Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Hinata

Pages: 1 [2] 3
16
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 15, 2013, 10:33:23 pm »
Sis akosibulinggay,  thanks sa info about sa bananas  :) matanong ko lang sana kung okay lang sa yo na sagutin ha? Big issue kasi sa amin ng husband ko ang pagtira namin sa house ng mother niya. Un ang gusto niya dati and lagi namin pinagtatalunan. Unang una dito kami comfortable ng baby ko sa house namin, pag titira sa ibang bahay, hassle kasi minsan hindi ka makagawa ng gusto mo, di ba? Pinagtalunan nyo rin ba ng husband mo un issue na pagpunta sa house ng mother niya?

May bagong issue na naman ako sa MIL ko. Gusto niya isama baby ko sa Tagaytay to attend a Christmas party. Nagulat na lang ako ng sabihin ng husband ko na ganun nga. Ano ba un? Hindi manlang nagpaalam sa akin at siya na lang (MIL) nag desisyon na isasama niya ang baby ko? Tinanong ko rin husband ko kung sino ang may gusto na isama ang baby namin, ang sagot niya mother daw niya.  Hindi manlang inisip na mahaba ang byahe at siguradong mapapagod ang baby ko...saka party un pupuntahan, hindi pa naman mag-enjoy ang mga babies sa ganun, right? Imbyerna  to the max na ako...un brother in law ko kasi kahit saan sinasama un mga anak niya, (hindi naman nalalayo un age ng mga anak niya sa baby ko) kaya hayun, laging may sakit. Point ko lang naman, sana nag sabi sya kung pwede ba isama ang baby ko and too early pa ang mag travel ng ganun kalayo para sa 1 year old, kahit na may sarili pang car...

17
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: November 15, 2013, 09:54:48 pm »
di pa po kasi ako nka submit e.. gsto ko po sana mag resign nalang..mga ilang buwan po buh makuha yung benefit?

Hi sis mamabluez, nakuha ko un benefit ko mga 1 to 2 months, medyo natagalan kasi sa pag process, may kaartehan at pagka antipatika un taga SSS. Pati nga mother ko na nagprocess for me nainis na rin, pati pirma ko binusisi, hindi raw magkamukha. Anyway, basta mga 1 to 2 months, dadating na un SSS cheque sa mail.

18
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 12, 2013, 10:37:50 pm »
Meron pa pala...parang wala syang tiwala sa ointment na binigay ng pedia ni baby ko for insect bites. Nung nilagyan ko kasi ng ointment un mga kagat ng surot ni baby ko, nilagyan pa rin niya ng ointment for diaper rash na pwede rin daw sa insect bites at mga sugat...hindi ko napigilan, kahit na nilagyan ko na ng ointment un kagat ng surot, nilagyan pa rin niya ng ointment niya. Tapos tinanong pa ako kung ano un ointment na binigay ng pedia, kahit naman sabihin ko hindi naman niya alam un...

19
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 12, 2013, 10:27:01 pm »
Naku, sis annamariemomof3, super super agree ako sa sniabi mo na hindi dapat mawala ang milk sa diet, na kahit nagso-solid food na si baby dapat may milk pa rin. Ewan ko lang talaga sa pedia ng isang apo ng MIL ko.

Haaaay mga sis...pasensya na pero kailangan ko talaga mag vent out ulit...last friday and saturday, umuwi kami sa haws ng MIL ko dahil request ni husband para makita raw ng MIL ko ang apo niya. At syempre, heto na naman po sya, bibigyan niya ng saging ang baby ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na namin ipinaliwanag ng husband ko na wag nang bgyan ng saging or any fruit na makakapagpatigas pa ng poop ng baby namin (lactose free kasi ang milk ni baby namin, kaya matigas ang poop niya). Nung makita ng husband ko na susubuan ng saging ang baby namin, pinigilan naman niya MIL ko, ang sagot ng MIL "1 bite lang,"  Kaya sumagot na ko that time, sabi ko wag na kasi lalong titigas ang poop  >:( Fear ko kasi ang ma-constipate ang baby ko. Un isang apo niya, madalas constipated dati dahil kung pakainin niya ng saging, maya maya.

At nung umuwi kami ng sunday morning, puro kagat ng surot sa likod ang baby ko, meron din sa likod ng tenga at sa tenga mismo. Iniisip namin ng husband ko, galing un surot sa crib na pinahiram ng sister in law ng husband ko. Kaya ko nasigurado na surot nga kasi sa MIL ko na mismo nanggaling na un mga anak ng sister in law ni husband ko, may mga ganun kagat din, kaya pina-spray niya daw ng insecticide un kabilang bahay. Nakakainis, kasi alam pala niya na may surot infestation dun sa kabilang haws, hindi manlang niya sinabi sa amin ng husband ko. Wala na naman daw kasing surot sa kabilang haws, eh ano un nasa crib?  >:( >:( >:( Kung alam ko lang na may surot infestation, hindi ko na pinagamit sa baby ko un crib.

Un room pa na tinutulugan namin ng baby ko, room ng MIL ko at hindi mawala wala ang langgam sa bed! Everytime na uuwi kami dun, laging may risk na pasukan ng langgam sa tenga ang baby ko pag nakahiga sa bed na un. Hindi naman kami pwede sa ibang room dahil puro single bed lang...

okay, Im done venting out, haaaaaaaaaaaaaaay.....


20
31  ;)

21
Health and Nutrition / Re: Pagligo sa gabi or hapon.
« on: November 09, 2013, 09:27:08 am »
Ako sis 2 to 3 times pa naliligo kasi summer nung nagbuntis ako, kailangan talaga maligo ako sa gabi kung hindi mainit ang ulo ko, hehe! Mainitin talaga pag buntis...

22
Anong gamit / ginamit nyo mga sis? Ako kasi the traditional pakulo lang. On the expensive side kasi ang steam sterilizer and baka malakas pa sa kuryente, kaya kahit na anong offer sa akin ng mga sales lady dati, hindi nila ako maconvince, hehe!

23
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 07, 2013, 10:20:00 am »
Better talk to hubby sis..baka mas ok na humiwalay na lang kayo ng house kesa mag clash kayong dalawa...Di naman kasi marunong magpaawat ang mga in laws sa mga gawi nila eh..mas maigi na tayo na lang ang umiwas kung di rin lang magkasundo.

Hello MommyniAddie,

Hindi naman talaga kami nakatira sa house ng MIL ko, every other week lang kami nandun. Every other week na nga lang pero super stress pa ako...

24
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 07, 2013, 10:17:35 am »
nakakainis talaga pag parati ka na lang pinakikialaman sa lahat ng bagay. pero don't be too defensive kasi she also just wants what's best for your baby. kapag kasama mo MIL mo sa bahay you cannot be too controlling, mas mahirap naman di ba kung yaya na kung ano lang ang sabihin mo yun lang di na makapagisip para sa sarili. think about it this way mothers knows best at siya ang nanay ng asawa mo and he turned out alright naman di ba and his siblings  too and apo, so my point is mas marami siya experience sa iyo kaya be open to her suggestions wag agad defensive. I don't think there is a formula sa pagiging magulang. ako I have three kids, yung parenting ko sa eldest do is different from the other two kasi nga I have learned and grown throughout the years. so instead of butting heads with your MIL take her suggestions, work with her to find out what best suits your child. kung maliliit lang na bagay pagbigyan mo na just be firm dun sa mga bagay that you really believe in like discipline

Hi sis annamariemomof3,

thanks din sa suggestion mo. You have a point naman, ang ayoko rin naman magkaroon kami ng conflict ng MIL ko, ang hindi ko lang kasi nagugustuhan ay ginagawa niya sa baby ko un ginagawa niya sa ibang apo niya, like bawasan na ang milk intake - hindi naman kasi ni-recommend ng pedia ng baby ko na bawasan na ang milk niya.  Un sa isang apo niya, iba ang pedia at sinabi na kailangan bawasan na ang milk...kailangan talaga na kausapin ko  muna si husband.


25
The In-Laws / Re: MIL na medyo pakialamera
« on: November 07, 2013, 10:10:57 am »
Hi sis wendy.ravzz & sis Akosibulinggay!

Thank you sa mga suggestions and comments nyo. Kahit papaano nabawasan ang pagkapraning ko, at hindi lang pala ako ang nakaka experience ng ganito.

Sis wendy.ravzz, try ko ang suggestion mo. Sana makinig si husband sa akin. Dahil sa totoo lang, hindi ako un tao na magaling pagdating sa confrontation...madalas nauunahan ako ng galit, either kung ano ano ang masabi ko or tatahimik ako na parang pader lang ang kausap mo. This week, uuwi na naman kami sa bahay ng MIL ko, stress to the max na naman ito.

Un baby ko kasi recently lang natuto kumain ng solids, natutunan niya kasi sumuka pag hindi niya gusto ang texture or lasa ng pinapakain sa kanya dahil sa ferrous sulfate (sobrang sama ng lasa!!!) drops na binigay ng pedia niya. Kahit sobrang liit ng ipakain mo sa kanya, kahit super lambot pa, pag di niya nagustuhan isusuka niya kasama lahat ng milk na nainom niya. Ito ang pinaliwanag ko sa MIL ko noon, pero mukhang di nakinig or di naniwala sa akin.

Pero  ngayon, thankfully, okay na ang baby ko, marami na sya nakakain, like rice, chicken, biscuits, squash, sayote,carrots, apple, banana...kahit na ano ibigay ko ngayon kinakain na niya ng hindi sumusuka. Aside from that, hindi rin naman nabawasan milk intake niya. As per his pedia hindi naman sya overweight, hindi rin naman sya mataba like other babies pero siksik ang laman niya.

Agree naman ako sa pagpapakain ng solid foods si baby, un nga lang, bakit naman instant noodles pa? MSG, chemicals and salt overload! Mas in favor nga ako pag lutong bahay, Sis Akosibulinggay. Pero like I said, marami na nakakain si baby ko ngayon, pero di pa rin nabawasan milk intake niya

Ang MIL ko kasi, laging naka compare sa development ng ibang apo niya ang baby ko, eh iba iba naman ang development ng mga babies di ba? Dapat ganyan, dapat ganito, si baby ni ganito, kumakain na ng ganyan...haaay!!! Tama ka sis, dapat inaalam muna niya ang gusto at di gusto ng baby ko, sana ganun sya. Kaso hindi...

26
The In-Laws / MIL na medyo pakialamera
« on: November 06, 2013, 10:09:41 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
Nakikialam ang In-Laws Ko sa Pagkain ni Baby
Click HERE.


Hi mga sis! How would you deal with a MIL na ganito? Gusto niya pakainin ng INSTANT NOODLES ang baby ko, 1 year old pa lang sya, ang sabi ko maalat kaya hindi ko binibigyan ang baby ko, tapos sabi niya pwede naman daw i-dilute un timpla ng noodles. Hindi na ako sumagot after nun.

Napansin ko lang kasi, lahat ng ginagawa niya dun sa isang apo niya, gusto niya gawin din niya sa baby ko. Like un pagbigay ko ng milk, pinansin niya. One morning kasi tinimplahan ko ng milk ang baby ko and sabi ng MIL ko dapat daw nag solids na sya, ibig niya sabihin dapat pinapakain ko na at hindi milk ang binibigay ko. Pinapakain ko naman ng solids, un nga lang, mas gusto ng baby ko ang milk. Parang ang gusto niya mangyari is bawasan ko ang pagbibigay ko ng milk sa baby ko at solid foods na lang palagi. Ang sa akin kasi, hanggat gusto ng baby ko ng milk, hindi ko sya pipigilan. Un kasing isang apo niya, pinipigilan nilang mag milk, pag humihingi ng milk, ibibigay nila is juice.

Minsan I overheard her talking to my husband, sinasabi niya na dapat sanayin nang uminom ng milk sa sippy cup ang baby ko. But he just turned one year old!

Natatakot ako na iwanan ang baby ko sa kanya, baka kasi kung ano ano na lang ang ipakain. One time hindi ko sya napigilan kasi sinubuan niya ng white part ng brazo de mercedes cake un baby ko, ayun, nagsuka tuloy. One time sinubuan naman ng malaking piece ng broas, nagsuka ulit un baby ko. Feeling niya kasi kagaya ng isang apo niya na lahat ng isubo kakainin. Kahit sino naman sigurong baby pag sinubuan ng ganun kalaking piece, mabubulunan, at saka hindi pa familiar un baby ko sa taste ng mga pinapakain niya.

Tapos gusto niya na sanayin ko nang naka off ang lights pag natutulog kami ng baby ko. Gamitin ko na lang daw un lamp shade instead. Na try ko na minsan yan sa house namin and instead na matulog ulit si baby ko nung nagising ng madaling araw, na focus un attention niya sa lamp shade, tapos hindi na sya makatulog ulit kahit naka on na ang lights, and kahit na antok na antok pa, iyak lang ng iyak. Gusto ko rin naman naka off ang lights pero siguro may right time para sanayin si baby for that.

Ang hirap lang kasi, dominating ang personality ng MIL ko. Pag may sinasabi ako or may pinapaliwanag parang di sya naniniwala. Although na explain ko na sa kanya before kung bakit hindi pa gaanong sanay sa solid foods ang baby ko, parang pasok sa isang tenga, labas sa kabila lahat ng sinabi ko.

Mga sis, paano ang gagawin nyo kung nasa parehong situation kayo?  :'(

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


27
Health and Nutrition / Re: OGTT Rate?
« on: November 06, 2013, 04:16:03 pm »
Mas mura sya sa mga diagnostic clinics compared sa mga hospitals. Yung sa akin around 500 lang, doble pag sa hospital eh.

28
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: November 06, 2013, 04:03:15 pm »
Hi mamabluez,

Pwede ka maka avail ng SSS benefits mo basta continue mo lang ang bayad monthly. When I got pregnant, 1 year na akong resign sa job ko, then ang ginawa ko lang nagpunta ako sa SSS na malapit sa area namin to submit  maternity benefit claim or MAT1 form. Nakapag submit ka na ba ng ganito sa HR office nyo? If yes, you can ask them kung ano ang next step in claiming your benefits after you give birth.

Ang ginawa ko kasi after submitting the MAT1 form, nagbabayad ako ng maximum contribution monthly (sa bayad center) until I gave birth. Then submit ng MAT2 form along with required documents. The sooner na ma-file mo ang MAT2, mas madali mong makukuha ang benefit mo. Pwede naman ibang tao ang magsubmit ng papers mo, as long as may authorization letter sila galing sa yo  :)

pls click on the link below. Hope this helps.

http://magicspaceship.blogspot.com/2013/07/mom-matters-sss-requirements-for.html

29
Weaning, Formula and Solids transition / Re: Eating Solids at 5 months Old
« on: November 06, 2013, 10:11:34 am »
My baby's pedia recommended to start feeding him cerelac when he was 4 months old. Kaya medyo nagulat ako na pwede na pala as early as 4 months. Ang naging problema lang ay humina ang milk intake niya. Confusing nga kasi may binigay na amount ang pedia kung gaano karaming cerelac ang dapat niya kainin in a day, at the same time, dapat 24oz na milk ang ma-consume niya in a day. Nasusunod ang dami ng cerelac na dapat niya makain pero un sa milk hindi, kasi busog na sya sa cerelac kaya inaayawan ang milk, bumaba tuloy weight niya.

Without telling the pedia I completely stopped feeding him cerelac and milk lang sya for a month para tumaas ulit ang weight niya. Hindi ko na rin sinunod ang dami ng cerelac na recommended ng pedia. Although pinapakain ko sya ng cerelac, mas marami pa rin ang milk that time.

30
Labor and Child Birth / Re: Ilang cm. bago i-admit ng hospital?
« on: October 27, 2013, 09:45:50 pm »
I gave birth last year, at 36wks nasa 1cm na ako pero inabot pa ng 1week bago ko naramdaman na nag-labor na ako. Nagising ako ng 3am and paulit ulit ang sakit, until 4:30am every 5 minutes ang pain. Mga past 7am na ako nagpadala sa hospital and dun ko nalaman 5cm na pala ako and syempre hindi na pwede umuwi  ;)

Pages: 1 [2] 3