Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - bianxious

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 11
31
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: June 30, 2012, 09:48:56 am »
^Wala akong na-receive na ganun! At wala din nasabi sakin na ganun. Tatawag ako sa KFC. Sayang din yun. Pano mo pala nalaman yun? Thanks sis mommylovesarmil!

32
^sis andrealexis: Ang cute ni baby Lia. Chubby din siya. Hehe. Congrats sa atin lahat! :)

^sis Crammer Planner: Binasa ko yung post mo na naging glitch sa party mo. Halos lahat naman ata ng party may ganun talaga. Wala pa ata akong naririnig na super perfect yung program/party. Pero ang maganda dun may nakukuha tayong lesson based from our experiences. Mas mabuti na yung ganun para at least alam na natin ang gagawin next time. Kaya ako kung maaari ayokong umaasa talaga, kung kaya ng powers ko gusto ko ako na lang lahat para wala akong kagagalitan o kaiinisan. Ang importante ngayon, nairaos na ang party. :)

33
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: June 28, 2012, 05:46:36 pm »
^sis mommyclayde: Malapit siya sa Eastwood not sure kung mismong tapat yun. Along C5 siya, malapit sa Acropolis. Ito yung number nila: 6348183. :)

^sis kayedee: Medyo malayo nga yung Banawe sa Caloocan. Try mo pa maghanap siguro ng ibang branch. Pero depende din yun sa guests mo. Kami kasi may manggaling from North (Bulacan), South (Sucat), East (Rizal area) kaya sa Shaw yung napili ko para gitna.

Ok tong blog post na to kung kailangan niyo ng info about party packages pati yung may branch na may party area plus contact number at address nila. Hindi nga lang updated yung meal:
http://www.esupermommy.com/2011/11/kfc-birthday-party-package-in-the-philippines/

34
Emperador Lite! Lalo na pag yung scene nung only girl dun sa commercial at kakanta siya. Gusto din niya yung ad ng MTRCB, yung papakita yung parental guidance. Hindi siya commercial pero gusto niya yun. Ewan ko ba sa anak ko. Hehe. Pati pala yung sa Oreo, yung may batang lalaki na nagtatagong kinain niya yung oreo tapos may kasama siyang daddy dun or kuya, gusto niya kasi yung tunog.

35
News, Entertainment and Politics / Re: Walking Dead
« on: June 27, 2012, 05:58:46 pm »
Kaya gusto ko ang SP kasi hindi lang pang party, kahit ano, pwedeng pag-usapan. ;)

At happy ako na may mga sis dito na avid fan ng Walking Dead! Sobrang fan kami ni Daddy Cjay, nagdownload pa kami ng comics. :) May nababasang comics din sa YouTube lalo na yung mga latest issues. Try niyo din basahin kasi iba iba yung mga characters dun at story. So medyo na-eexcite pa din ako sa Season 3 kung anong mangyayari! :)

36
Jokes and Funny Stories / Re: 3 Words only Dugtungan (Part 2)
« on: June 27, 2012, 05:50:27 pm »
ng sampung malaking

37
Members' Kumustahan board / Re: Ask me! [Part 3]
« on: June 27, 2012, 05:47:29 pm »
Q: What are your Top 3 favorite SP threads? (Kahit saan board)

A: Since kakatapos lang ng birthday ng baby ko, lagi akong nasa birthday board kaya ito yung favorite threads ko:

1. June 2012 Birthday Preps!! (No Ads Please)
2. Feedback in KFC party
3. Lootbag Contents/Party Souvenirs/Giveaways/Prizes

Q: May embarrassing moment ka ba nung nag-meet kayo ni hubby/partner/bf? Ano yun?

38
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: June 27, 2012, 05:33:37 pm »
^sis andrealexis: Oo kasama na daw yun. Pag daw hindi in-avail yung party package nila, wala silang gift sa celebrant. Tapos ang gift pala 1yr supply ng chicken! Hahaha. Sayang din yun.

39
Medyo exaggerated ata ang reaction ko kasi nagalit ako sa kanya. Ok lang naman manood kasi minsan nanonood kami ng porn ng sabay pero yung mahuli mong nagmamasturbate siya at nagclimax na tapos gulat na gulat pa yung reaction niya nung nakita kong nahuli ko siya, ayun nagtampo ako sa kanya.

Para akong na-insecure na hindi ko maintindihan. Pero ayun, ok na kami dun pero hindi ko na siya nakikitang nanonood ng porn. Hinahayaan ko na lang din siya magbasa ng magbasa ng thread sa 4chan kahit na mga babaeng nagpapakita ng mga ari nila yung nandun.

40
Members' Kumustahan board / Re: Educational background (college)
« on: June 27, 2012, 01:35:31 pm »
Bachelor of Science in Nursing: Trinity University of Asia - St. Luke's College of Nursing Batch 2009

41
Weaning, Formula and Solids transition / Re: Promina vs. Cerelac
« on: June 27, 2012, 12:02:18 pm »
^Earth's Best sis. May isang thread din pala dito about dun, basa ka dun ng feedback. Hindi ko sure kung mas mahal siya sa Cerelac kasi organic yun pero sulit na din. Sa flavor naman, depende kung anong age. Si Bamba kasi 1y/o na kaya halo halo na yung fruits/veggies na binibili ko. Favorite niya yung Spaghetti with Cheese (for 9mos and older), as in may totoong spaghetti. Hehe.

yung parang oatmeal naman, ang alam ko hindi Earth's Best yung brand. Nakalimutan ko na kung anong name. Try ko bumili mamaya kasi ubos na yung ganun ni Bamba.

[edited]
Alam ko na pala brand nung oatmeal cereal na binibili ko sa Healthy Options, Healthy Time yung brand tapos may mga bear yung box nun.

42
^Yung sa akin din sis, nagle-leak hindi ko alam kung sobrang higpit ng pagsara o hindi masyadong nakasara. Dapat ata sakto lang yung pagsara mo ng bottle.

Concern ko lang mommies kung may nakapag-try na dito ng pinalitan yung teat ng Avent bottles niyo ng spout tapos dun kayo naghalo ng milk. Kung tama yung pagkakaintindi ko, bawal ata i-shake yung bottle na may spout kasi babara dun sa silicone. Eh sabi naman ng mommy ko hindi daw totoo yun. Gusto ko na din magstart ng weaning ng milk kasi kaya na naman ni Bamba uminom ng water from her sippy cup nasasamid lang minsan. Thanks!

43
May thread pala na ganito. :)

Sulit ang Earth's Best kasi hindi masyado mahal at organic. Nagulat nga yung isang friend ng tita ko na bakit daw pinapakain ng Gerber, mas maganda yung natural food. Totoo naman yun pero nung narinig niya na organic yun at hindi Gerber, ayun tumigil na kakadaldal.

Favorite ni Bamba yung Beef, Carrots, and Corn, Spaghetti with Cheese, etc. 1 year old na kasi siya kaya ganyan na yung mga binibili ko sa Healthy Options. Ang binibili din namin yung medyo mahirap gawin or yung hindi common na mabibili sa palengke na fruits/veggies. Meron din ata akong nabiling turkey something dun, gustung gusto ni Bamba.

Lagi naman akong nakakabili ng cereal sa SM Megamall, try niyo dun mga mommies kung malapit kayo. Madami namang branch yung Healthy Options, here's the link: http://www.healthyoptions.com.ph/stores. Meron din silang number so tawagan niyo na muna kung may available bago kayo pumunta. :)

44
Weaning, Formula and Solids transition / Re: Promina vs. Cerelac
« on: June 27, 2012, 11:14:21 am »
^Ay ganun ba sis. Oo nga madaming bawal sa ganyang deficiency parang PKU.

Ako naman I don't buy Cerelac or Promina or Gerber from supermarket kasi mas gusto ko yung organic foods from Healthy Options. Bumibili din ako ng parang oatmeal dun at gustung gusto ni Bamba. Pag may natirang gatas, yun na yung pinanghahalo ko sa oatmeal. Try niyo yun mommies, medyo mahal siya pero sulit kasi umaabot siya ng more than 1 week bago maubos. Laging breakfast ni Bamba yun plus pandesal. Hehe. At buti na lang talaga nandun mommy ko para siya gumawa ng mashed veggies/fruits for her pag may pasok ako.

45
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: June 27, 2012, 06:35:16 am »
^sis kayedee: Kasama na daw sa package yung gift. Tinanong ko din kasi yan ng pabiro na kung may gift ba sila sa anak ko. Ang sagot sakin pag daw kumuha ng party package kasi kasama na daw yun. Eh gusto ko sanang sumagot na "So parang binayaran lang din namin yung gift niyo para sa baby namin?" Pero siyempre hindi na ko nagmaldita. Hehe. Ask mo na lang din, clear mo baka naman depende sa branch.

^sis mommyclayde: It's better to call the branch para updated yung sasabihin sayo. Baka kasi mag-expect ka ng ganito tapos bawal na pala sa kanila. Pero I think hindi din pwede kasi nasa loob siya ng mall. Medyo hassle din yun sa magdadala kasi papasok ka sa loob unless nasa bandang labas yung KFC. Saan niyo ba gusto magpa-party? Meron naman medyo malapit sa Megamall branch, yung sa KFC Shaw Blvd or KFC C5.

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 11