Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - bianxious

Pages: 1 ... 9 10 [11]
151
Sige mga sis. Hindi pa kasi final kung sino kukunin ko sa photobooth. Sana pumayag siya na may stop time, yung kilala namin. At unlimited prints/copies ng picture for group. Nakakalungkot lang na yung iba 1 print per photo session. :( Eh ganun din naman ata pag pinaulit ulit mo yung group diba? Mag-iiba pa sila ng pose. Errr.. Hindi ko lang kasi maintindihan bakit sinabi pa na unlimited. hehe. Feedback lang.

152
Thanks mga mommies!

Question lang po. Kung 2 hours lang yung reserved slot samin, ok ba na 2 hrs din ang photobooth? Baka hindi magparticipate yung mga guests sa games eh. Hehe.

Thanks ulit. :)

153
My daughter will be turning 1 on June 19 (ka-birthday ni Jose Rizal kaya minsan Rizalita tawag ko sa kanya, LOL) but we will be celebrating it on June 24, Sunday.

Here are some of the preparations I've made so far:

Theme: Yo Gabba Gabba
Venue: KFC C5 Acropolis or KFC Shaw Liberty Center (can't decide)
Balloon Decor: Still scouting pero I've already inquired and received a quote from Smile Party.
Giveaways: Would like to order from Handicrafts, Atbp. Eyeing on the mini stool or mini tool caddy - ano bang mas ok sa dalawa? Tapos lunch box din as major prize.
Prizes: DIY na lang siguro, get ideas here and then look for those items in Divi. Hindi common yung theme namin.
Photobooth, photo coverage, video coverage: NONE

Any suggestions for the prizes? Siguro mga 4-5 games lang kami. I hope kaya yun within 2hrs plus yung pagkain ng food.

May marerecommend ba kayo na may package na photobooth, photo and video coverage? Yung mura lang kasi medyo tight budget namin, daming gastusin sa bahay. 2 hrs lang kasi reservation sa KFC. Meron bang 9k na package?? Kahit wala ng printouts dun sa photo package, gusto ko lang na may professional photographer. Pero yung sa video maganda sana kung may raw/uncut and MTV style. Dami kong gusto.  :-X

Gusto ko din sana ng face painting. Sana kasama na din dun sa photo/video/booth package.

Thank you! ;D

154
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: January 27, 2012, 02:54:40 pm »
@mgaguas - liberty center at mandaluyong. Its a first tipid birthday party kaya wala masyadong suppliers.

cake - got the KFC cake from goldilocks. I find it much cheaper than going directly to goldilocks. Sa character cakes kasi they add P500 for the design fee. So yung P720 from KFC is cheap na.

give away - mini stool from handicrafts atbp. - nagustuhan ng mga kiddos and adults. Instead of buying toys from divi (mabilis kasi masira toys from divi) I decided to get the mini stools, useful and unique pa. Ganda ng spongebob and dora mini stools.

Photog/video - c/o friends and family kaya naka tipid.

additional prizes, more on school supplies para useful and pinata from divi.

Almost 20k total ng nagastos for 50pax adults and 20 kids. Mura na diba.

Hi sis iced_white_choco! Ask ko lang kung malaki yung venue ng KFC Liberty Center, kung makaka-accommodate sila ng mga 80-100 persons. Dun kasi namin balak ni hubby magpa-party for our daughter's 1st birthday on June. Matagal pa naman pero gusto ko na din mag-prepare ng pakonti-konti. ;)

Photobooth lang naman ang dadalin ko siguro na supplier. Kaya din pala ako nagtatanong kung malaki kasi kailangan diba ng space para dun.

Mag-share ka din po ng feedback and mag-post din po kayo ng mga pictures.

Thank you! :D

155
Yep sis ayen67. P20 for the regular cupcake, P35 for the customized/personalized cupcake. Mali lang sila ng sabi samin nung una pero naayos naman.

Meron din silang minicupcake which is P14, pero ang alam ko hindi na ata pwede i-customized yun kasi ang liit niya. Pero ok din siya for kids kung para sa birthday ng baby mo.

Sis kissablesam, wala kasi akong close-up pictures ng cupcake nung baptism ng baby ko eh. Chaka ang alam ko na post ko na yun dito. Backread na lang po kayo... hihih. Tamad ako mag-post ulit baka magising na si baby.

P3040 pala yung total cost dun sa cake, cupcakes and minicupcakes. Sa 1st birthday ni Bamba, try ko naman kay Punky Porca. Hehe.

156
Ganun ba? Were you the one who pick it up? How much did it costs you sis?

Sis kissablesam, yung bang mga cupcakes yung tinutukoy mo? Iko's delivered it directly to Shakey's. free din kasi tie up daw sila. Hihi.

157
Sis youg cupcake tower ba courtesy of Ikos? How much did it costs you pala?

Sige text ko na din si bless..

thanks sa info sis :D

Hi sis kissablesam. free yung cupcake tower, Shakey's kasi yung nag-provide. :)

158
Naku naman. Ang mahal pala ng service ng mga Magician/Host! Hahaha. Gusto ko pa naman kumuha.

Pero ano ba sa tingin niyo mga mommies/daddies. Mas maganda ba na magdala ng sariling host sa isang fast food chain or yung host na nila yung ok? I am planning to have my daughter's first birthday at KFC para maiba naman. Inagahan ko na yung pagplano para hindi nagagahol sa oras. I have 6 months pa to prepare! LOL! ;D

159
^thanks sis.

oo divine ang cupcakes ng Ikos, what more pa kaya ang cake? havent tasted eh..

re your cakes & cuppies, maganda sya sis. Ive asked din Save more Festi kung how much if for souvenir type 35.00 nga daw with styro and ribbon..

Sana consistent naman, sis pahingi naman number ng Ikos Pasig? Nag email na kase ako sa kanila pero wala pang sagot. Shakeys din kami sa 1st bday ni baby ko! hehe sana applicable don irequest yung Ikos as our Cake supplier, free corkage ba yan sa shakeys sis?



Hi sis kissablesam. Sana nga consistent sila, confirm mo na lang ulit sa mismong Iko's para hindi ka magaya samin. Hehe.

Iko's Pasig: 6284383 just look for Bless. You can also reach her thru her mobile phone at 09089489569.

Baka nga pala minsan hindi siya makapagreply lalo na pag weekend. Please bear with her kasi rest day nga naman niya yun. Hehe. Pero try mo na lang din maiintindihan naman niya siguro yun. Medyo matagal nga sila magreply sa email kaya tawag ka na lang or text mo si Bless.

Tapos inform mo na lang yung Shakey's na nakikipag-coordinate ka directly sa Iko's para alam lang nila. free corkage yun kasi sila din supplier ng Shakey's. Nalaman ko lang yung dito sa SP. Hehe.

Another thing, free delivery yung samin kasi sa Shakey's yung event. Pero confirm mo na lang din baka depende sa lugar. :)

160
^sis, would you mind sharing your baptism cakes on one of our threads in baptism for us to have an idea? :D

I'm prepping na din for my daughter's baptism and sa Ikos din talaga ako mag oorder ng cake. 35 nga daw ang souvenir cuppies nila. how much did it cost you ba? pick up din ba?

Ive learned today na may Ikos na sa Sta Ana, sa Savemore Sta Ana. Alhough malapit sya, sa pasig pa din talaga
galing ang cakes & cupcakes nila. Sarap talaga ng party cupcakes.. pabalik balik kami :)

Hi sis kissablesam. Ito yung mga cupcakes and cake nung baptism ng daughter ko.



6in round cake, 60 minicupcakes and 50 cupcakes. Total cost niya ay P3,040. Hindi ko na to pick up, free delivery kasi pag sa Shakey's yung venue ng party. P35 each yung customized cupcake tapos P14 for the minicupcake. Just add P15 daw pag gusto may box and ribbon. Eh ang nabanggit kasi sakin nung nakausap ko na P35 na daw yung customized cupcake with box, paulit ulit ko pang tinanong.

Pero masarap naman talaga cupcakes nila hindi masyadong matamis sakto lang. Gusto namin matikman syempre yung cupcakes nila kaya bumili kami sa SM Megamall dun sa katabi ng supermarket. Not sure kung lahat ng SM or Savemore na bakeshop ang supplier nila Iko's.

161
Hi mommies. Just had my daughter's baptism last Saturday, December 10 at Shakey's E. Rodriguez. Since naka-tie up sila sa Iko's Bakeshop sa kanila din ako nag-order.

While backreading posts, halos positive lahat ng nababasa ko. I won't disagree na masarap ang choco moist cake and cupcakes nila pero I has some issues with them regarding sa quote na binigay sakin.

Uminit ulo ko kasi mali mali yung binigay nila sakin info about their prices. Yung palang customized cupcake P35 each wala pang box. Eh sinabi kasi sakin nung una na may kasama ng box, paulit ulit pa sa email at sa phone so yun talaga yung nakatatak sakin price. Tapos last minute na nila sasabihin na mali. >:( Sinabi lang sakin yung tamang price nung Friday eh kinabukasan na binyag ng anak ko. So hindi ako pumayag dahil nakakataranta yun naka-budget na yung pera namin para sa lahat eh. Chaka huli na nila sinabi siguro nung habang ginagawa nila yung cupcakes dun lang nila narealize na mali sila sa info.

Tapos nung pina-email ko yung final quote ng order namin, tumaas na naman ng 1k. Naloka na naman ako ng bongga. Lagi na lang nila naooverlook yung samin. >:(

Pero buti naman naayos din sa bandang huli. Nag-apologize naman sila samin. Sa Shakey's lang talaga kami nagkaproblema ng sobra sobra, kaperahan din. Pero siyempre ibang topic na yun. Yun lang naman mga mommies. Kaya advise lang po to make sure na tama lahat ng sasabihin nila sa inyo

162
My 5 month old daughter, Bamba, has been using Avent bottles and I haven't seen any problems about it. Hindi ko siya nakitang kinabag pero sabi ng mommy ko dahil din sa manzanilla. Hehe. Pero sabi nila kasi matibay daw talaga yung Avent. At mas cute kasi tignan yung wide-neck bottles kaysa sa standard bottles. Feeling ko ang laki laki ng baby ko which is true. Hahaha

163
I know it's been 5 months since I gave birth but I would just like to share what happened to me. Sinunod ko ang sinabi ng lahat ng tao sakin. I just took half bath or sponge bath for 1 week. Pero kahit na sinunod ko yun, nagkasakit pa din ako ng 2 days. Pero ibang sakit yun, ang tawag nila dun BINAT which was the worst thing that ever happened to me. Yung tipong parang binibiyak yung ulo mo mas matindi pa sa sakit ng labor. Imagine that experience for 2 days feeling mo talaga mamamatay ka na. Seryoso po ako walang halong joke hindi exaggerated. Ang binat daw sabi nila iba ibang klase, pwedeng mangyari sayo pwede din hindi pero in the long run maeexperience mo din daw yun ng hindi mo nalalaman. Eh sakin bonggang bonggang experience so lesson learned.

Nagtaka naman ako kasi bakit nangyari eh sinunod ko naman sinabi ng matatanda. Yun pala dapat 1 month hindi ka muna magkikikilos like linis sa bahay, etc. Eh feeling ko kasi superwoman ako na kaya ko na talaga. Nag-general cleaning kami ni hubby sa bahay tapos naulanan pa ko. Kaya napagalitan ako ng bongga ng nanay ko while experiencing that kind of super duper migraine.

Hindi ko naman sinasabi na maniwala kayo pero gusto ko lang mag-share ng experience ko. Swerte yung iba na walang nangyari pero nakakalungkot minsan na may ibang nanay na namatay dahil dun. Ayun lang naman po. :)

Pages: 1 ... 9 10 [11]