Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mich_tatsdwayne

Pages: 1 ... 5 6 [7] 8
91
Members' Kumustahan board / Re: Pano nyo nadiscover ang SP website?
« on: July 22, 2010, 04:03:30 pm »
thru SP magazine.  :)

92
* anak ko
* asawa ko
* kapag naa-appreciate mga bagay na ginagawa ko, maliit man   o malaki
* kapag umuuwi kami dyan sa Pilipinas at namamasyal buong pamilya
* fishball
* tokneneng
* sago't gulaman
* shopping or kahit window shopping lang
* Jollibee
* kapag may natatanggap na regalo anak ko 'pag birthday niya or 'pag Christmas

93
Ako, I prepared myself na mahirap at masakit manganak the moment na nalaman ko na pregnant ako. Tsaka prayers really help talaga. Kinakausap ko din baby ko nung nasa sinapupunan ko pa sya na wag niya ko masyado pahirapan.

I delivered my son via CS kasi naka-transverse lie sya. Takot ako sa injection and first time ko mag-undergo ng isang surgical procedure. Pero nilakasan ko talaga loob ko tsaka dasal ako ng dasal ng Hail Mary. Then when I heard my baby's cry at inilapit sya sa akin, sobrang sarap ng feeling at pati ako iyak din ng iyak
 sa sobrang saya. 

Kaya pray lang mommy liezel and be strong para sa magiging baby mo.

Good luck mommy. I'll pray for your safe delivery.

94
I use Vaseline Baby Petroleum Jelly  dati 'pag may rashes anak ko.

Dati Huggies pull ups gamit ng anak ko pero nagka-rashes sya kaya I switched to  Mamy Poko Pants. For me mas better sya than Huggies & it's more absorbent.

95
Baby Development and Milestones / Re: TIPS for BRUSHING TEETH
« on: July 21, 2010, 10:24:36 am »
Sabay kami ng anak ko mag-toothbrush kasi 'yun gusto niya. 'Pag tapos na ko, i will brush his teeth ulit habang kinakantahan ko sya. Bilin kasi ng pedia niya na tulungan ko pa din sya mag-toothbrush para malinis din 'yung mga teeth sa loob, lalo na pag kumain ng sweets. I also brush his tongue.

96
Inspiration / Re: I love being a mom because...
« on: July 20, 2010, 11:49:21 pm »
I love being a mom because it made me complete when I had my baby. Walang papantay sa joy na naramdaman ko nung narinig ko 'yung first cry ng anak ko at pati ako umiyak ng todo dahil sa sobrang saya. Sobrang unforgetable talaga 'yung moment na 'yun.

Being a mom made me become more patient and self-sacrificing.
Sa pagtulog di baleng kapiraso na lang nahihigaan ko basta comfortable ang anak ko. Di na rin ako bumibili masyado ng mga bagay for myself, mas inuuna ko ang para sa anak ko. Palaging anak ko muna bago ang sarili ko.

Mas na-appreciate ko din ang nanay ko when I myself became a mom.

Share ko lang shout-out sa FB ng school mate ko nung high school and I quote: "Ganun pala pag nanay na, sa worth 300 pesos na blouse namamahalan na." So true.  :D   
 

97
Since 6 mos old pa lang baby ko pinapaliguan ko na din sa gabi bago matulog. Nilalagyan ko ng baby oil sa likod at dibdib tapos lukewarm water. Di naman sya nagkakasakit  or sinisipon. Nasanay na.

98
dapat pala hindi shy type like me. ako kasi hinihintay ko na si hubby mag-initiate. kaya kung di sya mag-aya, walang loving-loving.  :)

99
Your Kid's Health and Safety / Re: ipd vaccines
« on: July 20, 2010, 01:02:59 pm »
'Yung sa anak ko 3 shots when he was 8, 10 & 14 mos. Optional nga sya sabi din ng pedia ng anak ko. Natakot ako sa maaaring maging resulta pag tinamaan ng pneumococcal disease ang isang bata kaya pinaturukan ko na anak ko para makaiwas. Costly talaga pero para sa kalusugan ng anak ko ok lang.

100
Baby Development and Milestones / Re: Theme Song nyo ni Baby???
« on: July 20, 2010, 02:06:14 am »
kami, yung kanta ni barney.. I LOVE YOU, YOU LOVE ME....

Pag narinig ni carys yan, lalapit na sakin, eembrace niya ko at kakanta ng.. LA-BU, LA-BU  ;D
[/qu

kami din ng anak ko 'yung song na 'yan. pag narinig na niya  'yung line na "with a great big hug" he will hug me din tapos dun naman sa line na "and a kiss from me to you" he will kiss me din.

101
I use Vaseline Baby Petroleum Jelly pag nagkaka-rashes anak ko. Effective naman sa kanya.

102
Kanina kausap ko sisters ko dyan sa pinas thru skype. Sila mismo nakita nila son ko covering his mouth dahil ayaw kumain. Pinakitaan nila ng toy cars anak ko para kumain. Kumain naman pero di pa rin naubos. Sabi ng ate ko baka daw hinahayaan ko kumain ng sweets, lalo na chocolates, kaya nawawalan ng gana sa pagkain. Guilty ako dun! hehe. Kaya itatago ko na mga chocolates sa ref, dun sa hindi niya makikita pag pinabuksan niya.

May I ask na din. What time ba dapat painumin ng vitamins si baby? Ako kasi sa gabi, after dinner.   

103
ganyan din anak ko. minsan mga 2 or 3 subo pa lang ayaw na tapos cover na ng kamay niya mouth niya. di naman niya niluluwa.
di ko naman masabi na pihikan kasi kahit ano kinakain naman.

104
siguro nga sis na-spoil namin, lalo na ni hubby. sinanay kasi na pag kumakain nanood sa laptop o kaya may pinagkakaabalahan na toys. tska pag nagtantrums bumibigay agad si hubby. kesa daw umiyak ng umiyak. kaya pag ako na nagbawal ayaw makinig sa akin. tsaka pag may gusto sya gusto niya masusunod agad. minsan kinukwentuhan ko din habang kumakain para maubos niya pagkain.

kung sa akin lang ayoko talaga na kakain sya ng junk foods kaya lang pag nakita niya na kumakain tita niya nakikikain din. tsaka ngayon di na ko bumibili ng coke. nung nandito kasi uncle niya halos araw-araw may coke kahit pagbawalan ko sya na uminom sya pa rin nasusunod. kaya di na ko bumibili ngayon. pati si hubby sinabihan ko na wag bibili.

in fairness sa anak ko, mahilig naman sya sa fruits. kahit anong fruit kinakain naman niya.

105
Hi mommies,

Medyo may problem ako ngayon sa 2yr old son ko pagdating sa pagkain every meal. Never naman namin naging problema 'to dati. In fact kumakain na nga sya mag-isa and madami sya nakakain. Pero lately pag ayaw niya kumain he covers his mouth or he face the wall. Tapos balik na naman kami sa sinusubuan sya para lang kumain. And he has to be busy, either playing his toy cars or manood ng thomas & friends sa laptop, para lang mapakain sya. Hayzzz! Ano bang dapat kong gawin?


Pages: 1 ... 5 6 [7] 8