Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - KCs_mum

Pages: 1 [2]
16
Big Kids / Re: Favorite Cartoon ng kids
« on: February 08, 2012, 01:14:24 am »
My daughter LOVES Dora! Each time na nakikita niya si Dora, super ngiti siya! Yung ngiting kinikilig! HAHAHA. :) But she has a collection of DVDs of Barney, Backyardigans, Strawberry Shortcake, Sesame Street, Baby Looney Tunes and some Madeline. Nakakatuwa siyang manuod, kahit anong papansin ang gawin mo, dedma lang siya. HAHA!  :)

17
1.ilang months po bago kayo nakarecover?
 - I think it was a week or two bago ako nakakilos ng normal na ulit, but siyempre need parin magingat that time kasi bawal pa mga heavy na gawain.

2.pwede ba na gising ako while sini-CS?
 - Pwede. But unfortunately, kinailangan akong patulugin habang inooperahan. :(

3.ilang araw po kayo nagstay sa hospital?
 - 3 days ata, I forgot na. Sorry, makakalimutin nako since nanganak ako. Haha. :)

4.naka catheter po ba kayo? i have cousin kasi na naoperahan naman sya sa appendix (ruptured) so ang tahi niya is like sa CS po pag gising niya naka catheter po sya...
 - Yup, for a day lang ata.

5.ano pong tawag dun sa binder na nilalagay sa tummy after i-CS?how much and where ako makakabili?
 - Tawag ko lang dun binder eh, haha. Pero I got mine from my mom lang.

6.pwede ba maglakad agad after ng operation? or mga ilang days pa?
 - I was able to walk after a day or 2.

7.naramdaman nyo po ba nung hinihiwa na yung tummy nyo? or totally wala talga ma feel
 - Well, in my case, naramdaman ko yung first two na hiwa sa tummy ko. Hindi pa kasi fully gumagana yung anesthesia nun eh, super mabilisan na kasi yung ginawa sakin dahil emergency CS lang yun and I was in labor or 12-13hrs na. Yun din dahilan kung bakit hindi ako gising nung lumabas si baby. :( I told my anesthesiologist na nararamdaman ko yung hiwa, after ko sabihin yung, may tinurok lang siya, then that was the last thing I remembered.

Share ko lang din, after nung operation na yun, naging allergic nako sa Biogesic. After ako operahan, nagkalagnat ako kaya pinatake nila ako ng biogesic, then nagpantal yung mata ko. Hanggang ngayon, nagpapantal parin ako whenever I take Biogesic. Kaya yung Tempra Forte nalang tine-take ko ngayon. ;)

18
Pamahiin / Re: kapag nagkaanak ng girl dahil nagloko si hubby?
« on: February 08, 2012, 12:35:26 am »
I think hindi siya totoo. Pero, girl ang anak namin ng ex ko na nag-cheat sakin before pako mabuntis. I'm hoping lang na hindi totoo yung pambayad utang. I would never want my daughter to get hurt in any way, lalo na't wala naman siyang kasalanan.

19
Pamahiin / Re: Mga Pamahiing Konektado sa Pagbubuntis
« on: February 08, 2012, 12:11:45 am »
Hmm, ako I'm stuck between believing or not. Haha. Ang gulo kasi, walang malinaw na explanation, parang puro walang connection yung explanations. Pero let me share lang my experiences.

Una, yung tungkol sa pagpunta sa wake. I went to the wake of my friend's ate when I was 5th or 6th month, pero wala namang masamang nangyari samin ni baby. Thank God. :)

Pangalawa, yung shape ng tummy ko was pahaba kaya ang sabi nila mommy, boy daw. PERO blooming ako at the same time. Guess what? Ang lumabas, girl. Haha :)

Pangatlo, pinagsasabihan ako lagi not to stay sa may pintuan para hindi mahirapan sa panganganak. Lagi kong nakakalimutan yun, kaya may mga times na natatapat ako sa doorway. Nung manganganak nako, it took me more or less 12hrs in labor, then I ended up C-section dahil nakapalupot daw pusod ni baby sa leeg niya (pero hindi naman ako nagsasabit ng towel or kung ano man sa balikat)

So yun, that's what keeps me in between believing or not. Ay wait, meron pa palang isang pamahiin na recently ko lang nalaman. Yung dapat "IHAKBANG" ang baby over the coffin of a relative or someone who knew your baby bago ilibing. Para daw hindi sila laruin o balikan nung soul nung namatay na yun. We did this nung namatay yung sister ng lola ko, kahit once palang niya nakita si baby. Tuwang-tuwa kasi siya kay KC, at gigil na gigil kasi mataba siya. Kaso the thing is, she met my daughter a week before she died, so parang, siyempre fresh na fresh pa memories nila. Hindi ko naman binawalan na gawin ni mommy yun, as long as para sa good ni KC, hindi ako hahadlang. :)

Pero one thing lang I have in mind and heart, prayer is the best weapon we have. Kahit ano pang pamahiin yan, dasal lang katapat niyan. :)

20
Pamahiin / Re: trimming baby's eyelashes
« on: February 07, 2012, 09:30:44 pm »
For my daughter it worked. Actually nung una, ayokong pagupitan sa mommy ko, kasi sabi ko baka hindi na ulit humaba. But then one day when I got home from school, nakita ko ginupitan na. HAHA. It happened twice, and thank God naman dahil it worked for her. Siguro depende nalang din sa baby yun. :)

21
Hello! :) I'm having problems with uploading pictures sa "Baby Book". Well, it says in the instructions that I'm gonna need to have an album to be able to upload pictures, eh kaso ilang bese nako gumawa ng album, kaso each time I try to upload pictures na, walang album ang lumalabas sa "Album Name*". :(

22
Single Moms / Re: 10 commandments of solo motherhood
« on: February 03, 2012, 01:32:05 pm »
I love it! Thanks for sharing! :) I'll tepost this on my FB if you don't mind. Anyway, i like #8. Wala lang, minsan kasi parang nagguilty ako kapag umaalis ako to enjoy a lunch date with my friends or a nightout with my mom, kahit bihira lang, kasi naiiwan ko siya sa bahay and it lessens my time with my daughter. Thanks for keeping my head up! :)

23
Single Moms / Re: why are you single??
« on: February 03, 2012, 01:26:36 pm »
Hi, sissies! :) I'm new lang dito sa SP, but I'll post narin anyway. :)

I'm SINGLE by choice. I'm turning 20 na next month, I got preggy when I was 17 and gave birth at 18. Before ko pa malaman na preggy ako, SD and I broke up na. I won't go into details na, pero it was mainly because trust was broken. When I found out that I was preggy, I informed him. Hindi niya ito tinalikuran, in fact he even offered marriage. Pero alam niyo yun mga sis, hindi ko na kayang ibalik yung tiwala na nasira na. Tsaka I believe na hindi dahilan ang may anak kayo para magpakasal, kasi you'll end up separating din kung ipipilit niyo ang hindi dapat diba.

So yun. We should be proud! We're all strong ladies para harapin itong responsibility as a parent magisa. :)

Pages: 1 [2]