Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - krizzia

Pages: [1] 2
1
Weaning, Formula and Solids transition / Re: pediasure complete
« on: October 19, 2013, 10:39:15 pm »
pano scoop nito? 1:1 ba? pwede ko na ba ipatry sa baby ko kahit 11month
s palang? pwede ko din ba ipagsabay ang pediasure at propan syrup? naguguluhan ako sa preparation nito kasi may nabasa ako na once a day tama na ang 8oz na pediasure and the rest yung milk na talaga niya like gain,promil etch.

2
Haayy.. i need help.. 8 months na baby ko pero parang may mali sakin. Nung nanganak ako ang dali kong mairitA at nawalan ng gana sa sex.  Parating partner ko ang nababalingan ko, konting mali lang niya o may di ko gustong ginawa niya nagagalit na ako. Feeling ko ako lang ang gumagawa o nag aalaga sa baby namin. Lalo na pag ako nag aalaga tapos makikita ko nag ca candy crush yan nako magdadabog na ko kasi di man lang maisip na tulungan ako. Tinetext ko si mama tungkol sa nafefeel ko tapos sasabihin ng partnerbko kung ano ano daw tinetxt ko. Hindi sya supportive sa mga gantong bagay. Hyper baby ko tapos muntik ko ng mapalo sa kulit, butit napigilan ko. Madali akong magalit. Di ko alam kung PPD to o PPSS.

3
Weaning, Formula and Solids transition / Re: Bonna Milk users
« on: August 14, 2013, 12:18:16 pm »
Hi mommies! Im breastfeeding abby for 1-6 months then 6months nag try ako mag mix kc nhirapan na mag gain ng weight c baby.we tried promil gold with heraclene wala effect. Then gain plus advance wala padin effect. We switched to bonamil, natural ba na yung poops niya mdyo watery na may bubbles?? Hmmn.. baba kc ng timbang niya, nung 7 months sya 6.45kgs. lang.3 months na syang stock sa 6kgs.
.pero supet hyper c baby.

4
Hi sis. Same tayo Ng problems. 4 months na din baby ko and halak din Lang naman problema ko Dati.nag sneeze din sya ang konting ubo pero Hindi big deal samin yun Kasi bihira Lang.unang nireseta Ng pedia niya  allerkid for 14 days .6ml every 6pm at nasoclear pero walang nangyari. Dinagdagan niya Ng salbutamol (asmalin) 1ml every 9am-3pm-8pm  Kasi may wheezing sound na saw, continue spray Lang  ulit Ng naso clear at allerkid.. Nagstart sya Ng salbutamol nung isang araw tapos pagka umaga mga bandang 12noon i noticed parang may slight fever sya. Pinainum ko padin Ng pang 3pm then pag 6pm kinunan ko sya Ng temperature nasa 37.4 d.c. Continue padin Yung salbutamol tpos kanina paggising ko na mga 3am kinunan ko ulit Ng temperature nasa 37.8 at ngayon nasa 38.4 d.c. Na. Sabi ni partner wag na daw muna namin continue lahat Ng nireseta Ng pedia maliban sa vitamins niya (nutrilin & ceelin) obserbahan na Lang daw muna namin Kasi di namin Alam kung sa init Yung fever niya Kasi may heat rash din sya ng konte sa batok niya o di kaya ng katawan niya mga gamot. Breastfeeding sya. ayaw ng pedia niya mag antibiotic Kasi d pa naman daw necessary. Pulmo-pedia ang pedia ni baby.. Nakakastress ang sitwasyon natin no? Sana maging ok na babies natin..pray lang tayo sis.update ka po tungkol Kay baby mo.

5
Mahaba habang kwento ito!  Actually sa tita ko ito problema. She's a Single mom, naaawa lang ako kasi hindi na niya alam ang gagawin niya..yung dadi ng anak niya wala ng pakialam sakanila matagal na tapos nagkaroon siya ng boyfriend hanggang sa naglive in sila kasama nila yung anak niya. Problema kasi hindi pa niya alam yung talagang ugali ng lalake, sinasaktan siya pag nagagalit hanggang sa nagka baranggayan tapos ok nanaman sila tapos nangyari nanaman ulit. Then nag decide yung tita ko na mag abroad, hindi ko alam kung ano yung pumasok sa utak ng tita ko kasi iniwan niya yung anak niya dun sa boyfriend niya tapos nalaman namin na wala na pala sila..pinapadalhan ng money ni tita yung pinsan ko tapos dun niya hinuhulog sa account ng ex bf niya. . saksi ako dati sa closeness ng mag ina,.as in super hug parati yung son niya skanya kasi mama's boy,kala ko nga dati magiging gay yun.hehe.pero ngayon nagbago na.mag gegrade six yung anak niya nung umalis sya (1 year palang siya ngayon sa riyadh.) .one time tinext niya ako pati cousin ko na mag attend kami ng graduation ng anak niya kasi daw yung family ng ex bf niya sinasabihan daw yung anak niya na "Walang representative yung family mo, pinabayaan ka na nila". nag attend kami that time, tapos kinausap ko siya, sabi ko o magstay ka na sa lola natin kasi diba dun ka mag aaral.tapos ayaw daw niya, mas gugustuhin pa daw niya magstay sa pamilya ng ex bf ng tita ko kesa sa relatives namin(tawag niya sa ex ni tita ay tito). .sabi ng tita ko pinapauwi daw niya yung anak niya dun sa lola namin para magbakasyon ayaw daw pauwiin ng ex bf niya kasi kung uuwi daw un alam niyang hindi na mkakabalik skanya yung anak ni tita..sabi ng ex bf niya saknya hindi daw makukuha ni tita yung anak niya kasi sya daw ang naghirap..mas lalong naging myabang yung ex ni tita nung nag graduate yung pinsan ko, nagka award kasi pinsan ko (1st honorable), sabi ng pinsan ko sakin, mas mbuti palang wala dito si mama kasi nung umalis si mama ska ako nagka award.nkakainis diba?  ano kaya magandang gawin ni tita?gusto na nyang makuha yung anak niya,.yung kapatid ni tita na lalake hindi naman matapang yung loob tapos yung isa niyang kapatid may problema din.so siya lang talaga.humingi sya ng tulong sa lola ko at ang sabi ng lola ko wag na daw munang paalisin dun yung pinsan ko kasi malulungkot daw ex ng tita ko. :o Palibhasa nung pumunta yung ex ni tita kina lola kasama pinsan ko kasi namatay si lolo aba at sagad sa buto ang ka papelan. bihira nalang magtext skanya yung anak niya ngayon..ano kaya mganda niyang gawin para mabawi niya yung pinsan ko?? ilap na din kasi samin yung pinsan ko at hawak nung ex bf ni tita yung cp ng anak niya.  help po..  :-\

6
may tanong lang ako,kasi nagfile ako ng mat1 employed pko then innaccept naman nila at before ako manganak  (7mo's) tyan ko separated na ko. after ko manganak nkapagfile na c partner ko ng para sa mat2 ko and inaccept ulit nila. pabalik balik nga yung partner ko kasi sabi ng sa sss magka iba daw yung nag pirma sa non reimbursement ko at yung sa certi of separation kaya kelangan daw ng specimen ng dalawa, nung sinabi ko sa ofis ko ang ginawa nila yung  pinalitan nalang nila yung sa non reimbursement at yung pinapirma yung general manager namin kasi sya naman nakapirma dun sa certi of separation. nov. 30, 2012 ako nanganak at natapos ni hubby maifile lahat.. i checked online kahapon lang kasi til now wala pa kong natatanggap na checke. may amount na sya pero sa Status/CHK No. "DENIED"
as of 03-04-2013.

action taken :     **DENIED**  As of  03-04-2013
Remarks :   NO L-501 ON FILE. PLEASE SUBMIT SPECIMEN SIGNATURE CARD OF YOUR AUTHORIZED SIGNATORIES. * wrong key-encoding

ano nnmn kaya to? ::)  til now wala pa kong natatanggap  na letter from sss.

7
Sa center namin libre Yung 5in1, opv at Rota..khapon pangalawang shots na ni baby ng 5in1 at opv. Sa march 7 naman ang balik namin for Rota 2nd shots din..tipid much talaga pag sa health center muna..tama mga ibang mommies dto na dapat mging mbait ka skanila..kami kc every sked Ng vaccs may susundo na smin ni baby from the brgy.pag wala na msyadong pila Para d na hassle.  :)

8
Pregnancy Health and Nutrition / Re: UTI
« on: February 26, 2013, 12:19:49 am »
Cefuroxime Yung nireseta Ng ob skin nun, every 4 hrs. For 1week tpos pa urinalysis ulit, ayon at ok na. nasa 2nd tri nko nun..tpos water talaga, buti nalanh at malakas ako sa water nung preggy ako.

9
Real Parenting / Re: Anong feeling ng first glimpse sa baby mo?
« on: February 22, 2013, 08:15:03 pm »
*Did you feel an immediate bond with your baby, or did it take a little while for you to connect?
honestly hindi instant e although nung lumabas sya at pinatong sya sa may parting tyan ko hinawakan ko at sinaway ako nung nurse, wag ko daw hawakan.oras din yung tumagal bago nag sink in sakin,  :o 

How did you feel when you saw your baby for the first time?
 8hrs. labor ko at no painless kaya exhausted nko sobra...halo halo kasi naramdaman ko e, excited, takot, happy at habang tinitignan ko sya nung time na un nasa isip ko bat wala atang nakuha sakin?hihi..

Did you feel a bond with your baby before he/she was born? If so, how did you feel about him/her?
same with sis baby rose kahit sa tyan ko palang kinakausap ko na sya..tinatap ko yung tyan ko (mahina lang) at magreresponse sya, gagalaw sya.. :)

What is the best advice you can give to a first time mom?
since kami wala sa plano yung pag bubuntis ko, advice ko nalang ay wag magmadali, it's harder than it looks..pag may baby kina everytime na magpaplano ka you always has to think twice, kasi c baby sa plano mo parati..enjoy nalang every sec. of it. parati kong sinasabi kay baby na i love you cmula palang sa paggising niya sa umaga til matulog (she's turning 3months)

ngayon we're happy coz we know we did the right thing na panindigan, everytime na tinitignan ko mga pics ni baby nandun yung feeling na masaya, nkakaproud, npapaluha pko  ;)

10
ok na sana kay baby yung sa bottle inistop ko pa kasi tinamad ako kaka pump at nagka mastitis ako..ngaun tuloy d ko na mapa wean..ang hirap kasi super crayola ang baby ko, kaya di ko matiis, to the point na umuubo na sa sorang iyak pagganyan iiral na yung awa ko tpos papadedehen ko na sya sa dede ko tpos mkikita ko c baby mkita palang niya yung dede ko parang ng sasakmalin, yung tipong d mo pinakain ng ilang araw na sobrang gutom.pagganto na nakikita grabeeee nakaka guilty ng sobra! :'(  .(turning 3months c baby .)  may work na kong nireject twice kasi d ko pa nawewean c baby sayang yun kasi direct hired na sana..ok naman sana kung sa breast lang at kahit d ka magtrabaho kung may makukunan ka naman na income, pero kung wala ang hirap.ginagawa pa kong human pacifier sa gabi pag matutulog.hehe.

11
Sleep Training / Re: Where does your baby/toddler sleep?
« on: February 22, 2013, 02:53:06 pm »
c baby kahit may crib sya di namin sya pinapatulog sa crib niya kaya sayang lang...d kasi kami kumportable pag sa crib lang sya kaya parati syang nasa gitna namin. she's turning 3 months.

12
Sleep Training / Re: vitamins na nakakapahaba ng tulog ni baby.
« on: February 22, 2013, 02:48:22 pm »
^ c baby ko nutrilin din and ceelin ok naman tulog niya,..before sya mag 2 months(d pa sya nagnunutrilin) ok na tulog niya sa gabi hanggang ngaung mag 3 months sya..pinaka mhabang tulog niya nung nagtake sya ng nutrilin ay 6hrs. ginising ko pa nga para padedein kasi breastfeeding sya.mdaling maka busog pero madali ding magutom ang baby pag breastfeed..gabi ko sya pinapainum ng nutrilin at sa araw naman ang ceelin..mga quarter to 8 in the eve yung nutrilin, matutulog sya after tpos gigising naman after 30 mins..paputol putol muna tulog niya then pag 10pm start na ng mhabang tulog niya mostly 3-4 hrs.gigising para dumede then tulog na..gigising na pag 9-10am.

13
ako try ko nalang pag nag 6 months sya..mag 3months plng sya sa katapusan..direct bfeed ako kasi ayaw niya tlaga sa bottle..nung 3weeks palang sya nacarry niya pero nag ka mastitis ako kaya stop muna ako sa pag pump at nung time na try ko ulit bottle ayaw na niya..kaya sana pag dating niya ng 6months d niya ako pahirapan..hihi..d rin kasi ako makatrabaho e.

14
Hi sis. Of course tatalab Yung BCG kahit d mo iwarm compress.ky baby Abby d ko naman sya nwarm compress nung sa BCG kc wala naman nasabi c doc. Nung nag 5in1 niya ska ko lang na warm compress advice nadin Ng pedia niya Para reduce soreness, you can bicycle your baby's leg din to help bring relief :)

15
NSD with episiotomy. Quarter to 3am pumutok panubigan ko nsa 2cm palang ako tpos they ininduce nila, no painless ako. thank God at bumaba naman c baby, at 10:31am lumabas sya. Pero before sya lumabas na catheter muna ako sa delivery rum Kasi di mkalabas c baby sa sobrang Dami na Ng ihi ko  >:( antagal nila maubos Yung ihi ko, ms madali pa Yung pag ere ko kesa sa pag drain.hehe.may nagpupump din sa tyan ko while umeere ako :)

Pages: [1] 2