Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommy daryl

Pages: [1] 2 3 4
1
Yaya Solutions / Re: Yaya Watch List
« on: August 30, 2009, 02:52:19 pm »
nakakuha ako ng yaya sis sa Isabela.  Referral ng yaya ko ngayon so ayun akala ko okay kasi malayong kamag-anak.  She's around 21 to 23 yrs old.  Nagpaalam sha sa akin last April 28 na magbabakasyon considering na wala pa shang 1 year kasi daw fiesta sa kanila.  Naawa naman ako kasi may mga kapatid sha sa Isabela na maliliit.  Anyway, kinausap ko sha ng maayos.  Sabi ko sa kanya kung babalik pa sha or bakasyon lang and ayun bakasyon lang daw at 3 days lang sha sa Isabela.  Pinag grocery ko pa yung kapatid niya at mga grandparents niya para may maiuwi sha sa probinsya.  Then after 3 days nagtext sa akin may sakit daw sha at hindi pa daw sha makakabiyahe.  Kinabahan na ako dun.  So alam ko na gumagawa na lang sha ng story. So tinawagan ko sha pr ayaw sagutin yung cellphone niya.  I asked the number of her aunt and yun ang nakausap ko.  Aba pinagkakalat daw sa kanila na kanin, toyo at mantika lang daw ang pinapakain ko sa kanya. Ang kapal ng mukha!!! Samantalang lahat ng groceries namin sha ang umuubos dito.  Sagot ko pa lahat ng basic needs niya.  Then dun ko narealize na ang dami niya palang nasira at kinuha.  Yung kabibili lang namin na leather sofa sinunog niya kasi dun sha nagplantsa, yung mga corelle ko na bowls nabasag pala niya then pati yung bagong bili ko na iron nabagsak niya kaya nagcrack and yung mga gamit ng anak ko like yung pigeon na glass nila and other stuffs nawala na lang. May kapatid kasi sha na kaedad ng mga anak ko. Napakasinungaling niya at hindi mo sha mapagkakatiwalaan. Hindi pala yan marunong magbalik ng sukli kaya nung napansin ko na kulang ng 100 pesos yung change ko tinanong ko sha at ang sagot niya baka daw nalaglag.. anyway ang huling balita ko namamasukan daw ulit dito yan sa Manila.  J. CUREG ang pangalan niya.  I am attaching her photo kasi baka nasa inyo yang sinungaling na yan.

Mod's note:

photo deleted

2
Your Kid's Health and Safety / Re: About G6PD
« on: August 19, 2009, 09:57:12 am »
mommy d po b may binigay n list ng mga bawal?kasi kami nung naconfirm n g6pd positive anak ko may binigay sila,,,tapos d n rin ako gumamit ng mga ganyan para sure...kasi nakalagay lang ata dun mga menthol based d b?like mga vaporrub...efficascent...pakicheck mo dun.... :)

mommy style, daddy po hehe..if bawal yung aceite de manzanilla, meron po ba kayong ma recommend na substitute?
[/quote]

hi daddy bonbon, g6pd positive yung two daughters ko pero I never used manzanilla na kasi hindi na ren inadvise ng pedia.  :)

3
Baby Development and Milestones / Re: need some help about sterilizer
« on: August 06, 2009, 08:38:37 am »
i have the one with the whistle. ok naman, muntik lang matunaww yung takip ng evenflo ko. pero wala pa naman masama nangyari. i use avent and even flo bottles.

hi mommy I also have the same sterilizer.. the one with the whistle.  My daughters have avent and pigeon bottles so ang ginagawa ko I have the water boiled muna for 10 minutes (without the bottles).  Pag kumulo na, I remove it from the fire then saka ko pa lang ilalagay yung bottles para walang worries na masunog yung bottles and I allow the bottles in the sterilizer until lumamig sha para talagang matagal na nasa mainit.  So far, okay naman sha considering na sensitive yung mga kids ko wala naman nagkaroon ng sakit sa tummy.

4
1.ilang months po bago kayo nakarecover? -
 - 3rd day palang after ko lumabas ng hospital nag mall na kami ng hubby ko

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
- yes.. yan talaga dapat.  Your anesthesiologist will keep you awake and ask you questions will the operation is on-going
 
3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
- I was there 4 days

4.naka catheter po ba kayo?
 - yep..

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
- my OB did not advise me to use a binder kasi bikini cut ako

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
- your OB will let you walk and stand up 24 hrs after your operation

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
- totally wala

5
Yaya Solutions / Re: Yaya's salary
« on: August 05, 2009, 06:39:30 pm »
I think explain mo na nga lang sis na medyo dami kayo expenses ngayon so for the meantime no increase .Tsaka okay na yung 2k as their bonus.  Hirap talaga pag naspoil na sila. But we have to really be nice to them kasi sila nagaalaga anak natin. :)

haay ganun na nga sis... ang hirap talaga ng panahon ngayon.. tayo na talaga ang kailangan makisama sa kanila kasi mas malakas na loob nila sa atin.. alam kasi nila na kailangan natin sila dahil nagwowork tayo.

6
Yaya Solutions / Re: Yaya's salary
« on: August 05, 2009, 10:09:56 am »
Wow Sis Daryl, laki naman ng sweldo ng yaya mo na 5k tapos may all round ka pa na 3k. I think either yung 2k na plan mo or grocery pang handa sa christmas ng family nila is okay as a christmas bonus niya. ;D We do that kasi every year for those who work for us. Highly appreciated naman nila.

Mine is 3.5k mon-fri sya at di sya stay in. mga around 6pm umuuwi na sya.  Ang work niya lang is to take care of my baby. Sometimes naglalaba sya for my brother tapos extra P500 din yun. Sagot ko din pamasahe niya pag uwi.

sa akin naman sis stay-in kasi sa Isabela pa sha galing.  Na-spoil ko na ata yung yaya ko.  Sa akin naman kasi pinakikisamahan ko talaga sha kasi sha nag-aalaga sa babies ko. Haay ang hirap parang lumalabas kasi gusto niya may increase sha yearly eh hello lang hindi naman na ganun katoxic yung load niya plus may kasama pa sha na nag-aalaga at yung mga bata lang focus niya dahil nga may all around ako. Ang hirap sis Drea.  Imagine 2 years pa lang yan sa amin pero naka 4 na beses na shang umuwi sa Isabela ha laging 1 week. Nagagalit na nga asawa ko.

7
Yaya Solutions / Re: Yaya's salary
« on: August 05, 2009, 09:15:30 am »
mga mommies, kasi ako I have a yaya na 2 years pa lang and since she started naincreasan ko na sha ng 2k (1k a year and increase).  3k kasi yung initial salary niya now it's 5k kasi I have two kids naman.  Pero I also got another yaya na 3k na yun naman ang all around ko. Masama po ba kung hindi ko muna sila bigyan ng 13th month nila kasi kahit kami ni hubby walang increase this year because of recession.  Buti nga yung yaya namin inicreasan namin considering na kami wala.  I am just planning kasi to give her an additional 2k sa december instead of 5k.  Dami din kasi namin binabayaran.  And ayaw nga muna ni hubby magbigay ng increase next year kasi sabi niya sobrang taas na daw nung 5k considering na yung panganay ko naglalakad na and may kasama pa sha na isang yaya para mag-alaga. Plus lahat pa ng basic needs nila kami ang bumibili. Yung groceries nga namin sila na lang ang umuubos kasi kami ni hubby sobrang bihira kumain sa bahay dahil we are both working. Any pieces of advice naman po mga mommies.. thanks.

8
Ako naman hindi talaga ako believer ng pamahiin pero yung lola ko ang daming sinasabi about these things like:

- hindi pwedeng pumunta sa binyag ang buntis
- like yung kay aramish, wag magsasabit ng tuwalya o kumot sa leeg or balikat para hindi pumulupot yung cord
- wag kakain ng maiitim na pagkain para hindi maging maitim si baby
- wag kakain ng crabs o pusit.. something to do with the fingers and toes ni baby
- huwag hahakbangan ang asawa para hindi daw si hubby ang maglihi

haay naku ang dami pa sis.. hehe

9
Pregnancy Health and Nutrition / Re: All About Post-Partum Hair Loss
« on: August 02, 2009, 09:08:22 am »
ako sis grabe ren maghairfall after pregnancy.. kaya eto ang dami kong bagong tubo na hair na nakatayo.. minsan nga nakakainis na kasi parang hindi ako nagsusuklay dahil nakatayo nga sila.. huhuhu pero in time naman hahaba ren daw yun sabi ng stylist.

10
Birth Control / Re: Lalaki naman i-birth control
« on: August 02, 2009, 08:53:57 am »
pwede naman mag "jacket" si daddy di ba...  ;)

ew. ayaw na ayaw q "jacket" sis..

ayan tuloy..................


same here sis.. masakit eh.

11
Yaya Solutions / Re: Scrub suit.. how much and where to buy?
« on: July 31, 2009, 03:55:20 pm »
sa BRS  Q.C ako bumibili ng uniform.  P200 ISANG SET  mura at matibay ang gawa, tel. # 3927479 / 09223900248.

sis san banda yang BRS Q.C.?  :)

12
Baby Development and Milestones / Re: galit picture ni baby
« on: July 29, 2009, 06:28:13 pm »
ay may ipopost ako..

may fave ako sa bebe q..

twing tignan q nkktawa.. hahaha!!

bebe at 3mos




sis biglang lumaki din ang mga mata ko  ;D

this is so cute! nakakatuwa baby mo sis!

13
Yaya Solutions / Re: yaya uniform?
« on: July 27, 2009, 01:45:25 pm »
mommy daryl and mommy shienine, san landmark and sm kayo nakabil?  san department? thanks  :)

mommy sa landmark makati and market market ako nakabili ng scrub suit pero may isang mommy na nagsuggest sa bambang.

14
Beauty and Product Reviews / Re: Naughty Question
« on: July 24, 2009, 01:46:26 am »
shave ako sis,, I tried brazilian wax before and I promised myself that I will never torture myself again.. ouchy talaga yung brazilian...

15
Baby Development and Milestones / Re: dapat ba bigkisan ang baby??
« on: July 24, 2009, 01:40:31 am »
Me nagsbi dn skn about d bewang. Un lang gusto ko 4 gabbie.

sa akin naman sis namention ko yan sa pedia ko sabi and she discouraged us from using the bigkis kailangan lang daw 3 times a day malagyang ng alcohol yung pusod ni baby.. and hindi daw totoo yung sa bewang kasi sha daw may bigkis and hindi naman daw tumalab.. natawa ako kasi yung pedia ko medyo healthy.. hihi.. pero I followed her instructions and true naman after 4 days tanggal na yung pusod ni baby.. kaya pwede na sha paliguan. =)

Pages: [1] 2 3 4