Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mich_tatsdwayne

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 8
31
Oral B stages toothbrush pa din for my son. Now na marunong na sya mag-gargle, Oral B Stages (berry bubble flavor) na din ang toothpaste niya.

32
Beauty and Product Reviews / Re: Sanitary Napkins used by smart mommies
« on: February 18, 2011, 10:49:50 am »
"Pag kalakasan pa, I use Sofy Comfort Nite (41cm). Ok talaga.
I use Whisper with Wings naman 'pag mahina na.

33
Real Parenting / Re: Anong feeling ng first glimpse sa baby mo?
« on: February 15, 2011, 08:22:08 pm »
CS din ako nung nanganak ako.  Hinihintay ko talaga paglabas ng anak ko kaya di talaga ko natulog during the procedure tapos dasal ako ng dasal. Buti na lang di ako groggy  that time.  Nung lumabas na anak ko at narinig ko na iyak niya super iyak na din ako sa sobrang tuwa. Di ko talaga inalis paningin ko sa kanya until malinisan sya & before sya dalhin sa nursery, I kissed him in the forehead habang umiiyak pa din ako. I was so happy talaga & thankful dahil safe kami ng baby ko. I will never forget that moment talaga.

34
Mami Poko Pants for Boys, XXL

35
Weaning, Formula and Solids transition / Re: S26 Gold Milk User
« on: November 29, 2010, 01:21:16 pm »
Nag-S26 din anak ko pero 1 month lang. Di kasi hiyang sa kanya. Maasim amoy niya sa S26 tsaka di niya palagi nauubos. Kaya nag-switch ako sa NAN at dito tumaba ng husto anak ko. Tsaka amoy baby talaga sya. 

36
Baby Development and Milestones / Re: baby cologne
« on: November 29, 2010, 01:03:26 pm »
For my son, Denenes cologne. Pero inumpisahan ko lang mag-apply ng cologne sa kanya when he was 1.5yrs old na.

37
The Balancing Act: Career and Family / Re: Any SAHMies here?
« on: November 21, 2010, 01:39:18 am »
Present!  ;D

SAHM din ako dito sa Singapore for the past two years ++. Nag-work ako dati pero nung nanganak ako hubby and I decided na sa bahay na lang muna ako. Gusto ko din naman kasi gusto ko na ako mismo mag-alaga sa anak namin at ma-witness ko development niya. Nag-offer na dati parents ko na sila muna mag-aalaga sa anak ko (dyan sa Pinas) para daw makapag-work ulit ako pero di kami pumayag ni hubby. Ayoko talaga malayo sa anak ko. Di ko kakayanin. Pero next year maghahanap na ulit ako work. Kailangan na ng tulong ni hubby dahil lumalaki na din gastusin namin dito. Papupuntahin ko na lang Nanay ko dito para mag-alaga sa anak ko kung sakaling makapagtrabaho na 'ko ulit. Bukod kasi sa asawa ko, sa Nanay ko lang ipinagkakatiwala anak ko.

38
^ Favorite ko din ang Ang TV. 2nd year high school ako nung nag-air  'yan. Palagi akong first trip sa school bus pag uwian na para lang maabutan ko 'yan. Pero before Ang TV, That's Entertainment pinapanood ko at favorite ko ang Thursday group. hehe. ;D

Nung nasa grade school naman ako, meron akong Barbie and Carebears book na dinidikitan ng stickers. After school naman naglalaro kami ng Chinese Garter, 10-20 (meron pang isa nakalimutan ko lang 'yung tawag dun).

39
Getting Pregnant / Re: How many kids do you have and want to have?
« on: November 20, 2010, 02:02:07 pm »
I have a 2 yrs 7mos old son. Plan namin ni hubby to have another baby next year (sana girl na). Tsaka 32 yrs old na 'ko and sabi ko kay hubby before i turn 35 dapat may baby na ulit kami. Two kids lang talaga gusto ko.

40
Pamahiin / Re: naniniwala ba kayo sa" lihi"?
« on: October 30, 2010, 12:35:18 pm »
Hindi din ako naniniwala sa "lihi". Pero may cravings talaga pag preggy at may times pa na walang gana kumain.

Nung preggy ako (1st trimester), sobrang nag-crave ako sa mga Pinoy dishes na di ko nakakain dito sa Singapore. One time kumain kami sa Pinoy resto at talaga namang lamon ang ginawa ko. hehe. Gustong-gusto ko pati ng lechon kaso wala pero lechon kawali meron kaya ok na din. Tsaka gustong-gusto ko din that time ang Quarter Pounder ng McDo.

Minsan naman takaw tikim lang ako. Bibili ako ng food pero di ko din kakainin. Talagang sayang.   

41
Same with you, mommies. Panyo din madalas ko nawawala. Tapos twice na din ako nawalan ng ka-pair ng hikaw ko.

42
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: Anmum Vs. Enfamama
« on: October 18, 2010, 05:50:48 am »
At first Enfamama ininom ko. Bumili kasi bilas ko na that time preggy din pero di niya kinaya lasa at di din pala sya mahilig sa milk kaya ako na lang uminom kasi sayang naman. After that Anmun choco na ininom ko during the rest of my pregnancy. Mas masarap ito kesa Enfamama.

43
@ darling - Gamitin mo sa paglinis ng bottles 'yung bottle brush na medyo soft para di magasgasan. How do you sterilize the feeding bottles? Traditional na pinapakuluan or sa sterilizer talaga? Kasi kung pinapakuluan baka dahil dun kaya parang nagkaroon ng break. Mas ok siguro kung steam sterilized. POV ko lang.

44
sabi ng sales lady kasi once  a week lang daw sterilized d rest of the day banlian lang daw ng tubig na mainit

Avent Airflex feeding bottles ng anak ko (now 2.5 yrs old) pero everyday ako nag-sterilize ng bottles niya. For me mas safe kung talagang sterilized ang feeding bottles.

'Yung Avent sterilizer ba steam sterilizer? I'm using kasi Pigeon steam sterilizer. 

45
Di ko pa na-try mag-alternate feeding ng formula milk sa 2.5 yrs old son ko. Di ko din naman naisip itanong sa pedia ng anak ko kung pwede ang ganun. 

Sa ngayon Pediasure (Choco) milk ng son ko (advice ng pedia) kasi lately humina kumain. Minsan 1 to 2 spoons pa lang ayaw na. So far ok naman effect sa kanya kasi nag-gain agad sya ng weight tsaka kumakain na ulit sya ng maayos. Mas malakas din sya magdede ngayon compared dati.

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 8