Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mich_tatsdwayne

Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 8
61
-Taba ng pork
-Corned Beef (pag inuulam sa kanin. pero pag palaman sa bread or sangkap sa spag ok lang)
-Atay ng pork or chicken
-Pinapaitan
-Lahat ng ulam na nilalagyan ng curry powder
-Tinagan (kanduli na isda na niluto with yellow ginger)
-Ampalaya, okra, sitaw
-Macaroni salad na nilalagyan ng milk
 

62
When my son was born Drypers diaper niya. Pero di ako satisfied tsaka nagka-rashes sya kaya I changed to Huggies Dry Comfort. When he turned 1, I tried MamyPoko Pants for Boys and ok naman, super absorbent and no leaks tsaka di din nag-rashes anak ko. May kamahalan nga lang pero sulit naman.

Right now 2 kinds ng MamyPoko gamit ng anak ko. 'Yung Pants for Boys (blue packaging) he wears at night pag natutulog and pag lumalabas kami. 'Yung Easy Fit Pants (yellow packaging and cheaper than the blue one) he wears naman during daytime.

63
My son's first birthday tarp.


64
Weaning, Formula and Solids transition / Re: baby dont like to drink water
« on: September 02, 2010, 11:32:13 pm »
Di pala nag-iisa anak ko na ayaw din uminom ng tubig. Mas gusto niya din ang juice pero di namin sya pinapainom pag di pa kumain. 'Pag water, one sip lang ayaw na. As much as possible ayaw ko sya painumin ng Coke kaya di na 'ko bumibili. Pero si hubby matigas ang ulo minsan at bumibili pa rin. Kaya 'pag umiinom sya ng Coke nilalagyan ko ng maraming tubig, basta magkakulay lang. Payag naman at sya pa  magsasabi na lagyan ng tubig. Binilihan ko din sya ng mga tumblers  with his favorite cartoon characters pero wala din. Di naman sya constipated. Pero gusto ko pa din sana na iinom pa din sya ng tubig.

65
Holidays / Re: My Favorite Christmas Song
« on: September 02, 2010, 11:03:07 pm »
Ako 'yung kay Jose Mari Chan, Christmas in our Hearts (di na ko sure sa title).

* Sa Araw ng Pasko - All Star Cast

here's the lyrics (hehe talagang shinare ko  :P ), this is for OFWs :) 


Sa Araw Ng Pasko Lyrics
All Star Cast

'di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito
Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko

[Refrain:]
Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

[Chorus:]
Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n'yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)

[Bridge:]
Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree


Favorite ko din 'to, sis wendystar. Nakaka-miss talaga pasko dyan sa Pinas.


66
Labor and Child Birth / Re: After effect of CS Operation
« on: August 29, 2010, 01:44:49 pm »
Ako naman bago pa manganak dati e manas na legs ko. Nung nanganak ako (CS din), may nilagay sa legs ko na parang pang-massage. 2 days ata ako nakaganun. Pag-uwi ko sa bahay may konting manas pa din pero after ilang days nawala na din. 

67
Baby Development and Milestones / Re: pacifier
« on: August 29, 2010, 01:33:38 pm »
Anak ko never nag-pacifier nung baby pa. Niluluwa and ayaw niya talaga kaya di ko na pinilit. Ok na din at least di sya nasanay. Di rin sya nag-thumb suck. Mas gusto niya mag-dede na lang.  :D 

68
Home / Re: Mommies na walang maid
« on: August 29, 2010, 01:08:37 pm »
Nung baby pa anak ko di ako hirap masyado kasi marami kami magkakasama sa bahay dati. Merong division of labor. Pero ngayon we have our own house na kaya talagang lahat ako na gumagawa. 2 yrs old na din anak ko kaya di na sya masyado alagain.

Every other day ako naglalaba, pagkagising ko sa umaga. Twice a month I do general cleaning ng bahay, usually Saturday para nandito si hubby. Plantsa every Saturday. Grocery twice a month din.

I wake up in the morning between 8 and 9am. Si hubby kasi maaga pumapasok and sya na nagsabi na sa office na lang sya mag-breakfast para di na 'ko gumising ng mas maaga. Pag laundry day, maglalaba na ko. Habang naglalaba (thanks to washing machine), magluluto na ko breakfast namin ng anak ko (weekends kasalo si hubby). After cooking, linis na ng bahay. Di naman kalakihan house namin kaya madali lang linisin. Huli kong nalilinis room namin kasi wait ko pa magising anak ko. Paggising ng anak ko kain na kami breakfast or brunch na minsan sa kanya kasi he wakes up late. Then nood na sya cartoons while playing. Ako naman lilinisin ko na room namin and after that sampay na ng damit na nilabhan. Tapos rest muna, check email, FB & SP while watching cartoons with my son.

After lunch I'll brush my son's teeth and papaliguan ko na sya. The rest of the afternoon free time ko na kaya time ko na for my son. Naisisingit din ang FB & SP. hehe. Then prepare merienda or minsan bumibili kami ng anak ko. Between 5:30 and 6pm nagluluto na ko ng dinner tapos 7 or 7:30pm kain na kami hapunan. Then I'll sterilize my son's feeding bottles. Tapos watch TV na. Bago matulog anak ko I'll brush his teeth and give him a quick bath.

During weekdays once a day lang ako nagluluto, pang-dinner. Pag may natira 'yun na lunch namin kinabukasan. But during weekends I cook 3 to 4 times a day (breakfast, lunch, minsan merienda, & dinner).

69
- Adobo (my all-time favorite ulam)
- Chocolates

70
my son naman covers his mouth if papainumin na ng vitamins. haay.

Naku, sis! Ganyan na din anak ko ngayon. Minsan naghahabulan pa kami o kaya uutuin ko pa para lang mapainom ko ng vitamins. Dati naman walang problema. Kaloka!

@ Mommy Jo:

Maayos na din ulit kumain anak ko ngayon. Di na niya kino-cover mouth niya. Kain din ng kain in between meals pero kumakain pa din during meals. Tinago ko na din mga chocolates para di niya makita pag pinapabuksan ref. Morning ko na din sya pinapainom ng vitamins.

71
mataba ako. my family can't even remember me being thin (except nung baby pa ako). so mataba ako nung bf/gf pa lang kami ni hubby. tumaba ako lalo pagkapanganak at pag-aalaga ng baby. may times na pag andito sa bahay, nakakalimutan ko magsuklay. :o
pero pag lumalabas kami, nagsusuklay naman ako at plantsado aking damit, di lang ako naka-makeup. di naman kasi talaga ako mahilig mag-makeup -- powder at lip gloss lang, okay na.

wala namang reklamo si hubby. pag sinasabi kong ang taba ko na, sabi niya di niya napapansin.  ::) siguro nga, kasi ganun pa rin siya manggigil sa akin! ;D

Same tayo, sis. Mataba na din ako nung nakilala ako ni hubby. Nung bf/gf pa lang kami, hanggang sa ikasal and before mabuntis, L-XL pa lang ako. Nung manganak ako XXL na. Tapos ngayon XXXL na. Di na ko pumayat at di rin naman ako nagpapapayat. Di rin naman ako pinipressure ni hubby na mag-loose ng weight. Minsan pinapaalalahanan niya din ako kasi concern sya sa health ko. Nasa lahi kasi namin (mother side) ang may high blood pressure at diabetic.

'Pag lumalabas kami I make sure naman na presentable ang itsura ko tsaka di ako lumalabas na hindi plantsado suot ko. Eversince di naman ako nagme-make-up (ayaw din ni hubby) kaya powder ok na. No-no din kay hubby ang nail polish. Gusto niya simple lang talaga.   


 

72
Baby Development and Milestones / Re: 8 months old: Colic pa ba to?
« on: August 19, 2010, 01:17:28 pm »
Ganyan din anak ko, sis. From 7 months old until now that he's already two years old madalas din sya nagigising sa gabi at may pattern din. Tapos ganyan din, 5 to 10 mins lang iiyak. Sa anak ko madalas 'yung hindi pag-burp after magdede ang reason kung bakit sya nagigising 1 hr after niya makatulog. Madalas kasi nakakatulog na sya habang dumedede. Pero 'pag nakapag-burp na sya bago matulog di na sya nagigising. Siguro minsan nananaginip din kaya nagigising.     

73
Special Occassions / Re: Civil wed or church wed?
« on: August 13, 2010, 03:52:20 pm »
Civil wed pa lang kami ni hubby pero gusto ko pa din ng church wedding. Iba pa din kasi yung blessed ni God talaga.

74
Favorite characters ng anak ko:

*Barney
*Thomas the Engine
*Lightning McQueen
*Mickey Mouse
- - He has videos, toys & some clothes of these four. 'Yung videos di sya nagsasawa kahit paulit-ulit. Di ko din alam kung anong meron 'tong si Thomas at gustong-gusto ng mga bata.
*Special Agent Oso - tutok talaga sya 'pag ito na palabas. Wala sya video nito kaya sa Playhouse Disney channel niya lang napapanood.

75
pinaka ayaw na ugali sa akin ni hubby e 'yung pagiging iyakin ko. kahit nung bf/gf pa lang kami 'yan na talaga sinasabi niya sa akin. napaka iyakin ko daw. kaya ayoko pag may confrontations kami kasi di ko nasasabi lahat dahil iyak ako ng iyak.

Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 8