2
« on: February 25, 2014, 03:46:59 pm »
I just want to share this verse with everyone..
1 John 4:1-6 ESV
"Beloved, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world. By this you know the Spirit of God: every spirit that confesses that Jesus Christ has come in the flesh is from God, and every spirit that does not confess Jesus is not from God. This is the spirit of the antichrist, which you heard was coming and now is in the world already. Little children, you are from God and have overcome them, for he who is in you is greater than he who is in the world. They are from the world; therefore they speak from the world, and the world listens to them."
Hindi ako relihiyosang tao. I admit hindi ko nape-perfect magsimba every Sunday. Inaamin ko rin na medyo natatakot ako dun sa kumakalat na balita balita ngayon tungkol sa "flesh-eating disease" sa Pangasinan at sa di maipaliwanag na dahilan it coincided with Sadhu Sundar Selvaraj's prophecy late last year.
Gusto kong kontrahin yung idea na "nagkakatotoo" yung mga sinasabi ni Mr. Sadhu. At this point, I want to believe na "nagkataon" lang yung tungkol sa Samar at Leyte, at ngayon sa Pangasinan.
Pero pwede rin naman na, totoo ngang nakikita ni Mr. Sadhu yung mga delubyong nangyari/nangyayari/mangyayari. Eto eh opinion ko lang naman: Totoo bang si God ang nagsasabi non sa kanya?O baka naman yung kalaban ni God... According to the Bible "many false prophets have gone out into the world". Pwede rin naman na isa siya sa mga false prophets.
Bakit ko nasabi? Kase ang devil nandyan lang. Ang devil can be anything, anyone. It can also do anything to anyone. Ang tao pag nagpatalo sa sobrang galit, nakakagawa ng hindi maganda sa ibang tao. Gaya ng nangyayari sa paligid lang natin: Gobyerno, Justice System, mga pangkaraniwang tao na nagiging riding-in-tandem, etc. Pag yun nangyari, ibig sabihin, hinayaan nyang magtagumpay yung "devil" sa kanya. Kung kayang gawin ito ng devil, much more ang maging "prophet". Yes he may speak the truth but this also can just be a way to deceive the people to believe in this prophet. Kase he mentions the name of God and apparently, he also relays the things that people should do to "prevent" these catastrophes from happening: that is praying. Papaniwalaan talaga siya. Kase "nagkatotoo" yung mga sinabi niya eh.
Ang dami tuloy taong natatakot. Oo, in a way, may advantage kase mabubuhay yung pagiging "taong-madasalin" mo. Pero kailangan talaga ganon ka-nakakatakot ang "panggising"? Sure ba na lahat magbabago at iiwan ang masamang gawain dahil sa sinabi ni Mr. Sadhu?
Ngayon nakakapag taka, bakit yung mga Priests, Pastors, mga Speakers ng INC... wala tayong nababalitaang ganito kahit kelan na kinausap sila ng Dyos para ikalat sa mga tao na "ito ang mangyayari sa taong ito... "? Kase ang gusto nila tumibay yung pananalig natin sa Dyos. Na kahit hindi natin nakikita ang hinaharap, magtitiwala tayo sa Dyos at sa kung ano ang plano niya sa atin.
Lord, tanggalin Nyo po itong takot na nararamdaman ko. Payapaain Nyo po ang puso at isipan ko... na kahit nagcoincide yung mga sinabi ni Mr. Sadhu at yung mga nangyari sa Pilipinas, walang iba akong dapat paniwalaan kundi Ikaw lang at Ikaw. Thank you Lord kase po alam namin na sa kabila ng mga nangyayaring unos sa amin, binibigyan Mo kami ng panibagong pag-asa para makabangon at maka-ahon, at totoo po Lord na nalalampasan po namin lahat ng ito dahil sa tulong Nyo. Nagiging mas matatag kami. Who are we to question You, Lord? Alam po namin na sa lahat, may dahilan Ka. Kung ano man yun, hindi namin alam pero isa lang ang alam kong gusto Mong mangyari: na magtiwala at manalig kami sa IYO. Amen.