Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - je_anne

Pages: 1 [2] 3 4
16
Getting Pregnant / Re: age gap to have a baby again after a C-section...
« on: September 11, 2012, 04:41:44 pm »
HI sis. yung myth na hanggang 4 lang ang CS eh myth lang talaga un. Kami ang living proof na puwede kahit 6 na CS. My mom gave birth to 6 of us via CS lahat. Kaso sobrang birth spacing lang talaga. The closest age gap was my bro and sis na 2 years, sabi nga ng mom accident lang sister ko kasi pumalya condom nila ng dad ko hehe). I'm the eldest, 3 years gap namin ng brother ko, next brother 4 years ang gap, then 2 years na gap, 5 ang next at ang bunso namin 7 years ang gap (menopausal baby yung bunso).

Kung mga one or two years ang gap ng babies, ang maximum ata is 4. Unfortunately, di ako mana sa parents ko when it comes to family planning. I gave birth CS sa panganay ko and after 3 months post CS preggo naman ako ulit.

17
Maternity / Re: Pumapangit pag Preggy? (Part 2)
« on: September 11, 2012, 02:34:16 pm »
@ Sis flowergirl

 yung question mo about the rebond, mukhang bawal ata yun. Alam mo naman na bawal sa atin yung mga chemicals lalo na yung sa mga buhok, kahit nga nail polish ipinagbawal din. About your weight naman, have you talked to your OB regarding your vitamins? Kasi, I have a cousin who was not gaining weight, namroblema kasi pati baby underweight din so she has to take another set of vitamins or medicine for the baby to gain weight. yung sa pimples mo naman, I guess it's the hormones, so eventually after giving birth mawawala din yan.


18
Baby Blues or Postpartum Depression Support Group / Re: baliw na ba ako? :(
« on: September 07, 2012, 07:00:44 pm »
Sabi mo nga wala kang budget for that. But maybe you could go to the National  Center for Mental Health. ALthough, iba kasi ang dating kapag sinabi na nagpunta sa mental. HIndi naman ibig sabihin nun eh nasisiraan ka na ng bait.
Considering that it's a government facility, I'm sure they have psychologists/psychiatrist that could help you baka nga kasi post partum depression din yan. Sabi nga nila, it it's just ignored baka lumala daw ang depression. On a positive note, tama si sis sushilover, hindi ka naman baliw if ikaw na mismo na nagsabi na baliw ka...kasi nga aware ka sa mga pangyayari sayo.

19
Getting Pregnant / Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« on: September 07, 2012, 01:31:10 pm »
Hi mga mommies, Im 28 weeks now with Baby No.2.

I found out when Baby No.1 was only 4 months old. So imagine my shock and stress when I found out. I gave birth with Baby No. 1 last Dec 2011. Obviously, since I wasn't thinking  of contraceptives at that time. When I had my period last Feb 2012, I asked my sis-in-law na OB, if possible na ma preggy na ako. Sabi niya oo and she told me to use pills na. Sabi niya I should wait for the next period and dun ko isabay yung contraceptives para hindi ako malito. Unfortunately, hindi na nasundan yung period ko.

So after 2 to 3 weeks of delay, took the PT and  positive nga siya. Definitely, I wasn't happy or ecstatic about it. I was thinking na kawawa naman baby ko, I wasn't even able to enjoy him, tapos may kasunod agad. Si hubby and I were embarrassed to inform our family pa, thinking na it was too soon. Lalo na sa office, kasi I just got back from my maternity leave di ba.

Eventually, nag-sink in na rin. I was reading through some posts dito about having kids with small age gaps and kaya naman pala. I was thinking of the responsibilities, etc. I didn't post anything about the pregnancy sa FB or even told anyone outside my family until I was showing na. Yung tipong obviously hindi na normal ang belly ko kasi parang di naman na siya lumiliit.


I also share the sentiments of sis wintersolstice na hindi masyado tinatanong yung baby no. 2. Unlike the first baby, lalo na sa side ni hubby kc first apo yung unang baby ko. Kahit si hubby parang di rin masyado excited dito sa 2nd lalo na nung mga first few months. HIndi gaya nung panganay namin na lagi niya kinakausap nung nasa tummy ko pa lang. Pero ngayon si hubby parang natauhan na ata na may 2nd baby kami, kasi kapag nglalaro kami ni Baby No.1  lagi niya nireremind na yung tiyan ko daw baka madaganan, tapos he's already talking about the name of our 2nd baby, kung ano daw maganda kahit 3 months to go pa ako.

Ang fear ko lang sa mga babies ko, baka lagi nilang icocompare yung dalawa. Lalo na sa side ni hubby nga, kc unang apo di ba. Hopefully, he'll be normal and healthy just like his kuya. Good luck sa atin lahat.





20
^^hay sis ea_brea. ang suwerte mo naman sa hubby mo.

hirap talaga magka-asawa ng mama's boy eh.. mas priority pa niya nanay niya kesa sa hehe

21
Pregnancy Health and Nutrition / Re: yeast infection during pregnancy
« on: September 05, 2012, 10:49:04 am »
Thanks sis IanAndDina sa advice. Ok so the good news is di na makati ang down under ko. Pero the bad news eh bumalik ang UTI ko. Hay hirap naman ng buntis talaga. It's just one after the other.

22
The In-Laws / Re: Share your bitchy moments with your IL's
« on: September 05, 2012, 09:34:37 am »
Mukhang naging blog ko na ang topic na ito. I just need a place to rant again for the nth time. Siguro mga sisses baka nagsasawa na rin kayo sa mga kuwento ko. Pero naiinis lang ako and I have no one to talk to.

Every month nagbibigay si hubby ng pangbayad para sa bahay nila which they bought a year before we got married. Anyway, 15k un monthly. Tapos yung mga pamalengke madalas si hubby ang nagaabot. Kagabi si hubby lumapit sa akin saying na medyo may problema daw kasi walang pangbayad sa kuryente. I asked magkano, sabi niya aroung 9k daw. So sabi ko sige magbigay tayo. Pero I told him na kausapin niya mga kapatid niya kasi working naman din sila and dapat magbigay sila share. As usual parang walang narinig.

And now nasa office ako, he called me telling me na kailangan daw ng parents niya ng 30k kasi yung pinangbayad sa kuryente kinuha nila dun sa pangbayad sa bahay. I tried asking him kung bakit ganon ang nangyari. Instead of trying to expain, he said na he'll call me later daw kakain lang sila ng office mate ko. I'm sure he's just trying to avoid any discussion.

I'm just frustrated kasi lagi na lang ganito. You see we have 9 month old baby and I'm 6 months pregnant. We live in their house and honestly lahat ng suweldo ni hubby napupunta sa kanila and sa luho ng asawa ko. Thank god, I also work so ang salary ko dun kinukuha yung gastos ni baby and ang savings. So ako nagyon yung tipid ng tipid para maka-ipon tapos sila yung laging nakakadisgrasya ng ipon ko. Gosh kung pwede lang magwala ginawa ko na. Sensya na mga sisses, I just have to rant lang talaga.

23
Romantic Relationships / Re: Husband hates my family
« on: August 30, 2012, 01:57:08 pm »
I agree with the advice ng mga mommies. Sometimes you just have to support your husband. Actually, pareho tayo ng story (well almost). My husband and I are both working. His parents house is near his place of work and ako rin naman my house is like 10 mins away from my work. Before we got married, we discussed kung where to live. So during our first few months, we decided na 1 week sa amin, then the next week sa kanila. The arrangement went on for several months lang. And like your hubby, si hubby ko hates as in hates it na pinakikialaman siya, like tinatanong kung san pupunta, etc.

So everytime na nasa house ko, laging wala sa mood si hubby like, ang daming reklamo, yung layo daw ng work niya, yung tinatanong siya sa bahay, etc. In short, we always end up arguing as in lagi. Until I finally gave in na lang, just to buy peace I agreed to stay slightly permanently sa house nila.

Even if I had to sacrifice, travelling sa work and house nila, na kelangan mag-adjust sa bahay nila, etc. Narealize ko na kahit paano ok na rin un. Kasi today, he's the one who initiates na punta kami sa nanay ko, o kaya bisitahin mga tito/tita ko. Minsan he even invites them over para magdinner. So ako slightly happy na rin, kahit mahirap na makitira ka sa ibang bahay. Iniisip ko na kesa naman sa lagi kaming nag-aaway and additional stress lang un, ako na lang ang iintindi.

24
Si hubby ngayon na mag-asawa na kami, siya yung tumatwag sa akin. Pero hindi naman like araw-araw. MInsan kapag tinotopak, tatawag lang siya kapag mangungulit.  Di siya mahilig magtext eh. When he's out naman with his friends well bitbit niya ako parati. Ewan ko ba ngayon na mag-asawa kami gusto niya lagi ako kasi niya. Kahit na gusto ko magpahinga lang sa bahay, he keeps on insisting na samahan ko siya kapag tatambay siya kasama ng mga barkada niya na naging friends ko na rin. Minsan nga sinasabihan ko na siya na kelangan may time din siya with his friends na sila lang...kung baga ako na ang bumubugaw sa hehe

25
Maternity / Re: Pumapangit pag Preggy? (Part 2)
« on: August 29, 2012, 03:41:04 pm »
I guess I belong to the group na pumapangit kapag preggy. Lahat ng pwedeng umitim (batok, kilikili, singit, name a body part) eh umitim sa 1st and now my 2nd pregnancy. Lahat din ng pwede lumaki/lumapad eh ganon din. Ang laking pasalamat ko na lang eh wala akong pimples. Pero  na-realize ko na during the 1st trimester ng both pregnancies ko eh nagkaroon ako ng allergy attacks like parang kinagat ako ng higad sa buong mukha until sa neck. When I first had it kay Baby no. 1 kala ko nahigad lang ako. Pero kay Baby Number 2, ganun din ang nangyari. So impossible naman na nahigad na naman ako.


26
hi mga sisses. I have a question.

My son will be turning 9 months next week. The thing is he is now starting to walk around his crib or anywhere as long as there is something to hold on to like the side of the bed, table, chair, etc. Unfortunately, my baby skipped the stage of crawling or "gapang". For several months now, we tried placing him on his tummy. Pero the most he could do is slightly crawl backwards without really lifting his chest or knees. I'm sort of worried kasi the usual phase is that they learn to crawl first, then pull themselves up then walk, right?

In the case of my baby, when he is lying down, he could not sit unassisted. So what we do is pull him to a sitting position, until he could grasp something to pull himself up to a standing position then he would start walking by holding on to things. So should I be worried?

27
Hay I could totally relate sa mga hinanakit mo. Si hubby din priority niya eh ang parents niya. Yan ang mga pinag-aawayan namin madalas. Lahat naman silang magkakapatid eh working din naman. Kaso si hubby, konteng iling lang ng nanay niya, bigay luho naman. Ang worst pa nito, si hubby lang ang married and kami pa ata pinakamalaki ang share sa gastos sa bahay, we stay with my in-laws kasi.

So gaya mo, may mga utang mga in-laws ko sa credit cards. Instead of not buying anything new, para mabayaran yung mga cards nila, parang walang budget mga in-laws ko. One time, nasira ang ref nila, so kung ipaayos parang 6k din abutin. So they decided to buy a new one. ordinarily, if you have a very big balance sa card mo, syempre you will choose yung murang ref lang di ba? Pero ang MIL ko, she chose yung two-door na worth 40k, ang yaman di b. No wonder nag-pile up ang bills nila. 

Tapos kapag hihingi sila pamalengke, pambayad ng ilaw, etc. Kapag tinatatanong ni hubby asan yung pera na padala ng ate niya, lagi rason ng MIL eh kesyo ang dami daw gastos, pangbayad ng cards, etc. O di ba. Ang masama pa dito, my hubby is still paying for a car he bought nung binata pa siya. So ang salary niya sa family niya halos. I'm the one who ends up budgetting my salary for the savings, and gastusin ni baby.

One time, my FIL suggested na we already start looking for our own house kasi sabi niya 5 years from now the prices will sky rocket. I completely agreed with him. Ang hirit ba naman ni MIL, "Naku wag muna kasi marami pa tayong binabayaran."

Sana nga ang mga hubby natin will open their eyes and ma-realize na may family na silang sarili. I don't want to raise my baby sa environment na one day millionaire ang dating.


28
The In-Laws / Re: Share your bitchy moments with your IL's
« on: August 29, 2012, 01:02:55 pm »
Puwede ba mag-rant ulit?

I had an ultrasound yesterday. Thank God, everything is normal. The obgyn said na parang matangkad daw si baby and mukhang matangos daw ang ilong sa ultrasound. So when hubby and I went home, kinuwento niya sa mother niya yung result. So pagdating dun sa pagiging matangos ang ilong, hirit ba naman ng aking conceited na MIL, "Aba mukhang sa atin nag-mana kasi sina jen.."

Then she cut her statement realizing siguro yung sinabi niya, my hubby was taken aback din and he immediately looked at me and watching my expression. Ako naman dead-ma lang. Sabay kabig yung MIL ko saying na "Matangos din naman ilong ng family ni jen.". Deep inside I wanted to strangle her. Kasi never pa ako nasabihan na pango ang ilong naming magkakapatid. Nairita lang ako. Kasi kung tutuusin di naman maganda genes ng family ng MIL ko, suwerte na lang niya at mganda genes ng FIL ko at nagkaroon siya ng may mga itsurang anak. Kainis!!!

29
Pregnancy Health and Nutrition / Re: bawal sa buntis
« on: August 24, 2012, 05:06:28 pm »
Hi mga sis. Certified coffee addict ako, so when I got pregnant un ang unang tanong ko. Sabi ob ko it's not bad naman talaga basta in moderation. Ako twice ang maximum ko. Pero mga 3 in 1 lang naman un so sobrang konte lang ng caffeine. Pero kung puwede iwasan ang coffee, much better.

30
Pregnancy Health and Nutrition / Re: yeast infection during pregnancy
« on: August 24, 2012, 04:56:34 pm »
I'm 6 months preggy with m second baby. yung sa first pregnancy, nagkaroon ako ng vaginal itching pero hindi na umabot sa point na kelangn ko mag suppository. Pero this time, when I was in my 4th month, full blown yeast infection na talaga. I had to use a suppository. I was told 7 days straight. Pero matigas ulo ko, hanggang 5 days lang ako gumamit. Kasi after that I feel better na and hassle ang paglagay. Lately, may bouts of itchiness na naman ako down there. Kaya kinakabahan ako kung bumalik ulit siya. Medyo may yellow discharge ako and medyo smelly pa. Should I try the suppository again?

Also. I need suggestions, I'm quite uncomfortable kasi when I urinate tapos I don't wash with water afterwards. Di rin ako sanay if I just wipe with tissue. So I have to use pantyliner para di mabasa undies ko. Pero bad din naman daw un. Hay hirap ng buntis.

Pages: 1 [2] 3 4