Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - aries_momma

Pages: [1]
1
Pamahiin / Re: Inaaswang ba talaga ang mga buntis???
« on: November 09, 2012, 04:44:08 pm »
sabi sakin ni hubby these kind of creatures cannot cross water or bodies of water kaya rin siguro they cannot go anywhere far.

2
tita ko nun pinagbuntis niya pinsan ko dati nagka-tigdas siya. pinsan ko may sakit sa dugo, di ko sure name nun condition pero bawal siya magkaron ng malalim na wound or cut kasi tuloy tuloy pagdugo niya parang ganun. di ko lang sure kung dahil yun sa tigdas o dahil sa gamot na tinake niya para sa tigdas.

3
ito rin pinag-iisipan ko ngayon, I'm still pregnant pero iniisip ko na kung magwwork pa ba ko after I give birth or help out hubby sa business. Meron ako work ngayon, home based siya madali lang naman pero ang pay is not more than P20k a month. Ayaw din ni hubby magwork ako sa office set up lalo na't bagsak ko callcenter or bpo kasi undergrad ako. Ang hirap lang sa work ko ngayon since freelance wala talaga ako maternity leave, kamusta naman kapag nanganak na ko kaya gusto ko na rin give up yun. ganito lang kasi mangyayari if I decide to go back to work na office set up:

1. kung makahanap man ako work na more than p20k salary ibig sabihin ayaw ko yun nature of work na nasa phone the whole shift, susuko rin agad ako. kung makahanap man akong work na hindi nasa phone expected salary is less than p20k parang hindi rin worth it.
 -- isipin mo kung malaki ba talaga kikitain mo if ever magwork ka. worth it ba yun sweldo sa effort mo sa work? kung ngarag ka tas sa ending di mo mapigilan magreklamo sa sweldo, it's not worth it.

2. kung magwwork ako ulit halos 9hours a day or worse 9hours a night shift ko nun. matagal diba?
 -- worth it ba yun ganun katagal sa work para sa sweldo? sa case ko parang hindi worth it.

3. kung magwwork ako papano yun compensation vs. expenses ko?
 -- yun fare papasok ng work and food mo for work. sa case ko sabi ni hubby ang mangyayari hatid-sundo ako pero kung iba sa case mo mapapagastos ka rin ba if you work?

4. kung tumulong ba ko sa business ni hubby, mas malaki kaya kikitain namin 2? mas okay ba mag manage ng time if I choose to stay at home?
 -- una syempre ang negosyo may ups and downs pero may idea naman na ko sa nature of business ni hubby kaya napakiramdaman kong kapag 2 kaming magtutulungan dun kesa hiwalay na work ako mas malaki kikitain namin AND hawak ko pa oras ko.

Pero case to case basis din kasi yan.. sa set up kasi namin ni hubby he assured me na he can provide for us kahit na di na ko magwork, kung tutuusin tama naman kasi talaga siya kasi siya ang may mas malaking kita sa amin. kailangan alamin mo rin kung sa papasukan mong work ma-compensate ba niya yun oras and efforts mo? kasi para sa akin kung super pagod ka rin sa magiging work mo tas mahabang oras ka sa office tas di naman kalakihan sweldo, worth it ba? yun siguro maganda basis kung magwwork ka or hindi. actually kahit kanino tao naman hindi lang din for mothers applicable yun ganun. lagi kasi dapat iisipin ng tao na kung well compensated ka ba sa effort and time mo. kung sa case mo kaya ni hubby buhayin family niyo that's a plus. kung naghahanap ka naman for self fulfillment and may sarili ka pera pwede ka magpart time work or sideline lang na business.

4
Yaya Solutions / Re: Young or old yaya?
« on: October 18, 2012, 11:41:00 pm »
pinag-iisipan ko rin toh. kapag newborn to toddler nga mukhang mas maganda old yaya kasi sanay na. pinag iisipan din namin ni hubby kung alin kukunin namin, kung yaya ba o helper na all around sa bahay. home based naman work ko pati si hubby kaya lagi naman makakasama si baby except when we really have to go out and do some errands na pwede namin maiwan sa lola ni baby. kapag nakapagdecide na kaming yaya kukunin siguro may edad na pero kung helper tipong taga linis, laba and luto yun mas bata para mautos utusan kong di ako naiilang.

5
I'm on my 33rd week malikot pa naman si baby di lang gaya noon siguro na rin kasi lumaki na nga siya and lumiliit space niya sa loob. pansin ko lang madalas siya maglalaro sa tiyan ko sa hapon mga from 3-5pm gagalaw na siya. saka kapag umaalis si daddy niya tas kaming 2 lang naiiwan super lakas niya gumalaw, sabi nga ni hubby ganun daw si baby kasi sinasamahan niya ko.  ;D minsan kapag habang tulog ako parang ambabaw na ng tulog ko parang nafifeel ko lakas niya sumipa pero di ko sure kung nanaginip lang ako o totoo yun. saka paranoid ako sa umaga kasi di siya malikot, minsan pakikiusapan ko si baby kahit isang sipa lang pinagbibigyan ako. minsan naman basta may hiccups siya kahit di malikot panatag na loob ko kasi alam ko may activity siya sa loob. lagi pala siya may hiccups lately, halos everyday kadalasan pa 2-3x a day, normal lang kaya yun?

6
Money / Re: Your Monthly Budget
« on: October 18, 2012, 10:02:15 pm »
2 palang kami ni hubby pero malapit na kami maging 3 dahil malapit na lumabas si baby. bale ganito budget namin sa ngayon:

food - P15k, dati nga P20k yan kaso may nabasa ako blog online na budget daw nila for 2 adults P8k lang, na-konsensya ako bigla sa laki ng gastos namin. madalas kasi bili kami food sa labas, I tried cooking dami lang tira and when we order food dinadamay din namin brother ko.

electricity - around P5k-P6k, halos magdamag kasi aircon. isang room sa unit naging work place namin. 75hp a/c umaga nakabukas and sa room buong gabi 1.2hp naman yata yun. tapos since we work from home lagi charge ng 2 laptop.

internet - this is a must for us kasi nga we work from home and dyan nakasalalay kabuhayan namin. wi-tribe gamit naminthat's P995+ a month pero we paid for it for a whole year; may promo kasi sila dati na free 3 months kung paid in advance.

phone / landline - since may business dati si hubby meron kami 2 landline from bayantel na pwede dalhin kahit san. isa nasa store and yun isa nasa samin. P500+ per month times 2.

halos lahat ng expenses si hubby ang sagot kasi samin 2 mas nakakaluwang siya. ako rin kasi nagbabayad ng tinitirhan ng 2 younger siblings ko kaya di ako masyado makapagcontribute sa ngayon. next month baka maging P10k na lang budget for food, inuunti unti ko babaan para masanay kaming 2.

7
we'll be welcoming our baby boy 1st week of December, ngayon palang halos tapos na ko magwrap ng Christmas gifts for family and close friends. mawawalan na kasi ako time gawin yun kapag lumabas na si baby. we're so excited kasi gift ni God samin ang baby boy namin for Christmas kaya it's extra special.   :)

8
WAHM.. Sanay na kasi akong may ineexpect na sweldo every month.. Sanay na rin kasi ako nagwwork.. Buti na lang bago pa ko nabuntis naging home based na ang work ko  :)

9
maganda siguro kung gusto mo talaga bumisita punta ka 2-3 days before o after November 1-2. Sobrang dami naman nga kasi ng tao sa ganun dates, mahihirapan ka talaga dahil sa init, dami ng tao and kung ma sakto ngang may ibang tao dun may sakit baka mahawa ka pa.

10
Romantic Relationships / Re: The One Who Got Away
« on: October 16, 2012, 08:42:35 pm »
Buti na lang wala ako niyan. :D Buti I got away from them.

sis winner sagot mo! gantong ganito rin sagot ko. sa mga naging ka-relationship ko si hubby na yun talagang masasabi kong "the one". kadalasan kasi sa mga ex ko pinababa lang nila self esteem ko. kaya nga ngayon kapag nakikita ko mga ex ko kahit sa fb lang naiisip ko, ako angat na angat ngayon dahil kay hubby pero sila? kung makikita niyo mga current relationship nila para silang nag down grade kaya talagang buti na lang I got away from them! LOL

11
Beauty and Product Reviews / Re: your beauty regimen
« on: October 11, 2012, 10:04:12 pm »
I'm in my late 20s, no child yet but I'm currently pregnant, around my 30th week. I had to adjust some of the products I use on my face and body.

Sa face:

1. Wash - I use St. Ives Apricot Scrub, less than P200.00 available in Watsons; mild/gentle version. I use it daily.
2. Tone - Dickinson Witch Hazel toner, less than P300 yata for a big bottle available in Healthy Options; mild lang but effective. medyo mabaho lang siya.
3. Sunscreen / Sunblock - Sunplay SPF 47 around P350 for a small bottle pero matagal naman maubos; oily skin ako kaya instead of using moisturizer diretso sunblock. Medyo may white cast lang siya after i-apply sa face pero give it 5-10 minutes na-absorb naman ng skin. Sa sunblock kadalasan naman talaga sa instruction apply mga 15minutes before going out.

Pages: [1]