Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Hinata

Pages: [1] 2 3
1
Hello mga mommies! I hope someone can help me. One time kasi hindi naubos ng baby ko ang milk niya, he is one and a half years old na and ang ginawa ng mother in law ko, nilagay niya sa ref ang milk. Reheat ko na lang daw sa microwave pag ipapadede ko na. Sabi ng pedia ng baby ko 4 hours ang itatagal ng milk pero after that hindi na pwede. More than 4 hours na kasi nakalipas nung tinimpla ko un milk, kahit na nasa ref pa sya, kaya di ko na pinadede.

Ginagawa nyo rin ba ito? Yung nilalagay sa ref un natirang milk ng baby nyo and then reheat sa microwave pag ipapadede na? next month pa kasi ang balik namin sa pedia, kaya I dont know kung safe gawin ito or hindi.

2
Health and Nutrition / Re: OGTT Rate?
« on: January 17, 2014, 10:08:12 pm »
Hi sis happiemom. I think SOP na ng mga OB ang mag request ng test na ganyan. May family history kasi kami ng diabetes and 30yrs old na ako nung nagbuntis ako, so I'm more at risk daw according sa OB ko. Pero nagulat ako sa sinbi mo na hindi ka nag OGTT, since pareho naman tayo 2012 nagbuntis. It doesn't necessarily mean na dahil pinakuha ka ng ogtt ay may problem na sa pregnancy mo, just to be on the safe side lang. Kasi pag may gestational diabetes ka at hindi mo alam, un babymagiging malaki, may risk din na magkaroon sya ng diabetes and magkakaroon ng complictions sa pregnancy ang mother, may possibility rin na mag eclampsia sya.

Ang range nyan mga 500 to 800, depende kung sa diagnostic clinic or sa hospital ka magpagawa ng test. Sana nakatulong explanation ko.

3
Daddy Department / Re: Surprise birthday gift for my hubby
« on: January 10, 2014, 09:56:10 pm »
Sis tincabreza.gonzaga, baka gusto din niya ng mga wristwatch? uso kasi mga casio vintage watches ngayon, baka magustuhan niya if mahilig sya sa mga wristwatches :)

4
Health and Nutrition / Re: OGTT Rate?
« on: January 10, 2014, 09:44:49 pm »
Ang mahal ng OGTT test ng friend mo, happiemom. Baka sa hospital sya magpa test? OGTT - oral glucose tolerance test, this is a test to find out kung may gestational diabetes. Fasting muna sya the night before sya magpa test, then sa actual OGTT, kukunan sya ng blood, tapos iinom sya ng 200ml glucose, sa sobrang tamis nakakasuka sya (ganun nangyari sa akin, super pigil talaga ako sa pagsuka) pagkainom niya ng glucose kukunan ulit sya ng blood after an hour, kukunan pa ulit sya ng blood ng 2 times pa after every hour.

Ito ang test na pinaka ayaw ko when I was pregnant. Unfortunately nung 2nd time ko nagpatest, na diagnose ako with gestational diabetes  :(

5
Toilet Training and Diapering Essentials / EQ diapers
« on: November 25, 2013, 04:21:17 pm »
Not sure if may topic na about this, pero mga mommies, what is the difference between EQ Dry, EQ Plus and EQ colors? Napansin ko lang is the price and design ng diapers, and magkaiba ang tape ng dry sa plus, hindi ko lang alam ang sa colors...or yun lang ba talaga ang difference nila? Has anyone tried EQ colors on their babies na? EQ dry and plus pa lang ang na try ng baby and mas gusto ko ang Plus for him.

6
I started giving water to my baby when he was 4 months old, as soon as he began eating solids, although paunti unti lang. Advise din naman kasi ng pedia, saka mas mabuti na rin na magstart sa water early para habang lumalaki nasasanay sya, mahirap kasi pag mag start ka ng older na ang babies, pag yung time na alam na nila ang mga tastes na gusto nila, usually aayawan nila ang water dahil walang lasal - taken from experience sa cousin ng baby ko, hirap na hirap un mom sa pagpainom ng water kaya laging constipated un bata.

7
Getting Pregnant / Re: OGTT
« on: November 20, 2013, 02:59:26 pm »
Haaaay, OGTT! Kakaloka itong lab test na ito. Fasting, iinom ng glucose tapos 4 times blood extraction. Ka-chikahan ko na nga un med tech na kumukuha ng dugo sa akin eh. Wala naman problema sa pagkuha ng dugo sa akin kasi super sanay na ako (madalas ako magpa blood test nung dalaga pa ako dahil sa hyperthyroidism ko) saka madali raw makita un ugat ko dahil maputi raw ako sabi ng medtech.

First time ko nag pa OGTT nung 4 months pregnant ako, then nung mga 6 months na, pinaulit ni OB kasi may family history kami ng diabetes. Nung first time ko, ito pa naman un panahon na may morning sickness pa ako. Hindi ko na nga kinakausap si hubby kasi pag nasuka ako uulit na naman sa lab test, iinom na naman ng glucose! Kaso un katabi ko na matanda na babae panay ang dighay tapos gumagawa sya ng sounds na parang masusuka. Torture talaga para sa akin! Nung first OGTT ko nasa safe levels pa ako kaya happy pa ako nun dahil nakakakain pa ako ng fave ko  -  rice, hehe! Pero nung second OGTT hayan na, super controlled na ang kinakain, nakakainis lang kasi buntis ka tapos hindi mo makain ang gusto mo, pero sinunod ko naman lhat ng payo ng nutritionist kaya normal ang weight / size ni baby  :D

8
Hi mommy, Un baby ko since 3 weeks old sya naka NAN HW1, hanggang 11 months naka NAN HW2 sya. Naka Nan pro 1 sya before pero pinalitan ng pedia niya ng HW kasi super sensitive ng skin, ang daming rashes sa face niya. Pero nung nag HW sya  unti unti naging ok na,nawala ang rashes and never sya nahirapan mag poop. Yun nga lang, color green ang poop niya at mabaho, hehe!  Saka napansin ko rin na bihirang bihira sya magkasakit, yes, nagkakasipon pero hindi un full blown na sipon talaga, in a few days nawawala na, fever once or twice lang and 2 days lang ang itinatagal, pero never nagka ubo si baby ko. Never naman sya tumaba katulad ng ibang babies, pero nasa range naman ang weight niya, so okay lang. Iba iba naman kasi ang development ng mga babies, basta ang importante, nasa range ang weight para sa age niya at hindi sakitin. Madali rin hanapin ang HW, 900g can is less than P1000.

Reminder lang, HW milk is for babies na prone to allergies. Mas mabuti kung itanong mo muna sa pedia ni baby mo kung pwede kay baby ang NAN HW.

9
Nasubukan ko un First Years when I was breastfeeding pa, pero inayawan sya ng baby ko after niya i-try ang playtex ventaire. The same din ang nangyari sa baby ng pinsan ko. Inayawan na rin ng baby niya un regular feeding bottle after niya ma-try un ventaire.

10
I started buying when I was on my 5th month, nung nalaman ko na ang gender ni baby. Syempre, dahil boy, blue lahat  :) paunti unti ang bili hanggang makumpleto na

11
Baby Development and Milestones / Re: Best Soap for Baby Bottles
« on: November 18, 2013, 09:59:18 pm »
Joy antibac lang ang gamit ko ever since. Wala naman naging problema basta sterilize lang ng mabuti. Dati naman kasi wala ng mga feeding bottle soaps, I remember un gamit na panghugas ng parents ko para sa feeding bottles ng brother ko was sabon na panlaba - but that was the 90s. 80s kid ako, so more likely ganun din ang gamit ng parents ko, the same din for older generations.

Sis bertangbayong, I think sa tubig un dahilan kung bakit namumuti ang nipples at bottles. Although wala naman pamumuti sa nipples ng feeding bottles ng baby ko, sa may bottle mouth lang nagkakaron ng pamumuti pero madali naman linisin. Un binili kong feeding bottle brush was pigeon, may kasama syang maliit na brush for nipples.

12
First time ko ilabas si baby ko nung 3 weeks sya for pedia check up. Ang second  time is sa mall, 3 months na sya at that time.

Para sa akin mas mabuti na hindi madalas ilabas or ipasyal si baby, lalo na kung weeks old pa lang (unless sa pedia ang pupuntahan) kasi mahina pa ang immune system nila. Meron lagi risk / mas mataas ang risk na magkasakit or mahawa sa ibang tao kapag inilalabas.  Ganyan din sinabi ng pedia ng baby ko, kaya super tiis ako na walang pasyal pasyal muna. Pero kung talagang walang mag alaga at may kailangan bilhin, dun lang ang time na isasama sya pero mabilisan lang. Ang hirap kasi pag nagkakasakit ang baby  :(

13
Pamahiin / Re: bawal igala si baby pag 1st birthday,bakit?
« on: November 18, 2013, 09:30:29 am »
Agree ako kay sis laneyval, happiemom. Pamahiin lang ang bawal ilabas si baby sa 1st bday niya. Pero sa tingin ko totoo un sinabi ng mom ko na kadalasan nagkakasakit ang baby before the 1st bday. Ang baby ko kasi nagkasakit a week before ng bday niya, ubo, sipon, lagnat  :(

14
Real Parenting / Re: Favorite commercial ng babies nyo?
« on: November 18, 2013, 09:22:42 am »
Favorite commercial ng baby ko is un Surf na may nagwhistle, un kay Breeze commercial ni Carmina Villaroel - sige sa mantsa! , head and shoulders commercial ni Angel Locsin ska Sunsilk commercial ni Sarah Geronimo  ;D

15
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 16, 2013, 10:25:16 pm »
Hi sis Akosibulinggay, very glad to know na okay na kayo ng MIL mo. I guess lahat ng daughter in laws dumadaan sa ganitong stage, maswerte na lang talaga kapag super bait ang MIL. Sana in the near future, maging ok na rin kami ng MIL ko.

Subukan ko rin na pagbigyan ang mga gusto ni MIL kapag small things lang, gaya ng sinabi mo and ni sis presiouslara. pero knowing her and her dominating personality...haaay, effort ito. Tulad ng sinabi ko dati, may feeling ako na di sya naniniwala sa mga sinasabi ko at parang di nakikinig sa mga explanations ko. Anyway, hindi naman sya ang pinakamasamang MIL, umaandar lang ang pagkarebelde ko pag pinipilit niya gawin un mga payo ng pedia ng isang apo niya sa baby ko. Ang point ko kasi, babies are individuals. hindi lahat ng pag aalaga sa isang baby ay applicable to another baby. Case to case basis, di ba?

Un sa Tagaytay issue naman, party kasi un pupuntahan sis preciouslara. Hindi naman mag eenjoy ang baby ko, papagurin lang sa byahe. Ever since nung naging mommy na ako, with every  decision I make, ang priority ko lagi si baby. Kung paano sya maapektuhan ng mga decisions na gagwin ko. Lahat naman tayong mga mommies ganyan, di ba? Si MIL kasi ang may gusto na dalhin si baby dun, according to hubby - gusto daw ng mother niya na nandun lahat ng apo niya, saka para makita daw ng mga ninong at ninang sa kasal namin si baby. Kung ganun lang ang dahilan, pwede naman gawin sa church un, kahit every sunday pa. And again, ni hindi manlang ako tinanong kung pwede isama si baby. Si MIL na lang ang nagdesisyon, pumayag naman si husband ko without discussing it with me first (another issue ko yan with my husband,hindi na kami ni baby ang priority niya pag si mother na niya ang nagsalita, meron isang instance na talagang nasaktan ako, ikuwento ko pa ba?)

Well siguro un family trip to Laguna next year, mapagbibigyan ko since may house naman  tutuluyan, pero ang party sa Tagaytay...no talaga ang sagot ko.

Thank you sa mga advice sis akosibulinggay and sis preciouslara. Dito lang ako sa SP nakakapagvent out ng ganito since hindi makakarelate ang mga pinsan ko na married na rin pati BFFs ko (isang single at isang single mom) Thank you sa pag intindi :D

Pages: [1] 2 3