Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - eowyn

Pages: 1 2 3 [4]
46
Special Occassions / Re: Wedding on a Budget
« on: January 16, 2010, 08:03:42 pm »
^sis, thanks for replying. :)

i hope some more SP fellow would share advices.


47
Basahin sa Smart Parenting.
Click this to read full article.
This Couple Got Married At McDonald's, Happy Meal Ang Giveaway

photo by FRITZIE KATE GIRON

Hi, Smartparents!

My partner and I are currently looking at formalizing our vows through a church wedding ceremony this year. But given our present situation, we are sort of hesitant to pursue our plans. We know that our resources are limited, since we also need to budget our income for our baby's needs.

I started this thread to ask for advices and tips from couples (parents) who were able to materialize their wedding plans without spending too much. You may also share your breakdown of expenses so we would at least have an idea how to allocate finances.

Thanks very much.  :)

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan o payo.


48
I would say that even if your baby is big na (as in hindi na siya super baby like months pa lang or a year old), sa diaper changing room pa rin siya hugasan pag nagpoop. Yun nga lang, most of the time, naka-lock ang diaper changing rooms sa malls (like in Robinson's). Medyo challenging lang rin kung walang ganong room at nasa ladies' room ang diaper changer (yung pull-down plastic "bed"). Sa case kasi namin, 2 kami lagi ng partner ko na nagpapalit sa baby namin. So dun talaga kami everytime magpoop si baby.

I always have lots of wet wipes (scented para di masyado amoy baho si baby...hehe), tissue, lampin (mas madali kasi matuyo kung mabasa man), extra shorts and shirt, even extra socks (bah, malay natin kung umabot pa sa paa ni baby ang ebs, although we remove his shoes and socks everytime we change his diapers). Meron din akong pocket soap (kasi baka wala sa restroom ng malls), hand sanitizer (syempre baka amoy baho din ang kamay namin afterwards).

Naiintindihan ko naman yung janitress kung ayaw pahugas pwet ni baby sa lavatory nila. Kasi nga naman, it may gross out other users. Iniisip ko na lang, dito nga sa office, bawal maghugas ng kinainan sa lababo ng CR namin, pwet pa kaya. Hehe. Ganon na lang siguro, sa toilet na lang hugasan, at least sarili nyo yung rest room. Magkulit man si baby, may time ka na magtagal at nandon na rin kasi lahat-- diaper changer, toilet at lavatory. :)

Sorry naman, ang daming sinabi. :D   

49
Real Parenting / Re: how to discipline a toddler (1-3yo) Bawal nang mamalo?
« on: December 03, 2009, 03:40:09 pm »
mga mommies,

mabuti na lang may thread na ganito. at least alam kong hindi nag-iisa ang anak ko sa kakulitan.  ;D

sabi nila wag papaluin ang baby, especially ng sarili nating mga kamay. kasi these are the same hands we use to hug them, embrace them...kung gusto nyo talaga ng carrot and stick approach sa anak nyo, you should use other stuff to "punish" him with like a rod, a stick, tsinelas pwede rin. basta never ang sarili nating mga kamay.

ang dilemma ko naman sa baby ko ngayon, mahilig na nga mamalo and not only that, he shouts "BAD," too. the thing is, we NEVER say the word "BAD" infront of him. as in never kasi nabasa ko sa isang bok na yung mga kids na sinasabihan ng bad, most of them grow up submissive, very scared to take challenges, or make decisions. kasi bata pa lang sila na-instill na sa mind nila yung concept ng "bad"--- pag ginawa nila ang isang "maling bagay" bad sila. ang assessment ko napulot niya sa yaya niyayun, kasi one time narinig ko yung yaya sinasaway ang baby ko, sabi niya "wag yan! bad yan!" bothered ako kung paano ko aalisin sa anak ko yun ngayon, esp. sa harap ng ibang tao ngayon pag may hindi siya nagustuhan sumisigaw siya agad ng "bad." pag na-frustrate naman siya kasi pinagbawalan namin siya sa isang bagay (i.e. isuot ang daliri sa fan, umakyat sa bintana, ibato yung toy cars niya), either he bangs his forehead anywhere he thinks na masasaktan siya o kaya mamamalo siya sa mukha.

syempre as a parent, nakakalungkot na kaya natututo ng ganon ang baby ko kasi hindi ko siya nababantayan 24/7. sinabihan ko na ang yaya tungkol don noon, pero ang problema kasi na-pick-up na ng son ko yung stuff na ayokong ituro sa kanya kaya lagi na niyang ginagawa.

as for the "no," korek, hindi pa nila naiintindihan yun. mas ok kung sasabihin sa kanila ang dapat nilang gawin/ginagawa, kesa sasabihin ang hindi dapat gawin. para positive reinforcement pa rin. :)

50
Real Parenting / Re: how to discipline a toddler (1-3yo) Bawal nang mamalo?
« on: September 22, 2009, 02:31:22 pm »
i can relate to this question.

my son is almost 18 months already, he also throws a fit everytime he doesn't get what he wants. nag-aalala ako minsan kasi pag na-disappoint siya, inuuntog niya yung ulo niya sa crib niya o kaya sa mismong forehead namin ng daddy niya. minsan naman pinapalo niya kung sino ang nearest person sa kanya. worried ako na baka maging mabigat ang kamay niya. wala naman sa amin nagpapakita ng pamamalo, hindi nga namin siya tine-threaten na papaluin siya, kaya nagtataka ako bakit ganon ang attitude niya.

baka kasi hindi normal na ganon siya, meron kasing babies na pag sinabi mong "no" eh tatahimik lang.

what's the best way to deal with this kind of tantrums? kasi sabi dun sa isang article na nabasa ko, don't hurt (spank) back the child coz they may get the impression na violence ang sagot sa tantrums nila. 

51
School Hunting / Re: Makati Pre-schools
« on: September 11, 2009, 03:06:20 pm »
hi, smart parents!

is anybody here familiar with the sacred heart school in glorietta? i read from one of the pinoy forums that i join that it's a daycare center where working parents could leave their kids while they work. they are accepting toddlers aged 1.5 years old. there was a really good feedback about the teachers, and i was considering enrolling my child there instead of hiring a yaya.

please share any info you know (i.e. rates, facilities, schedule, etc.). their website doesn't contain sufficient information eh.

thanks! :)

52
Yaya Solutions / Re: Yaya Watch List
« on: September 08, 2009, 07:09:15 pm »
Mga sis, baka sakaling mamasukan sa inyo itong yaya ko after niya umalis sa amin this month. Ingat lang kayo, ma-PR itong yaya na ito. She will really win over your trust sa pagtatrabaho niya sa bahay at pati sa pag-aalaga ng anak nyo. Nagkamali lang ako kasi nagtiwala ako sa kanya dahil akala ko OK siya. She's been with us for 8 months already, ngayon ko lang nalaman ang tunay na karakas nitong taong ito.

Una kong napansin sa kanya, mahilig siyang bumale, kada buwan ina-advance niya ang sweldo niya para daw sa mga anak niya. Wala kasing permanenteng trabaho ang asawa niya at manginginom pa. Beware dahil gagamitin niya rin ang college diploma niya (yes, nakapagtapos sya ng vocational course sa isang university sa Romblon) at ang working experience niya sa Switzerland. Later ko na nalaman na nag-TNT pala siya doon kaya napauwi siya ng Pinas. Which means sanay na siya manggantso ng tao.

Nagiging issue namin ng yaya na ito ang abusadong paggamit niya sa day-off. Aalis ng Saturday morning or lunchtime (syempre kakain muna siya sa bahay para tipid siya), babalik ng Monday morning bago kami pumasok sa work. Nung sinita ko siya sa gawain na ganito, naglielow at nagpalit ng strategy. Tuwing may holiday (like Aug. 21, Aug. 31, Sept. 7--kahapon), nakikisabay siyang magday-off. Umalis ng Saturday 10am, usapan namin Lunes ng 10am dapat makauwi na siya sa amin. Pero bumalik kahapon lang (Sept. 7) ng 7pm. Ang drama na naman niya kasi pinacheck up ang anak niya at naghanap pa ng pera dahil hindi ko siya napa-bale ng P1,000! Ako pa ang sinisi ng bruha!

Nahuli ko pa na nagnakaw siya ng bigas galing sa isang kaban na rasyon namin from my hubby's parents. Inoffer ko naman sa kanya na kumuha siya don pero tumanggi siya at hindi na daw kailangan. I insisted na kumuha siya per ayaw niya. So akala ko hindi na siya kukuha. Nabisto ko lang ang kilo-kilong bigas na ninakaw niya sa loob ng isang maliit na kahon na dini-disguise niya as patungan lang ng electric fan sa kwarto niya. Nadiskubre ko rin sa cabinet niya yung Freeway cardigan ko na never ko ginamit pero nakaliitan ko lang. Kinupit niya sa bahay ng nanay ko nung dun kami noon nagstay. Yung ibang gamit ko nung dalaga pa ako nandoon pa kasi sa bahay ng mama ko.

Kaya pala nagtataka ako na yung asukal na 1 kilo, isang linggo lang rin sa amin to think na tuwing weekends lang kami nagtitimpla ng milo/milk. Pati Milo nauubos din ng hindi ko alam kung papaano. May kape naman siyang sarili niya, kaya nagtataka ako bakit pati stock namin nawawala. Yung mga sabon panlaba, 3 lang nagagamit niya para sa damit namin pero weekly din kami bumili ng half dozen. Di ko alam saan napupunta ang 3 pang extra. May separate na laundry powder naman para sa damit ni baby.

Pati yung laman nung cabinet sa isang kwartong hindi namin ginagamit, halos nawala na. Ultimo mga hand towels para sa ref, pundang maaayos, naglaho lahat. Natira yung mukhang basahan na punasan ng kamay, may sobrang laking butas pa. Sumama talaga ang loob ko dahil libre siya lahat sa bahay-- toiletries niya, yung mga gamit sa school ng anak niya, pagkain niya masasarap naman, yung mga de lata ko sa bahay binigay ko sa kanya. Hindi naman siya pinagdadamutan para magnakaw pa siya.

Ayaw na ayaw nitong yaya na ito na may kasama siya sa bahay bukod sa anak ninyo. Katwiran niya, mahirap ang marami sa bahay dahil nag-aasahan sa trabaho. Pero sa tingin ko iba ang tunay na rason. Yung dati niyang amo na mayor nilayasan din niya, sinabi niya na magbabakasyon lang sa Maynila pero hindi na niya binalikan, masaklap pa, pinagkakautangan din niya ng P2,000.

May napanood din akong video na kuha ng kapatid ng hubby ko---wala naman masamang ginagawa sa anak ko pero kitang-kita ko na pinababayaan niya ang bata. Nakahilahod sa sahig habang nanonood lang siya ng "Wowowee." Tapos pag nagpupunta sa kusina ang anak ko, sigaw siya ng sigaw kahit nandon yung biyenan ko at mismong bayaw ko na kumukuha ng video. Hindi ako sigurado kung aware siya doon. Nagawa niya ito for 8 minutes na kuha ng video, paano pa kaya ang halos 10-12 oras na naiiwan sa kanya ang anak namin pag naka-overtime kami.

Hindi ko akalain na magagawa niya ito sa amin. Mag-ingat kayo sa manloloko at sinungaling na katulong na ito-- R.C. OJANO. Taga-Romblon ito at may 2 anak. Wag kayo basta-basta maniwala sa kwento niya. Marami siyang nalaman tungkol sa pamilya namin dahil mahilig siya chumika-chika, kunwari laging concerned, kampi syo, etc. Pati nanay ko naloko niya. Yung asawa niya praning pa, nung malaman ang number ko pinagtetetext ako ng kung ano-ano.

Hindi pa grabe itong nangyari sa amin dahil nabisto namin ng maaga. Kung hindi baka mas marami pa siyang nalimas sa bahay namin. Kaya mga sis, ingat kayo. Baka sa inyo mamasukan ang taong ito.

53
sis, when i was pregnant, i really avoided carbonated drinks and even iced tea. i think it's just ok to take a sip, just a small amount lang. wag lang sobra, kasi sabi nga nila lahat ng sobra o kulang masama sa katawan.

kaya bawal ang softdrinks kasi it could contribute to gestational diabetes, may caffeine content din ang coke na not advisable sa buntis kasi nakakaaffect sa growth (weight) ng baby ang caffeine. isipin mo na lang na yung coke is an upper, same with coffee na nakakapagpagising. kung tayo nga affected na, what more yung little baby sa womb natin. tiis lang muna sis. kung di talaga kaya, limit mo lang ang intake mo. :)

54
Yaya Solutions / Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« on: August 25, 2009, 01:21:50 pm »
^Yun nga pala isang consideration, sis mumy-jan.
Baka naman 10 katao kayo sa bahay, lugi yung yaya na P2,500 lang ang salary. In our case kasi, it works na P3K ang sweldo ng all-around yaya ko kasi hands-on ako sa baby pagdating ko, plus I also do the cooking, basta dumating na ako ng bahay ako na sa bata. She can rest at 7pm or 8pm if she wants to, kahit maiwan pa ibang gawaing bahay sa akin. You have to ask your family members to cooperate din kasi with the household chores para less ang load ni yaya, therefore, justified ang P2,500 salary niya. Win-win situation dapat. :)

55
Yaya Solutions / Re: Yaya's salary
« on: August 25, 2009, 11:32:54 am »
Hi mommies,

I'm looking for an all around helper kasi.. yung laba+luto+linis konti+take care of baby.. would it be fair if I give 2500 for salary?? or masyado naman akong cheap?? hehe?! nagtitipid lang kasi me..

kayo what u think??
Sis, for me, OK lang yung P2,500 salary if she's living comfortably naman. I mean, kung meron siyang maayos na natutulugan, pagkain, at hindi naman siya tagtag sa household chores.

I had a yaya from Isabela na tumagal lang sa akin fgor 4 months. May edad na kasi siya (51y/o) at ang bagal-bagal kumilos. Minsan nakatingin lang sa akin habang di ako magkanda-ugaga sa ginagawa ko. May instance pa na iniwan niyang bukas ang kalan. Josko! Nagalit talaga ako. Ang salary niya P2,500 lang. Then when she left, dinagdagan ko yung bayad namin sa kanya para may pamasahe naman sya.

Yung yaya ko naman ngayon all-around, P3K. Pwede siya mag-day-off on weekends, bahala na siya. Pero nagtitipid din kasi ng pamasahe kaya twice lang siya umuuwi sa kanila sa Cavite. Ako nasagot ng toiletries niya-- toothbrush, toothpaste, shampoo, soap, deodorant, pati kape at asukal niya. Pag may needs sa school yung anak niya na hindi mabigat sa bulsa, binibili ko naman (like yung mga school supplies nung pasukan, dictionary, etc.). She takes care of the baby when we are at work. Toka niya rin ang laundry (weekly laba ng damit ko & hubby, and every 2 days laba ng damit ni baby). She's also in-charge of cleaning the house. Ako naman sa pagluluto at paghuhugas ng mga bote ni baby. May sarili siyang room at nakakapag-siesta naman siya on weekends na hindi siya nagde-day-off.   

Mahirap talaga ang buhay kaya I'm planning to give her a bonus in December na lang, pag may bonus na rin ako. Hehe. Siguro a month's worth of her salary and some groceries, pa-consuelo na lang. By that time naka-1 year na rin siya sa akin.

56
Yaya Solutions / Re: my baby prefers the yaya more than me
« on: August 25, 2009, 11:16:48 am »
sis eowyn, i can relate dun sa sinasabi mo na agawin ang attention. Ako din ganyan, pag iiyak na si baby i'll tell her, AKO NA... Actually she started eating solids today, gusto ko nga ako magpakain sa kanya palagi. By the way sis, congrats, bilib ako sa yo na 17 months ka na breastfeed.... I noticed din na mahilig si baby sa outdoors so malamang dadalhin ko sha sa park everyday na kaming 2 lang. Grabe mga sis, hirap talaga maging working mom, ang swerte ng mga stay at home moms na wala ng ibang kelangan isipin except household and family. Again, thank you sa mga replies :-)
sis, i hope you feel more comfy now. swerte ka nga at businesswoman ka, hindi ka employed katulad ko na nakatali sa office from morning until we're done with work. you are your own boss, you can tag your child along, kaya lang nga dahil baby pa siya talaga, mahirap din ilabas-labas with the pollution everywhere, dami pang nauusong sakit.

relax ka lang. ganon talaga. as long as you know you are doing and giving your best para sa anak mo, you should not feel too bad. i remember when i was about 3-4y/o, akala ko nanay ko yung yaya ko. pero pag masama ang pakiramdam o o may sakit ako, mama ko pa rin ang tinatawag ko.

ika nga nila, the dilemma of a working mom. if we only have all the resources and all the time in the world, we'd devote it to our son. :)

57
Yaya Solutions / Re: my baby prefers the yaya more than me
« on: August 24, 2009, 04:31:03 pm »
sis sq2009, i guess all working moms go through that stage. but what's important is that you "impose" your motherhood...yun bang ipapaalam mo na ikaw ang mommy niya in a very loving way ha.

i am also a working mom. i leave for work at 7am (minsan tulog pa si baby) and arrive from work at 6pm. minsan overtime pa lalo kapag may mga big events sa bank. pag dating ko ako pa magluluto, kaya nakakaguilty nga talaga na "latak" na lang yung oras na nailalaan ko kay baby.

i've been breastfeeding my son for 17 months now, katabi ko rin siya matulog, pero tama ka, naghahabol din siya sa yaya niya. naiinis ako sa feeling ko minsan, wala naman ako magawa kundi agawin lang ang attention niya, iba-bribe ko with books or toys, sometimes food para madistract ang attention kay yaya. hehe. i briefed the yaya in the past na pag dating ko sa bahay, hands-on na ako sa bata kaya kahit pagod ako, sa akin pa rin si baby. kaya pag nag-iiyak si baby at humahabol sa kanya, alam na niya ang gagawin niya (yaya)--lalayo siya, either aakyat sa kwarto niya o magtatago na lang sa kusina. hehe. kapag umeeksena siya minsan, sinasabi ko na "hindi na, AKO na." para alam niya na i will deal with my son, ako na bahala.

do your best na lang sis to spend time with your baby. hangga't pwede mo siya isama o isali sa lakad mo, do so. hug him a lot, kiss him a lot. talk to him and teach him nice words and phrases, teach him some tricks...magkaroon kayo ng activities na kayo lang dalawa ang nakakagawa (breastfeeding is the best example, pero you can also try singing nursery rhymes to your baby, am sure marami pang bonding activities dyan). pag feeding time niya, cuddle her close to you, ituro mo sa kanya ang "mommy." encourage mo din si hubby/elder offspring/yaya na i-refer ka as "mommy" para kamulatan yon ni baby. :)

58
Vandol works best for my son. Mabilis naman gumaling rashes niya, considering he has acidic poop because of his congenital illness.

59
My son is 13 mos, I can tell he's irritated na with his diaper kasi inaalis niya na yung side tabs. I tried sitting him sa toilet pag nakikita kong napupupu na sya, pero everytime nalang nawawala yung pupu, baka nahihiya  ;D
Im waiting na makapagsalita na talaga sya so he can tell me na if he wants to go or not.
I dont want to push him naman.

Ganito din ang son ko. He's 15 months old. Nagstart siya magpull off the tabs of his diapers when he was 14 months old. Akala ko the usual curious lang or natutuwa lang siya sa sound ng velcro tabs pero napapansin ko na ginagawa niya yon tuwing may poop siya. 

Hanggang ngayon ganon pa rin siya, inaalis yung diapers pag basang-basa na ng wiwi or pag may poop kahit na sobrang konti pa lang. Irritated na siya agad. It seems alam na rin niya pag nagpoop siya kasi ang reaction nga niya tuwing nagpu-poop siya eh isang big smile at sisinghot singhot na parang gesture pag mabaho.   ;D

May potty trainer na binigay yung kuya ko from Australia pa, pero ang baba niya kasi. Hindi ko alam paano ko ite-train don ang baby ko.

Pages: 1 2 3 [4]