Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommyjanice

Pages: 1 ... 4 5 [6]
76
Travel / Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« on: June 23, 2010, 03:20:52 pm »
OT:

welcome mommycandice,nakakaSP ka na ulit.haha

..

naku kung sa tapang lang din lang siz, numero uno tayo jan..haha (palengkera bah?)

kidding aside,

pag ako o pamilya ko na ang inaagrabyado,
kahit sino o nasan ako, ala na akong iniisip..

Kahit si hubby,ilag sa akin pag ako nagalit..haha



77
Travel / Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« on: June 23, 2010, 02:04:03 pm »
Galing Mommy Janice! Pang script ng sine ang naging experience mo. I admire your courage! Pati na rin your Husband. :D


oo nga, parang ako si nora, sya si fernando po..

wag naman, sya si gerald, ako si kim...

naku mommy, first kong naipablotter,haha..
may pics pa nga kami sa police station..

 ;D

78
Travel / Re: Taxi/ bus/ mrt ot lrt/ puj & tricycle experience
« on: June 17, 2010, 01:10:52 pm »
Jeep:Bago lang kami magBF dati ni hubby.may nakasakayan kami na lasing na mama.Bale magkaharapan kami.Aba, kinikindatan at iniismaylan ako.komo lasing, siniko ko nalang si hubby na wag pansisin.

pagbaba namin, nauna si hubby tapos ako.bigla na lang akong napasigaw ng maramdaman ko na hinawakan ni mamang lasing yung pwet ko..As in 2 kamay pa..

Sabi ni hubby,bakit..pero kitang kita niya pala kasi ngumisi pa si bastos sa kanya.Ayun di nakapagpigil, hinila niya pababa si lasing saka binugbug kahit pinapatigil ko na sya.Ang ending, sa police station ang bagsak namin.Nagrekamo si lasing dahil puro pasa..haha

MRT:

Syempre siksikan.Ortigas station nung sabay kaming sumakay ni Ms. Feeling.Aba sa sobrang haba ng hair, tumatalsik sa mukha ko (ang gaspang naman)Una di ko pinansin dahil nga lam ko siksikan.ewan ko kung nanadya pero, panay pa rin ang hagod at hampas ng buhok niya e sakto lagi sa mukha ko.Kinuha ko yung pamaypay ko at yun ang itatakip ko sana sa mukha ko..pagtaas kong ganun,nasagi ang batok niya..Aba ang dami ng sinabi.Porke di  daw ako nag iingat,etc.etc.

Napapahiya na ako dahil sa alang tigil na pagbubunganga niya kaya humulgpos na rin pagtitimpi.Sabi ko Miss, di ako pumapatol sa mga mukhang pokpok gaya mo.Kung palengkera ka, pwes maghanap ka ng kapareha mo dahil hindi kita kalevel.

May nagpalakpakan na sa loob ng Train pero dedma na ako..

Pagdating namin ng Cubao,bababa na pala sya.nakita ko na iaamba niya yung kamay niya.Siguro plano niya na pagbukas ng train , sasampalin ako,, Kaya ang ginawa ko, tinadyakan ko na sya..Oo ginawa ko yun..Di niya nakontrol katawan niya at mukhang napalakas din yata, natumba sya, sabay lusot yung isang paa niya sa butas sa pagitan ng platform at train..Sigaw talga sya..

babalikan niya sana ako (well natakot din ako kahit paano) e biglang sumara yung train.Sakto sa mukha niya talga yung paglapat.Binelat ko sya sabay nagbabye ako..haha

Madami pa kong experience sa sasakyan pero saka na..Nobela na to..



79
baby ko naman, hindi sa bed nahulog kundi sa may dirty kitchen namin...the other night lang to nangyari...
nakasakay daw sya ng walker niya..etong yaya ko naman, ibinilin dun sa yaya ng kapitbahay na tignan muna kasi maliligo daw sya...
e syempre may alaga din, kaya di rin niya nahabol agad, ayun dumeretso sa baba..may 1 step kasi yun pababa ng dirty kitchen...
Pagod na pagod ako galing work at unang tatambad sa akin,yung pagkalaki laking bukol,gasgas at pasa sa noo niya...ay naku mga siz, sa galit,takot at pagod na rin siguro,nagcollapse ako..haha!!
di ko kasi mailabas yung galit ko sa yaya..araw araw binibilinan ko na laging tignan lalo na pag nasa walker kasi malikot...Bat kasi kaylangan nyang iwan sa yaya ng iba..pwede naman syang maligo ng umaga kasi andun pa kapatid ko...
nung una syang mahulog sa may mesa, itinakbo ko sa hospital na naman..Napahiya lang ako kasi sobrang likot naman niya at parang alang nangyari...kaya sabi ng dr, nasa akin na daw pag ipa CT scan ko pa..e mahal na araw nun kaya ala kaming mahanap na specialist na pedia....
So far ok naman sya..lalo yatang lumilikot pag nababagok ulo..
lagi na lang akong nagprapray na sana alang masamang epekto in the future....
Di bale mga siz, superman at woderwoman naman mga baby natin...di sila pinababayaan ni BRO....

80
@mommycg,
your welcome po..
talagang ganyan yata mag baby.May mga times talaga na humihina sila magdede at kumain..naranasan ko din ganayn, yung halos mabaliw na rin ako kaiisip  an0 pa pwedeng gawin para bumalik gana niya..
Pero, pasasaan bat babalik din yan..Tyaga tyaga lang talaga.

Godbless!!

81
nung una, ayaw din kumain ng baby ko..saka yung milk niya, pahirapan din.Imagine from 3 months-7 months, saka lang dumedede pag tulog..nung tumuntong sya ng 6 months, ayaw din sa mga solid except gerber at milupa.
until nung mag 8 months sya, grabe, kami na ang nagtitipid sa kanya kasi iyak ng iyak kung di agad nasalpakan ng gatas..saka ang lakas na din niya sa solid food..stop na sya sa cerelac, gerber at milupa.. Purong kanin na sya with ulam...
Maybe related yun talaga sa pag-iipin.simula din kasi nung tutmubo yung teeth niya, dun din huminang magdede...
Saka mula nung magkaroon kami ng kapitbahay na 9 mos old, ayun, naging matakaw kasi sabay na sila kumakain unlike before na sya lang kumakain..
Mommy, sanayin mo na pag kumakain kayo, isabay nyo sya, o kaya magtawag ka ng maraming bata, if possible, pakainin mo din sila,para makita niya na marami sya kasabay.,ireverse psychology mo sya na kunwari, kinikuha na ng mga bata pagkain niya.
try mo din yung Cellife.Actually, pinainom ko din dati baby ko ng ganyan..
Basta  patuloy ka lang mag explore kung pano mapagana sa pagkain si baby..
 

82
ay sinabi mo pa mommy...
kaya nga ayaw na ayaw ni hubby sumasama kasi gabi na kami nakakuwi..
Buti na lang, may pinsan sya sa dun na nurse, nililista na name ko ng maaga para nasa unahan ako ng pila.
E pano naman kaya yung mga nasa huli,,,ay pamatay...
Tyaga tyaga lang talga...

83
Zion's mom,
Di ko mairerecommend si Dra. Tan kung ang hanap mo e maiksing pila dahil susme, super duper dami lagi ang nagpapacheck up.....
ANg cosultation hour niya e 2-5, pm M-S kaso pag may operation sya o emergency, mga 5-6 na nasisimula kaya inaabot ako ng siyam siyam..
mabuti kung andun  yung pamangkin niya na OB din kaso di naman lagi...
Saka ang alam ko, halos lahat ng OB sa Chinese, ang hahaba ng pila lalo na ky Dra. Sanggalang pero marami fedback mabait daw sya...

84
as of my experience, ok naman sa chinese.. Si Dra. patricia Tan ang OB Ko via CS...
hanggang 7 mos lang ako nagpacheck sa kanya dahil biglang nag iba isip ko nung time na yun dahil iniisip ko ang gastos..Lumipat ako ng gov't hospital para makamura sana kaso nung day na manganganak na ako, nagkaaberya kaya balik ako ng chinese.CS na daw ako kasi Overdue na,,,
Hindi sana ako tatanggapin ni Dra. tan kaso nakiusap lang talaga ako.inexplai :)n ko sa kanya ang sitwasyon ko na kulang ang pera amin kasi sabi niya nasa 60k ang CS.. tinanong niya kung magkanu lang dala namin, sabi ko 30k lang,.,
Sabi niya sya na daw bahala...total billing namin nasa 35k lahat lahat na kasi ang laki ng discount ko.. Supposed to be nasa 60k lahat...(net ng Philhealth) kasi nagtagal pa ako sa hospital...
magaling pa sya.malamang pag hindi sya nag dr. ko, patay na ako ngayon kasi dinugo ako after 2 days ng panganganak..buti napaampat niya..

Just sharing you... :) ;)

85
Sexuality / Re: resuming sex after giving birth
« on: November 20, 2009, 04:31:07 pm »
katuwa namang magbasa.. kami mga mommy ala pa talaga.. bukod sa natatakot ako na bumuka yung tahi q tru CS, natatakot din ako na mabuntis agad..lalo na ngayon were still recovering pa.,both physically anf financially. Di pa kz ako nakapagpacheck up kay Dra. dahil alang time..layo kz niya.. naawa na tuloy ako kay hubby kz panay na daing.. since 2 months kz ako, binawalan kami ng OB na magcontact dahil  nag bleeding ako.. so to sum it up, almost 9 months ng ala.. ;D
sabi nga niya, kasawa na daw magsarili... :-[ :P
I'm just waiting for my period as a cue para pwede na..mahirap na baka maghanap sa iba..haaay, kaloka...

86
Baby Development and Milestones / Re: baby's monthly weight
« on: November 19, 2009, 03:33:29 pm »
my baby

at birth- 4.15 kgs. (9.14 1/2 lbs.)
1st month-6.2 kgs (13.64 lbs)
2nd month-6.8 kgs (14.96 lbs)
3rd month -7.5  kgs  (15.84)
4th month-8.1 kgs (17.82lbs)
5th month-8.4 kgs (18.48lbs)
6th mothh-9.00 kgs (19.8lbs)
7th month-9.5 kgs (20.9lbs)

Pages: 1 ... 4 5 [6]