Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Mamie Vera

Pages: [1] 2 3 4
1
Members' Kumustahan board / Re: Anyone? SP Moms in novaliches?
« on: April 30, 2013, 11:16:49 pm »
Hi sisses!

I'm back na. May sine set na EB Fairview-Nova Moms sa SM Fairview..kaya lang wala pang date. Pls check our group FB Page.

https://www.facebook.com/groups/376569289038701/

Hope to see you mga sis.

2
Wellness / Re: Kapag me time na nalulungkot ka, ano ang una mong naiisip?
« on: January 31, 2013, 08:58:37 am »
kumain at mag soundtrip  ;D

3
Labor and Child Birth / Re: Recommended Food After CS Delivery
« on: July 02, 2012, 12:18:13 pm »
after operation sis, naalala ko ang pinakain sa akin mga gelatin yun eh, tuwang tuwa nga ako kasi favorite ko yun  ;D Tapos lugaw at sabaw ng gulay mga 3 days after CS ganon, eh nagsawa na ako. Kumain na ako ng solids, karne, fried chicken yung mga pinagbawal sa akin nong buntis pa..hala kinain ko lahat..cake etc... ;D hayun nag constipate nga ako, nag suppository tuloy ako.

4
Labor and Child Birth / Re: Recommended Food After CS Delivery
« on: June 30, 2012, 06:59:45 pm »
hi sis Cathz ;)

Gulay sis sabi ng OB ko. Lesson learned ko yan ;D, nahirapan din ako dumumi after ko ma CS a year ago. Akala ko kaya niya advice yun para mabilis gumaling ang tahi, yun pala para di mahirapan dumumi.

5
Home / Re: how many hours niyo ginagamit aircon niyo ngayon summer?
« on: June 30, 2012, 06:55:52 pm »
last summer was 6 hours, ngayong tag-ulan na...3 hours nalang, usually sa gabi  ;)

6
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All About Cerelac
« on: March 08, 2012, 07:21:07 pm »
@TS: yes okay na 5 months sa cerelac, although i started with my son noong 6 months na siya. You can try the first stage flavors, nakalagay yan sa lowerleft corner ng packaging (stage 1) 6-24 months.

This is my recent dilemma sa anak ko, 1 year and 5 months na. Aba bumalik sa cerelac.  >:( Kumakain na siya dati ng lugaw, nasa stage na kami na pinapatry na namin yung plain rice. Simula noon, ayaw na kumain, hanggang pati lugaw ayaw. Gusto niya anything basta naka puree. Kaya balik kami sa giniling na bigas haluan ng ulam, kung dry ang ulam, cerelac siya yung stage 4.

7
@sis mickey mom: hanggang 4 hours lang yung gatas pwede,  beyond that panis na.

re: best milk to gain weight, ang sabi ng pedia ko wyeth series daw, promil or progress gold. Mataas daw  kasi calorie content nito. Pero di nagustuhan ng anak ko itong dalawa. Hanggang sa napadpad na kami sa lactum.

8
Natawa ako noong makita ko itong thread nato. Initial reaction ko, Diyos ko matalino kaya yung nag-gupit sa anak ko?  :-[

Ang pamahiin lang na ginawa ko sa pag-gugupit ay yung sa buhok, ilagay daw sa puno ng saging para huwag maging mainitin ang ulo, sa bible para maging mabait at sa dictionary para maging matalino. Sana naman magkatotoo.

But scientifically, I agree na sa genes talaga yang katalinuhan na yan at sabi pa nila mas malaking porsyento raw ang galing sa nanay, ahem! Dapat pala matalino ang nanay, huli na kaya para mag-aral? ;D cheers sisses!

9
joining...

Sabi nila oo, nakakabaliw nga daw pero as they say, wala namang masama kung sumunod at makinig sa oldies, patience is the key.

Mai-share ko lang mga sis, after 1month din ako pinaligo ng nanay at MIL ko. Sumunod nalang ako dahil medyo hesitant din ako maligo noon dahil natatakot ako sa tahi ko, CS kasi ako. Disaster pa yung unang ligo ko. May pinakuluan silang mga halaman-halaman, na naging kulay brown sa tubig. Parang naligo ka sa sapa ;D Tapos pina upo pa ako sa itak habang pinapaliguan nila pamahiin para daw hindi mabinat. Hayun, kinabukasan pa ako nakaligo ng matino.

10
May sipon ngayon anak ko sisses. I forgot to tell his pedia about salinase, though matagal ko na siyang nababasa rito sa SP na effective talaga. Over the counter ba to mga sis?

11
^hi sis ;)

Pigeon toothbrush and toothpaste gamit ko sa baby ko sis. Yes it's safe to swallow. I've been using that since 10 months si baby, wala naman akong na encounter na problema so far. Binili ko ay yung orange flavor, nagustuhan naman niya, kaya di na ako nag try ng iba pang brand. When it comes to toothbrush, pigeon stage 2 pa rin gamit ko. Plan ko magpalit na kasi marami na din siya ngipin.

12
^naku sis, nadala na ako from buying online. I've learned my lesson na, kaya as much as possible actual nalang.  ;) If masira natong ginagamit ko, sasadyain ko talaga sa trinoma. ;D

13
Money / Re: paano mag budget
« on: March 06, 2012, 04:11:24 pm »
anong category po ba ang pinakamagastos?

In our case, food and groceries kami malaki. Lalo na pag umuuwi husband ko at kasama ko siya mag grocery, kung ano ano lang kinukuha like sis burrp's husband.  ;D

I agree with sis khen na habang tumatagal, tumataas din gastusin. Pero kung no opportunity and means for business mag cost cutting nalang. Ito ginagawa ko kung may gusto akong bilhin na medyo pricey at ma-out of budget na ako, sa food and groceries din ako nagbabawas.

Like pwede namang walang juice, chips, chocolates, biscuits o iba pang wants lang. Or minsan sa brand, like pwede namang SM bonus na peanut butter instead of nuttela, yung mga ganong pagko cost cutting ginagawa ko.

14
I am using beabi diaper bag. So far, so good naman. Ang habol ko ay yung maraming pockets. Nagagamit ko rin siya as laptop bag dahil hindi halatang diaper bag siya dahil plain lang siya, isang color, no prints. Sayang lang walang baby couture branch dito malapit. When i checked it on their website, magkasing presyo lang pala sila ng beabi. Sana sinadya ko nalang sa trinoma or mega mall. Yun nga lang pamasahe pa.  ;)

15
Money / Re: paano mag budget
« on: March 05, 2012, 07:27:10 pm »
Hi super mom!

Maraming format sa microsoft office excel pero in my case gumawa ako ng sarili kong format para madali kong ma-gets ;)

Ang ginawa ko sa umpisa, nilista ko muna lahat ng binili namin at pangangailangan. Kung kelan ito binuksan at kelan naubos. Meron akong mga columns na ganito, excel worksheet lang gamit ko.

1. grocery
2. palengke (meat, gulay, bigas, LPG)
3. bills
4. mommy expenses (mga personal kong expenses, load, damit, expenses sa school)
5. baby expenses (milk, diaper, vaccine, toiletries, damit etc..)
6. incidental expenses (mga di inaasahang ginastusan kasama na yung pag i-SM  ;D)

After 3 months of observation, nakita ko na ang flow ng expenses namin (by average), kung magkano nagagastos per column. From then, naka formulate na ako ng budget. May pasobra ako lagi sa incidental expenses kasi di natin alam kung kailan may emergency.

Since then, nakasanayan ko ng ilista lahat ng ginastos ko kahit piso.  ;D Every week chinicheck ko kung nagma match ang expenses ko sa money left from my wallet. Gulo utak ko kung di mag-match.  ;D

Pages: [1] 2 3 4