42
« on: March 09, 2012, 03:09:42 am »
I do not know if you will read this because I expect you not to. Its just I want to let everything out, let everything go before finally moving on.
Its sad, that after everything we have gone through, we'll still go on our separate lives. But life is like that and too many people have been involved and hurt already. I personally wouldn't want to burden your mother anymore of our conflicts and problems.
Who would've thought we'll have a kid, marry, and live with each other for a while when we only met in an online game. Who would've thought that after numerous girls and challenges, nagkatuluyan pa din tayo. Almost 6 years - but lahat my hangganan. Its sad na isa yung marriage natin sa mga bagay na yon. Marriage, which I didn't believe in at first but after being married, I committed to it. Na sabi ko sa sarili ko, kahit anong mangyari I will not be a single mother, I will make this work. Pero kasi ang marriage di naman one man relationship. Di naman ako pwedeng maging nagiisa sa lahat ng desisyon. And kahit hindi mo sabihin at kahit ideny mo pa, actions speak louder than words. Nararamdaman kong you are not that committed.
I was willing to let it go - let it pass, sabi ko phase lang yan, dadating din ang time na magiging responsible ka din for me not only for our kid. Dadating din ang time na maaapreciate mo ako - pero hindi eh, and sobra na. Para sabihan mo ako to my face wala kang pakielam sakin. Nawawala na ang , paulit-ulit. Na hindi mo na alam kung mahal mo pa ko. Na di mo alam kung ano nangyari sayo, kung ano ginawa mo sa buhay mo, na parang talagang pinalalabas mo sakin na isa akong malaking malas sa buhay mo - and I let it all pass. I always tell myself, galit ka lang, or emotion mo lang yun, pero paulit ulit. At kapag pinilit ka ng mom mo na bumalik sakin - sasabihin mo mahal mo ako sakanila at ako may diperensya, hinahayaan ko.. kasi ano ba kung sakin sila magalit, ang pangit pangit na ng tingin nila sakin. Kasi naiisip ko ang nagmamatter eh yung sayo - ikaw, na narealize ko totoo talaga - di mo ko mahal na. Yung respeto ko sa sarili ko, ang dami na naiinvolve, feeling ko ang sama sama ko at wala kong kwenta kapag kasama kita. At ramdam na ramdam ko yung gusto mong padama na wala kang pakielam sa akin, na si baby lang ang dahilan bakit mo ko sinasamahan. Which is fine.
I won't impose myself to you. Di ko pipilitin na mahalin mo ako. Pero hindi ko rin pipilitin ang sarili ko na makisama sa taong di ako pahahalagahan. Selfish kung selfish, kasi sabi nga ng mama mo, tiisin ko para sa anak natin, kasi kawawa kung walang ama - pero hindi eh. I don't think kawawa ang isang tao kung walang ama - maskawawa siya kung hindi nagmamahalan ang mga magulang niya kahit magkasama sila. Mararamdaman niya yung tensyon, yung stress, yung away - at ayoko maramdaman niya yun.
Kaya ako na ang maglalayo sa sarili ko para di ka na mahirapan, ako nalang ang aako ng lahat, para di mo na kwestyunin ang mga desisyon na ginawa mo sa buhay, ako na ang magdedecide ngayon, sabihin na nila yung gusto nila, pero tayo nakakaalam ng totoong dahilan ng paghihiwalay na to.
Hayaan mo hindi ko sya pababayaan, hindi niya mararamdaman ang sinasabi ng mother mo na magiging kawawa sya dahil kulang ang pamilya niya - wala syang ama. Hindi niya mararamdaman yun, dahil mamahalin ko sya ng buo at higit pa.