embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - shey25

Pages: 1 2 [3] 4 5
31
Baby Development and Milestones / Re: All about Teething part 2
« on: July 04, 2012, 05:22:59 pm »
sis butterfly nakakaexcite naman. :) Lagi ko nga binibisita yung gums niya kase baka lumabas na. Syempre ang gusto ko ako yung unang makakita.  ;D

32
Baby Development and Milestones / Re: Nangingilala
« on: July 04, 2012, 02:29:31 pm »
Baby ko nasama kung kanikanino, minsan pag nasa malapit kame malapit sa road he makes noises pag may mga nadaan para manotice sya then ngingitian niya. Sabi nga ng mga kapitbahay madudukot ang baby ko ng hindi namamalayan kase hindi sya naiyak sa ibang tao. Nangingilala lang sya pag padilim/pagabi na. Gusto niya saken lang or kay hubby.

33
Baby Development and Milestones / Re: All about Teething part 2
« on: July 04, 2012, 02:20:47 pm »
My baby turns 8 months yesterday.., wala pa syang ngipin pero lately lagi syang nangangagat and nglalaway, meron din parang small white circle sa lower gum niya. could it be sign of teething?

34
Beauty and Product Reviews / Re: Olay vs. Pond's
« on: July 03, 2012, 05:31:43 pm »
I used ponds before pero nagkakapimple ako so I tried Olay White. 3 weeks ko pa lang syang ginagamit and so far ok naman sya.., :)

35
My baby's pedia prescribed corgic drops. So far effective naman sya :)

36
Yes, poor eye sight is hereditary. Sa family namen four kame na malbo yung mata (my mother, father, my older brother). Sabi nung optha nung nagpacheckup ako it's hereditary nga daw kase unti unti nalabo yung mata ko before so I asked him kung ano yung possible cause. Un nga daw yung isa sa cause non.

37
My son is 7 months, turning 8 months on july 3 and napansin naming ni hubby na mahilig sya sa ball. Makarinig pa lang sya ng talbog ng bola di na sya mapakali and tuwang tuwa (with matching sway pa ng feet niya kapag nakaupo). We’re planning to give him balls na malalambot na katulad nung sa mga laruan ng bata and a small pool were he can play with his stuffs.

I was also planning to buy colored kiddie books para educational naman. :)

38
sis yumicute16 talagang paid na agad yung venue and give away mo.., :)

39
Money / Re: All about Kiddie Savings Bank Account
« on: June 27, 2012, 05:58:31 pm »
I was planning to open an account for my baby kaya I visit BDO and Metrobank Website, mas cheaper yung offer ng BDO with their JSC. Please see below:

FEATURES                                   JSC - BOYF
Minimum Initial Deposit           Php 100.00
Maintaining ADB                           Php 100.00
ADB to earn Interest                    Php 500.00
Interest Rate per Annum            0.375%
Document                                   Passbook Only
Token                                           Pencil Case
Age Qualification                           children 12 years old and below

Mas accessible din kase yung BDO since open sila during weekends sa mga mall but yung package ng Metro FSC mas maganda:

Product Features
    1. Minimum Amount: P500.00
    2.   Eligibility:
             - Purchaser: Depositors and Non-Depositors, Individuals and Corporate
             - Beneficiary: Individuals below 18 years of age
 
Benefits
    1.   Easy to purchase. Relatives/non-relatives can do away with documentary requirements in account opening.     Provides value-for-money gift alternative
             - an affordable gift
             - a gift that offers more than its cash value-- freebies, discounts, insurance and educational benefits to club members
             - a lasting gift
    2.   Ensures the customer that the gift is used as intended (that is, to encourage saving)

Details:
       •   P50,000 educational trust fund
       •   free personal accident insurance
       •   A Welcome Gift
       •   Special Privileges at popular establishments
       •   Peso or US Dollar savings accounts are eligible for enrollment

I will talk muna with hubby to help me decide kung aling accoung yung i-oopen for baby sean :)

40
Pamahiin / Re: May kasama ba kayo sa bahay niyo? strange beings?
« on: June 26, 2012, 02:50:40 pm »
My sister has this gift, even her hubby and her daughter meron din. Sa dami ng nakwento niya saken about na mga nakikita niya sobrang thankful ako na hindi bukas ang 3rd eye ko although mahilig akong makinog sa mga kwento ng mga taong may ganitong ability.

Share ko lang yung ibangg kinuwento niya saken about seeing her daughter’s doppelganger. Two-storey house kase yung apartment na inuupahan nila. One day nasa 2nd floor sila ng bahay nung mga anak niya (2 boys and 1 girl anakis niya) kase pinatulog niya yung mga bata. Nung nakatulog na yung mga chikiting niya bumaba sya ng 1st floor. Nung nasa baba na sya nakita nyang nakahiga yung anak nyang babae sa sofa while in fact iniwan niya yung bata sa kwarto. So takbo sya pabalik ng kwarto para bantayan yung bata.

41
Ganon din paniniwala ng mga oldies samin so malamang ganon mangyari kay baby. Another pamanhiin is pag 1 year old pa sya pwedeng gupitan (he's only 7 months at this moment). Buti na lang manipis lang hair ng anak ko kung hindi ang init non.

Pero based on what I've read madaming factors na pwedeng makaapekto sa talino ng bata: genetic/hereditary, environment, food intake, etc

42
Pamahiin / Re: bawal daw maligo tuesday at friday mga babies?
« on: June 26, 2012, 01:32:29 pm »
Sa mga in-laws ko naman araw ng kapanganakan nd friday di pinapaliguan yung baby. Naisip ko anong connection non pero quite lang ako kase sila nag-aalaga sa baby since I'm working. Pagdating ko sa gabi nililinis ko na lang mabuti si baby para mahimbing pa din sleep niya kahit di sya nakaligo. :)

43
Special Occassions / Re: Civil Wedding requirements and procedures
« on: June 25, 2012, 09:01:47 am »
Sang area ka ba sis? Depende kase yan sa civil registrar nyo since sila yung nagpaprocess ng documents for marriage license. Mag-ask kana muna para incase na need un saka kayo magpagawa ng hubby mo. Mura lang naman magpa-affidavit sis and makukuha nyo din agad. Sworn statement lang naman un e. Para din naman un sa baby nyo kaya asikasuhin mo agad.

44
Special Occassions / Re: wedding while pregnant
« on: June 22, 2012, 01:12:32 pm »
I was 4 months pregnant when we got married. Hands on ako sa lahat ng preparations even sa kaliit liitang details ng wedding. 3 months preggy na ko nung sinabi naming sa parents namen (May 2011) yung condition ko and when my father heard about it he urge us to marry asap (firm sya in his decision na sa church kame dapat ikasal kaya church wedding talaga :)). So na-sched yung wed namin ng June 25. Grabe puro rush lahat since less than 1 month lang preparations. Hindi ako maselan nung buntis ako except sa madali akong mapagod w/c is normal lang naman Simple lang yung wedding since tight yung budget pero super happy kame that time. Atleast nairaos ng maayos yung wedding  namen kahit gahol sa oras.  :)

45
Special Occassions / Re: Civil Wedding requirements and procedures
« on: June 22, 2012, 10:25:13 am »
Sis ganyan din naging problem namin before ni hubby nung magpapakasal kame sa church. Nung kinuha namin yung NSO birth certificate niya female yung nakalagay so nagtanong ako sa munisipyo kung anong pedeng gawin since malapit na yung wed. We we're advise na magpagawa ng affidavit sa attorney and un yung ginawang attachment nung birth certificate niya. I suggest na magtanong ka na lang muna sa civil registrar ng municipality kung san kayo kukuha ng marriage license, it would take time and lots of money kase if ipapabago yung gender as per advice ng isang abogado na napagtanungan ko.

Pages: 1 2 [3] 4 5
Close