Hi mga mommies. Share ko lang experience ko nung natigil na sa pagdede sa akin si baby..
one week na ngayon actually, last week lang ako nag-start na huwag na siya padedehin sa akin, yun rin kasi ang bilin ng pedia sa amin eh..pansin ko lang kasi na habang lumalaki si baby ko papayat siya ng papayat, ako yung bonggang tumataba, eh dapat si baby ang nataba at ako ang napayat diba. baliktad ang nangyayari samin, so sabe ng pedia niya hindi na nakukuha ni baby lahat ng kinakain ko. sa akin daw napupunta tutal. 2 taon na siya, try ko raw na patigilin si baby sa breastfeed.. so no choice ako, nakakaawa si baby talaga. ang taba niya dati, then biglang payat di ko na kayang makita siyang ganun.. so tinigil ko na kahit nakaka guilty, at nakaka awa-siya, at nagsasabeng "dede mama, dede".. nung unang araw ang ginawa ko pinahiran ko ng calamansi yung dulo ng akin, at nung pinatikim ko sa kanya una iyak siya ng iyak, pero hindi ko rin siya matiis kaya sometimes pinupunasan ko. pero nung 2nd day, dun pinahiran ko ulit ng calamansi, simula nun kapag niyaya ko siya dede siya na mismo umaayaw, at kapag sleep siya mag-isa na lang, ayaw niya rin kasi dumede sa bote, nasusuka siya.. naka ilang subok narin kasi ako dun, so nung time na yun, nasabi ko big girl na talaga siya. kasi sabe niya gatas na lang daw siya sa baso. so yun ang ginagawa ko simula nung day 3 ok na talaga, kapag umaga at gabi lang pag-inom niya ng gatas, then hapon naman, sleep siya mag-isa. kahit nakaka-awa sinubukan ko na talaga. so far ok naman. mukhang malilimutan na niyang breastfeed siya hehe

kung iisipin ang bilis lang pero, nakakatuwa dahil umepekto rin yung una kong naisip na solusyon..kaya sa inyo mommies, goodluck po!