Parent Chat

  • August 25, 2019, 05:13:41 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 14 15 [16]

Author Topic: All About Post-Partum Depression  (Read 97504 times)

onasis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #225 on: November 13, 2014, 09:24:42 pm »

Good Day po.. just want to share my experience about dito sa PPD/PPPsychosis.. well this is for my wife though..  nagkaroon rin siya ng PPP after giving birth sa 1st child namin last year.. remember LAST YEAR.. di rin siya makatulog, makakain ng maayos, umiiyak, sobrang dami ng kinukwento sa past life niya, at minsan nanakit, at dahil dun saka by recommendation ng OB niya dinala ko siya sa Psychiatrist but since di kami ganung kaganda ang financial status kaya sa National Center for Mental Health (NCMH) kami pumunta.. alam ninyo bang sobrang depressed ako as a husband makita ko yung misis kong ganun lalung lalo na 1st baby pa namin yun.. to cut the story short, na-admit siya dun for 1 week kasi di na niya kami kilala.. after 1 week naging matino siya then pinalabas na kami sa ospital.. but she needs to take the medicine therapy for a year kasi ang sabi ng Doctor, pwedeng magreoccur yung sakit niya pag pinutol yung medicine therapy niya..

dumaan ang 5 months at umiinom pa rin siya ng gamot.. pero dahil nga sa financial crisis namin, napilitan ko ng itigil kasi naging ok na siya, nakakapasok na rin siya sa office niya nun, nagrreklamo na parati siyang inaantok dahil sa gamot, at kelangan magipon para sa pangbinyag sa baby namin..

months past until dumating yung BDay ng anak namin.. 3 days after ng BDay ng anak namin, napansin ko sa kanya na hindi siya makatulog at parating kwento ng kwento.. medyo hinayaan ko lang pero nasabi ng Nanay ko (kasama namin sa bahay) na very unusual yung kinikilos niya recently.. until na tumawag yung office niya sa akin na nakita daw nila na sumisigaw yung misis ko paglabas ng CR.. dun na ako kinabahan.. mga after 1 hr na tumawag yung office niya sa akin, nagtext yung misis ko na naging Hysterical daw siya kanina.. tapos natatakot daw siya.. lalu akong kinabahan.. dun na ako humingi ng tulong sa parents ko.. saka tinawagan yung Psychiatrist before para mapacheckup.. nung dumating kami, yung assistant niya naalala kami, biglang bumulong sa akin, "bakit hindi na kayo bumalik last time".. dun ako parang nagsisi.. sana tinuloy na lang namin yung medicine therapy ng misis ko.. ngayon babalik kami ulit sa Psychiatrist sa monday for her checkup.. this time around susunod na ako sa payo ng doctor..
Logged

Mommy Jhen_Gavyne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 279
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #226 on: December 12, 2014, 11:38:04 am »

Good day po.Nung nabasa ko yung mga kuwento ninyo esp. dun sa isang husband naiiyak ako kasi alam ko kung gaano kahirap na makita ang mahal mo sa buhay na nagkakaganun.I have a sister na may PPD at first hindi namin iniintindi yung mga kuwento niya kasi akala namin tsismis lang pero nung nagkuwento siya ng mga pangbihira kuwento para medyo nag aalala na kami sa kanya until one day ayaw na niya umuwi sa bahay nila at tumira siya sa bahay ng parents ko mas  lalo naging worse ang sister ko sumisigaw at tumatakbo at ni ayaw maligo,kumain at matulog dahil may nadidinig daw siya hanggang sa dinala namin siya sa Psychiatrist nung uminom na siya medyo anging okey siya at dahil nga sa mahal ng gamot at consultation inistop ng brother in law ko yung gamot ng sister ko to think na okey na siya after 3 month she get worse sobra tapos ang ginawa ng brother in law ko bumili siya ng gamot dapat 2 klase gamot ang iinomun niya, ang ginawa niya dahil isa lang ang nabili niya dahil mahirap hanapin ang isa pinainom niya yun at dun mas lalo lumala na muntik na siya mawala samin napaiyak ako sa awa sa sister ko awa awa ako sa kalagayan niya.dinala namin siya sa hospital at need niya iadmit .Dun pinaliwanag samin ng doktor na hindi puwede itigil ang gamot habang hindi sinasabi dahil once na stop mo siya mas magiging matindi ang pagsumbong niya at yung gamot na binigay sa kanya dati ay hindi na eeffect dahil ang mas kailangan na yung mas matapang na gamot.Now kahit kapos sila sa pera continue pa din ang pagpapacheck up at pagpapagamot niya now she okey na nakakapag alaga na ng mga anak but she need pa din uminom ng gamot.

onasis

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #227 on: December 18, 2014, 03:44:03 am »

Good day po.. as for an update OK na yung misis ko though kelangan pa rin nyang uminom ng gamot.. Ang catch ngayon is she need to evaluate ng kanyang Doctor for 3 years so it means:

  • regularly uminom ng gamot
  • don't forget yung date ng checkup
  • hindi kami pwedeng gumawa ng 2nd baby

As for the 2nd baby pwede naman daw kaming gumawa pero it is a special challenge kasi antidepressant yung mga gamot niya which is makakasama sa brain ng baby. Recommended ng doctor niya is 4-6 years pa bago sundan pero it is still a special challenge.

At just for a moral lesson, pagsinabi ng doctor na bumalik for checkup, kelangan talagang bumalik. Hindi kasi ito parang lagnat or sipon lang pag niresetahan ng doctor, hindi na babalik pag gumaling na. Mental disorders can be can be treated, but there is no cure.

Hindi ko naman kayo tinatakot pero ganun talaga ang nature natin. Since nung unang panahon pa may mga ganitong kaso tulad ng sa misis ko..

Pero ang pinaka kelangan talaga sa may mga kaso ng katulad ng sa misis ko is moral support ng love ones niya. Hindi lang si Hubby or si baby, but yung 1st family at in-laws family. Kelangan maturuan rin sila at tanggapin ang katotohanan ng ganung sakit. Like they said, it can be treated but there's no cure but it is not lethal as long may support team sila.

Pakita natin kahit anong mangyari andun tayo para sa kanila at para maisip nila that there's nothing to worry about.

PS:
Medyo mahal talaga yung gamot pero gradually bababa yung dosage at syempre kkonti na rin yung bili ng gamot. Medyo mahapdi sa bulsa pero you need to realize na kasama na talaga yun sa budget ninyo. Just think of it, pera lang yan.. napapalitan pero yung love ones mo, matitiis ninyo bang magsuffer sa nararamdaman nila? tingin ko hinde.. :D
Logged

Jonnalynbesagas

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #228 on: September 17, 2015, 01:12:24 am »

im jonnalyn from caloocan..tatanong ko lang po kung post partum depression din tong nararanasan ko..napansin ko kc nung nanganak ako dito sa pangalawang baby ko palaging mainit ang ulo ko..napaka emotional ko rin,konting bagay umiiyak na agad ako..tsaka pakiramdam ko minsan naaawa ako sa sarili ko..5months na po ang baby ko ngaun at nagpapabreastfeed din po ako,nahihirapan po ako gumising ng madaling arw pra magpadede kc po minsan kung kelan patulog na ako dun naman ngigising ang baby ko..naiistressed po ako at minsan po bgla nalang akong naiinis sa baby ko..natatakot po ako na bka magaya ako sa ibang moms na masaktan ko yung baby ko..ano po bang dapat kong gawin???knukwento ko naman po sa asawa ko yung nararanasan ko pero hindi naman niya ko naiintindihan,nagagalit pa sya kpag nakikita nyang bigla nlang akong naiinis..payuhan nyo naman po ako..wala naman kc akong pwedeng makausap dito na may alam sa post partum depression..kapatid ko lang po yung nagsabi sken na bka post partum tong nararanasan ko,hindi ko naman siya basta basta nakakausap kc nsa malayo sya..tulungan nyo naman po ako..
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3235
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #229 on: September 17, 2015, 09:43:53 am »

Yun pong nanay na nananakit na ng sanggol niya dala ng post partum depression ay dati nang may karamdaman sa pagiisip at depressed. Lumala nalang dala ng ppd. Punta po kayo sa OB ninyo na pwedeng mag reseta o maka refer ng ibang doctor na mas mabuting makakapag payo at reseta ng gamot kung may kailangan. Bihira ang taong nakakaintindi ng ppd, kahit asawa pa o kamaganak. Hindi natin sila masisisi. It would be best kung kasama mo sila sa pagpapa konsulta mo para ma educate din sila.

I have a friend who also suffered ppd tulad ng mga naranasan ng mga nagkwento dito, she hears voices din. Other than medications, she believes what truly helped her is the strong support of her family and prayer group who would hold a prayer meeting for her. Yung faith, intercession and spiritual strength.
« Last Edit: September 17, 2015, 10:01:58 am by Mommyjazz »
Logged
Authored SP articles
Login or Register via PC or mobile to join this discussion!

Mommy Jhen_Gavyne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 279
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #230 on: October 20, 2015, 11:31:35 am »

sis Jonnalynbesagas kausapin mo ang asawa mo for peace of mind magpacheck up ka sa OB mo then siya na magsasabi sayo kung ano ang dapat mong gawin huwag mo ipabalewala yan nararamdaman mo mas maganda mas maaga na para matulungan ka ng pamilya mo sis.Sis maglibang ka para hindi ka masydo naiistrees and Pray yun ang pinakamabisan paraan.

Shanon Roble

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #231 on: January 03, 2016, 12:14:29 pm »

Hi po! Bago po ako sa sp and im also a new mom. Currently struggling with PPD din po. Di ko na alam gagawin ko. Naawa na ako sa sarili ko at sa asawa ko at pati na rin sa baby namin. Di ako fully diagnosed with PPD but nagresearch ako about it and tumpak ang mga nangyayari sakin dun sa mga articles. Tanong ko lang, kasi most of the time ok naman ako pero pag may something na di ko gusto, ayun mag outburst na ako then usual na mabubuntunan ng outbursts ko ay yung asawa ko. Ayun, nag depression din siya. Pwede ba yun? Yung maging ok ka, masayahin most of the time then parang switch lang magiging iritable na tapos galit na galit na? Minsan nasosobrahan nadin akong stressed sa pag alaga ng bata, pero i try my best na di ko mahurt si baby pero minsan pumapasok siya sa utak ko. Ako lang kasi nag aalaga, wala kaming yaya pang nkita, at call center ang asawa ko so routine buhay niya. So far, super patient ng asawa ko sakin. Pero ngayon i think nagsasawa nadin siya, at parati na akong nag iisip na wala akong kwenta o walang silbi, paranoid din ako most of the time, minsan gusto ko na nga siyang iwan para lang wala na siyang problema.  Would it help if i ask my ob for medication para dito? O kelangan ba talaga therapist?
Logged

Czheyelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #232 on: January 23, 2017, 08:37:18 am »

Hi Mommy Sharon Roble! Welcome to SP.. Ako din po newbie palang here.. Ask ko lang kung may depression ka pa ngaun? Ako din pinagdadaanan ko din ngaun yan, kaso antenatal pregnancy ang narardaman ko ngaun. Im 7 months pregnant kasi ngayon
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3235
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #233 on: December 10, 2017, 11:34:04 pm »

These Comics Show the Pain of Moms With Postpartum Depression

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/comics-show-pain-moms-with-postpartum-depression-a00228-20171201
Logged
Authored SP articles
Login or Register via PC or mobile to join this discussion!

kimberlyn reyes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: All About Post-Partum Depression
« Reply #234 on: May 13, 2019, 06:24:10 am »

newbie here po.
ask ko lang po if may naka experience na sa inyo ng postpartrum infection. tnk you po
Logged
Pages: 1 ... 14 15 [16]