7
« on: February 15, 2014, 12:06:20 am »
hi mga moms! its been 3 consecutive days ko ng binabasa ang thread dto sa sp with regards to autism. im not sure kung may red flag c 21 months old baby boy, like inconsistent ang pag lingon once tinawag mo ang name niya, pero kapag hindi siya aware na anjan ka lang like kakarating mo lang from work, then tinawag siya lilingon naman sya, kc nakilala niya un boses mo, minsan namamaos kina sa kakatawag sknya dedma lang, pro kapag exciting un pag tawag mo sa name niya as if may surprise ka sknya na ipapakita, lingon naman siya.. second, flip niya un bike niya to spin its wheel, pro hindi niya lagi ginagawa yun, lalo na ngaun hindi na niya gaano pinapansin at ginagamit un bike niya, dinadaan daanan nalang niya. third, nag lilining up sya ng toys, yun mga toy animals niya, 4 pcs lang yun, nililine up niya then ibabalik niya din ng maayos sa shelf right after. sa ibang toys niya, hindi naman siya ganun, lahat alam niya laruin, basketball, building blocks pretend play like iinom sa toy cups.
fourth, delayed speech sya, mam, ah, eh, oh, uh, huh, yan lang mga sounds na naririnig ko sknya, kapag nakikipag usap siya sa kapwa bata niya ganyan mga ginagamit niya, halo halo lang. or kapag ituturo niya sakin un mga familiar picture of animals, ituturo niya un with babbling sounds., lastly, lagi sya may tantrums, bigla nalang iiyak kapag hindi nasunod, or once pinansin sya or kinausap ng taong hindi niya kilala., aw! mommies, signs na ba yan mga sinabi ko.?.naiiyak and natatakot kc ako na baka nga.. naka schedule na kami sa devped. pero nairefer lang kami ng pedia niya dahil lang sa speech delay. pero sa mga nababasa ko dto sa sp, napapaisip ako sa mga yan, as red flag.. please reply if ganyan din ang naging simula ng sa condition ng babies ninyo.
anyway, mga sis, mga positive infos ko, marunong siya mag point kung may gusto siya like may ipapaabot, ipapaopen, ipapabasa sa book., nakikinig din siya kapag binasahan ko ng flashcards and picture books, kapag tinanong ko sya ng where is the flower, wheres the elephant, and other familiar things, ituturo niya sa book kung nasan yon, pero kung what ang tanong mo, hindi ka niya papansinin kc nga wala xang alam bigkasin, nakikipag usap at laro din sya sa mga bata na ka age niya, siya nag iinitiate minsan san sila pupunta or anung laro nila like habulan, un madalas niya ipagawa sa kalaro niya papahabol sya., nauutusan din sya, like give me...get the..drink your water..
mahaba na pala tong sinishare ko.. thank u sisses..God bless satin.