Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - buuurp

Pages: [1] 2 3 ... 29
1
The Balancing Act: Career and Family / Re: Call Center Working Moms
« on: October 17, 2012, 03:13:42 am »
hi im back! sooooobrang naging busy medyo namiss ko din magforums.. so ayun...

we are hiring dito samin, eastwood site, very light work and family friendly ang schedule and environment. but i am also thinking of leaving kasi the salary is not enough, for me.

anyway, i am also trying to find another callcenter or another company that would accept an undergrad (3 years college) with 4 years call center experience that has a basic of 20k and above... any ideas? okay lang kahit toxic, ganun naman previous account ko.

2
Hi Mommies please help! My baby is STILL 11.5kg since he turned 1 last January! And my pedia wanted to switch brands for him to gain weight na. Ngayon I've tried what she recommended Enfapro A+ and Progress Gold... Sad thing - naghuhunger strike si Pio kapag nalalasahan na niya and just wants to eat rice and adult food instead. :( So we've discovered he isn't allergic na kasi wala naman rashes - its just that mukhang ayaw niya ng matamis na milk. Parang when he eats, he doesn't like choco drinks and would prefer juice and calamansi juice instead. He'd take sugar lang kapag coco crunch, or chocolate talaga but not drinks.

I am hesistant to try Nan Pro kasi baka di rin mag-gain ng weight - pero mukhang kasing lasa nito ang NAN HA. Ano pa ba ang hindi matamis na milk sa market pero nakakagain ng weight? I checked the carbs sa milks mababa carbs ng NAN brands.. huhuhu.

help!

3
Yaya Solutions / Re: Young Yaya
« on: August 25, 2012, 02:43:08 pm »
she's 17 and she's leaving na today. :( nalulungkot ako at sayang ang advance namin. 1 month lang pala ang balak niya kasi malayo daw sakanila sabi ng mama niya... Hayyyy, sana makahanap ng kapalit.... Thanks for the suggestions pala, kapag nakahanap na kami ulit will try those... Hayyy....

4
Yaya Solutions / Young Yaya
« on: August 24, 2012, 03:06:25 am »
Hi! Back again here and seeking your help mommies.

We recently hired a new nanny-maid for our 19month old son last Sunday.

She is very young from Binan, Laguna and just finished grade 5, yun ang sabi niya. She was recommended by my dad's friend and only had 2 weeks of experience na pagiging yaya for a 9 month old baby.

Her mom and an Aling Babylyn ang naghatid sakanya nung Sunday. Nag-advance ang mother niya ng 1k since her salary is going to be 3k and they wanted to get it monthly. She won't be taking any day-offs except on holidays daw.

Okay sana - pero very young. And halos no experience of taking care a baby. Ang sabi niya kaya umalis sya sa previous amo niya - minumura daw sya. Sabi ko bakit naman sya minumura? Kasi daw pinakekeelaman daw sya sa paglilinis niya. Anyway sa Tondo sya nagtrabaho nun.

Now dito samin, si baby ang priority niya dapat. We live on a 1br 30 Sqm. unit and konting gawain bahay like cook her own food and walis, sampay (since may washing machine naman), hugas ng dishes, linis lang ang gagawin niya.

How do I teach her? Its the first time na magiging amo ako talaga, since the previous nannies we had were provided by my mother-in-law so madalas trained na sila ni MIL and si MIL ang amo nila kahit samin sila nakatira.

Ang rants ko sakanya is: pinasabay niya yung damit niya sa labada ko nung Tuesday, ma-TV until 11pm kahit sabi ko patayin na niya ng 10pm - tatapusin daw muna niya yung pinanonood niya, late magising. Sabi ko 6am dapat kasi si baby 6am nagigising - 7:30 am gumigising, ako pa gumigising sakanya, ma-cellphone, walang kusa - kelangan utusan...

Ang gusto ko lang - nauutusan ko sya unlike sa older yayas naiilang ako. Magalang naman sya, hindi madaldal. Tahimik (downside nabobore si baby kasama sya). Walang dayoff (laging may maaasahan magbantay - trauma sa mga stay out na yaya na di sumisipot). Magaling maglinis kapag nautusan.

Pero kasi medyo napipikon ako, kagabi ako pa naglagay sa hamper nung marumi niya.... Para tuloy kaming may border... should I be patient, train her? How? Or should I find a replacement na masmatanda at may experience na?

help naman po, ang hirap kasi humanap ng yaya na di ka iiwan or nanakawan... :(

5
Members' Kumustahan board / Re: Moms from Pasig lounge area
« on: May 20, 2012, 07:44:11 am »
hindi ako nakapunta kasi sobrang busy, ngayon nga lang ako linggo ulit nakaonline dito sa SP :( sobrang busy pa din mga mommies from pasig sayang di ko kayo nakita!

6
:( ang lungkot naman nun, kaya nga minsan di ko alam mararamdaman ko kapag nakakarinig ako ng stories na hingi sila ng padala sa kamaganak nila or something, di nalang ako umiimik kasi di talaga ako lumaki sa hingi ng pasalubong or hingi ng padala... kaya tuloy nasasabihan ako ng madamot/cold ang culture kasi ganun kinalakihan ko eh... na yung mga cousins ko di rin sila ganun, kaya tuloy sa ILs ko ngayon napapailing nalang ako, magoouting... hingi daw pangouting dun sa nasa barko or abroad :( or kunwari may gusto bilhin na luho like cellphone etc... di nila alam yun hinihingan nila baka noodles lang ang kinakain makapagpadala lang.. kapag di nagpadala sabihin madamot.. :(

7
The In-Laws / Re: Share your bitchy moments with your IL's
« on: May 16, 2012, 02:34:27 pm »
kakairita yung mahilig magside comment pero di naman ako diresto makausap. Ganyan FIL ko e. Kesyo payat daw baby ko, yung rashes sakin mana (i have psoriasis pero di nakakahawa to at ibang iba sa rashes). Kesyo maluho daw ako....

Pero wag kayo pinakamatindi, when he found out I was pregnant gusto niya ipalaglag....!!!!!! Tapos when I gave birth side comment ng side comment na bakit di kami dun magstay, di niya nakikita apo niya etc.

Ngayon nakabukod kami di sya dumadalaw, kelangan kami pa pumunta, I bet kasi either he doesn't like me, and I dont like him too, or nanliliit - dahil yung baby na gusto niya ipaabort ay ang gwapo gwapo!

Grabe kapag naiisip ko nangggalaiti ako - kasi ang nafeel ko nun kaladkarin ba kong babae para sabihin na di karapat dapat magbear ng child ng anak niya??? As if naman may kaya sya! Buti nalang di nagmana anak niya sakanya.

Kaya nga kapag dumadalaw kami dun minsan si hubby na mismo nagyayaya umuwi kakasidecomment ng FIL ko sakin.

8
wah nakakalungkot naman yung experience mo CIB, iba na tuloy ang tingin ko sa instant noodles. What you experienced definitely made you stronger! :)

9
The Balancing Act: Career and Family / Re: Call Center Working Moms
« on: May 16, 2012, 02:14:46 pm »
tagal kong di nagonline. Pano ba naman naban na ang accessing non-work related sites kasi ba naman may nagdala ng personal laptop at nagdownload ng HD movies at work during shift! Kinain tuloy bandwith ng client nahuli tuloy dahil isang buong team din na nagyyoutube at download ng sabay sabay.

Kapag backoffice ka nga naman.... Hehe.

Tuloy kaming mga nagccalls eh bored na bored na. I soo miss SP while working. hehe...

Pero buti nalang maganda ang work environment and magaan yung account kahit big time ang client. :)

Btw we're gonna start hiring ulit by June or July, more back-office support yata so kung may balak kayo just pm me. :)

10
Money / Re: All About Credit Cards
« on: May 16, 2012, 02:08:11 pm »
moral of the story, huwag mangutang if hindi marunong magbayad.

Huwag magcredit card if walang sure income na ipambabayad.

Sorry ha, kasi naiinis ako dun sa may mga mentality na wala naman nakukulong sa utang. Kasi ginamit mo naman yung assets nung bank, nagenjoy ka gumastos then if you cant settle takbo nalang? Hayy.

Oh well. A few years back, I discovered my mom was drowning in credit card debt. She is a dentist but a single mom of 3 and nagulat ako na all her cards are almost maxxed out. What happened? Kasi she was always paying the minimum amount due - which was that time sa statement yung naka bigbold letters vs the total amount due. I fixed her financial assets by consolidating her cc debt (bank loan, balance transfer and religiously paying MORE than the minimum) and thank god by august next year she is cc debt free!

Imagine yun total amount due niya back in 2010 ay mga swipes pa niya nung highschool ako... And I graduated highschool in 2004... So dami nang tinubo ng cards sakanya. But I am proud of her kasi she never chose na takbuhan. Kasi nga naman yung guilt and stress ng may habol ng habol sayo... Plus may chance na mainclude ka sa black lists ng banks so if she needs to apply for a like housing or car loan or any loan in a private or govt owned company madedeny. So sa may mga cc debt dyan, budget budget lang, eventually matatapos nyo yan, diskarte lang with budgeting and never spend beyond your means.

11
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All about NAN
« on: May 16, 2012, 01:56:09 pm »
ive been inactive for a little while.... Anyway my litol boy at 16 months is still consuming nan ha 3. Di sya mataba but he is very heavy. Sometimes nakakainis kasi pinipintasan payat pero if you squeeze his arms or legs... Muscle talaga! Masgusto ko na yun kaysa puro sugar ang content ng milk. Sa sobrang muscle nga niya eh sobrang hyper, ganito din ba babies nyo in nan ha?

And yes, mapakla sya. So my baby nasanay sa ganun kasi i breastfed exclusively for 6months or so (wala din naman lasa breastmilk) kaya ngayon bigboy na sya di rin sya mahilig sa sweets. He prefers cornflakes cereals for snacks and likes yogurt better than ice cream. Maybe kasi nasanay nga sya sa walang lasa. Hehe.

12
Members' Kumustahan board / Re: Moms from Pasig lounge area
« on: April 06, 2012, 12:01:00 am »
saturday naman yang eb diba? april 21? go ako sa 5pm to 7pm para masama ko si baby magikot sila ng dad niya sa eastwood while eb hihi. 8am naman out ko nun sa umaga from work so may oras pa para magbeauty rest :)

13
Money / Re: All about Kiddie Savings Bank Account
« on: April 05, 2012, 04:03:30 am »
saan ba maganda ang time deposit at magkano ang minimum requirement? balak ko kasi itimedeposit yung savings ni baby para di magalaw ng mga mahilig mangutang!

14
Beauty and Product Reviews / Re: your bath soap?
« on: April 05, 2012, 04:02:46 am »
kahit hindi sya soap ipopost ko na din dahil sa magandang effect sakin - human heart nature's body scrub in with lemon grass and brown rice! :) wala pa kasi silang soap pero kung meron ay nako papalitan ko na ang nivea or dove ko :o)

15
The Balancing Act: Career and Family / Re: Call Center Working Moms
« on: April 05, 2012, 03:06:53 am »
Thanks sa response mga sis. San ako apply and what time para mapuntahan ko after holy week.

Buuurpp - oo sis kay dra.datu ulit. Hehe

congrats! wee, yung workmate ko nga ni-refer ko sakanya eh, kaya lang may heart problem sya sana mapaanak sya ni tita digs :)

san ka manganganak? st. therese ulit?

is it a boy or girl? haha OT na!

kala ko nagpunta ka na abroad with your hubby.

Pages: [1] 2 3 ... 29