Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - sirchief♥maya

Pages: [1] 2
1
Romantic Relationships / Re: Husband pushed me
« on: January 08, 2015, 11:27:12 am »
@ sis mommymommy,

I think it would be helpful if both of you would attend a marriage encounter. Yung kayong dalawa lang... kasabay ng iba pang couples.

Umattend kami ng husband ko ng marriage encounter 3 months ago. And I should say marami kaming natutunan at naapply talaga namin sa relationship namin.

It is normal for a husband and wife to argue sometimes. But make sure that when it happens, your child(ren) is/are not around. Pag usapan ang issue kung paano mare-resolve, hindi kung paano ka (o ang asawa mo) mananalo.

It is also important that you put God in the center of your relationship. Sabi nga, kung ang mister/misis may takot sa Panginoon, iisipin niya na "Ang gusto ng Dyos mahalin ko ang asawa ko".

Continue praying for your relationship Sis. Basta mabuti ang intention, iga-grant ni God yan in His perfect time.

2
Inspiration / Re: What is your Bible verse today?
« on: February 25, 2014, 03:46:59 pm »
I just want to share this verse with everyone..

1 John 4:1-6 ESV

"Beloved, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world. By this you know the Spirit of God: every spirit that confesses that Jesus Christ has come in the flesh is from God, and every spirit that does not confess Jesus is not from God. This is the spirit of the antichrist, which you heard was coming and now is in the world already. Little children, you are from God and have overcome them, for he who is in you is greater than he who is in the world. They are from the world; therefore they speak from the world, and the world listens to them."

Hindi ako relihiyosang tao. I admit hindi ko nape-perfect magsimba every Sunday. Inaamin ko rin na medyo natatakot ako dun sa kumakalat na balita balita ngayon tungkol sa "flesh-eating disease" sa Pangasinan at sa di maipaliwanag na dahilan it coincided with Sadhu Sundar Selvaraj's prophecy late last year.

Gusto kong kontrahin yung idea na "nagkakatotoo" yung mga sinasabi ni Mr. Sadhu. At this point, I want to believe na "nagkataon" lang yung tungkol sa Samar at Leyte, at ngayon sa Pangasinan.

Pero pwede rin naman na, totoo ngang nakikita ni Mr. Sadhu yung mga delubyong nangyari/nangyayari/mangyayari. Eto eh opinion ko lang naman: Totoo bang si God ang nagsasabi non sa kanya?O baka naman yung kalaban ni God... According to the Bible "many false prophets have gone out into the world". Pwede rin naman na isa siya sa mga false prophets.

Bakit ko nasabi? Kase ang devil nandyan lang. Ang devil can be anything, anyone. It can also do anything to anyone. Ang tao pag nagpatalo sa sobrang galit, nakakagawa ng hindi maganda sa ibang tao. Gaya ng nangyayari sa paligid lang natin: Gobyerno, Justice System, mga pangkaraniwang tao na nagiging riding-in-tandem, etc. Pag yun nangyari, ibig sabihin, hinayaan nyang magtagumpay yung "devil" sa kanya. Kung kayang gawin ito ng devil, much more ang maging "prophet". Yes he may speak the truth but this also can just be a way to deceive the people to believe in this prophet. Kase he mentions the name of God and apparently, he also relays the things that people should do to "prevent" these catastrophes from happening: that is praying. Papaniwalaan talaga siya. Kase "nagkatotoo" yung mga sinabi niya eh.

Ang dami tuloy taong natatakot. Oo, in a way, may advantage kase mabubuhay yung pagiging "taong-madasalin" mo. Pero kailangan talaga ganon ka-nakakatakot ang "panggising"? Sure ba na lahat magbabago at iiwan ang masamang gawain dahil sa sinabi ni Mr. Sadhu?

Ngayon nakakapag taka, bakit yung mga Priests, Pastors, mga Speakers ng INC... wala tayong nababalitaang ganito kahit kelan na kinausap sila ng Dyos para ikalat sa mga tao na "ito ang mangyayari sa taong ito... "? Kase ang gusto nila tumibay yung pananalig natin sa Dyos. Na kahit hindi natin nakikita ang hinaharap, magtitiwala tayo sa Dyos at sa kung ano ang plano niya sa atin.

Lord, tanggalin Nyo po itong takot na nararamdaman ko. Payapaain Nyo po ang puso at isipan ko... na kahit nagcoincide yung mga sinabi ni Mr. Sadhu at yung mga nangyari sa Pilipinas, walang iba akong dapat paniwalaan kundi Ikaw lang at Ikaw. Thank you Lord kase po alam namin na sa kabila ng mga nangyayaring unos sa amin, binibigyan Mo kami ng panibagong pag-asa para makabangon at maka-ahon, at totoo po Lord na nalalampasan po namin lahat ng ito dahil sa tulong Nyo. Nagiging mas matatag kami. Who are we to question You, Lord? Alam po namin na sa lahat, may dahilan Ka. Kung ano man yun, hindi namin alam pero isa lang ang alam kong gusto Mong mangyari: na magtiwala at manalig kami sa IYO. Amen.

3
Sexuality / Re: never had an orgasm with my hubby.
« on: January 06, 2014, 02:45:54 pm »
mommy alam po ba ng hubby mo yan? if not, then siguro kailangan niya malaman para naman magkaron siya ng idea paano ka niya mafu fully satisfy di ba?

siguro kailangan lang ng bagong stroke ng hubby mo para ma-turn on ka...

o baka naman maraming iniisip mommy kaya di masyado maka focus?

4
Welcome Aboard! / Re: Let us share our favorite street foods!
« on: January 06, 2014, 02:35:24 pm »
tokneneng and bbq (yung isaw ng baboy!)

5
Kailangan pa bang i-memorize yan?  ;D ;D ;D

6
Welcome Aboard! / Re: Random Thoughts [Part 4]
« on: January 06, 2014, 02:33:33 pm »
Ay alam ko na bakit di mapirmi ang mister niya sa kanya at naghahanap ng ibang mapaglilibangan...

Kahit ako lalake at makita ko paano get up niya at posture... matu-turn off talaga ako

(laiterang palaka!)  ;D

7
Welcome Aboard! / Re: Random Thoughts [Part 4]
« on: November 21, 2013, 10:57:57 am »
Nakakaramdam ako ng konting panghihinayang na pwedeng di na kami ulit makapag usap or baka matagalan pa ulit before we get in touch with each other again.

I know I should not be feeling this way. Kasi mali. Unfair sa “iba”.

Yeah, I admit, I will miss our talks. Nakakakilig e! And somehow, sumaya naman ako. Malaking bagay na yun.

Bahala na kung magka-usap pa ulit kami. For now, focus nalang muna ako sa mga dapat kong inuuna.

8
Welcome Aboard! / Re: Random Thoughts [Part 4]
« on: October 08, 2013, 04:05:16 pm »
“Dapat matuto kang sumagot….”

Dapat matuto? Bakit, mali ba ang sagot? Hindi ba marunong?

Porke hindi mo gusto kung ano yung isinagot eh ibig sabihin hindi na marunong?

“Tutulong kung sa tutulong”…. E bakit merong “pero”? Bakit may side comment pa na “personal na ito, hindi na ito parte ng trabaho ko”.

Dahil ba mataas ang pinag-aralan mo, kailangan may limitasyon ang pagtulong?

Kung gusto mong tumulong, wag ka na magtanong, wag ka na magsalita, gawin mo nalang.

Kumbaga sa taong humihingi sa iyo ng pagkain, baka sumakit pa ang tyan ng taong pagbibigyan mo dahil lang di bukal sa loob mo pagtulong.

Nakakaturn-off naman. Sana ako nalang pinromote.

9
Welcome Aboard! / Re: Random Thoughts [Part 4]
« on: August 07, 2013, 12:49:31 pm »
Pinapakain nyo na ako pero may ipapakuha at ipapagawa pa kayo sa akin...  >:( >:( >:(

Kaya mas mabuti pa talaga nasa field ako eh!

10
Welcome Aboard! / Re: Random Thoughts [Part 4]
« on: May 29, 2013, 11:04:43 am »
IHY vice...  >:( >:( >:(

11
Sexuality / Re: Your say about Foul Words during sex?
« on: May 22, 2013, 01:13:51 pm »
Depende... pag english parang keribels lang..  ;D ;D ;D pero pag tagalog parang di ko feel  :P :P :P

So far, accepted ko pa yung "sh_t"... other than that parang ayoko na. baka mawalan na ako ng gana.

12
Party Needs / Re: Anna's Balloons and Party Needs - Updated!
« on: May 22, 2013, 01:06:09 pm »
mommy pwede kayang customized? yung not according to the packages?

13
Welcome Aboard! / Re: How are you feeling today? [Part 9]
« on: May 22, 2013, 01:02:49 pm »
naeexcite!  :D :D :D

lapit na company anniv namin!!! midyear! midyear!!

14
Money / Re: paano mag budget
« on: May 22, 2013, 12:58:51 pm »
np po!!!  :) :) :)

15
Party Needs / Re: Freelancer balloon decorator
« on: May 22, 2013, 12:56:55 pm »
following this thread...  :D :D :D

Pages: [1] 2