embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - kathnrhai

Pages: [1] 2 3 ... 10
1
hi sis.. question lang po. bakit dika bumalik sa ob mo ng naka sked ka for papsmear? although di ko naencounter or wala ako masasabi regarding sa concern mo.. pwede kasi yung mga abnormalities na tinutukoy mo, e yung ob mo lang po yung makakasagot. kung nagpapapsmear kina last tume, edi dapat diba may result kana? by the way, kung ok lang, ask ko sana age mo. kasi baka mamaya, related din sa age mo kaya di normal yung mga nararamdaman mo before.. kasi sabi mo nga 5x kana naman nang pt, negative padin. yung ultrasound mo ba is transvi? kasi mas makikita nila yun kung transvi ang procedure sayo.. hope it helps kahit di ko nasagot yung main question mo po.. have a good day

2
Single Moms / Re: Am I considered as Single Mom
« on: August 28, 2014, 07:18:39 pm »
hi sis.. i feel for you. hug sis.

I adore all the moms here na brave enough to stand on their own.
kaya niyo yan mga sis. Andiyan lang po palagi si Papa GOD para sa atin.
dont hesitate to call on him.

For you, Sis Mommyonsale. kaya mo yan. for the sake of your child. tama yan. move on na girl.
sabi nga nila, wag ka mag aksaya ng panahon sa lalaking hindi worth it for all of your efforts. kung kailangan mo ng kausap, andito naman ang mga mommies sa SP. makikinig kami sayo.

3
My Son Loves BUZZ LIGHTYEAR very much..
 ngayong 3 yr old na sya. dala dala niya parin yung unan niya.
unang bulok na nga ang tawag namin sa unan niya. wala naman akong makitang replacement na same ng unan niya or tela kaya. wala talaga since ang tagal na ng toy story 3.
We have installed toy story movies from 1 to 3 and palagi niya pinapanuod.
kahit sa TV. pag toy story, papanuorin niya parin yun kahit ilang beses na.
kabisado na nga niya yung ibang lines..

actually marami pa,
ang recent:
Peppa pig, mickey mouse clubhouse, dora & diego,
phineas & ferbs, spongebob, wonderpets..
ai,,. basta cartoons, ok yun.
wala nga lang papalit kay buzz lightyear niya..

4
Travel / Re: where to stay at Boracay?
« on: August 02, 2014, 02:00:33 am »
hi mga mommies..

balita naman sa bora trips niyo recently? hehe. it will be my/our first time to get there..
medyo matagal pa naman ang trip namin pero excited nako since first time nga and birthday ni hubby and our anniversary narin. actually hindi pa niya alam na nagbook nako ng tickets namin via cebupac. it costs 4k roundtrip via kalibo. 3 na kami with our 3 yr old son.

still scouting where we can stay. for 4D/3N. hindi ko lang masyado maintindihan yung peak/ off peak nila., sa iba resort kasi, low peak ang Nov 11. tapos sa iba naman, high peak.. hehe

mas ideal ba ang walk in nalang since di naman daw masyadong matao sa Nov. kaya lang mas gusto ko na rin yung pagdating dun, no worries na since we will be travelling with our son..
Nabasa ko rin sa blog ni mommy juvyann na mas cheaper pag hindi yung resort ang magprovide ng service from airport to resort? hmm.. any mommies na from kalibo din ang galing, may van ba doon o any mode of transfers going to caticlan? salamat mga mommies.

5
Travel / Re: Airline Promo
« on: July 30, 2014, 04:59:03 pm »
hi mga mommies. i got a promo from cebu pac last july 27.  its Iglesia Ni Cristo 100th year anniversary. pero piso fare sila all domestic and international flights.. kahit Singapore & HK piso fare sila

Mine was nasa 4k. me my husband and our son.
rondtrip ticket. mnla-kalibo-manila

yan yung kinuha ko since bihira ata magka promo ang caticlan.

i think 1 day lang yung promo nila. and nung nagbubook ako, medyo down yung system nila kaya ilang try din ako nun. and nakakuha naman ako around 3PM na.

6
Count Me In Sir Jojo, if there's any seminar that you will be conducted...

Remember me po? hehe.. I am one of those mommies na nag pm sayo regarding sa NFP.

And its my 8th month na since pinakilala mo sakin/samin ni hubby ang NFP( although ako lang ang nag lecture).
hehe. And i can say na Its an EYE OPENER for all of us mommies lalo na pag natutunan natin ang different methods. actually marami. pero may mas madali and simplest ways. dont hesitate na magtanong kay daddy J and very accomodating naman po sya...

KUDOS daddy J.

I'll be re visiting this thread.. thanks

7
my love from the star.. haha.. ang cute ng story.. kakaiba lang.. "alien"
im on my episode 11 na. haha. inunahan pa ang GMA..

sana may alien talaga na katulad ni kim soo hyun ( Matheo do, Do min joon)
bagay sila  Jun Ji-hyun ( Steffi )..

kakakilig. super like ko yung personality ni Matheo, tahimik, suplado type and super cute.. HAAAIIII...

8
Members' Kumustahan board / Re: SP Members in Cavite
« on: April 27, 2014, 11:58:23 am »
wow.. dumarami na tau mga sis ah..hehe..

WELCOME sa group mga Sis.

9
Yes sis.. Tama  sila mommyjazz & iamsheymareie.

Ako din. Working Mom. parehas kami ng husband ko. I went back to my work right after ng Maternity Leave ko w/c is 2 months. Naiiwan si baby sa Mom ko. Since kasama namin sila sa bahay namin. Good thing is, May Leave naman tayo diba? vacation leave or sick leave. ginagamit ko yun pag kailangan.. And mabait din ang boss ko since Mom din sya. Maybe talk to your boss.. siguro naman maiintindihan niya ang situation mo right now sis.

Never quit sis. Sayang eh.Stable na ang job mo and sa panahon ngayon, mahirap kung wala kang work. paano mo na lang masusustentuhan si baby mo at ikaw? Hindi rin naman dahil sa work mo kaya nagkasakit si baby.

10
Romantic Relationships / Re: Hubby has illegitimate child
« on: April 12, 2014, 01:22:05 pm »
on my opinion mga sis..

1- before the marriage mo malalaman- Mas matatanggap or mas kaya pang tanggapin na may other child si soon to be husband mo. atleast naging honest sya sayo. at isa pa, before naman wala kapa sa landas ni hubby nung nagyari yun diba?. maybe nagkamali lang si hubby sa pagpili ng women na akala niya e yun na ang makakasama niya forever.


2- if within the marriage- aray ko. mukhang di kaya ng powers kong tanggapin yun. kasi laht sila nagsinungaling sayo? or hindi man lang sinabi about sa past ng hubby mo? or lets look to the other side. maybe natakot lang si husband na umamin o aminin dahil baka magbago ka sa kanya, baka mawala ka.  na ayaw na ayaw naman niyang mangyari. maybe lang po ah.. siguro naman may reasons din sila kung bakit di nila nasabi sa atin agad..

11
Romantic Relationships / Re: Hubby has illegitimate child
« on: April 12, 2014, 01:14:51 pm »
hi sis bito.

i feel you sis. naintindihan ko yung side mo sis.

Hmm.. naisip ko lang sis na baka hindi alam ni hubby mo na may anak sila o nagkaanak sila? baka sinikreto sa kanya before. o baka di maganda yung break up nila before. tapos di na sa kanya sinabi or pinasabi-- pero imposible diba? ayan. ako na yung sumagot sa tanong ko. pero marami pa ring what if kasi eh.

Alam ko masakit yung nararamdaman mo. pero baka malay mo, hindi talaga alam ni hubby mo?
Sis, maybe you two, needs to talk.  seryosong bagay yun lalo na at may batang involve at isa pa, anak pa kamo ni hubby mo.. siguro alam ni hubby mo pero natatakot sya sa posibleng maging resulta. kung matatanggap mo ba o hindi, kung pipiliin mo bang mag stay or hindi. Sis.. isipin mo din po. kailangan pag tinanong mo si hubby mo e handa ka sa magiging sagot niya sayo or sa magiging desisyon mo. kailangan niyang panindigan yung anak niya. kailangan niyang maging ama sa bata. pero hanggang sa bata lang. oo mahirap. pero, hindi kasalanan nung bata kung anuman ang nagyari kay ex at kay hubby mo before.

i do have the same situation. pero ibang scenario naman. my husband was 10 years ahead sakin. so nung kinasal kami,30 sya ako naman is 20.. pero sinabi niya sakin lahat lahat. as in lahat. ultimo kaliitliitang detalye.
natanggap ko. oo tinanggap ko. mahirap. oo. masakit? hindi. kasi unang una, wala pa ako nung nangyare yun. maybe at his first women, sumablay sya. ako na yung last and forever will be with him. 
difference lang, kami ng husband ko yung nag oofer ng lahat lahat para sa ikabubuti ng bata pero wala padin.  di ko alam kung anong kitid ng isip meron yung nanay nung bata. laging humihingi ng sustento yung nanay nung bata pero in return, di man lang mapahiram sa amin yung bata. si hubby ang nagbabayad ng tuiton fees, everything  and naggrocery rin kami for the childs baon.  even the service sa school. lahat. pero pinagbabawalan pang makita ng daddy niya yung bata. at isa pa pala sis, before, surname ng husband ko ang gamit ng bata, ngayon surname na ng mother niya.by the way, yung anak ni hubby is turning to 13 na. so nagbibinata na.  ang sinasabi ko na lang ngayon sa husband ko, na wag syang mag alala, pag lumaki na yung anak niya, maiintindihan din niya lahat. at makikita niya ang effort mo. malalaman niyang di mo sya pinapabayaan.

12
hi sis lyz1202:

 Sis if ako ang tatanungin mo although i am not a pedia or something.. RIGHT AWAY SIS!..

lalo na kung ganyan ang symptoms na nangyari sa baby mo. serious case na yan sis and dapat ng medical attention. tama si sis annamariemomof3. normal lang sa mga bata ang mauntog, mahulog sa kama, mabukulan. pero kung nagsuka na sya at naging matamlay,, iba na yun sis.

 suggest ko sis, wag na kayo gumamit ng kama. parang un korean style lang na mattres sa lapag. para iwas laglag ang baby mo. mabuti na yung nagiingat tayong mga mommies

13
ahh.. ganun ba sis.. baka nga wala sila stock that time.. yung kyla mae kasi na bibilihan ko sis dito malapit sa amin, madami silang balloons, ibat ibang brands, sizes, saka kung pang indoor o outdoor. e nagtanong lang ako, yung querubin nga una binibigay sakin. e sabi ko kung meron paba iba kasi mahirap yun ibuhol and meron daw. yun qualatex nga yun.

hmm about sa storing.. nagsimula kasi ako mag inflate nun by 6am. inflate-buhol-lagay ribbon- tas kinakabit ko na rin agad.. kung di mo pa siguro gamitin sis, lagay mo muna sa garbage bag. 2-3 days kasi yung tinagal nung balloons ko eh, since sa garage namin yung party.. mahangin lang pero di direct sa sunlight.

14
hi sis nanay ni liam.. try mo sis un. Qualatex yung brand.. pang outdoor sya. pero indoor ko din ginamit eh.. hehe. pero matibay and di sya masyado masakit sa kamay pagbuhol.. meron din yan sis sa kyla mae. may kyla mae kasing malapit samin kaya dun na ako bumili. sa bacoor, cavite

15
thanks mga sis sa thread na to.. successful naman ang ginawa kong balloonderitas for my moms 50th birthday...
and lahat ng guest namin eh pinuri un ballonderitas ko.. pano ko daw kinabit yun.. di nila kasi napansin yung nylon.. hehe.. magic.. and yung iba kinokontrata nako.

its my firts time to make balloonderitas and ang sakit ng kamay ko kakabuhol ng balloon.
"Qualatex" un brand na kinuha ko.9" ata. and sa kyla mae sa bacoor ako bumili.
 since indoor naman ang venue namin
sa garage and may kisame naman kaya di mainitan ang balloons.
nagstart ako magkabit ng 6AM and nagsidatingan yung mga bisita namin by 11.
natapos ako ng 9:30 na.

tumagal naman ng 2-3 days yung balloons..hehe. di ko muna tinanggal eh
titignan ko kasi kung ilang days sya tatagal.. and ayun..

@ Nanay ni liam: sis good luck sa party ni baby mo..
maybe inflate kina ng ballons and then lagyan mo na ng buntot the night before yung party and lagay mo muna sa garbage bag para di sya mamuti.. pati pala sis yung nylon strings mo.para kakabit mo nalang by morning..hehe. tip ko lang sis.. :->


Pages: [1] 2 3 ... 10
Close