Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - je_anne

Pages: 1 2 [3] 4
31
Baby Development and Milestones / Re: All About Pacifier
« on: July 23, 2012, 10:17:03 am »
joining..

finally mga sis, napatigil ko na ata baby ko mag-pacifier, he's 7 months now. I think it's been more than a week now. Pero ang hirap pa rin until now, kasi after maubos niya milk niya, he cries and what I used to do was give him his pacifier.

So now kapag after drinking his milk, I need to literally pacify him, like cooing, hugging and kapag ayaw niya tumigil sabay sayaw na kami dalawa. He's super duper overweight for his age, so I really have to control his feedings.

I noticed that before I removed his pacifier last week, he had one tooth which wasn't showing yet. After, I stopped using the pacifier, the tooth grew. Then after a few days, he had another tooth.Now, he has two lower teeth na. He's also more talkative now, kasi he doesn't have something sa mouth. Or maybe its coincidence. well, anyway, for my second baby, I won't let him use the pacifier na lang.

32
Yaya Solutions / Re: Mas close na si baby ke yaya :(
« on: July 04, 2012, 03:43:28 pm »
My baby just turned 7 months last week. And I'm 5 months preggy with baby no. 2 . Anyway, the past few days, I have a weird feeling na nakikipag-compete ang yaya ko sa akin. One time, me and my baby were playing sa room namin, I left the door open, so while playing, nagulat ako when my baby stopped playing and was looking sa direction ng door, paglingon ko andun ang yaya niya and she was waiving to him. Nung nakita ako ng yaya niya, bigla siyang umalis and then iyak si baby. I'm not sure if its the hormones or wala lang ako sa mood pero nabuwisit talaga ako. Tapos yesterday, pagdating ko galing work nagkulong na kami ni baby and hubby sa room, biglang umiiyak si baby, aba ang mahaderang yaya ko, she entered the room uninvited and unannounced then gave my baby his pacifier and teether. Grabe sobrang pissed off na talaga ako. Sa inis ko, I gave my hubby si baby and sabi "Ayan ibigay mo sa yaya niya dahil hindi ako gusto ng bata na yan", My husband got worried and tried pacifying the baby kasi he was crying. Ako naman nagtalukbong ng unan kasi naiiyak na ako sa inis and galit. Sabi nga ni hubby, "Ano palayasin na natin ang yaya"?

Nung una ok lang yung naiinterrupt ng yaya yung mga time namin ni baby. Pero looking back, kapag kinukuha ko yung baby ko sa yaya ko, lagi na lang nagsasabi yung yaya na "Bye baby". yung tipong nagpapa-miss. Inis talaga ako. A couple of weeks ago, I overheard the yaya ang my MIL talking in their dialect (medyo naintindihan ko naman) ang sabi ni yaya "Kagabi ayaw matulog ni baby nung na kay ate siya (referring to me)." My problem is this, hindi ko naman siya puwede i-fire dahil I work full time. And wala naman papalit sa kaniya.

Am I right to be worried sa pagiging competetive ng yaya ko for the attention of my baby or am I just being paranoid or hormonal. Need your advice mga sis. Thanks


33
Getting Pregnant / Re: small age gap between your children..
« on: June 09, 2012, 12:02:52 pm »
^ sis,  yan din tanong ko kung pano naja-juggle yung time sa lahat ng mga priorities natin. Ngayon si hubby nagttampo. Kasi pagdating ko galing office, deretso na ako kay baby. Dinner tpos mamya lang bulagta na ako katabi ni baby. Kagabi nga naawa ako sa hubby ko, kc he's trying to talk to me pa, eh sa sobrang pagod ko. Nakapikit ako habang kausap siya. Hanggang sa nakatulog na ako. Tapos kanina naman, I had to leave early kasi duty ko until 10 pm pa ako ngayon. Nagmamakaawa na nga si hubby na wag na ako pumasok pero hindi naman puwede. Hay hirap lalo na kapag working ka, preggy ka and may infant ka pa.

34
Naku start buying a few things, as your pregnancy develops. Hirap ng last minute.

Ako kasi  as usual the last minute ako namili. Matigas kasi ulo ko. Nagleave ako sa office like nasa 38 weeks na ata ako. I haven't bought anything as in wala. Kaya panic mode ako, sa last day ko before my leave, nag panic buying ako sa SM alone. Di kasama si hubby kasi nasa work din. Nashock mga saleslady kasi ang laki na daw ng tiyan ko and mas lalo silang nagulat nung sabi ko ako lang mag-isa  ako and I'm due anytime. Kaya ayun super helpful nilang lahat. i eventually found out na kelangn ko mag CS kc breech pa rin siya and no chance of moving. Bago pa ako pumunta hospital, pinapunta ko pa si hubby sa SM para bumili ng bottle organizer at damit ko na daster (tama ba hehe

35
Good thing, I found this topic. My baby is 6 months now and I was contemplating on buying him a walker and a high chair. Anyway, the only thing I regretted buying is the CARRIER. Natuwa kasi si hubby nung nagka-sale ang Baby Company sa SM Mega Trade last time. Medyo may kamahalan pa man din un. We only used it once. At shoes pala. Ayun sa sobrang excited makitang nakporma si baby, nag-overboard si hubby at namili ng kung ano2 na shoes and now they are all gathering dust.

Buti na lang ibang gamit na baby bigay lang sa amin. The only thing that I bought for him were yung newborn clothes na may tali (tag 6 pcs lang na sleeveless, shirt, longsleeves). Sabi kasi ng sister ko wag bumili ng marami. Lampin, mittens at booties. Mga wraps. Ang major buys lang ata namin were the stroller, crib and the useless carrier.

Buti na lang marami nagbigay ng mga damit niya. Sa mga niregalo naman, yung parang mga comforter ata yung di namin nagamit. Ayun nakaplastic pa rin.


36
Real Parenting / Re: is your hubby hands-on with baby?
« on: June 08, 2012, 01:37:21 pm »
sis ang suwerte niyo naman sa mga hubbies niyo. Ako I rate him a 3. I guess he learned from his dad, na provider lang talaga. Kung sa diaper changes, pagtimpla ng milk eh mga once in a blue moon ko lang siya makita. Pero kapag play-time, ayun 5 siya.

 Ang pinaka-hate ko (sorry hubby), eh sa gabi. We both work, pero ni minsan di nagkusa magfeed sa baby. Although, kapag nag-tantrums baby ko at pati ako nag-tantrums na din  ;) ;) ;) ;) that's the time he takes charge pero after a while bibigay rin sa akin. I hope kapag lumabas si baby no. 2. He would be more helpful kasi ayaw ko naman na i-asa lang sa yaya.

37
I agree sa New World Laboratories. Search the net. They have branches in QC, Manila, etc. I go there lagi for my labs. I go dun sa may D. Tuazon Branch nila. yung TransV, around 700, yung pelvic 550 lang. Tapos, yung congenital anomaly scan (CAS) nasa 1 plus lang.

At isa pang bonus, for those excited to know there baby's gender, may obgyn dun, super galing. First baby ko, at 13 weeks nalaman ko gender. For my pregnancy today, as early as 14 weeks nalaman ko na.  (PM niyo ako if you need the name)

38
Ako naman ang bilis mabuntis. We've been together GF/BF for 7 years, we didn't do anything hanky panky during that time sa takot ko sa magulang ko. So when we got married last year, a few months after buntis agad. Now, 6 months pa lang baby ko, I'm preggy with baby number 2 ( 3 months na ako).

Anyway, I guess when the time comes, it will come talaga. My hubby has tita's and tito's na more than 10 years bago nagkaanak. yung isang tita niya, they even had to sa US para magpa IVF, wala pa nun dito sa Pinas. Anyway, yung IVF nila nag-fail din, eventually miscarriage din ang nangyari. Tapos ayun, his tita gave up trying. After ilang months lang, nag-collapse tita niya. Sinugod siya sa hospital, and dun niya nalaman na preggy siya, like 4 months na pala siya.

God works in mysterious ways talaga. Kaya one should never lose hope.

39
During my first pregnancy, I also suffered MS pero not like my present pregnancy. I'm currently, 16 weeks and since my 5th week, I vomit everyday after breakfast. I can't skip my breakfast kc I work and I don't have time to eat na pagdating sa office. So everyday for the last 10 weeks or so, lagi na lang ganon ang routine ko. One time pa, the whole day akong hindi nakakain. I had to ask meds na para nausea ko. Kaya until now, I haven't gain weight that much. Like 2 pounds lang ata na-gain ko. Hopefully, matapos na yung phase na ito. Pero ang alam ko, until the last month of my pregnancy, eh there are certain smells that trigger my nausea (ex. kapag may nagpprito or nagigisa ng something). Good luck na lang sa atin mga sisses.

40
The In-Laws / Re: Share your bitchy moments with your IL's
« on: June 06, 2012, 10:59:51 am »
puwede pa-rant?

I know everyone will agree, na kapag tulog si baby bawal istorbohin. Kagabi ba naman, nahirapan ako patulugin anak ko kc he's suffering colds kaya hirap huminga. So finally, about almost an hour of cooing and cuddling him (he's 6 mths now and I'm 3 mnths preggy), he finally slept. Then bigla sumilip si MIL sa room, asking if sasabay daw hubby ko for dinner. I told her quietly as in whisper "sige po, tatawagan ko". Tapos biglang ang lakas ng boses niya, "Tulog na ba si baby". (obvious naman di ba, nakahilata sa kama). HIndi na nakontento, lumapit pa siya and saying "Ang cute cute naman niya". Biglang dilat mata ng baby ko. "O ayan gising naman pala". Biglang iyak baby ko, tapos pasok si sis-in-law sa room at kinarga niya palabas ng kuwarto.

Nagkatinginan na lang kami ng yaya ni baby, kc she knows I hate it when someone wakes the baby up. Grabe napipikon na talaga ako. Malapit na ako mag-lagay ng "Do not disturb" sign sa labas ng room namin.

41
Money / Re: What po ang stable na Educational Plan?
« on: May 31, 2012, 10:12:10 pm »
Hi ladies, I was wondering if it's a good idea to have an educational plan for my baby. I'm scared of the possibilities of getting an educational plan because of the things that happened with CAP.

 Anyway, for those mommies who already have educ plans for their children, can you give me any suggestions on which company to go to. I'm trying to google for the list of educational plans provided but I want real moms to talk to me about it. Thanks a lot.

42
Getting Pregnant / Re: small age gap between your children..
« on: May 31, 2012, 09:49:33 pm »
hi..finally told my officemates about it. panay parinig na din sa kanila. sinabi na rin namin ni hubby sa family namin..sabi nga ng nanay ko, "kaya pala di lumiliit ang tiyan mo". Anyway, just want to share the news, i'm 14 weeks na and i already found out the gender ng next angel ko and it's another boy...good luck na lang sa atin..and i swear nahihirapan na talaga ako sa lack of sleep...paano kaya kapag dalawa na sila..ang eye bags ko siguro hanggang baba na..lol

43
Baby Development and Milestones / Re: Sinok or hiccups
« on: May 09, 2012, 03:20:48 pm »
Hi mga mommies..

when my baby was a bit younger pa (he's 5 months now)..lagi siya may hiccups. Ang sabi ng pedia ko, hayaan lang. Don't give any liquid daw. Kc according to him, kaya nahi-hiccups napupuno daw yung tiyan ng baby ng liquid or minsan hangin. So obviously kapag ganun, puno ang tiyan and it gets worst sa pag-inom. What he said is for the baby to cry. Kasi ang hiccups di ba, the baby draws in air. Kapg umiyak daw yung air palabas, kc pasigaw ang baby.  Ang time tested daw eh pitikin yung baby sa paa to make him cry. Titigil naman daw siya umiyak. One time sinubakan ni hubby, pinitik ang paa ng baby namin. Oh my god, napalakas ang pitik kala ata malaking tao baby namin. Muntik na ako atakihin sa puso, dahil si baby biglang namula, tapos he opened his mouth na walang sound parang hindi nakahinga, after a few seconds biglang umiyak ng pagkalakas lakas. Ayun nawala nga ang hiccups. Lesson learned, hinahayaan na lang namin siya kapag may hiccups and hindi ko na ulit pinapitik sa hubby ko. Hay.

44
Getting Pregnant / Re: small age gap between your children..
« on: May 07, 2012, 11:56:35 am »
mc_syra11 - kelan due mo? ako sa november 24 ETD. Pero sabi OB ko, kelangn bantayan na ako around 36 weeks kc un sa unhealed pa na wound ng CS ko. Sa office, may nakapansin na..pero hinahyaan ko na lang silang magspeculate...

45
Getting Pregnant / Re: small age gap between your children..
« on: May 06, 2012, 08:02:04 pm »
Hi ladies. We are all in the same boat.

I give birth last Dec. 2011. My baby is 5 months old now. CS ako kc total breech ang baby ko and was surprised na 8.2 lbs siya kc sabi ng ob ko nasa around 6 point something lang siya.

I promised myself na hindi muna ako magbubuntis. SAbi nga ng friend ko "Yan ang akala mo". Surprise, surprise.  Hindi ako nag-pills after that. Kasi being pregnant was the last thing on my mind. I knew my menstruation was regular. And when it didn't come last March, kinabahan na ako. Pero di ko muna sinabi kay hubby. After two weeks na wala pa rin, nag PT ako. It was positive.Di ko alam kung matutuwa ako or maiiyak. Kasi parang I'm just starting to get used to the idea na nanay na ako. Tapos eto na ulit. Naawa ko sa baby mo, kc di ko man lang na-enjoy siya. Naalala ko tuloy mga lokohan ng mga pinsan ko kapag buntis agad misis nila ;"Di pa gumagapang si baby, gumapang na si mister"

I'm currently 11 weeks now. Due date ko around November. So technically, my babies' age gap will be 11 months. I've read sa internet Irish Twins daw ang tawag (when the gap between the children are less than a year).

I hope it's a girl. Para pahinga na muna ako after. And my hubby wants to keep it a secret muna. Di ko nga din alam kung bakit. Mukhang di pa nag-sisink in sa kaniya na magiging daddy siya ulit. Ang problema napapansin na sa office na tila hindi naman lumiliit ang tiyan ko...Nahihiya rin ako i-announce kc I have two officemates na ilang years ng married sa mga asawa nila and until now di pa sila nabiyayaan. Parang ang hirap mag-rejoice knowing na there are other people na waiting for their blessing pa....

Pages: 1 2 [3] 4