Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - smart.momi

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 9
31
Getting Pregnant / Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« on: October 01, 2012, 01:44:13 pm »
thanks sis abz22. i'm okay na now. im  sensitive na rin to baby's needs. Sana tuloy tuloy na to :)

32
Getting Pregnant / Re: Unplanned Second Pregnancy, how did you handle it?
« on: September 27, 2012, 03:25:58 pm »
i just want to share yung situation ko now.  The other day, i found out that i am 5weeks pregnant with our 2nd child. Yung eldest namin 2yrs and 9months old na. Umiyak talaga ako promise. Not because i am happy about it pero i was so disappointed. Walang wala kasi talaga sa plan to. And unlike other mommies, pumalpak ang calendar method ko at gumamit pa ako ng emergency morning pills pero walang effect din. I feel depressed and naiinis ako kasi kung ako lang gusto ko lang talaga muna ma-enjoy ang eldest namin. Sana pag 4yrs old na sya. Pero nandito na nga. Sabi ni hubby blessing pa rin. Pero ako okay sige pero i don't find myself happy and exerting more effort para maging okay ang pagbubuntis ko. I am just maybe self centered. Just like the others, were not prepared yet. Financially and emotionally. We are on the process of purchasing a house pero ito pa nangyari. I am just praying that God will heal me. That He will touch my heart and help me realize that we can get through all of these..

33
ang sa akin mga mommies, ay kojic soap ng Royale Beauty. Since na nagbebenta ako ng products na to need ko rin subukan sa sarili ko para malaman ko ang effect and effective sya for me. Kuminis at pumuti ako:)

34
I just took nordette this morning after 3days of unprotected sex. Crossing fingers that this will work..

35
Yaya Solutions / Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« on: July 18, 2012, 09:05:52 am »
A few minutes ago ito lang din ang topic namin ng officemate/kumare ko. Sis kandie, i cannot blame you kung talagang galit ka sa kanila. Minsan kahit anong pasensya mo sa kanila mauubusan ka pa rin. Ako, i dont know kung hanggang saan ko kaya pagtiisan ang pwedeng maging yaya ng anak ko ulit. Sana nga pumayag na lang yung kapatid ko na sya na lang makakasama namin forever sa bahay. Kasi alam mo yung lahat na halos ng pasensya at pagiintindi binibigay mo sa mga yaya/katulong tapos pinaghihirapan din natin ang pinapasahod natin sa kanila pero parang wala lang sa kanila. Wala man lang mga konsiderasyon. Hindi sila marunong magpahalaga. Sabi ko nga sa dating yaya ng anak ko, kahit santo mawawalan ng pasensya sa ugali niya. Kahit gaano kabait ang isang tao magiging masama dahil sa ugali niya.

Sana mga sis, makahanap tayo ng isang yaya/katulong na for kept na. Pero i doubt sa panahon ngayon. Swerte na lang ng mga sis natin na nakahanap na.

36
they are nice naman to me until early this year when my MIL borrowed my daughter for a month. Nagsimula nong yaya ng anak ko dinala sa place ng gf ng brother in law ko yung anak ko ng hindi nagpapaalam sa akin. Nagalit ako kasi to the fact na hindi ko alam ang place ibig sabihin hindi ko rin alam kung safe ang anak ko dun. Hanggang sa humaba na at pinagtulungan nila ako lahat. I was not given the chance to defend myself since i was here in Manila. Masama ang loob ko sa asawa ko kasi kahit di niya sabihin she's against on my disposition. Lahat sila naniwala sa yaya ng anak ko na kesyo pinagmumura ko daw sila lahat and all. After what happened, everything change. Hindi ko na sila masyadong kinakausap. Nagkaroon kami ng gap lalo na ng mother in law ko na dati rati were very close. Last month yung yaya ng anak ko pinalayas ko dahil sa sama na rin ng ugali. When they learned what happened, sabi ko sa kanila. Ngayon, sino ang masama ang ugali sa atin? Ako na nanindigan sa prinsipyo ko at alam kong tama o kayo na one sided at basta basta naniniwala ng walang basehan? Ayun natahimik sila lahat. Pero hindi na mababalik yung dati naming pagsasamahan. Nawalan na ako ng gana sa kanila lahat.

37
News, Entertainment and Politics / Re: Beware of Kidnappers
« on: July 06, 2012, 09:44:25 am »
isa rin ako sa talagang nangangamba dito. lalo na yung sinasabi na yung mga batang nakikidnap eh kinukuhanan ng kidney tapos ibabalik din after non. dyosko wag naman sana sa mga anak natin. baka mabaliw talaga ako..
before i left the house for office every day i pray that God, Mama Mary and the guardian angel will keep my baby safe.

38
Yaya Solutions / Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« on: July 03, 2012, 05:41:25 pm »
just want to update lang. Yung yaya ko pinaalis na namin nong Sabado. After nyang sigawan si hubby at pagsabihan na parang bata na it seems di alam ni hubby ginagawa niya, we let her go. And the mere fact that her loyalty is not with us. I think enough is enough. Ang dami na nyang ginagawa na pinalampas namin. We talked to her but lalo pa sya nagmayabang at lumaki ang ulo. Isip kasi niya lagi lang sya pinagpapasensyahan. Imagine, she spills out all the information sa mga kapitbahay namin na mga tsismosa numero uno wherein my rule #2 is lahat ng nangyayari sa loob ng bahay sa loob ng bahay lang. Matagal na ako sinasabihan ng mga kapitbahay pero hindi ako naniniwala, yun pala kami na pinagppyestahan. Kung ano-ano pinagsasabi at pinagttsismis niya. Hay. Ang masakit lang is hindi maganda ang pag-alis niya sa amin. When i asked her, bat niya nagawa sa amin yun knowing na we treated her as part of the family at ang bait bait namin sa kanya. Aba bigla ba naman ako sinigawan. At nasampal ko sya. Kaya ayun pinalayas na namin. We had enough.

39
Yaya Solutions / Re: How to deal with yaya na pabalang sumagot
« on: June 26, 2012, 10:29:18 am »
hi sisses, thanks sa replies.

Sis Marnie, yun nga sis eh kasi sa katarayan niya yung anak ko nagiging masungit na rin. Hay. Kung di lang mahirap maghanap ng yaya.

40
Yaya Solutions / How to deal with yaya na pabalang sumagot
« on: June 26, 2012, 09:18:36 am »
Yung yaya ko maayos naman kaya lang may pagkamasungit at kagabi nga nainis asawa ko sa kanya kasi lately lagi na lang sya pabalang kung sumagot. For these past situations, pinapalampas namin pero i think it need to be stopped. Pag pinagsasabihan in a nice way kahit di niya sabihin pero it seems she take it against us. Maayos naman sya sa bahay at sa bata pero itong ugali niya na pabalang sumagot gusto ko sana makorek in a way na hindi sya nagagalit. Kayo sisses, how do you deal with them?

41
Home / Re: Achieving your Dream Home
« on: June 25, 2012, 04:48:47 pm »
Having a dream house for my family is isa sa mga pinakatop priority ko talaga sa ngayon.Sana nga mabigyan katuparan talaga. Pangarap ko di naman kalakihan. Yung parang bahay lang ni ai-ai delas alas.haha. Gusto ko lang naman yung maayos na bahay. Mga 4 bedrooms. Isang master bedrom, isa sa anak namin at isa sa magiging baby pa pag nadagdagan.hehe at isang guest room.  Tapos may maids quarter. Sympre up and down. Meron terrace tapos swimming pool. May isa akong room na puro mga family memorabilia ang laman. Tapos isang prayer room na may maraming santo. At meron ako garden na may grotto na may fountain and swing kasi pangarap ko talaga ang may swing sa bahay eversince bata pa ako. Pag medyo maluwag pa palagyan ko ng playground. Meron din kami billiards sa house and theater room para kay hubby naman. At ang gate pala namin gusto ko yung pang mayaman.haha. At ang lugar, gusto ko within Makati or kahit saan sa metro manila. Wow yaman ko.haha.Sana matupad. Hay sarap mangarap.

42
Big Kids / Re: communicating with kids in english
« on: June 25, 2012, 04:27:59 pm »
With my 2 1/2 year old daughter, sinasanay namin sya maging bilungual which means she can talk and understand both tagalog and english. We want her to expose to both language which we know can contribute to her well being. Pero mas fluent sya sa tagalog. Nakakatawa nga kasi one time sinabi niya sa akin close ko daw yung window kasi papasok ang mga gamo-gamo at insekto. waaahh! natawa ako.haha.

43
Getting Pregnant / Re: How many kids do you have and want to have?
« on: June 19, 2012, 10:32:07 am »
we have one girl lang. 2yrs old.
gusto ko sana isang girl pa at gusto ko sana kung pwede ngayon na.haha. para magiging close sila. kaso di pa pwede di pa kaya ng budget. si hubby naman gusto boy. d naman sa ayaw ko pero id prefer girls.hehe

44
Real Parenting / Re: I think my 2 y/o is Introvert... :'(
« on: June 18, 2012, 04:02:20 pm »
i think sis once in our lives dumadaan tayo sa phase ng pagiging introvert it's not because were afraid but i think its because the confidence in ourselves is not yet fully developed. minsan meron din takot sa kanila na whatever happens to them they are worried baka walang sasalo sa kanila.

my daugther naman eversince eh hindi sya mahiyain. pero when she turned two, napapansin ko lagi na sya nahihiya lalo na kapag binabati sya. like yung naglalakad kami sa street tapos may pupuri sa kanya bigla na lang sya nahihiya or minsan in a middle of the crowd ayaw na niya magdance pag napansin nyang pinapanood sya. what i did is, everytime na nahihiya sya, i told her not be kasi unang una wala syang ginagawang masama. And i encourage her to do everything she wants and assure her na when she falls, i am here to catch her. I think kasi malaki ang contribution sa growth ng isang bata yung assurance na lagi andyan parents nila for them lalo na di pa nila kaya yung sarili nila.

Expose her to the crowd and communicate with her in a way na naiintindihan yan. Yung baby ko sis, dito sa manila sya lang din mag-isa. Sa compound namin walang bata kundi sya lang. Pero sa awa ng diyos hindi naman sya mahiyain.

Just hang on sis maybe its just another phase of their growth and eventually they will outgrown it.:)

45
devil's food cake or any chocolate cake is heaven for me:)

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 9