my husband and his family is forcing me to go on ML.

ayoko kasi 34 weeks palang ako accdg to LMP, and 36 weeks accdg to ultrasound. so malayo pa talaga. instead of having the 2 months spent with baby eh iikli sya kung kukunin ko na ngayon. nahihirapan na kasi ako maglakad ang sakit sakit nung area sa may pelvis ko at vagina.

i was told its normal naman, that the baby is just settling down pero matagal pa due talaga, sarado pa cervix ko, and puro braxton hicks lang ramdam ko. mahirap lang talaga matulog, umupo, maglakad, tumayo, any position na more than 5 minutes masakit na.

ngayon ayaw nila ako abutan sa office, im confident naman na kaya ko tiisin pa eh, kaysa mabore sa bahay at magpataba tapos sayang yung time na instead with baby. im getting depressed kasi di ako kinakausap ng husband ko dahil ayaw ko sya sundin. pahihirapan ko pa daw sya sa paghatid sundo sakin. nakakalungkot kasi yun na nga lang responsibility niya eh. kinukunsinti pa ng family niya tinatakot na if maglabor ako sa opisina sa makati med ako dadalin (tapat lang kasi ng office) at lalaki gastos bigla.
paano kaya to? im worried that my depression right now is stressing my baby, iyakin ako kasi wala talaga ako makausap about this, i dont want to tell my mom or anyone na kilala ko kasi papangit lang lalo tingin nila sa husband ko. hays.