Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommyonsale

Pages: [1] 2 3 ... 10
1
Single Moms / Re: Am I considered as Single Mom
« on: January 27, 2015, 09:56:02 am »
Totally wreck na... Ngayon mga in laws ko nanghihimasok na.. Ginugulo na kami ng mga anak ko. Hindi daw sya titigil hanggat hindi niya nakukuha custody sa mga anak ko... Grabe na pang aabala nila samin.

2
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: November 25, 2014, 07:58:35 pm »
we are totally broke na.. no communication at all...

3
Single Moms / Re: Am I considered as Single Mom
« on: August 31, 2014, 09:56:09 am »
i'm from Makati po...

Yap mga sis ngaun kinakaya ko na... may mga panahon talaga na inaalala ko sya dahil sa mga anak namin pero hanggang dun na lang yun... I am staying na with my parents.. umalis na ako sa kanila. Way ko na din yun kasi alam ko naman na kakampihan sya ng in laws ko since nung una pa lang ganun na nga yung nangyari...

4
Single Moms / Am I considered as Single Mom
« on: August 26, 2014, 08:11:08 am »
Last October nagsimula ang lahat ng kalbaryo ko sa ama ng dalawa kong anak... lAST 2 YEARS AGO nangibang bansa ang ama nila ok kami as in walang problema meron man pero nasosolusyunan pero last November unti unti ng nawawala sa amin ang kanilang ama. Andun na yung unti unting nawawalan ng oras hanggang sa ngayon tuluyan ng nawala at gumagawa pa sya ng paraan para totally no more time kahit sa anak namin... wala ng skype wala ng call as in lahat wala na maliban sa hindi pa naman sya pumalya sa sustento nalelate lang kung d pa tawagan hindi maipapadala kesyo delay ang sahod to think na in the middle of the month na yun... marami akong pinagdaanan sa kanya sobra.. yung hindi pa lang niya pag amin na may babae sya ikinaloka ko na samantalang lahat na ng signs nasa kanya lahat na ng pagbabago ginawa na niya... Balewala na nga kami sa kanya even our kids hindi man lang niya makamusta  o tawagan man lang.. kung ako ok na sakin na wala na kami kasi tanggap ko na at tatanggapin ko lahat pero sana wag naman sa mga anak ko... ikinahihina ng loob ko na mawalan ng ama ang mga anak ko... Yung panganay namin masyadong malapit sa kanya as in gustong gusto na sya makasama ng panganay namin.. yung bunso ko 3 months pa lang nung umalis sya kaya di man lang sya nakalakihan and he is searching for his dad ngaun... kapag hawak yung cellphone ko laging kinokol niya sa viber dada niya kaso nakaoffline palagi o hindi sinasagot kapag online to think na 2 years old pa lang c bunso... naaawa talaga ako sa mga anak ko pero wala akong magawa... Pero sa araw araw na pasakit nagiging manhid na ako at hindi ko na sya hinahanap hanap nasasaktan pa din ako OO pero tapos na para sa akin ang lahat... I am working now for them though 50/50 kasi kung mabibigyan ng sustento pa baka hindi na maisipan magpadala nun sa susunod na buwan. I know where I stand... Hindi naman kami kasal kaya hindi na ako maghahabol pa ang akin lang change for the better para sa mga  bata... gusto ko lang ng PERIOD kasi till now nakahang eh.. hindi official kasi hindi naman sya nagpaparamdam simula pa nung JUne puro ako nakontak pero magkausap man laging away o init ng ulo niya kaya malamang way niya lang yun para itigil ko na komunikasyon ko sa kanya kasi nagsasawa na din naman ako kaya ako na mismo ang tatapos nito kung DUWAG syang harapin ako at ang mga anak niya... I am considering myself as single mom mas may peace of mind ako kasi hindi ko iniisip ang problema ko sa kanya sa halip nagbabago ako para sa mga anak ko.. Para magkaron ako ng tamang desposisyon sa buhay kahit iniwan na niya kami ng biglaan.. Naiintindihan ko naman na dahil kahit saan may tukso lalo nat malayo sya... Masaya na sya kaya i leave it all for the sake of my own...

5
hello po sakin po tanng ko na din..

June 19 at July 21 po yung dates ng una kong araw na nagkaroon and it always last for three days... Ask ko po tuwing kailan ako safe na makipag DO sa asawa ko kasi never kami gumamit ng contraceptives puro withdrawal lang kaso after 4 years nabuntis ako sa bunso namin and now ayaw ko na po kasi masundan yung dalawang anak namin... Kindly help po...

6
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: July 23, 2014, 06:58:43 am »
Hi mommies... As of now nawalan na po Ako ng gana... Pinababayaan ko na.. Mahirap mamalimos ng Oras Sa taong inuubos ang Oras Sa Iba... Anyways mommy I'm happy now... Hoping na makaya ko pa...

7
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: January 30, 2014, 07:06:27 am »
Hello mga sis.. Bakit ganun hinahayaan ko na nga si hubby bakit parang naglilihim pa sya? Last Saturday morning magkausap pa kami NASA pakain sila ng amo niya but then pagdating Nung gabi bigla sya nagsabi na NASA birthday party sya pasensya na daw at di niya nasabi.. So ok na Ako wala Sa akin yun Kasi inaapply ko na yung maging ok kami.. His freedom na lumabas at Kung kailan na Lang sya May time ok Lang Sa akin kumbaga lahat ok na para walang away ganun but then I found na yung pinabili niya Sa akin na gelatin ginawan niya ng cake yung babae niya na kawork... My God nasasaktan po Ako nagseselos po Ako mga sis... Bakit ganun si hubby? Tapos nagpabili pa Sa kanya yung kawork niya ng MYra e tapos Ako din bumili dito Sa pinas nun para Sa babae pero binayaran naman... Ngayon I don't message him Kasi aawayin ko Lang sya.. Pero diba dapat di naman sya ganun as ibang babae Kung Ako nga di niya nagagawan ng cake pag birthday ko though alam ko na dun lang natuto si hubby Sa Korea gumawa ng cake.. Haysssss ang sakit sakit ng puso ko...

8
Your Health / Re: Cancer after giving birth
« on: January 16, 2014, 10:14:17 pm »
Sis ahyzehyu try mo painom Sa mommy yung hemohim... May cancer survivor nag take Nyan... Korean herbal meds sya sis..

9
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 11, 2014, 09:18:42 am »
Ako mga sis sumali Sa pinsan ng asawa ko 400 a month kinuha ko 10 heads so 4000 a month kc if ever mangailangan Ako pwede umutang pero by the end of the year buo prin yung hinuhulog ko tpos mag iincrease p depende Sa umuutang.. Last year daw kc 3000 ang naincrease.. Tpos gagawin ko pa tong 52week money challenge...

10
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: December 29, 2013, 11:25:00 pm »
Go for this ipon na... Go go go... Aja Aja Aja...

11
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: November 26, 2013, 03:21:56 pm »
Sis Akosibulinggay tama ka Kaso Sa ngayon ewan ko ba bakit ang tigas ng puso ko.. May times na gusto ko ng kausapin sya pero pag magtatype na Ako dinidelete ko din.. Para kasing di ko na siya kilala eh. Yung tipong gusto kong iparealize sa kanya na Meron pa pala kami na binabalewala niya. Lahat ng advice Nyo nag sisink in naman Sa akin gusto ko na gumawa ng move.. Kaso napanghihinaan Ako ng lobo Dahil malapit na naman ang byernes at malamang na may excuses na naman sya... Oo sis masakit sa dibdib sobra. Pagbati kami inspired na inspired Ako sa lahat ng bagay pero ilang Araw Lang yun Kasi pag dating na naman ng pa weekend wala na crazy time na...

12
Noong pinagbubuntis ko first son namin kabilin bilinan ng Ina ng asawa ko wag na wag magpapakasal Sa akin kahit anong pilit ng magulang ko edi ayun ng Dahil Sa Hindi kami nakasal. Puro Plano Lang sya dapat year 2011 Nung November 11,2011 kahit Sa civil lang sana Kaso Nung May 18, 2011 I found out na buntis Ako Sa 2nd child namin. Inuna namin pampaanak ko hanggang sa umalis sya 2012 nag iipon pa din Kaso walang maipon... Hayssss...

13
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: November 26, 2013, 07:59:31 am »
Thank you sis Sa reply. Ganyan nga reason niya Sa akin palagi lahat ng sinabi mo ganun ang pagkakasabi niya Sa akin. Kaso sis ganun ba yun sa padala nakasalalay Kung may kalokohan ng ginagawa?  Paano naman yung dapat na time  niya Sa akin eh nawawala na. Last last week sis yung paglipat ni mama Mary dun Sa Kasama niya Sa Bahay then last week pag tawag ko totoo naman na nagmisa si father sa kanila after that nagkatime sya na para kausapin Ako then Ito ngang sabado umariba na naman. Ako lagi huli Sa priority niya na may Oras sya tapos ngayon nagmemessage sya sa fb na parang walang nangyari na normal lahat.. Nakakainis na! Pinipigilan ko Kasi sarili ko na sumabog kaya Hindi muna Ako nakikipagcommunicate ngayon. Nasasaktan Ako Sa pinaggagagawa niya. Kahit San naman tingnan sis Ako ang nadedehado. Masakit na ulo ko Sa kakaisip Kasi wala akong magawa Dahil malayo sya. Kumbaga may sarili syang Mundo at Sa mundong yun wala kami Hindi kami kasali sis.

14
Romantic Relationships / Wala ng time si OFW husband
« on: November 26, 2013, 01:20:48 am »
Good eve mga sis.. Sa totoo Lang Hindi Ako makapagcompose ng story regarding Sa pain na nararamdaman ko ngayon..lutang Ako sobra. May dalawa kaming anak na lalaki. Isang 5 years old at isang mag 2 na Sa December. SAHM Ako. Walang ginagawa Kundi mag alaga at antayin mag online ang partner ko. Here is the story...

On and off ang argue namin ng partner ko.. NASA Korea sya dun ang work niya.  Nung una almost 3 weeks kaming walang communication Dahil Sa nag away kami regarding Sa  nabasa ko Sa fb niya. It's about other woman. As in naghiwalay kami. Inexplain niya na Mali pagkakaintindi ko Sa message Nung friend niya etc. Then nagpadala sya ng bulaklak kumbaga nanuyo sya at nagsabi na wala naman talaga. May tumawag pa Sa akin na kacommunity niya na wala naman talaga at May Plano si  partner Sa akin Sa Amin na kukunin Ako magwowork dun at dun n din magpapakasal. Naging ok kami uli. Kaso wala pang isang Linggo heto na si partner naging ok kami Wednesday nagpaalam ng sabado na aalis so ok lang Sa akin pinagbigyan ko the next week ganun na naman... Hanggang as every week na Lang kada darating ang weekend eh may pupuntahan syang gala... So last last week nagkaroon Ako ng prob dito Sa Bahay ng Dahil Sa maid so minessage ko sya na mag online sya ASAP Kasi I need to talk to someone edi Ito na late sya nagreply mga bgo 12am SO nagalit Ako... Ang point niya Sa akin nagpaalam daw sya Nung huwebes na dadaalhin si Mama Mary dun Sa Kasama niya Sa Bahay. Ang akin mga sis di naman ganun katagal yun. Christian Born Again sya mga sis. Kesyo sya daw ang ka close ng mga un at Hindi yung Kasama niya Sa Bahay at eto pa kinagalit ko sya pa ang punong abala.. Nga pala mga sis babae yung Kasama niya. Hindi sila related at isa yun Sa pinagseselosan ko at yun din yung tinutukoy ko na other woman. Pabahay Kasi ng company un. Biruin mo mga sis sya pa namimili Sa grocery ng ipagluluto Nung babae haysss kainis kapag naaalala ko! Sya ang nagluluto samantalang yung babae eh bibili Lang ng luto na. Edi un na nga po hanggang Sa nanumbat sya regarding as pagsisimba ko Katoliko po Ako. Parang nadurog puso ko nun mga sis nagsismba naman po Ako marunong naman po akong magdasal alam kong kulang pa ko Dahil di Ako nagbabasa ng bibliya pero Kung makapagsalita sya at that time parang isa akong hudyo hayssss.... Then tumagal yun ng mga one week pero nagpakumbaba na Ako Kasi nagsasawa na Ako Sa paulit ulit Lang na pag aaway namin every week I mean inaaway ko sya Dahil sa mga actions niya na pagbabalewala niya Sa akin Sa Amin. So Nung Friday ok kami nag usap pa kami ng matagal hanggang Sa kinabukasan sabado pag bukas ko ng fb ko nagpaalam na aakyat daw sila ng bundok so sige ok Lang..  Tinawagan ko Sa cp niya NASA bundok nga pero Kasama niya yung ka work niya na dalawang babae meaning umeksena nanaman itong si Kasama niya Sa Bahay na girl.. So sige ok Lang walang malisya Sa akin Kasi kapag kausap ko naman sya eh diring diri sya Sa babae Dahil May Amoy daw.. At bago pa namin ibaba ang phone pahabol pa niya Skype daw kami Sa gabi na yun.. Eto na nag online na Ako Nung gabi sabi niya mi Ako naman sagot ko y sagot niya pasensya na mi andto Ako kina ( Sa Bahay Nung kacommunity niya na tumawag Sa akin) birthday pala ni (which I don't know him) Ako ah ok (pero super disappointed galit na Ako mga sis naiiyak na as in gusto ko na sya murahin) then nagreply sya na parang normal lang na San ka na ngayon Sagot ko Sa Impyerno! Ang reply niya yung thumbs up icon Sa fb.. Ang hinihimutok ko mga sis mas Inuuna niya na mga kaprichuhan niya gala piling binata ang peg niya kapal ng Mukha samantalang Ako heto nag aalaga ng mga anak namin umiikot Lang ang Mundo ko sa kanila. Wala ng ME time. Samantalang sya pasarap Sa buhay.. Oo nagtatrabaho sya don katumbas yun ng pag aalaga ko Sa mga anak namin 24 hours walang restday.. Ang akin lang kailangan ko pa ba manlimos ng Oras niya.. Nasasaktan na Ako as mga pinaggagagawa niya.. Kahit anong pilit kong ipaintindi Sa sarili ko at Sa utak ko na wala sya other woman yun ang sumasagi Sa isip ko Dahil Sa pinararanas at pinararamdam niya Sa akin na dati mga sis Ako pa nagsasawa na kausap sya Kasi wala akong magawa Sa Bahay Dahil lagi ko sya kausap Aba ngayon Hindi mo na mahagilap abangan mo pa dapat na minsan puti na mata ko kakaintay... Hayyyyy naiiyak na Ako... Di ko Malaman Kung may babae na ba sya o sadyang hobby na niya gumala at mawalan ng time sakin! I need advice mga sis... Mababaliw na Ako.. As in di Ako makaconstruct ng message sana naiintindihan Nyo po Ito... Kailangan ko po ng makakausap para mabigyan Ako ng payo o maadvicesan Ako... Ngayon simula pa Nung sabado di Ako nakikipagcommunicate as kanya Dahil ginagawa niya Lang akong t*nga. Every week na Lang... Naiisip ko tuloy na sinasadya niya ko galitin ng Friday para mapagtakpan ang gala niya para Sabado or Linggo.. Nakakapagod na kasi every week na Lang tapos Ako si t*ngang tatawagan sya para maging ok na Lang tapos mauulit na naman... Hayyyyy I need help...

15
Good day.. I have here a yaya 17 y.o. She's from Mindoro but she's with me now... Kindly pm me for those who need yaya.. Thank u

Pages: [1] 2 3 ... 10