Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mich_tatsdwayne

Pages: 1 [2] 3 4 ... 8
16
Money / Re: Kinukupitan nyo ba si hubby? :)
« on: April 21, 2012, 08:40:22 pm »
Hindi ko rin kinukupitan si hubby. I'm a SAHM and meron ako allowance kay hubby, bukod pa 'yung pang-gastos dito sa bahay.  Pero share kami ng anak ko sa allowance ko kasi dun ko kinukuha 'yung hinuhulog monthly sa savings account ng anak namin. Alam 'yun ni hubby and ako naman nag-open nung account na 'yun para sa anak namin nung working pa 'ako. Buti pa nga anak ko may savings account, ang nanay wala. hehe. Pero ok lang kasi para sa future naman niya 'yun.

'Pag wala na akong pera at may kailangan bilhin sinasabi ko kay hubby. Minsan sya na mismo magtatanong kung may pera pa ako or wala na. 'Pag meron pa hindi muna ako humihingi. 'Pag magkasama kami sya na mismo nagtatanong kung meron ba akong gusto. Bihira naman ako magpabili, 'pag meron lang talaga akong gustong-gusto.

17
My almost 4 years old son nahulog na naman sa bed namin last thursday ng madaling araw. He sleeps sa gitna naming mag-asawa and kapag may isang bumangon sa amin ni hubby, nilalagyan namin ng pillow yung tabi nung anak namin. That time nag-toilet ako tapos bigla na lang may kumalabog. Paglabas ko ng banyo karga na ni hubby anak namin (seated). Iyak ng iyak anak ko tapos hawak ni hubby yung chin niya. Sobrang natakot ako kasi may dugo. Pumutok ng konti yung sa may baba niya. Sabi ko agad kay hubby, "May dugo! Dalhin na natin sa ospital!" Mangiyak-ngiyak na talaga ko nun. Natataranta na talaga ko habang si hubby kampante lang. Naisip ko kasi baka kelangan tahiin. Buti na lang kampante lang si hubby, may presence of mind pa din sya. Pinakuha niya ko ng damp cloth tapos kumuha din ako ng ice para mag-stop yung bleeding. Tumigil na din sa pag-iyak yung anak namin. After malapatan ng first aid, i checked din yung head niya tapos tinatanong ko kung ano masakit sa kanya. Yung chin lang daw niya masakit. Grabe talaga takot ko nun. But he's ok now. Ayoko na talaga maulit ulit 'yun. 

18
Members' Kumustahan board / Re: SP Moms from Laguna
« on: September 03, 2011, 09:46:18 pm »
Pasali din. . . I'm from Sta. Cruz, Laguna pero currently residing dito sa Singapore with my hubby and baby boy.

19
Distance Parenting (OFW Parent) / Re: SP moms overseas
« on: June 23, 2011, 11:38:18 am »
@BabySmiles - Sis, from Singapore din ako. Saan ka dito?

20
Kami ni hubby, Colgate.

For our son, Oral B Stages.

21
Your Kid's Health and Safety / Re: Ayaw uminom ng vitamins
« on: May 06, 2011, 01:01:58 pm »
^ Agree ako sa syringe sa pagpapainom ng gamot sa bata. Di naman mahirap painumin ng vits son ko kasi he likes the taste of growee and ceelin. Pero pag may sakit sya (cough and flu) ang hirap niya painumin ng meds kaya syringe ginagamit ko. Effective naman.

22
Food / Re: Summer meryenda
« on: April 30, 2011, 01:54:52 am »
Halo-halo, kamote-Q, tokneneng, fishball. . . Kaka-miss ang Pinas!

23
Real Parenting / Re: watching movies with a toddler
« on: April 08, 2011, 11:28:12 am »
3 yrs old na son ko pero never pa din namin naisama sa movie house. Iniisip din kasi namin na baka matakot kasi madilim. Pero we will try pag pinalabas na 'yung Cars 2 this coming June. Favorite niya kasi 'yun.

24
I've tried Potty Training in 3 days (dito ko din natutunan sa thread na 'to) sa son ko October last year ata pero it didn't work for him. Umabot na kami ng two weeks pero wala din. Palagi na lang accidents nangyari, as in nakawiwi na sya sa floor bago sya magsabi. It came to a point pa na umiiyak na sya kasi gusto niya magsuot ng diaper. Kaya di ko na pinilit. Nag-stop muna kami sa potty training niya. Until last month I decided na i-train ulit sya para before his 3rd birthday diaper free na sya , at least sa maghapon (except pag lumalabas kami). So far so good naman. He tells me when he needs to pee or poop. Pero nung first few days may konting accidents pa din pero ok lang tsaka parang every 10 or 20 mins. sya nagwiwiwi. But now he knows na how to control his wiwi kasi 4 or 5 times na lang sya nagwiwiwi sa maghapon. 'Yung pag-poop ayaw niya pa sa toilet bowl. Kahit i-attach ko 'yung potty seat niya dun ayaw niya kaya sa potty pa din sya nag-poop. After niya mag-poop he will say "Finish na" tapos "Very good". ;D

The problem lang is ayaw niya hawakan pototoy niya pag nagwiwiwi sya. 'Pag naka-shorts sya or brief ako humahawak. 'Pag naman bare bottom sya itinataas niya lang 'yung isang leg niya (like a dog). His dad showed him and taught him how kaya lang ayaw niya pa din. I keep on telling him na dapat marunong na sya ng tamang pag-pee kasi pag-nagschool na sya wala na 'ko dun para samahan sya sa toilet. What shall I do?



     

25
For me, mas magtatampo ako kung di man lang ako i-gre-greet ni hubby on my birthday. Ok lang sa akin if ever wala sya plans na maghanda or to go out on my birthday (although di pa naman 'to nangyayari).  Di ako nag-e-expect. Kung may plan sya, thank you. Kung wala naman, ok lang din. Mas mahalaga sa akin 'yung birthday greeting and birthday kiss and hug ni hubby. hehe.

26
In my case, scheduled CS ako. During my check-up sa OB (4 days before my EDD), she found out thru ultrasound na naka-transverse lie baby ko. She said na delikado daw if hihintayin pa na mag-labor ako kaya she scheduled me for CS the following day.

27
My son naman kelangan may katabi toy car pagtulog. Habang dumedede sya bago matulog hawak na niya 'yun. Pero 'yung mga toy cars na gusto niya katabi/hawak yung maliliit lang like Hotwheels. 

28
Family Fun / Re: What is your favorite weekend activity?
« on: March 20, 2011, 06:32:33 pm »
Every Sunday we attend mass at 12:30 in the afternoon. After mass, malling na kami tapos dun na din kakain ng lunch then mag-gro-grocery.

Pero pag may sched na tattoo si hubby pag Sunday, uwi na kami after attending mass tapos sa bahay na kakain and nood ng TV. Sometimes naman kami na lang ng anak ko magka-date sa mall. 

29
Baby Names / Re: babys' with long name - post here!
« on: March 13, 2011, 08:35:29 pm »
Vince Dwayne N. Hidalgo

30
Pamahiin / Re: trimming baby's eyelashes
« on: March 08, 2011, 05:01:47 pm »
I didn't trim my son's eyelashes pero mahaba din 'yung sa kanya like mine. Akala nga nung mga kakilala namin tinrim ko. Di kasi ako naniniwala dun. Nasa genes 'yan.

Pages: 1 [2] 3 4 ... 8