Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - dianne_gwa@yahoo.com

Pages: [1] 2 3 ... 8
1
Members' Kumustahan board / Im back!
« on: April 01, 2020, 04:19:39 am »
Nice to be back here in smart parenting. :)

2
News, Entertainment and Politics / fake documents in Recto
« on: July 08, 2019, 04:32:16 pm »
hello po tanong ko lang me gumagawa ba ng fake fit to work sa recto? Ayoko man gawin ito pero kailangang kailangan ko para makapag start na ako ng trabaho. Nag pa medical pre employment na ako, kaso me nakita sila sa chest xray ko. Nag pa xray ulit ako for second opinion at lumabas sa result eh minimal pneomonia, nag pacheck up ako ulit at xray na naman ako at sinabi ng doktor na me nakita siya sa lower lobe ng lungs ko sa left side pero wala akong symptons ng pneumonia at wala rin ako tb, or di ako inuubo, at nilalagnat. Binigyan niya ako ng reseta for antibiotics and bbalik ulit ako after 7 days and mag papa xray ulit ako for 4th times. Wala akong healthcard until now mahigit ng 2k nagagastos ko sa xray at doctors check up.
Nakiusap ako sa doctor na kung pwede niya ako bigyan ng fit to work para makapagstart na ako at makuha ko yung healthcard , pero nabigo ako. Need ko na talagang mag trabaho dahil mauubos na naipon ko at maging pagkain din namin sa araw araw. Hindi ko na po alam gagawin ko kaya naisipan ko kung meron sa Recto na pwede gumawa at kung magkano siya. Matagal na kaming mag asawa sa ganitong pag subok. Naalala ko pa si mommy jazz na tinulungan niya ako noon. Hindi ko na alam gagawin ko .Salamat sa mag rereply.

3
Wellness / for local employment
« on: July 06, 2019, 05:05:29 am »
Hello,
Just want to seek advise if it safe to get another chest xray. I had my pre employment medical and showed on my chest xray that I have fibrosis and company advised me to get a Fit to work clearance. But I am not convinced that I have fibrosis because it is not run in our family and I don't have any symptoms of it. I get another chest xray for 2nd opinion and it showed on the result that "considered minimal pneumonia. My question is : If I will get another chest xray makakasama po ba yon ? Please need your advises. Thank you.

4
Labor and Child Birth / Re: Philhealth Qs related to pregnancy and delivery
« on: September 10, 2014, 01:15:17 pm »
how about my daughter kasi dependent ko siya and almost two years na ako nag huhulog , no I mean yung company ang naghuhulog ng philhealth ko, nagamit ko philhealth last april 2014 kasi na ospital ang hubby ko ,  Magkano kaya ang ibabawas ng philhealth sa anak ko pag nanganak?

5
Members' Kumustahan board / im back
« on: August 16, 2014, 02:14:05 pm »
hello sp mommies, it's been how many months na hindi ako nagparamdam. Now i'm back hopefully welcome pa rin ako.

6
Money / Re: I just want to share this and let it out .
« on: September 12, 2013, 09:12:12 pm »
Mommyjazz: hindi naman kasi akala ko kung lalapit ako sa kanila eh matutulungan nila ako. Siguro kulang din ang finances nila. We are still doing follow up , pero ang nag bigay lang ng assurance ay yung bank niya sa US na insurance..but it will take effect pa after 90 days.
As of now , na hire ako sa isang call center dito sa Makati, nag start na ako last Monday.

7
Money / Re: I just want to share this and let it out .
« on: August 26, 2013, 07:55:06 am »
hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kapwa, masama lang ang loob ko sa kanila. kasi nga gipit ka na nga , lalo ka pang gigipitin. Bakit ganon?

8
Money / Re: I just want to share this and let it out .
« on: August 26, 2013, 07:35:53 am »
mommyjazz: my college daughter is only 17 yrs old pa kaya d pa sya pwede makapg work, yes you and sis rpeciouslara are correct when it comes to loan,that is my immediate solution to solve our problems regarding sa expenses...but as of now hindi na ako nag ttry maghanap ng mahihiraman dahil tama kayo nalulubog na talaga ako litle by little. We already cut our lifestyle, for me hindi mahirap gawin  dahil sanay naman ako sa hirap. Yung husband ko ang medyo nahihirapan ;(
my husband needs to fly to US para personal sya makipag usap sa bank niya ( mariner Bank ) and we tried as much as possible kung hindi na sya talaga pwede umuwi dahil nga sa pera. meron naman syang makukuhang insurance sa money na nawala..Before , his bank said no need for him to go there habang inaasikaso niya ang mga papers pero as what i've said they called him na need talaga niya pmunta sa US.His family wont help him , if he tried to call them  sasabhin agad nila wala silang pera, d lang naman yon ang reason ng pag tawag. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ganon sila, sabi ng husband ko ganon sila.
I need this card bank loan para mabayaran ko ang ibang loans na nakuha ko ,at para isa na lang ang babayaran ko.
We already filed complaint sa bank dito , pero naubos na pera namin sa pagbalik balik at pag follow up sa kanila. Alam namin na me kasabwat yon dahil sa loob lang naman ng department store kami nagwiwithdraw , sabi ng police mahabang proseso ito na kahit makita namin sa cam ang suspect  hindi rin namin alam kung pano nila yon mahuhuli at hindi na rin maibabalik ang perang nawala sa amin.
my husband money from US comes from his Insurance company, na poison kasi sya while working and sad to say hindi na sya pwede pa makag work. That is a permanent disability pero you know what happenned? his doctors there declare him as 49% disable means d rin siya makakagfile ng disability. Iam not thinking sa perang na hacked, i am thinking now is pano kami makaka survive everyday.
When it comes to job/work, naghanap talaga ako,but most of them keep saying i am over age. Sigurp mag apply na lang akong maid or labandera or dishwasher sa restaurant kasi yun lang ang nakikita kong option.
Sa ngayon di kami makakilos ng ayos dahil mahina income ng shop gawa ng bagyo. Me mababait na landlord , meron namang hindi..sad to say hindi mabait ang landlord namin, late payment with penalities.

9
Money / Husband's bank card was hacked, need financial help.
« on: August 25, 2013, 10:42:48 am »
My husband atm ( international ) was hacked 3 months ago. Na discover namin ito ni hubby ng mag wiwithdraw kami and ang lumabas eh "no insufficient funds" sa atm machine. Nag try kami sa 3 other machines and the same din ang lumabas. When we went home and called his bank from US, it stated na $6.85 na lang ang natira sa account niya. When we finally got the bank statements, it showed many different withdrawals from different atm machines with different places sa manila na di naman kami napunta. To make my story short, we went to the bank kung san kami malimit mag withdraw and my husband called his bank sa US, kasi bakit di nila tinawagan ang husband ko when they noticed na meron questionable withdrawals na nangyayari sa account niya. 3 month ago meron pa kaming konting savings dito kasi di na kami pwede mkawithdraw sa account ng hubby ko hanggat di naayos ang problema. Nag file na din kami ng complaint sa bank kung saan dun sa atm nila kami malimit magwithdraw. hanggang ngayon ay wala pa kami result na nakukuha, even sa bank niya sa US . Dahil naubos na ang savings namin dito at ang inaasahan na lang namin ay ang income ng computer shop namin nag try din ako manghiram ng pera dun sa mga taong natulungan namin before...pero wala ni isa man sa kanila na nag pahiram sa akin. Even yung family ng hubby ko sa US ay hindi nagpahiram ng pera. Nakahiram ako sa mga patubuang pera na 20% at 30% ang interest . Nag try din ako mag hanap ng work , sa call center lang naman ako nag aapply kasi 45 yrs old na ako.
Nagamit na rin namin ang capital money ng store namin, Nag apply ako ng loan sa card bank dahil matagal na akong member dun , sabi ko nga sa sarili ko ito ang makakatulong sa amin para mabayaran ko ang mga bills ko ( kuryente, tubig, rent ng bahay at tuition ng anak ko sa college + puhunan sa tindahan kasi nga gusto ko ibalik yon ) pero ang nangyari gusto ng card bank na bawasan ang loan ko dahil baka daw hindi ko mabayaran ang loan na ini apply ko. Napaiyak ako sa awa ko sa sarili ko dahil bakit ganon, alam nila ang problema namin hindi ako nag sinungaling pero  bkit ginigipit kami sa sitwasyon na ngayon ay kailangang kailangan namin ng tulong. Sa gabi bago ako matulog pakiramdam ko parang sasabog ang ulo ko , umiiyak ako ng patago dahil ayoko makita ako ng asawa ko ng ganito...na gusto ko wag na ako magising kinabukasan.
Meron din akong mga taong nilapitan para i collateral ko ang shop namin sa perang hihiramin ko, pero gusto naman nila eh makuha nila yung shop at sila ang mag mamanage habang di pa kami nkkbayad sa perang hihiramin namin sana. Sabi ko naman saan naman kami kkuha ng panggastos sa araw araw ?
Habang nag ta type ako ngayon ay di ko mapigilang umiyak dahil sa awa ko sa aking sarili. kung meron lang sana na magpapahiram sa amin ng pera na para maibalik ko ang aming tindhan, pero kanino naman ako lalapit? Halos lahat ng taong pwede ko lapitan dito ay hiningian ko na ng tulong pero wala ni isa man sa kanila na gustong magpahiram.
Hindi ko na alam kung saan ako ppunta , kagabi tinwagan ang asawa ko ng bank niya sa US at sinabing kailngan niyang pmunta sa US para maayos ang kanyang bank account don. San naman kami kkuha ng perang pambili ng ticket? Sabi ng family niya sa US papahiramin lang siya ng pera kung andun na siya .
Naubos na ang mga alahas ko sa kasasangla, ang natitra na lang sa amin ang mga computers namin at ilang gamit sa bahay. Nag try din ako tumaya sa lotto pag me extra akong pera nag babasakali . Kung meron lang sana ako trabaho , hindi sana kami mahihirapan ng husto.
Gusto ko lang ilabas lahat dahil baka di ko na makaya ito nagbabasakali rin na baka me mga taong busilak ang kalooban na tumulong sa amin.

10
The Balancing Act: Career and Family / Re: Odesk
« on: June 22, 2013, 04:31:40 pm »
Sis purple_girl,
ako rin me odesk account yung looking for job yata yun, pano ba gagawin ko kasi 24 hrs naman open ang shop namin pangdagdag din income  di ko kasi alam kung saan ako magsisimula pls help.thanks

11
Dito kasi sa tin sa Pilipinas eh d uso yang filing case sa mga asawa , mostly pinababayaan at pinapasa diyos na lang.
In my own experience, masakit talaga lalo pa na mahal na mahal ko that time yung father ng mga anak ko, lumuhod pa nga ako sa kanya wag lang kami iwan. Hindi ko rin naman siya mademanda kasi kailangan caught in the act mo mahuli ( according to the lawyer) . me nag advice sa akin nun na if mahal ko pa at ako rin naman ang masasaktan if makikipag hiwalay ako, pabayaaan ko na lang daw kasi nga ako rin naman ang masasaktan. Sabi pa nga nung nag advice sa akin , isang araw magigising na lang ako na wala na ako ni katiting na pagtingin sa kanya..which is nangyari talaga. Wala na ni anumang feelings na meron ako at naging matapang pa ako na harapin silang dalawa ng mistress niya ( which is kumare pa namin).
nakipag hiwalay ako with the help of DSWD, and after that it take I guess 7 years when I finally found the right guy for me , yun ang second husband ko, i love him so much kasi he loves me for what i am and not for who i am, and he also accepted my kids.:)

12
Are you legally married sis?

13
Sis purple_girl: thank you so much, i will set a date para sa alabang at iikutin ko ang mga call centers na yan. Tomorrow my schedule is sa Robinson sta rosa me job fair dun from job street, sana eh hindi ako umwing luhaan.

14
$25k ang na hack sa atm ng hubby ko sis purple_girl, nakakalungkot di ba? anyway taga Calamba ako sis...kaya ko na siguro mag travel  alabang d kaya makati pero sana me mas malapit . Thanks for your help. ;)

15
Thanks sis ecbajet @ purple_girl. I will try to go there this week, kung hindi lang na hack ang atm namin  hindi ako mapipilitang mag hanap ng job. Lalo na nagyon we have two college students ang hirap. Sana makakuha agad ako ng work.

Pages: [1] 2 3 ... 8