Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - je_anne

Pages: [1] 2 3 4
1
Can I just rant?

I really really want to have a house of our own na. A couple of months back, I posted here that I've managed to be not too sensitive about the comments of my ILs especially my MIL. Pero promise, this couple of weeks naiinis na talaga ako.

Last night, over dinner, we were talking about mga raket this elections. My hubby and I are both lawyers kasi. My husband told them "bibili kami ng Innova". Hirit ba naman ng MIL ko, "Bakit Innova lang? Eh pareho kayong abogado."

I should have ignored her kaso nairita ako, sabi ko, "Kasi ang Innova, mura na at praktikal pa." Then she became quiet. Buti na lang andun yung FIL ko ang my hubby's siblings kaya hindi masyado napansin yung usapan namin. Naiinis kasi ako dahil ang MIL ko may pagka-inggitera talaga yan. Like yung sa anak ng mga pinsan niya naka fortuner, montero, etc.

Gusto ko sabihin sa kaniya, na kung hindi mo kami inoobliga na magbigay ng pera sa bahay niyo malamang nagkaroon na rin kami ng sariling house etc.

I feel kasi na parang dead weight ang MIL ko. Although, she is retiring soon, parang feeling ko mapupunta lang sa wala ang pera niya. Kaya after dinner humirit ako sa husband ko, wag na lang tayo bumili ng car, maghanap na lang tayo ng bahay.

Fed up na talaga ako living with them. Maraming mga ugali sila na ayaw ko matutunan ng mga kids ko. Kung baga bad example. Mga nuknukan ng chismoso't chismosa. Pati hubby ko na-acquire niya ang ugali nila. Parang lahat ng kamg-anak nila may problema. At feeling nila napak-perfect nilang lahat. Sensya na mga sis, napahaba kuwento ko.


2
Sis NanaylovesAJ - natawa naman ako sa kuwento mo. Wala talagang pakialamanan. Ganyan din ang naging issue ko nung naghahanap kami ni hubby ng names para sa mga babies namin. Kapag may gusto kami, biglang hihirit MIL ko, na bakit yan, etc. etc. Dead-ma na lang ako kasi nakakairita na.

Well anyway, after almost 2 years of living with my IL's , medyo nasasakyan ko na ugali nila. I've learned to be insensitive sa mga comments nila. Mahirap talaga kapag dinidibdib ko kasi medyo taklesa talaga MIL ko. I know she means well naman (SOMETIMES) pero minsan super rude na. I just gave birth 4 months ago and  syempre mukha pa rin akong preggy ngayon. I started to eat less and exercise more, pero bigla ba naman humirit. "Mukhang di ka na papayat". Ewan ko nairita talaga ako. Pakialaman ba naman pati weight ko. Parang hopeless case na daw ako....

Hay I just can't wait to get our own house. SIguro pag malaki-laki na mga babies ko and puwede na iiwan sa yaya nila....

3
Hi sisses. After two years of being pregnant, I have two babies who are 11 months apart, Its time to claim my body back.   I was 110 lbs before I got pregnant with Baby No.1 . Three months later, I 'm pregnant with Baby No. 2.

Since it's the new year, my resolution includes losing weight the natural way, meaning exercise and proper diet. So are there any moms out there who wants to join me in fighting against the bulge? In this forum, we could all motivate each other and not fall off the band wagon.

I'm thinking we could post our vital stats and probably talk about what exercise we have done, food eaten, etc. Any useful tips are welcome.

So I'm starting. I hope that some will join me.

Pre-Pregnancy Weight: 110 lbs
Post-Pregnancy Weight: 150 lbs
Height: 5'0
Current Weight: 150 lbs
Goal Weight: 110 lbs, but if I reach 120 lbs, I'll be jumping up and down!!!

I enrolled at a gym and started using the treadmill. Since, I am 10 weeks post-cs, I have to take things really slow and not push myself and get injured in return. As for the food part, I went back to counting calories, meaning recording all the things that I've eaten. Also stopped drinking soda since last week.

4
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 16, 2013, 03:41:38 pm »
done with week 3..49 weeks to go...

5
Baby Development and Milestones / Re: crying baby...
« on: January 08, 2013, 06:58:59 pm »
Mga sis, I need your help. Ang bunso ko will turn two months tom. Unlike his kuya, grabe kaiyakin ang baby ko. A few weeks after he was born, he went on crying sprees which lasted for hours regardless if na feed sya, na burp, etc. Pina check namin sa pedia, sabi allergy sa gatas and masakit daw tyan ng baby. So we switched milk from Enfalac A+ to Non HA One.

 Naging ok naman si baby after that. Wala na yung mga marathon crying sessions namin. Pero napansin ko parang napa-fussy niya. Like after niya dumede and nagburp, hindi siya mailapag sa bed. After ilang minutes iyak na naman siya. So ginagawa ko binibigyan ko pacifier and then he will fall asleep na. Ganun routine namin. Inom siya milk, burp, then iyak then I'll give the pacifier para tumahan. Tama ba ginagawa ko? Hindi ko alam kung normal ba na fussy ang bunso ko? Kasi ang kuya niya, kapag may kabag lang umiiyak pero after nun the rest of the day, I can leave him sa crib niya and di siya nagwawala unless he is hungry or needs to be changed. help naman mga sis...

6
@jasminekeisha23 - I hope things are doing a bit better now. When I was reading your post, I can't help but remember the pain. FYI nagloko din kasi si hubby before kami kinasal and yung pain sobra sobra. I can't imagine what you went through na buntis ka pa and may one year old baby pa.

tama yung mga sis natin dito, since you decided to stay with him, stop nagging him of the past. Kung naalala mo wag mo na isumbat sa kaniya kasi it would not do anything good. Think about your children magiging traumatic sa kanila yung makikita kayong nag-aaway. SAbi mo nga you only decided to stay for the sake of your children.

Mahirap talaga makalimot. Eventually, you might forget about it. Pero kapag naalala mo, the pain still lingers pero hindi na kasing sakit ng dati. I hope you'll get past the hurt and the betrayal. Good luck sis.

7
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 08, 2013, 06:03:50 pm »
^tama dapat imotivate natin isa't isa and iremind. Kasi minsan sa sobrang busy natin, baka makalimutan natin gawin.

8
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 08, 2013, 04:22:45 pm »
I'm joining this challenge. Thanks sis for posting. Since I'm late ng 1 week, 150 na hulog ko sa alkansya ko.

9
I also had my first massage last friday (8 weeks post-CS). Once I got the green light sa obgyn ko, nag-fly na ako sa spa. I'm super addicted sa massage kaya even when I was pregnant, nagpapamasahe ako sa mommassage. Sayang nga walang hilot dito sa Manila kaya I have to do it sa suking masahista ko.

10
Breastfeeding / Re: Breastfeeding After a C-Section
« on: October 22, 2012, 02:38:21 pm »
Salamat mga sisses for your reply. My question lang ako, if ever na I couldn't physically breast feed him, puwede ba mag-pump and ilagay sa bottle yung milk or would that lead to nipple confusion??

11
Breastfeeding / Breastfeeding After a C-Section
« on: October 11, 2012, 11:14:22 am »
Hi mommies. I just want to ask any tips on how to start breastfeeding after a C-Section. I'll be giving birth via CS due to some complications in a few weeks time and I need all the help and tips which you could share. Thanks in advance mommies...

12
Naku around 4 or 5 months si baby nung  tumigil ang clogged nose niya. Although, he still has clogged nose every now and then, pero he manages to find a suitable position for him. My pedia did not give us any medications kasi hindi naman infection daw un. Since allergic reaction nga siya, talagang change kami ng sheets niya everyday. Good luck and kaya mo yan sis.

13
Regarding sa full bath, I remember na I still do it with my baby. But of course mabilisan lang and using warm water as usual. Sometimes, it helps naman to loosen my baby's clogged nose.

Sabi din ng pedia ko, maybe its because of the temparature din like sa gabi if malamig daw ang aircon. Un kasi naging problem namin sa baby ko, kapag gabi na barado ilong niya. Sabi ni pedia, dapat daw around 24 to 25 lang ang aircon, sometimes kapag sobrang clogged na and iyak na siya ng iyak, we just turn the aircon off na lang. Bumili ka na rin ba na nasal aspirator pang suck ng sipon niya? Pinagamit din kami ng nasal spray para lumuwag yung clogged nose niya. After that kapag may sipon na , we use the aspirator. Medyo kawawa lang si baby kasi iiyak talaga siya. Pero after awhile, he'll feel better na.

Most of the time, I let my baby sleep sa chest ko para medyo elevated sya. Un nga lang nakakapagod na matulog ng nakaupo sa kama, pero kelangn talaga mag-sacrifice. My baby is 10 months now, medyo nawala din yung phase niya na yan.

14
Travel / Re: airplane ride / flying with children / infant
« on: September 26, 2012, 04:36:44 pm »
For those travelling with their babies, here's a few tips I've learned when I travelled with my 4 months old son:

1. Bring a photocopy of his Birth Certificate, just to be on the safe side. I had a cousin who was stopped by the Immigration and had to show her IDs, etc. just to prove na sila parents, lalo na if going abroad.

2. Just bring your diaper bag with you. It should have 2 sets of clothes, in case of  emergencies, wipes, diaper, pacifier, milk ni baby (depending on how long the flight is). Kapag landing and take-off, try to feed the baby or use his pacifier. yung favorite toy din niya, just to entertain him during the flight.

3. Sa luggage naman, eto lesson learned, don't bring too many baby clothes, my baby ended up not using everything I brought with me.Sa diapers, just bring the small pack, and buy na lang there. Same goes with the water, wipes or anything which can be bought there naman.

4. About the memories naman, obviously the younger they are, they wouldn't remember a thing. Tama sabi ni sis na you could show pictures naman when they are older na.

5. Prepare to be verrry tired. Especially, if your little one needs to be carried around pa. Also, I suggest  that you should bring his stroller. Although hassle sa byahe, but you will be thankful kapag you don't have to carry the baby all the time. Kasi kami, iniwan ni hubby yung stroller, ayun we have to carry him lage, kahit tulog sa mga kainan nakakarga pa kasi nga walang mapag-lagyan.

Good luck mga mommies and have a safe and fun trip.

15
Yaya Solutions / Re: Yaya is a Muslim
« on: September 24, 2012, 02:02:14 pm »
Hi, I guess you really have to talk to your yaya about her beliefs, etc.

Tama si sis ahyzeyuh, you need to discuss things like food arrangements etc. Kasi di ba Muslims don't eat pork and if she is really strict sa religion  like would she be comfortable handling food items for your baby which consist of pork, etc. Tapos ikaw din you should let her understand yung mga do's and don'ts mo. Pero I wouldn't be worried about the Ampatuans, kasi kung close relatives sila, I'm sure hindi siya mag-wowork as a yaya....

Pages: [1] 2 3 4