Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - AnSia

Pages: [1]
1
Romantic Relationships / Re: help! should I stay or should I go?
« on: July 24, 2014, 07:34:32 pm »
@vmjanne

Sinama ko yung guy nung nagpa-ultrasound ako para icheck yung heartbeat ni baby. Akala ko makokonsensya sya. Ni ayaw niya hawakan yung result. Until now pinipilit niya parin ako na ipalaglag yung baby. May times na nagbbreakdown ako, bigla nalang akong maiiyak out of the blue. I can't help it. Plan na namin sabihin sa parents namin. Pero until now nga pinipilit niya parin ihabol na ipalaglag yung baby. Kaya niya daw siguro to be there for me hanggang sa manganak ako just to see kung nabuhay ba ako at kung nakaya ng katawan ko yung pagbubuntis ko pero after that iiwan na daw niya kami. So, tinatanong ko sya na anong sense kung nandyan pa sya kung ganun lang pala balak niya gawin. Kasi forced na daw sya to care samin mag-ina. Ang sakit sakit. Ako yung pumupunta sa bahay nila para makapag-usap kami kasi ayaw niya makipag kita sakin. Haaaay sis.. ang hirap ng ganitong situation.

2
Romantic Relationships / Re: help! should I stay or should I go?
« on: July 17, 2014, 09:03:48 pm »
@vmjanne

Thank you sis sa advice. Nagtext nga sya sakin kagabi na sinisira ko daw buhay niya sa naging decision ko at hinihila ko daw sya pababa. Puro sumbat at paninisi yung nakukuha ko sa kanya. Feeling ko kung pananagutan niya yung bata..paparusahan niya lang ako araw araw at pagsasalitaan ng masakit. Hindi niya daw kami papabyaan nung bata dahil gusto niya daw makatulog sa gabi ng comfortable at with dignity pero sinusumpa niya daw ako na itutuloy ko yung pagbubuntis ko kahit alam ko daw na never na kami magiging okay as gf/bf. Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi namin sya kailangan ni baby dahil wala akong work at hirap ako financially. Pero iniisip ko aanhin ko naman yung financial support niya sa baby kung pagsasalitaan niya naman kami ng masasakit at ipapafeel niya samin ni baby yung rejection everyday. Baka din sa future magalit sakin si baby na wala syang tatay. Sabi ko nga dun sa guy na kahit ayaw niya tanggapin yung totoo, kami na ng anak niya yung family niya na magmamahal sa kanya at magssupport unconditionally. Dapat ko pa bang ipaglaban yung right ng anak ko sa tatay niya kung ganito naman yung situation namin nung guy na ayaw niya dun sa bata? Or hayaan ko nalang sya? Hindi ko din alam kung dapat sabihin ko sa family nung guy na buntis ako kasi ayaw sakin ng mama niya (mama's boy sya, separated din kasi parents niya at bunso sya) baka lalo lang ako laitin at ako pa sisihin ng mama niya sa nangyari. Hindi ko pa nasasabi sa father ko na buntis ako (father ko nagpalaki sakin, may sarili na kasing family mother ko). Natatakot ako sabihin sa kanya na buntis ako, na wala na yung tatay ng anak ko, na hindi ako pananagutan nung guy, na disgrasyada ako..kasi masasaktan sya.

3
Romantic Relationships / Re: help! should I stay or should I go?
« on: July 15, 2014, 09:28:02 pm »
Hi! Bago lang ako dito. Medyo same yung concern ko. Nalaman ko lang na pregnant ako 2 weeks ago pero ayaw panagutan nung boyfriend ko. Iniinsist niya na ipa-abort namin yung baby kasi hindi pa daw sya ready pero ayoko, sabi ko sa kanya the least na magagawa namin for the baby is ipa-adopt sya. Eitherway kasi sinabi niya sakin na kahit ipa-abort ko yung bata or itutuloy ko for adoption, maghihiwalay din daw kami afterwards. Magbibigay daw sya ng support financially pero ayaw niya mainvolve emotionally dun sa bata. Nakakausap ko pa sya nung mga first few says na sinabi ko sa kanya na buntis ako kasi parang kinukuha niya loob ko na ipa-abort yung bata. Pero ngayon na sinabi ko sa kanya na final decision ko na ikeep yung baby pero ipapa-adopt ko nalang sya paglabas, hindi na sya nagrereply sa mga messages ko. Mas naging cold sya sakin. Hindi pa namin nasasabi sa parents namin, bigyan ko daw muna sya ng time para mag-isip. Ayoko na lumaki ng walang tatay yung baby ko pero at the same time ayoko naman na parang magmakaawa dun sa guy para tanggapin niya kami nung baby. Any advice mga sis???

Pages: [1]