him. sabi naman ng lawyer ko hinde naman issue yun since ang hinihingi ko consistent child support hinde naman connected sa relasyon namin.

hinde kaya same issue sa bf/ex mo?

7
School Hunting / Re: Preschools in QC
« on: March 20, 2013, 10:16:22 pm »
mga sis, meron bang may experience or familiar sa chime learning school sa project 4? kilala kase ng SD ko yung directress ata dun and gusto niya dun ipasok ang baby namin. pero wala akong mahanap na feedback. TIA.

8
Family Fun / Re: Weekend with your toddler
« on: March 19, 2013, 09:33:47 pm »
thanks for the inputs mga mommy. dinala namin siya ng daddy niya sa gymboree last sunday morning. malas lang kase walang ibang kids. 2 lang sila, isang 11mo old na baby and my daughter so medyo walang kalaro din pero kahit hinde pa sya comfortable mag explore by herself (she mostly sat beside me the entire time even when we tried to engage her with games) nung pauwi na, umiyak. ayaw umalis. i think she was just warming up.

We're planning on going back next sunday pero afternoon na, saka namin tignan kung ok siya with other kids. mahirap din kase na solo anak sya and kame lang ng lola niya ang kalaro lagi.  :-\

9
Family Fun / Weekend with your toddler
« on: March 14, 2013, 12:39:42 am »
How do you spend your weekends with your toddler/s mga mommies?

I have a 1.5yo daughter and i'm thinking if she'd appreciate going on educational trips na like sa Manila Ocean Park or sa mga zoos. Madalas kase sa neighborhood lang/park inside the subd or sa mall lang kame (kasama ko sya sa pagcomplete errands like grocery and bills payment hehe) so gusto ko sana maiba naman para a different kind of stimulation sana kay baby kahit once every month lang sana.

Any inputs? Experiences? Things you want to share? Ideas?

10
Birth Control / Re: About ligation
« on: March 12, 2013, 08:30:33 pm »
sis, hinde ako ang nagpa-ligate pero mom ko way back late 80s.

out-patient procedure lang yung kanya kase afterwards, inuwi na sya. very small incision lang and after 24hrs she was walking and everything. na-CS ako kaya alam kong walang sinabi yung ligation procedure ng mom ko sa CS cut ko  ;D

http://women.emedtv.com/laparoscopic-tubal-ligation/tubal-ligation-procedure.html  --> read ka nalang for more information. hinde din kase first hand experience ko.

11
Single Moms / Re: child support or " sustento "
« on: March 11, 2013, 08:17:48 pm »
sis shelly, check mo ang PAO (public attorney's office) pero kelangan ata min wage earner ka para ma qualify e.  :-\ tignan mo din kung may website sila. pero parang yun ang naalala ko. kaya nagdecide ako maghanap ng lawyer kase alam ko hinde ako qualified  :(

sis czachie, may habol ka naman. i think yun naman ang purpose ng thread na to, how to ask for child support kung ayaw magkusa ng mga SD natin. better ask a lawyer about your options. mahirap kase magmarunong e.  ::) hinde naman ako lawyer and pwede ko lang ishare actual experience ko.


===

April 8 update --

Nakuha na ni SD ang summons from the court and he's allowed 15 days to reply. Hinde ko alam what to expect from now until then. Nakaka stress din pala to.

12
nagbasa-basa ako before ako manganak about jan. based na nabasa ko iba iba talaga ang recommendations pero ang common nila, never longer than 4 hrs. so max ang 4hrs. pag more than 4hrs na kahit 10mins lang, tinatapon ko na yung tirang milk. mas ok na makasigurado.

what i do din is pag magkasunod ang pagdede ni baby and chances are hinde niya mauubos yung 2nd bottle, half lang tinitimpla ko. para maubos or kung di maubos di masyadong maraming matatapon.

13
Single Moms / Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« on: March 06, 2013, 01:44:33 am »
kung ako sayo sis, ayusin mo last name ni baby. make sure nasa official public document na siya ang tatay ng bata. hiwalayan mo, move on pero make sure obligado siyang magbigay ng child support.

tingin ko magkahiwalay mo dapat itackle yan e. mahirap pero dun mo makukuha yung best scenario for you and your baby. move on and let go. para you can heal and you can give yourself another chance to get into a new relationship. who knows, baka yung susunod na ang magpapasaya sayo. pero at the same time, your child deserves the support na mabibigay ng tatay niya esp kung hinde ka naman mayaman na tipong pinipitik mo lang palayo ang pera. di ba?

you need to be practical din. and again uulitin ko, mahirap talga yan sis.

as sis xianne mentioned, wala syang karapatan na ibaling sayo ang blame in case hinde niyo maayos at mabuo ang family niyo. 

post ka lang dito in case kelangan mo ng kausap, marami namang member's ang susuporta sayo  ;D

14
Single Moms / Re: child support or " sustento "
« on: March 06, 2013, 01:37:56 am »
yung request ko for child support naka file sa family court ng city where my daughter's father resides in -- sa makati. though naging option din yung city where I reside in which is cainta pero dahil nalalayuan kame ng lawyer ko, makati kame nag file.  :D

yun lang, kelangan mo ng lawyer. di ata pwedeng ikaw lang mag file kase korte na yun. well family court.  ;D

15
School Hunting / Re: Feedbacks on Gymboree and Little Gym
« on: March 05, 2013, 03:35:02 am »
^^ thanks  twelvth_goddess. single mom ako pero pinilipit namin ni SD na maging friends kame for our daughter. actually natuwa ako na ang offer sya na sumama sa gymboree sa saturday kase gusto din daw niya makita. and wala akong yaya so ako lang talaga or tatay niya ang kasama niya dun if ever matuloy and that's why sat schedule sana gusto ko, para off ko  ;D

Pages: [1] 2 3 ... 11