Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Lhani

Pages: [1] 2 3 ... 5
1
^ sis anong site yan?

2
Joining..

mga sis try nyo sa www.4shared.com dami ko nakuhang printables dyan..search nyo lang yung character theme nyo and view all nyo muna para makapamili kayo..

http://www.sherykdesigns.com/shop/freebies/cat_4.html
http://www.peoniesandpoppyseeds.com/

dami ko natutunan sa thread na to..sana lang kaya ng powers ko iedit lahat ng printables ko..hehe

3
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 22, 2012, 02:22:39 am »
@ sis jheanne13 update ko lang hindi na po 175/head ang emmanuels 200 na po lowest nila.. :D

4
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 22, 2012, 02:16:36 am »
@ sis jheanne13 nagsend na po sa akin ang emmanuels..tama ka sis ok nga din sila at mura..parang nagandahan lang ako sa package ni ms aileen ng lins catering,pero until now undecided pa din ako kung sino kukunin ko..Syempre hindi lang sa budget ang basehan naten diba pati yung quality ng service at food..kaya nahihirapan akong magdecide.. :-\ :-\

@ sis amieh sis sa Qc po ang venue ko along tomas morato..ok po sana price nila kaya lang medyo mataas din yung delivery charge nila at may 10% service charge pa..nahiya naman ako humingi ng discount kasi noted na dun sa package na sinend nila sa akin na fixed price and no discounts.. :D

mods sorry po kung ot.. :-* :-*

5
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 22, 2012, 02:07:54 am »
@ mommypia medyo pricey po sila sis..hindi keri ng budget.. ;D ;D
enjoy naman mga sis lalo na overwhelming ang mga sp moms na handang tumulong..

6
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 21, 2012, 01:07:28 am »
@ sis greize10 may mga napupusuan na po ako sis (lalim ng tagalog ko ;D) hirap lang magdecide lalo na pag tight ang budget and pinag-uusapan pa namin yung mga details..ive learn my lesson na dapat polite muna ko.. ;D ;D

7
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 19, 2012, 11:27:00 pm »
@ sis babyblair no sis bago ka pa po magpost ng feedback mo about them nakapag-usap na kami ni ms judy then we already settled na yung hindi namin pagkakaintindihan..,Nagulat nalang ako nung nagfinalized na ako ng menu sa kanila bigla nalang silang nag back out..And sa pagkaka-alala ko wala naman akong nacomment na masama tungkol sa kanila nung nag post ka ng feedback mo since ive havent tried them pa naman.

anyways ok na yun sis.. ;) and forget mo nalang yung nangyari sayo..possitive vives nalang tayo.. :D

8
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 16, 2012, 02:13:15 am »
Ang reason ko naman din kaya ko sya pinost is para malaman ko kung ako ba yung mali sa email ko o sila para atleast makapag apology ako kung mali man ako or may nasabi akong naka offend sa kanila..And yung last na pag-uusap namin sa phone ok naman naayos na and nagset na rin kami ng date para maforward ko na yung choice namin sa menu nila and yung dp,i even told them pa na meet up nalang para sa dp at signed contract,nagtanong pa sila kung kailangan ko pa ba ng contract and syempre importante yun.

anyways..tapos na yun ok lang naman..hanap nalang kami ng iba.. ;)

9
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 16, 2012, 01:17:50 am »
hindi po..nagalit sila kasi mausisa daw ako gusto ko pa ng contract. ;D ;D(kidding)
napagusapan kasi yung naging reply nila sa email ko tungkol sa mga negative feedback nila..Wala naman akong masamang intensyon dun at kinokonsider ko parin na kunin sila,gusto ko lang naman maka sure na ok yung makukuha kong caterer sa birthday ng baby ko eh parang minasama yata nila kaya nag back out sila nung sinabi ko na ok na yung mune at ready for dp na..

10
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Caterer:Lola Mamangs?
« on: February 16, 2012, 12:33:42 am »
Lm din sana ang mag cater sa birthday ni baby pero nag back out sila..As a client syempre nagrerely din ako sa mga past clients nila.,and although may mga negative comments about them kinonsider ko pa din sila pero sila pa yung nag back out sa amin..as far as i remember wala naman akong sinabing masama tungkol sa kanila..  :(
now i have to scout again for the caterer.. :( :(

11
Romantic Relationships / Re: kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 12, 2012, 02:51:02 am »
@ mommyangel sana nga po maging ok na kami..kung sakaling maulit ulit yun hindi ko po alam kasi sa totoo lang alam ko sa sarili ko na hindi ko din kayang mag isa like your mother.Siguro bilang isa ng magulang at asawa na din nasaktan lang din yung "ego" ko sa gingawa nyang hindi pag uwi..tama ka sis baka nagkukulang lang ako ng prayer kay god..Ayoko din naman talagang umabot kami sa ganon dahil ayoko din maranasan ng baby ko yung naexperienced ko from a broken family..

@ mamie vera yun po talaga yung pinaka kinakagalit ko yung napapabayaan yung baby namin at yung pag uwi lang ng wala sa oras..Hindi lang po twice yun nangyari yun baka po nasa 10 times na,yung iba lang dun medyo mas maaga yung uwi niya mga 2:00 am..Yung sa pagiinom niya hindi ko naman masabi na alcohol dependent sya kasi hindi sya umiinom during weekdays kasi may pasok,depende nalang kung may bisita or may occassion.Bale weekends (sat and sun) ang alcohol days niya..Wala naman pong problem sa akin yung pag inom at alam niya yun basta sabi ko nga kanya wag lang mapabyaan yung bata at wag magpaka lasing.,kasi nung minsan na umuwi ako galing work around 11:30 pm naabutan ko syang tulog kasi lasing at si baby nasa ilalim ng lababo namin sa room at kinakain yung bottle ng rugby na buti nalang naka close.Pero syempre diba hindi ko din sure kung ano-ano na yung nasubo ng bata.Paano kung hindi lang yun yung kinain niya or may something na makaka harm sa baby.,yun ang iniiwasan ko na may masamang mangyari sa baby namin dahil sa kapabayaan..Kaya sana lang mga sis magbago na talaga sya ngayon,kinakausap ko nga sya lagi para maintindihan niya kung ano yung halaga namin sa kanya..ipag-pray ko ito kay god para maguide niya kami na maging maayos ang pamilya namin.

Sobrang thankful talaga ako sa sp dahil ang dami nyo pong naitulong..Kahit hindi po tayo personally magkakilala lahat natouch po ako sa mga mommies na nag eeffort magbigay ng advice sa mga katulad ko.. :'(
Big hug and kisses po sa inyo!! :-* Advance Happy Valentines po!!

12
Romantic Relationships / Re: kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 11, 2012, 02:52:18 am »
@ sis che oo nga sis may mas mahirap pa pala sa prep ng birthday ni baby.. :D
Nakakapag usap naman na din kami and sobrang sorry daw talaga sya sa ginawa niya, parang nakakatawa kasi gumawa pa sya ng parang promissory note niya with his sign promising na hindi niya na uulitin at magpapaka tino na sya etc etc at kung sakaling maulit daw yun eh tatanggapin niya ng maluwag sa puso niya ang magiging desisyon ko.
Sinabi ko na din kasi sa kanya na gusto ko ng makipag hiwalay and i even gave them his things at naka plastic pa at hindi ko sya pinatulog dito sa house namin lalo na nung time na galit talaga ako..

@sis purplemom sis sana nga po malampasan namin yung mga ganitong pagsubok.With the issue of other woman hindi ko naman inaalis na may possibility talaga dahil kahit anong tali natin sa mga asawa natin kung gustong magloko gagawa sila ng way para magawa nila yun.Sana lang maisip niya yung pamilyang pinangarap namin dalawa..Hirap kasi akong mabuntis at nagpa work out lang kami at alaga ng OB.Kaya sana wag nyang sirain.
sana tumagal din yung relationship namin kagaya sa inyo sis at maging matatag pa kami.At sana tuluyan na din syang magbago for the better..

salamat po sa lahat ng mga sisses natin..parang ang dami ko pong big sister.. big hug po sa inyo..

13
Romantic Relationships / Re: kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 10, 2012, 01:21:16 am »
@ mamie vera hindi naman po ako naghiinala talaga na mayroong iba,pero syempre hindi din mawawala sa akin na mag isip ng ganon lalo nat inamin niya sa akin na nung last dec 30 na hindi sya umuwi eh nagpunta sa sila sa "beerhouse" syempre alam naman natin kung anong ginagawa dun diba?Sabi niya sa akin kumanta lang daw sila dun at naginom,but the fact na alam kong hindi sya mahilig kumanta dahil sintonado ang boses niya, makes me think na may something silang ginawa..And i cant imagine him around those girl lalo na yung haba ng time na nandun sila sa place na yun..Ok lang naman sa akin na mag inom sya.Twice a week ko syang pinapayagan uminom dito sa house ako pa nga ang nagbibigay ng pera minsan at minsan sa bahay nila kainuman si fil..
Ang pinaka kinakagalit ko talaga eh yung napapabayaan niya yung anak namin habang nasa work ako (night shift) para sa barkada at yung hindi niya pag uwi sa oras..

@ sis yhamslove naitanong ko na yan sa kanya sis,minsan nga napapaisip ako na parang ang drama ko na.. :D
Pag wala naman yung mga barkada ok naman sya sa amin at inaalagaan niya si baby ..,palitan kasi kami ako sa umaga ang mag aalaga at pag pasok ko bibigay ko kay mil ng 4:00pm ang dating niya naman 6:00pm kaya sya naman.May time naman sya sa sarili niya kasi pag sunday hinahayaan ko syang makipag bonding sa mga barkada niya.

i asked him space sabi ko dun muna sya sa house nila sa mama niya and two days na syang natulog dun pero ayaw niya talaga kahit cool off, kahapon nakiusap sya sa akin at nagmamaka awa na wag ko daw syang paalisin ng bahay dahil kesyo hindi niya daw kayang mawala kami ni baby.,kaya pinayagan ko syang dito na ulit matulog dahil hindi ko din naman maatim na nagmamaka awa sya sa akin..(although hindi ko alam kung totoo ba yun)..Gusto ko lang kung talagang mahal niya ang pamilya niya ipakita niya sa gawa hindi puros salita..Ako ive never asked him of anything bahay trabaho lang ako,kahit anong yaya sa akin ng mga kawork ko at nung wala pa kaming baby hindi ako sumama kahit once.,Mahilig din akong gumimik lalo na nung hindi pa kami nagsasama at alam niya yun pero tinanggal ko dahil gusto.Hindi ko sinasabing maging ganon sya dahil lalake pa din sya yung konting pagbabago lang para sa pamilya namin.

Mga sis maraming thanks po talaga..Dito lang ako nakakapag labas ng sama ng loob.Wala po kasi akong real friends dito. :D Thanks po sa hug sis..

14
Romantic Relationships / Re: kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 08, 2012, 10:16:53 pm »
thank you so much po sa inyong lahat na nagbigay ng advice..

Sa ngayon ok naman ako at si baby.,Yung ginagawa niya na hindi umuuwi parang naging habbit niya na once a month.,Wala naman po problem sa akin ang mag inom with friends pero yung pabayaan ang baby namin ng ilang beses yun ang hindi ko mapalagpas.With money matter 50-50 kami sa salary niya then ako ng bahala sa lahat ng gastusin sa bahay including baby's needs,monthly ammortization etc  since may work din ako.Wala naman akong reklamo dun medyo mas mataas kasi yung salary ko sa kanya.Ang problem lang minsan pag may shortage ako sa budget hindi ko sya mahingian tapos makikita ko bumili ng sapatos at kung ano-anong pang sariling gamit.Ayoko naman na din pag awayan kasi pera lang daw yun.Minsan may mga time na nagugulat nalang ako may naniningil na sa akin sa tindahan na may utang daw ako ayun pala sa inuman nila.

Hindi po ako yung typical wife na tatahimik nalang,lagi ko syang kinakausap at pinapaliwanagan para maayos at mabago yung problema sa amin.Nung disperas ng new year muntik kaming hindi magsaya dahil sa ginawa niya pero isinantabi ko yun at naniwalang magbabago sya kagaya ng pinangako niya,alang alang sa anak namin sa celebration ng new year.(syempre ayoko naman na habang nagsasaya yung iba kami nagpapaka lugmok dahil sa husband ko.
With my mil wala naman silang pakialam sa amin at lagi lang sinasabi sa akin lalo na si fil na tanggapin ko daw kung ano yung asawa ko at magbigay ako..Lagi ba dapat tayong mga babae ang magbibigay?

Sa totoo lang po masayang magulo ang naging pagsasama namin mula pa ng umpisa.,at lahat ng hirap sa kanila mula sa bahay nila hanggang sa panahon na naranasan kong wala akong kapera-pera sa bulsa at nagaantay nalang sa kung ano ang ipapakain nila ay tiniis ko na.Hindi ko naman po sya totally pinaalis sabi ko sa kanya dun muna sya sa kanila kasi ayoko pa syang makasama muna..Ang hirap po kasi na parang ako pa yung dapat na unang kumausap sa kanya.Ni wala man lang akong narinig na explanation o personal sa sabihing sorry.malambot lang po ang puso ko at aminado akong mahal ko pa sya,pero hanggang kailan ako magtitiis sa paulit ulit na ganitong eksena?

Maraming bagay ang pumipigil sa akin na makipag hiwalay sa kanya, unang una na dyan ang baby ko.Galing po kasi ako sa broken family at maagang namatay ang mama ko kaya ayokong maranasan ng anak ko yung pangungulila sa magulang,pangalawa syempre yung panghihinayang sa masayang pamilya na pinapangarap ko..
At hindi ko pa din sigurado kung kaya ko na talagang mag isa?

15
Romantic Relationships / kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 08, 2012, 03:04:48 am »
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Dapat Pa Ba O Tama Na?

photo by ISTOCK

Hi mga sis need your advice..

Kelan masasabing sapat ang reason para makipag hiwalay sa leave in partner? almost 4 years na kaming nagsasama ng daddy ni baby pero hindi kami kasal until now..Sa loob ng 4 years with him masasabi kong kilalang-kilala ko na sya,And hindi sya ganito nung 1st year ng pagsasama namin.,Madalas din kaming mag away pero napapag-usapan pa namin.Until ng mabuntis ako dun na sya nag start umalis ng bahay ng walang paalam at uuwi ng 4 ng madaling araw or worst maliwanag na at lasing.Ang laging reason niya sa akin napainom with barkada at punchline na ayaw syang pauwiin.Tiniis ko yun mga sis hanggang sa makapanganak ako paulit ulit..Sa daming beses na hindi ko na mabilang yung iba at pinalalampas ko nalang pag nag sosorry sya..Before mag end ang 2011,Dec 30 to be exact hindi nanaman sya umuwi and and pinaka hindi ko matanggap ay iniwan niya yung anak ko sa nanay niya na walang dede at walang susi ng bahay namin.,(nakabukod kami sa mil ko at nagrent near their house)So ang ending nakawawa ang baby ko na 7 months dahil walang madede at nakatulog daw kakaiyak.Pagdating ko after work 11 in the evening nadaanan ko ang mil ko karga ang baby ko at sabi niya inaantay niya daw paguwi ko kasi mahigit 5 hours ng hindi dumedede ang baby ko.Imagine 7 month old baby nakaranas ng malipasan ng gutom dahil sa kapabayaan ng sariling ama.Kaya sabi ko kay mil pasok na kami ng bahay sabi ni mil wala daw susing iniwan.So para makapasok kami sa house namin nagpatulong nalang akong idestrungka yung pinto namin at pinauwi ko na si mil sa bahay nila..Umaga ng umuwi si daddy mga 5am na at inamin niya sa akin na nag "beerhouse daw sila ng kawork niya.(hindi sa sosyal na night club).Imagine mga sis pinabayaan niya yung anak namin para sa walang kwentang yun.,At ayun nag sorry at hindi na daw niya uulitin nagpauto nanaman ako..Last night pauwi na ako after work 11 ng gabi nagtext ako sa kanya sabi ko pauwi na ako.Akalain nyo bang ireply sa akin eh "pauwi kana ba? pwede bang sunduin mo ako dito sa likod ng pegasus,ayaw akong pauwiin ng kasama ko '' at lasing na sya.. ang kapal ng mukha mga sis iadamay pa ba ako sa kalokohan niya,kaya nagmadali na akong umuwi thingking kung ano nanaman nangyari sa baby namin.Ayun pagdating ko nasa house namin si baby at mil iniwan niya nanaman at kauuwi lang nila sa house namin dahil tinawagan niya daw si daddy ni baby ng 9:00 evening na umuwi na at wala na ulit dede si baby dahil walang iniwan at walang susi ng house namin,sabi daw sa kanya pauwi kaya nagantay pa sila ng 1 hour pero walang dumating kaya ipina distrungka nani mil yung bahay namin dahil iyak na ng iyak si baby sa gutom..Hindi umuwi sya umuwi ng bahay namin whole night then nung morning around 7:00 pumunta si mil at pinapakuha yung bag ng daddy ni baby dahil papasok daw sa work at 4:00 ng madaling araw na daw umuwi sa bahay nila mil..Grabe mga sis parang gusto kong sumugod sa kanila at pagsasampalin sya sa ginagawa niya sa amin ng baby ko. Hindi kami tau-tauhan para iby pass lang.At parang sya pa ang may ganang magmalaki at hindi magpakita..
Wala akong narinig na sorry or explanation from him.Pumasok sya ng work ni hindi man lang kami sinilip or pinuntahan kinausap.Hanggang ngayon pag uwi ko ng 12:00 mid night naabutan ko syang nanonood ng tv sa house namin .Parang sya pa yung galit as in walang kahit anong explanation or sorry man lang na parang walang nangyari..Napuno na ako kaya sabi ko sa kanya ayoko na muna syang makasama at umuwi na sya sa bahay nila dahil pagod na pagod na ako,Alam nyo ba unang sinabi niya sa akin "gabi na palalabasin mo pa ako? Bukas nalang! Gusto ko syang sapakin sa sinabi niya sa akin at ipagtabuyan ko sya,kaya ang sabi ko nalang wag mo ng antayin na magkagulo pa tayo..Walang sabi-sabi tumayo sya at kumuha ng gamit niya umalis.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.Kung meron bang iba?

Mga sis sawang-sawa na ako ng lagi kaming ganito.Pinipilit kong maging maayos ang buhay namin para sa anak namin pero parang wala pa rin..Gusto ko na syang hiwalayan pero paano?Paano na ang anak namin?Kailangan ba lumipat na kami ng bahay o lumayo?O dapat ba magtiis ako para sa anak namin at maging buo ang pamilya namin?Dapat ba hayaan ko nalang yung ginagawa niya at balewalain?
Gusto ko ng makipag hiwalay pero hindi ko alam kung ready na ba talaga ako?Kaya ko ba talaga?Paano na ang baby ko malapit na ang 1st birthday niya?Ang gulo na po.
Mga sis need po ng help..Sorry po masyadong mahaba yung story wala lang akong makausap at mapag sabihan para akong sasabog..

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan,payo o kwento..


Pages: [1] 2 3 ... 5