Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - liams mom

Pages: [1] 2 3 ... 11
1
Hi everyone!

Mind if I ask for pictures of the dressed up venue? particularly for a birthday party...

I booked my baby's 1st bday party here for January 2014. I just need to see lang samples of the set up. I don't want too much balloons kasi, parang sisikip yung venue since hindi high ang ceiling niya. Ayaw ko din naman na parang nahubaran naman yung venue pag sobrang konti naman ng balloons.

Thanks! :)

2
Hi Sis jazzcristobal,

Maraming tindahan ng furnitures sa may Sangandaan. Yung area na dinadaanan ng mga jeep na Gasak-Recto route. I am not sure lang sa ngayon how much na ang mga price ng crib. Marami din sa Tambunting area, sa ilalim ng LRT- Abad Santos Station. Yung binilhan ko before, yung store na nasa corner ng Samal St. and Rizal Avenue, sorry I can't remember the name ng store. They gave me the best deal that time so dun ako nakabili.

:)

3
Sa first baby namin, hubby and I were really hoping for a girl. Both sides kasi, sobrang bihira ang girl. Sa husband ko, 6 sila magkakapatid na lalaki , 1 lang ang girl panganay nila. Tapos kami naman, sa magpipinsan, 5 lang kami na girls tapos the rest boys na. So I can say nakakasawa na ang boy... hehe...

Nung ultrasound ko on my 5th month, sinabi na nga na boy. I cannot understand yung feeling nung nalaman ko. Honestly, parang disappointed not because boy ang baby ko, but siguro dahil masyado kong na-mindset na girl ang magiging baby ko. Pero mga ilang oras lang tumagal yun. Siguro narealize ko mali yung pakiramdam kong ganun. I came to my senses na whether boy or girl, my baby is a blessing from God. Simula nun, ayun, ginanahan na akong mag shopping ng color blue items. And I also realized na happy ako na boy ang baby namin kasi di ba most of the time pride yun for the daddy, yung nagkaron siya ng baby boy? :) And now, looking back, I would never trade yung happiness na nabibigay sa'min ng baby boy namin simula nung nasa tummy pa lang siya until now that he is a very makulit na 5 year old. :)

And now, I found out that I am carrying a baby girl, naku, indescribable ang happiness namin ni hubby! :) Pagka-alam nga namin, inaya agad ako ng date, sa sobrang saya niya. Sobrang happy kasi may boy na kami, tapos ngayon, we will experience namin having a little girl! :)

4
Labor and Child Birth / Re: pumipintig ang tummy on 3rd trimester
« on: August 13, 2013, 07:27:51 pm »
Yes mga Sis, hiccups yun ng baby sa loob ng tummy. I experienced that also during my 1st trime with my 1st baby. Nakakatakot nung una, tapos I made a research on the net and asked my OB about it. Indeed, babies really have hiccups inside the womb. Hindi naman daw yun stressing for the baby and they don't feel uncomfortable unlike pag nasa labas na like how we feel when we have hiccups.

So after I was reassured na walang problem kay baby whenever I feel that "pintig", natatawa na lang ako tapos kinakausap ko siya. Tawag ko nga sa kanya dati Boy Sinok kasi everyday talaga, naghi hiccups siya! :)

5
Pamahiin / Re: Gender Predictions. Lalaki o Babae?
« on: August 07, 2013, 07:02:10 pm »
When hubby and I decided that it is time na para mag-baby ulit kami, I made a research in passing kung may ways ba para maging baby girl ang ipagbubuntis ko. Gusto kasi namin baby girl na yung susunod since I have a 5 y/o boy na.

Nag-check ako ng chinese calendar, tapos yung mga nabasa kong articles like when you should have intercourse, what to eat before you conceive. Naku, ginawa ko lahat. Until I found out na I am preggy na.

Compared sa panganay ko, sobrang arte ko talaga sa pagbubuntis ko ngayon in the sense na mas sensitive ang pang-amoy ko, mas mabigat ang pakiramdam ko- parang lagi akong pagod, nag spotting ako. I had high hopes na girl na nga ang susunod kong baby.

And just last Saturday, my OB confirmed the good news! We are having a baby GIRL!

Now kung nag-work ba yung pag-follow ko sa mga na-research ko, I can't tell for sure. Pero what's wrong with trying mga Sissies, right? :) :) :)

6
^ Try and ask him, sis. Dad naman pala siya ng bestfriend mo so sa tingin ko papayag naman siya.

I was not able to tell nga pala na during the ceremony, lumabas ng church yung ninong and ninang namin na hindi Catholic. Nandun sila nung pumapasok ang entourage pero nung nag start na yung mass, lumabas sila. Bumalik sila nung pipirma na as sponsors sa marriage contract. I did not mind at all, it was their choice and comfortable sila dun, sinabihan na rin naman nila kami na ganun gagawin nila since the time na nag ask kami na maging ninong at ninang namin sila. :)

God Bless sis! :)

7
Members' Kumustahan board / Re: Ngayon,gusto kong kumain ng.....
« on: July 30, 2013, 04:04:41 pm »
Sis MommyniAddie,

Naku, yan din ang kine-crave ko paggising ko pa lang. Not necessarily sa Mcdo, though. Pero gusto ko din ng Double Cheeseburger! :)

8
Inspiration / Re: I love being a mom because...
« on: July 30, 2013, 03:59:44 pm »
I love being a mom because...

Even though sa maghapon e hindi maiwasan na mapagalitan natin ang babies natin, at night, before they sleep, tayo pa rin mommies ang gusto nilang makatabi at makayakap sa pagtulog.

Mayroong nagseselos pag naglalambing si hubby, hindi papayag na malalamangan siya ng daddy niya pagdating sa hugs at kisses. Kailangan siya ang panalo sa pagkiss at pag hug sa'tin.

:)

9
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Birthday Monthsaries
« on: July 29, 2013, 07:12:21 pm »
I saw this monthly celebration sa mga nakakabata kong pinsan and kapatid. My mom, aunts and uncles will have something special to eat sa house nila every month. Sabi ng mama and lola ko, parang thanksgiving daw yun ng parents dahil sa milestone ng baby, and at the same time, offering kay Lord para laging maging healthy and safe ang baby. Kaya nung nagka-baby ako, I followed the tradition. :)

It was also a monthly celebration nung wala pang 1 y/o si Liam. Though nung 1st month lang niya ako nag effort para bumili ng cake pero we never missed out on cooking something special for his monthly birthdate. It would either be lunch, meryenda, or dinner as long as may niluluto kaming something special for that day. For his 6th month, since it was a day after christmas, nag pizza party na lang kami sa bahay kasi wala ng maisip na iluto dahil lahat ng masarap nakain na ng 24 and 25. Pag ordinary days, meryenda lang ang niluluto namin like pansit gayginataan, etc. Pinapamigay namin sa kapitbahay at pinapapunta yung family namin (since we all live nearby lang naman). Pag naman weekends, we cook a special lunch for everyone, kare-kare, ihaw ihaw, etc. And I make sure na may picture si baby every month.

I also plan to do this monthly celebration for my coming baby!

10
Beauty and Product Reviews / Re: your bath soap?
« on: July 25, 2013, 03:08:55 pm »
I'm a Dove fan, specially yung Shea Butter nila. Super bango!

11
Hi Sis smart.momi,

For my 5 year old, ang ginagawa ko, ita-try ko siya paupuin sa tabi ko (which is also a challenge, itself) at pag nagawa ko na yun, makikipag kuwentuhan ako sa kanya ng mga bagay na interesting for him. Kasama na dun yung yakap yakap at kiss. Yun bang malilibang talaga siya. Tapos sasabihin ko na sa kanya yung mga gusto kong gawin niya. That time, kalmado siya so mag ye yes na siya nun. Pero mga simple lang yun like be quiet sa church, kain ng maayos, etc.

Pagdating ni Daddy niya, ikukuwento ko sa dad niya yung pinag usapan namin tapos ipapa confirm ko sa kanya yung mga pinagkuwentuhan namin at yung mga pinapagawa ko sa kanya.

Siguro mga 50-75% ang success rate nun, pero ok na rin kesa walang effect di ba? hehe.. :)

12
Labor and Child Birth / Re: Epidural NSD or C-section?
« on: July 23, 2013, 08:23:42 pm »
Hi Sis, 

Gave birth 5 years ago thru CS. I was hoping for a normal delivery pero hindi nangyari since hindi nag-dilate yung cervix ko after more than 12 hours of labor. Good thing is, I did not feel the pain of labor. As in hindi siya masakit, para lang akong nakaka feel ng pressure sa lower back ko, yung parang may tumutulak sayo pero nilalabanan mo.

As with any first time moms, normal lang na maka feel ka ng takot with the upcoming delivery. Lahat siguro ng mommies dito can attest na together with the excitement of seeing your child for the first time, meron talagang takot, fear of the unknown, kumbaga. Ang dami daming mong iniisip, from best the worst. Alam mo panlaban ko sa naiisip ko na yan dati, I look around my office, halos lahat kasi ng officemates ko mga mommies na, and wala naman silang sinasabing negative sa panganganak, so yun ang mind set ko dati. :)

Well, based on accounts ng mga kaibigan at kilala kong nag normal delivery, including my mom, ang pinaka natatandaan nila talaga is the pain of labor. After nun, wala na naman silang nasasabi.. haha... lalo na kung painless naman ang delivery. Good thing about normal delivery, saglit lang ang recovery though sa culture natin kasi, sinusunod pa rin yung mga hilot hilot after deliver which is based on kwento din e yun ang pina ka ayaw nila. As for me, since CS nga ako, ang naramdaman ko lang is yung tusok ng epidural (which I cannot remember now kung masakit) and the pain nung unang bangon ko after delivery. Siyempre, the recovery period is much longer the Normal Delivery pero siyempre, dapat, sabi nga nila, wag mong Baby-hin yung pain kasi lalo kang mahihirapan. I was walking less the 24 hours after my Csection, dahan dahan na lakad pero alam kong dapat kong gawin para maka recover agad ako. Maganda lang dun, walang hilot hilot kasi nga bawal magpahilot kasi kaka opera lang.

I am also 3 months preggy sis, repeat CS sa January 2014, and looking forward na to see my 2nd child. Pag nakapanganak ka na, lahat ng naiisip mo ngayon will not matter anymore, matatawa ka na lang :) Godbless sis! Kaya mo yan! :)

13
Distance Parenting (OFW Parent) / Re: SP moms overseas
« on: July 20, 2013, 08:57:49 pm »
^

Hi Sis glam_mommy!

I'm not sure about Abu Dhabi ha, pero nung Gain S.A. pa milk ng son ko, it's always available sa Carrefour Dubai and Sharjah. Kung makakapunta kayo ng Dubai, try mo din Geant sa Ibn Batuta. Pero sure talaga, sa mga Carrefour sa Dubai. Pag nakahanap ka, mag hoard ka na lang para hindi kailangan bumiyahe lagi pa-Dubai, hihi...  :)

14
^

Sis, Calamansi juice is rich in Vitamin C which boosts ones immunity, specially us, pregnant women na kailangan umiwas sa sakit like cough and cold. Nabasa ko din na Citrus eases morning sickness. Since ginto ang price ng calamansi dito sa UAE (and hindi lahat ng supermarket may available), I settled for Lemon na lang. My mom juices it for me so atleast I can have my daily dose of natural vitamin C :)

15
We wear it on our right, sabi kasi ni Father na nagkasal sa'min. :)

I wore my engagement ring on the left, kaso nung ceremony na, sa right pinasuot ni Father so sinunod namin up until now. So hubby and I wore both on the right after that.

The thing is, hindi na magkasya yung engagement ring ko ngayon pag pinagsama sila sa right so I wear the engagement ring on the left, if I ever wear it.. hehe.. most of the time, I keep it sa jewelry box. Nakakagasgas kasi sa skin ni Liam kaya suot ko lang siya pag d ko siya kasama.. :)

Anyways, mga sis, wherever you wear your wedding ring, as long as you and hubby remember the reason why you are wearing it, kahit saang hand yan, it will serve the purpose. :)

Pages: [1] 2 3 ... 11