Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - aliya_liapot

Pages: 1 [2] 3 4 5
16
Yaya Solutions / Where did you get your yaya other than agencies?
« on: November 05, 2012, 03:02:09 pm »
Hi mommies! Im having a hard time looking for a yaya. Im now 4 mos pregnant with my 2nd baby and i really cant handle household work anymore. Ask ko lang, where did you get your yayas or household help?  Maybe you can give me recommendations or just ideas on where to look. PM me if ever you will give specific info. Thanks moms!

Mod's note:
For agency recommendation and feedback, please refer to this thread
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,6839.0.html

For agency list, refer to this thread
http://www.smartparenting.com.ph/directory/employment-agencies/employment-agencies/househelp-yaya/

Continue discussion on this thread about other yaya sources.

17
Your Kid's Health and Safety / Re: hirap sa pag poopoo
« on: September 11, 2012, 05:14:59 pm »
Hi sis. Its best to ask your pedia about this but sa baby ko pag constipated siya, dinadagdagan ko lang ng 1 scoop yung milk niya then same amount of water na dinedede niya before. Tapos 1 day lang ok na siya. Or baka hindi hiyang kay baby yung milk niya. Try mo magshift sa iba like s26 gold. I think minsan dahil din sa vitamins na iniinom ni baby kung bakit siya hirap magpoopoo.

18
Weaning, Formula and Solids transition / Re: feedbacks about promil gold
« on: September 08, 2012, 08:59:05 pm »
Hi sis. For me ok ang wyeth gold series. Kasi after ko magpa-BF, s26 gold agad then promil gold tapos ngayon progress gold. Hiyang na hiyang si baby. Maganda yung effect niya sis sa physical and mental development ni baby. Pansin ko yung daughter ko hindi sakitin, bibo, and sobrang lakas ng katawan. Kahit hindi siya consistent nagvvitamins. Kasi complete na talaga yung nasa milk. At first sinusunod ko yung ratio ng water and milk sa can but nung tumagal, nag-adjust na ko sa gustong timpla ni baby. Pag medyo napansin kong constipated siya, dinadagdagan ko lang 1 scoop yung milk niya pero same amount of water before. Tapos pag ok na poopoo niya, balik ulit sa dating timpla. I think wala naman masamang effect kasi ngayon hindi na siya nacconstipate. Sa ngayon sis, yung daughter ko 11oz dinedede pero 3 scoops of milk lang nilalagay ko. Ok sa kaniya yung timpla kasi pag mas madami dun, nag-lbm siya.  Tapos yung scoop na gamit ko is yung old scoop nila which is bigger. Yung bago kasi nila ang liit. Try mo sis kung kaya mo. Hehe. Alam ko kasi mahirap minsan yung mag-experiment pero iba iba kasi bawat baby so dapat talaga hanapin kung san sila hiyang.

Good luck

19
Hi sis. Nung first few months ng daughter ko, wilkins pinapainom ko sa kaniya tapos pinapakuluan ko pa. Then i shifted to absolute then sm bonus distilled water. Praning lang kasi at first kaya mamahaling water binigay ko but eventually naisip ko pare-pareho naman ang distilled water. Brand lang talaga pinagkaiba. When she turned 1, purified water na pinapainom ko sa kaniya and hindi na din pinapakuluan. Ok naman siya. Hindi nag-lbm dahil sa water. I think any water would do as long as sure ka na malinis yung binibilhan mo.

20
Hi sis. Natural lang sa mga kids na makulit and gusto lakad ng lakad kasi ngayon pa lang sila natututo. Phase lang din yan. Pag lumaki na ng konti, baliktad naman, mahihirapan ka na mapaglakad sila. Ako ayaw ko talaga yung baby harness kasi para mo na din kinulong si baby. Pag nasa mall kami or kahit pagnagttravel kami abroad, we use a carrier nung baby pa siya then stroller na ngayon. Then pag nagsawa na siya nakaupo, ready na ko tumakbo and humabol sa kaniya. Tinututukan ko na lang talaga. Nakakapagod sis pero part talaga yun ng development ni baby. Kailangan hayaan mo siya tumakbo takbo. Pag feeling mo madami ng tao, kargahin mo muna si baby hanggang makahanap ka ng spot na medyo maluwag.

Good luck sis

21
Beauty and Product Reviews / Re: make-up
« on: September 06, 2012, 12:56:44 pm »
Hi sis. Simple make up lang alam ko.

First naglalagay ako ng moisturizer sa face and neck, yung olay total effects.
Then i use a liquid foundation, yung revlon colorstay (maganda kasi coverage lalo na pag tama yung shade)
After that, I use concealer under my eyes but so far wala pa ko nakikita nung nakaka-cover talaga ng eyebags (but now i use Skinfood concealer cream)
Then i apply maybelline clear smooth shine free cake powder. Pwede mo iapply with wet or dry sponge. Mas gusto ko wet sponge para mas naccover yung blemishes. (important lang na tama yung shade)
I also use revlon colorstay or estee lauder powder blush
Then lastly, curl ko yung eyelashes ko then i apply maybelline hypercurl mascara

Try these products sis. On a budget ako kaya affordable lahat ng nabanggit ko na make up except for the estee lauder blush (gift lang kasi sakin). Hehe.


22
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: Anmum during pregnancy
« on: September 06, 2012, 12:39:33 pm »
Hi sis. Iba iba naman ang mga babies. I dont think na dahil sa anmum yun kaya iba sila nung first baby mo. Sa case ko, hindi ako nag anmum kasi sinusuka ko siya agad. Sabi ng ob ko, hindi naman daw kailangan ng mga milk like anmum lalo na kung hindi kasundo ng tummy. Ang important is yung mga vitamins na binibigay niya especially yung folic acid for babys development. Pero kung kaya mo magmilk, mas maganda na din uminom ka. Hindi ako nag anmum pero sobrang healthy and masigla baby ko.

Good luck =)

23
Yaya Solutions / Re: help!!! Our Daughter Seems More Attached to Her Yaya!!!
« on: September 06, 2012, 12:31:49 pm »
Hi daddy paw. Mahirap talaga pag nasa ganyang situation. Kung hindi talaga maiiwasan na maiwan sa yaya yung daughter niyo, just make it a point na pag uwi niyo sa house, lahat ng attention sa kaniya na. Try niyo na bigyan siya ng pasalubong every week kahit small things lang. Or even yung favorite food niya. Para kahit sa ganung way, aabangan niya yung pag uwi niyo. Kasi para sa daughter niyo, her yaya isnt just her yaya. Parang family member na si yaya for her since all day niya kasama and kalaro. Malaking bagay kasi at her age yung may kalaro talaga kaya important sa kaniya yung mga taong nakikipaglaro sa kaniya. Kaya kahit pagod kayo from work, play with her pag uwi niyo sa house.

Sa case naman namin ng husband ko, mas close yung daughter ko sakin kasi stay at home mom ako. So pag uwi ng husband ko, he makes extra effort to spend time with our daughter. Minsan pupunta pa kami sa nearest mall para lang makapag-carousel siya kasi favorite niya yun. Or makikipagharutan siya sa daughter namin, kikilitiin niya and papatawanin. Sometimes, magddrive thru sila para lang may bonding time silang dalawa.

Try niyo din siya tawagan during your lunch break. Ask niyo kung kamusta siya and tell her na pag uwi niyo ng wife mo, magpplay kayo. Para excited siya na uuwi kayo. Pag gusto naman niya matulog katabi si yaya, kailangan na ng konting bola. Tell her that yaya is already sleeping and that yaya is already tired. Or tell her na magccry si mommy niya pag hindi siya katabi magsleep. Depende na sa inyo kung anong magwwork para sa inyo. Make sure na eembrace niyo siya and kkiss niyo lalo na pag nasa bed na para mafeel niya na you want her beside you.

Goodluck =)

24
Hi sis! Ang experience ko sa daughter ko, pag nakadapa siya nakakatulog, mas madali magleak yung weewee niya kahit hindi pa puno yung diaper. Pero the difference is that, hindi siya nagkakarashes. Kung hindi nagwwork yung mga creams, try mo powder. Yung nivea baby na hypoallergenic. Make sure din na naka-pants siya na cotton kasi baka na-iirritate yung skin niya sa sheets. Try mo din change diaper niya to mamy poko kasi baka hindi na siya hiyang sa diaper niya.

Good luck sis

25
Hi sis! Share ko experience ko with my daughter. Nung baby siya, ayaw niya talaga uminom ng water kahit konti. Natakot ako kasi alam ko important din water sa kaniya then sabi ng pedia niya haluan daw ng karo syrup but ayaw pa din niya. So hindi ko na lang pinilit since malakas naman siya magmilk. Wala namang masamang effect sa baby ko. Pero dapat talaga umiinom ng water mga baby lalo na pag nagssolids na siya.

Good luck sis =)

26
Weaning, Formula and Solids transition / Re: ok lang bah 2 milk ni baby?
« on: August 25, 2012, 12:09:59 pm »
Hi sis! If you really want your baby to get all the nutrients from milk, i suggest you try PROGRESS GOLD from wyeth. Yun yung for 1-3 yrs old nila. medyo pricey nga lang compared to other milk pero maganda naman effects kay baby. My daughter will be turning 2 and sobrang healthy niya. Siksik pero hindi mataba. Hindi siya constipated and hindi sakitin. Try mo lang paubos 1 can sa kaniya sis. Tingnan mo kung hiyang sa kaniya. Kasi iba iba naman lahat ng baby. Yan lang milk na marerecommend ko sis kasi yan yung tested ko na.

Good luck =)

27
Hi sis. Try mo sa baby mo yung PROGRESS GOLD. Yung yung for 1-3 ng wyeth. Sobrang ganda effects ng milk na yan. But the thing is, hindi ko naencounter yang problem na yan kasi lagi magana sa milk ang baby ko. Nagstart siya breast milk then S26 GOLD, PROMIL GOLD and now PROGRESS GOLD. Make sure din na malinis yung bottle niya para iwas singaw and distilled yung water niya or pinakuluan yung water. Kasi baka may iba siya nalalasahan na ayaw niya kaya ayaw niya magmilk. My daughter will be turning 2 soon and malakas pa din magmilk kaya mabigat pero hindi mataba. Try ka lang ng try sis kasi important yung milk sa baby.

Good luck =)

28
Hi sis! Ganyan din nephew ko before then his pedia said to change his milk. Now AQIVA na milk niya and gusto niya. Pero kung ayaw na talaga ng daughter mo ng formula, you can shift to fresh milk na like cowhead milk meron pang choco and strawberry. Sa age niya pwede na hindi siya magmilk but syempre mas maganda kung nakukuha pa din niya yung mga nutrients from milk. Try mo din yung suggestions ng lactum. Try mo haluan ng crushed ice or gawing popsicle.

Good luck =)

29
Baby Development and Milestones / Re: Best Soap for Baby Bottles
« on: August 24, 2012, 01:26:54 pm »
Hi sis! Nag start ako with pigeon bottle cleanser then nag shift ako sa cradle (not really sure kung yun yung name nung bottle cleanser). But i usually buy it at rustans. Now na 2 yrs old na daughter ko, i use CLEAN bottle cleanser and it smells good kasi strawberry ang scent niya. Affordable pa and matagal mo magagamit kasi malapot siya unlike other bottle cleansers.

Good luck =)

30
Hi sis! Ganyan din ako when i was buying baby bottles before i gave birth. Sobrang dami kasi choices. The first bottle i bought for my baby was PIGEON with peristaltic nipple. Kasi nagpapabreast feed din ako that time so para daw hindi manibago si baby, peristaltic nipple daw gamitin. Meron sila both slim and wide neck, meron din yung bpa free. Maganda yung pigeon para sakin kasi wala talagang spills unlike sa AVENT. May choice ka kasi sa pigeon na y cut nipple, para kahit itaob mo yung bottle walang tutulo unless suck ni baby. Maganda yun lalo na if you plan on putting bottles sa bag mo.

Honestly, now im using AVENT but i changed the nipple to pigeon peristaltic for wide neck, then y cut. Gift lang sa baby ko nung nag 1 yr old siya so ginamit ko na lang. Ok naman siya, sobrang tibay but you really have to be careful when closing the bottle kasi minsan nagsspill bigla pag nagmilk si baby. Madaming times na din nangyari sakin na biglang may tumutulo sa bag ko, yun pala nagspill na yung water sa bottle. Madali siguro kasi nattwist yung takip niya. They claim din that their bottles reduce or prevent colic daw. But since 1 yr old na si baby nung ginamit niya yun, hindi ko masyado napansin. With PIGEON no colic din si baby as long as you burp her after every feeding.

For me sis, kung gusto mo na matibay and at the same time affordable, go with PIGEON with peristaltic nipple y cut or yung bpa free. Brand lang kasi nagpapamahal paminsan. Anyway, good luck sis. Happy shopping =)

Pages: 1 [2] 3 4 5