Show Posts
This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.
16
Your Kid's Health and Safety / Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« on: July 23, 2012, 10:36:07 am »
Ay susme talaga sis, kung nakakamatay siguro ang mura,bumulugta na talaga ako..Pero nung tinanong ko ulit, di na daw niya maalala na namura ako at di niya na daw matandaan pano siya nakarating sa amin..yung sasakyan niya, iniwan na lang niya basta sa MCdo Munoz saka tmakbo papunta sa amin.
Kaya nga binilhan ko talaga ng tali para di magkawalaan talaga

17
Your Kid's Health and Safety / Re: Anak ko muntik nang mawala???!!
« on: July 19, 2012, 10:43:11 am »
nangyari naman to sa Eton Centris sa my Quezon Avenue.Bitbit ko yung Toy Car na gift ng isang napakabait na SP Mom habang hinihintay ko si Hubby.Di eto na, Inilapag ko lang sandali yung hawak kong bike kasi nga di ko na kaya ng pagtingin ko,ala na sa likod ko yung 2 yo na baby ko.As in,parang pumunta sa uo ko lahat ng dugo.
Lumabas at naikot ko ang buong game zone.So ang last remedy ko, tawagan ko na si hubby.Humahagulgol na ako at sinabing nawawala si Inigo.Sa tagot at galit niya, nasabi na lang niya,pag may nangyaring masama jan, lagot ka sa akin..Di lalo akong naghysterical.lahat na ng tao dun,nabulabog na yata sa sigaw ko.Ala naman daw nakita yung mga tindera sa may labas.
Until, may narinig akong boses..Andun pala siya sa may loob ng videooke booth at nakikikanta na sa mga tao dun..Buti na lang bukas konti yung pintuan kaya kahit paano, naririnig yung mga kumakanta sa loob.
pagdating ni Hubby,grabe ang pawis.tinakbo daw niya ang Munoz to Quezon Ave sa sobrang taranta..Kaya ayun,pag lumalabas kami,kahit mabigat, naka karga siya lagi.

18
Your Kid's Health and Safety / Re: masakit ang tyan, may pwede bang ipahid?
« on: July 17, 2012, 01:41:46 pm »
although it's a big no,no sa mga Pedia's, proven and tested ko na yung aceite de manzanilla everytime sumasakit tummy ng anak ko. Effective naman sa kanya sis.Ang turo sa akin ng lola at mga tita ko, sa bandang pusod mo ilagay.After ko mailagay yun, utot na siya ng utot tapos, di na daw masakit tummy niya.
19
Your Kid's Health and Safety / Re: Allergologist/ Allergy test
« on: June 29, 2012, 09:41:02 am »
OO sis, covered sya..Depende kasi sa package na kinuha nyo. Yung sa kanya, covered lahat..Ni singong duling,ala sya binayaran.Basta ang naalala ko, immunoglobulin E yung isang test..Bsta madami yun..di ko na maalala lahat..
20
Jokes and Funny Stories / Re: Kids say the darnest things :)
« on: June 28, 2012, 01:00:35 pm »
Naiinggit ako sobra,,Si inigo ko,mag 3 na pero d pa rin ganung nagsasalita//ALthough naiintinidihan namin pag nagkwekwento kasi nga complete w/ action.
Kanina, nagising sya habang nagbibihis ako,...
Inigo:Mommy,ayaw Alis...
Ako:Anak,pasok na ako office,need ko magwork para may pambili tayo ng milk mo.Anjan naman si Ate e..
Inigo:Mommy, ate office,mommy haws..
Parang sinasabi niya..Si ate(yaya) na lang daw ang mag-office at ako ang mag alaga sa kanya.
Kaya ayun,nalate ako...Hirap iwanan agad..

21
Home / Re: Achieving your Dream Home
« on: June 28, 2012, 12:14:17 pm »
Bata pa lang ako,yan na ang pangarap ko~ang magkaroon ng sariling bahay.
Nung mag-asawa kami,pinag-usapan talaga namin na ayaw naming buuin yung magiging pamilya namin sa isang inuupahang bahay lang.Dapat yung sarili na talaga.Kaya kahit mahirap,pinagsabay sabay namin.Manganganak ako,ikakasal kami, tapos bibili pa ng bahay.Lakasan ng loob ika nga.
Dahil may konting ipon ang asawa ko, yun ang ginamit sa equity.Medyo tipid na kasi may mga naipundar na syang mga gamit.Instead na magpakasal kami ng bonggang bongga,mas pinili namin na gamitin yung regalo ng mga magulang namin sa pagsisimula saka pag bayad ng lumpsum sa pag-ibig loan para kahit paano,mabawasan yung bayad namin.
Ngayon,paunti-unti,nabubuo na ang aming dream house...Medyo nadagdagan na rin ang aming gamit.Sa totoo lang,di ako magsasawa sa katitig sa bahay namin.Parang di kasi kapani-paniwala na magkakaroon kami ng ganun.
Kaylangan din matinding disiplina at pagtitipid...Pero kung talagang gusto natin, maabot natin...Di nga sya ganung kalakihan-49 nga lang floor area..Pero at least, sa amin..

22
Your Kid's Health and Safety / Re: Allergologist/ Allergy test
« on: June 28, 2012, 11:56:39 am »
sis, yung sister ko sa FEU sya nagpacheck-up..almost 4k din gastos..KAso covered sya ng Maxi kaya la din kami cinash out...
basta madaming test na ginawa..I forgot lang yung mga procedure na ginawa

23
Kids With Special Needs / Re: Developmental Pediatrician
« on: June 25, 2012, 09:35:06 am »
Sis, you better see a Dev Ped First...para na rin sa ikakapanatag ng loob mo at para may panlaban ka sa school,in case na hindi nga "special" yung anak mo.
As a mother,nakakarelate kami sa nararamdaman mo.Sobrang sakit kaya yan.Sa ngayon,kumalma ka muna and ipacheck mo agad siya.
Balitaan mo kami sis ano ang findings...Pag nalaman mo yun, dun tayo mag isip ng next move againts sa school na yan kasi napaka inhumane talaga ginawa.

24
Members' Kumustahan board / Re: Educational background (college)
« on: May 08, 2012, 01:07:28 pm »
bubuhayin ko ulit to...
BS accountancy.
BS Management..
Saint MAry's University-Bayombong, Nueva vizcaya

25
Getting Pregnant / Re: How does it feel getting pregnant and giving birth for the second time?
« on: April 26, 2012, 10:14:40 am »
Naku pag nabuntis ka Marnie, sunod na ako..
.. baka kasi ako lang ang absent sa mga EB natin in case kaya ayaw ko muna..
Kidding aside, takot pa ako mabuntis... yung expenes, yung trauma, saka lahat lahat na..Saka buti sana kung madaling maghanap ng mag aalaga...

26
Getting Pregnant / Re: How does it feel getting pregnant and giving birth for the second time?
« on: April 26, 2012, 10:14:02 am »
Naku pag nabuntis ka Marnie, sunod na ako..
.. baka kasi ako lang ang absent sa mga EB natin in case kaya ayaw ko muna..
Kidding aside, takot pa ako mabuntis... yung expenes, yung trauma, saka lahat lahat na..Saka buti sana kung madaling maghanap ng mag aalaga...

Kidding aside, takot pa ako mabuntis... yung expenes, yung trauma, saka lahat lahat na..Saka buti sana kung madaling maghanap ng mag aalaga...
27
The Balancing Act: Career and Family / Re: Reasons/Things Why You Are A Working Mom
« on: April 25, 2012, 03:47:26 pm »
Simple lang sagot ko nyan-Kasi kaylangan talaga....
Ang hirap pag sya lang ang magwork sa amin..Di niya kaya lahat kasi di naman kataasan sahod niya,and the same time,mas strong personality ko at mas madiskarte ako sa buhay...
Asawa ko na din nagsabi, "tiisin mo kung ano kaya kong ibigay.. Hindi ako nangako sayo sa simula pa lang'
At syempre,mataas din pangarap ko sa buhay..As in sabay sabay gastos namin dati.Nagpakasal kami, nagloan kami ng bahay, nanganak ko, nagkasakit anak ko, etc...kaya kung di ako nagwowork, sa kangkungan kami pupulutin..
Sa panahon ngayon, iba na ang praktikal...Napakahirap man magtrabaho at mapalayo sa anak,pero kailangan...Kailangang kailangan........

28
Inspiration / Re: Experience with Miracles and/or Divine Interventions
« on: April 18, 2012, 10:54:29 am »
Minsan, pag may nagagawa akong kasalanan, Nahihiya talaga kaong magpray o magsimba..I admit, hindi ganun kalakas ang faith ko sa Kanya..Minsan,parang feeling ko, saka lang ako nagpraypray pag may kailangan o may problema ako...By the way here's one of the story na alam kong di niya kami pinabayaan..
Bagong Lipat lang kami sa bahay namin that time..5 months lang siguro si Inigo..Nung hapon na yun, naubusan kami ng tangke ng LPG>dahil la pa kami amsyadong kakilala, may nakita lang akong mga leaflets nung nagdedeliver ng tangke kaya I ordered 1. nagamit pa naman namin..
Until 12:00 in the midnight bigla na lang kami ginulantang ng sigaw ng kapatid ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto namin..Yung tangke daw ng LPG, tumatagas.. At first, natulala muna kaming mag asawa bago pa kami tumakbo pababa..Ayun pala, ang lakas na ng singaw..A sin dun sa mag gitna ng tangke nanggagaling yung singaw.. Sa sobrang taranta namin, napatakbo kami sa labas..Di namin naisip na andun pa ang baby namin sa kwarto..Binalikan sya ng yaya, while ako, napatakbo sa may gate.. Maswerte kami kasi that time, may nag iinuman pa sa may kabilang kanto...Agad nilang pinatay lahat ng sigarilyo plus hinarang lahat ng dadaan..Nilabas nila yung tangke hanggang sa naubos yung singaw..
So habang hinihintay namin na magsubside yung amoy , nagkwento yung kapatid ko...Nagising na lang daw sya at parang may nagtulak sa kanya na bumababa. Binuksan niya yung ilaw then saka pa lang talagang nagising yung diwa niya nung naamoy yung tagas.. Dun pa lang sa pagbukas ng ilaw, pwede ng sumabog yung tangke kasi triggering device yung ilaw e...PEro maliwanag na gumawa ng paraan ang PAnginoon para mailigtas niya kami..KAsi sa suffocation pa lang, pwede na naming ikamatay yun...
Thank God talaga...

29
Single Moms / Re: discriminated for being a single mom
« on: March 05, 2012, 01:31:50 pm »
Hi Sis,
Dati nagwork ako sa Korean Company..Sad to say, may mga ilang Korean companies na ayaw talaga sa mga single parent/s, hiwalay, unmarried, basta yung may complicated story ng buhay..Kinonfirm to mismo ng boss ko..I will cite example pa..
1. NAbuntis ako bago nagpakasal..That time, ang balak namin, after ko na lang kami manganak para makaipon pa pangkasal at the same time, sabay na lang sa binyag. Nung sinabi ko sa boss ko, agad niya akong kinausap na ayusin ko na daw agad kasal namin.. And Know what, siya ang gumastos sa kasala namin para mapadali lang..As in lahat..Sinabi niya kasi sa akin na pwede daw ako tanggalin ng company once na nalaman to *( O diba, exagz)
2. Nung paresign na ako, madaming qualified na candidates pero pumapalpak kasi unmarried, single moms, o kaya hiwalay. Dun pa lang, bagsak na kahit gano kaganda credentials...
Ewan ko lang sa ibang Korean companies ha, pero halos lahat ng alam kong company,ganun sila,,.

30
Members' Kumustahan board / Re: Parents from CAMANAVA area.
« on: February 28, 2012, 10:19:20 am »
Im From Bagumbong, Caloocan...Yung malalayo ngang EB,napupuntahan ko, eto pa kayang super lapit na...
Sis Dhang, sige na organize ka na...hehe...Di nyo talaga ako maasahan sa ganyan kasi ala akong leadership skills..hehe