Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 16

Author Topic: All About Post-Partum Depression  (Read 106462 times)

mrsjwatkins

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #30 on: July 28, 2008, 09:28:01 am »

hi momy kalix,opo malayo din si hubby,iba talaga sis diba, gusto mo yung si hubby lang ang feel mong kausapin with matching lambing ,na fefeel mo din ba yun sis,kahit maliit lang na bagay at sya lang ang gusto mong kausap,tas ang everyday development ni baby na hindi niya ma wiwitness,kahit my mga photos si baby iba parin yung personal nyang makita
Logged

beezelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #31 on: July 28, 2008, 12:07:04 pm »

Nobody told me about this except after I gave birth last June 7.  On the first week, I felt sooo bad, emergency CS pa man din ako so it was doubly difficult for me, physically and mentally, even emotionally.  I couldn't move around like I used to, considering that para akong kiti-kiti nung preggy ako kasi I love doing household chores, etc.  Biglang after birth, bawal maligo kasi nga operada ako... at bagong panganak, baka daw mabinat, etc.  And it was so hot in my room... Sanay pa naman ako na laging naliligo. Pati ulo ako ang daling uminit.

Di ko agad maalagaan si baby kasi masakit ang katawan ko I'm physically exhausted... I lost appetite pati.  Lahat sila gusto kong awayin and I don't know what I want.  The only time I'm happy is when my hubby is around.  Pag nga wala siya, napa-praning ako kahit eversince naman good boy talaga siya. 

I had to pray a lot to get over it.  Kawawa naman kasi the people around me kung di ko lalabanan.  Pati baby ko ayoko maramdaman niya yung negative feelings ko.  Breastfeeding pa naman ako... Hirap talaga... Last night, medyo iyak na naman ako.  Buti na lang my mom takes care of the baby when I can't.  Hopefully, mawala na talaga to eventually.

Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #32 on: July 31, 2008, 03:38:29 pm »

me naman, di ko alam if PPD yung na-feel ko yung bagong panganak pa ako (thru CS)...wala si husband kz seaman and the persons i have at that time are my super mabait na nanay (even my husband and SIL said na ang nanay ko ang pinakamabait na MIL), my brother and SIL kaya parang di ako nahirapan at parang di naman nalulungkot pero nung nagka-colic na si baby (colic baby si jana til  her 3rd month), start ng cry ng 6pm at stop ng 10pm gabi-gabi...grabe, di ko na alam ang gagawin, pag cry na baby ko, cry cry na rin ako..text ko agad husband ko para mag-call at wala rin akong sasabihin sa husband ko kundi cry lang...kaya pag cry na si jana, kukunin na sya ng mader ko...tapos parang nagkaroon ako ng nerbyos, pag magsi-6pm na, kakabahan na ko kz mag-start na naman si jana ng cry...pag makarinig ako ng cry niya, iba ang napi-feel ko sa dibdib ko at parang nagsi-shake ang tuhod ko...nawala yon ng di na si jana kabagin pero these days naman, napansin ko even my husband, madali akong hingalin...he even insisted na magpapa-check up na...inisip ko baka effect pa rin to nong nerbyos ko dati...
Logged

MaRzHmALoE

  • Guest
Re: post-partum depression
« Reply #33 on: August 06, 2008, 03:37:25 pm »

----so nangyayare pala talaga yun? based sa mga kwento nyo mga sis parang iisa lang... naku ako kaya?????

hay..... meron pa pala mga ganyan ganyan after giving birth.. huhuhuh
Logged

shalee

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
    • View Profile
PPD or post partum depresion
« Reply #34 on: September 22, 2008, 12:03:25 am »

hi mommies... totoo ba tong PPD? cnu naka experience na? share nyo naman kung ano nafeel nyo at pano nahandle... sabi kasi ng hubby ko ng nagwawatch kami ng tv kanina (mel and joey un kc topic nla kanina) pwede naman di mangyari un mind over matter lang daw... eh di ko gano naintindihan kung ano yung PPD eh, gulo kasi nila kanina...
Logged

kalix

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 287
  • because of YOU!
    • View Profile
Re: PPD or post partum depresion
« Reply #35 on: September 22, 2008, 08:52:43 am »

hi shalee! you can check it on GEneral Pregnancy Topic page 2 about post partum depression. ;) :)
Logged
"..there is no greater prayer than that of a MOTHER for her children. These are the purest prayers because of their intense desire and, at times, sense of desperation.

cutebaby

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #36 on: October 07, 2008, 08:11:15 am »

four days after i gave birth, parang na feel ko na sobrang down ako. iyak lang ako ng iyak for no reason. im supposed to be happy kasi finally dumating na baby ko pero sobrang sad talaga ko. 1 month din ako nakaexperience ng ganun and i never consulted my OB about it. kahit simpleng nagllunch lang ako umiiyak ako. na experience nyo rin ba yun?

Noong naka maternity leave ako may time lang na malungkot ako pero di ako umabot sa point na umiiyak ako.. naaliw yata ako masyado sa anak ko... pero natural lang daw yan mommy drew... malalagpasan mo din yan...
Logged

mommielynne

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 382
  • great powers come with great responsibilities....
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #37 on: October 07, 2008, 09:27:03 am »

sa akin din that happened. after giving birth via C/S nung nakauwi na kami sa haws palagi akong umiiyak. db dapat masaya ang feeling natin kasi lumabas na si baby pero ako iba, parang i felt so bad na hindi ako makatulog ng deretso laging may istorbo parang feeling ko naging pabigat si baby sakin and since wala akong mapagbalingan kay hubby ako laging galit. parang i felt so helpless and disappointed kasi di ako makabangon masyado and i want to rest pero lagi namang iyak si baby. my husband was thinking i have PPD pero after siguro mga 2 weeks nawala din un.
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #38 on: December 07, 2008, 06:57:28 pm »

i think nandito ako ngayon sa stage na to.... 1hour ago umalis si hubby my dinner sila ng sister niya kagigising ko lang nung nagpapaalam sya na aalis na sya and ewan ko bigla na lang ako naiyak... (pero umiyak ako nung nakatalikod na sya so hindi nanya napansin) kahit now nasa monitor ako umiiyak ako... ewan ko kung bakit? kanina nung umiiyak ako sa room feeling ko para kong bata na imuuyak sa walang kakwenta kwentang bagay pero hindi ko talaga mapigilan.... yung iyak ko as in hagulgol talaga.... lately hindi na rin ako masyado pala salita ayoko ng maingay gusto ko lang nasa kwarto.... sana makawala ako sa stage na to.... sobrang hirap.... parang ang sama sama ng loob ko.... :'( :'( :'( :'(
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 485
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #39 on: December 08, 2008, 07:50:35 am »

cassie, do you have somebody in your home to assist u in taking care of the baby and to talk to? sana meron para maka-rest ka, one of the factors that contributes depression is yong pagod lalo na 1st time mom...at maganda rin yong may kasama ka para may makakausap ka, mahirap pag walang kausap to divert your attention from loneliness/empty feelings...
Logged

Mommy Iris

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • Entrepremom
    • View Profile
    • Project Happiness Bakehouse
Re: post-partum depression
« Reply #40 on: December 08, 2008, 08:28:22 am »

I suffered PPD the first two weeks after I gave birth - and I swear, kawawa MIL ko sa akin, eh kasi naman she should know better than pester me di ba? Hindi eh, puro puna, puro dapat ganito ganyan, eto dapat, wag yan! Umiiyak na lang ako, super iyak sa husband ko kasi sabi ko bakit ganyan mommy mo?

Ayun, pinauwi na siya ni hubby kasi she wasn't helping ease the situation at all.
Logged

gabneth

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 267
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #41 on: December 08, 2008, 08:32:07 am »

before di ako naniniwala sa post partum depression pro nag maranasana ko na at magconsult ako sa OB ko.....hay naku yon na pala yon, kaya sa after ko manganak sa 2nd child ko napaghandaan na namin ni hubby... kasi non muka akong "LUKA LUKA".... lahat iniiyakan ko... then feeling ko wala na akong ginawang tama lalo na kay MIL.
Logged

thersie_marie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 168
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #42 on: December 08, 2008, 10:07:54 pm »

me naman, di ko alam if PPD yung na-feel ko yung bagong panganak pa ako (thru CS)...wala si husband kz seaman and the persons i have at that time are my super mabait na nanay (even my husband and SIL said na ang nanay ko ang pinakamabait na MIL), my brother and SIL kaya parang di ako nahirapan at parang di naman nalulungkot pero nung nagka-colic na si baby (colic baby si jana til  her 3rd month), start ng cry ng 6pm at stop ng 10pm gabi-gabi...grabe, di ko na alam ang gagawin, pag cry na baby ko, cry cry na rin ako..text ko agad husband ko para mag-call at wala rin akong sasabihin sa husband ko kundi cry lang...kaya pag cry na si jana, kukunin na sya ng mader ko...tapos parang nagkaroon ako ng nerbyos, pag magsi-6pm na, kakabahan na ko kz mag-start na naman si jana ng cry...pag makarinig ako ng cry niya, iba ang napi-feel ko sa dibdib ko at parang nagsi-shake ang tuhod ko...nawala yon ng di na si jana kabagin pero these days naman, napansin ko even my husband, madali akong hingalin...he even insisted na magpapa-check up na...inisip ko baka effect pa rin to nong nerbyos ko dati...
sis were u able to try white noise..yung shusing sound, hair dryer sound or tulo ng tubig mula s gripo..nung c baby n feeling ko colic n sya ng isang araw ginawa ko un..ngreserch kc ako s youtube buntis p lang ako kc nttkot ako d ko alam ang ggwin pg iiyak n ang baby..efective sya..
ang hirap nga ng nging situation mo.ako dn nging nerbyosa n nung ngkaanak kunting kalabog lang buhat ko n agad c baby.
Logged

thersie_marie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 168
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #43 on: December 08, 2008, 10:13:11 pm »

mommies help me im new here..i just wanna get rid of thid depression totally...
momy laarni ang bata mo p nga..d talaga maiiwasan yang babies blues n yan or PS ako dn kala ko d ko mararanasan yan kc 24yo p lang ako gusto ko n magkababy..and i thought im very ready n kc 29 n ko ngkababy and mahilig talaga ako mgbasa ng ibat ibang materials re that..pero kahit anong natutunan ko d ko rin maiwasan umiyak ng umiyak ng konting dahilan lang..feeling ko aping api ako..madalas naki2ta ni baby n umiiyak ako kc ako dn alaga s kanya..for 1-month iyak lang ako ng iyak buti n lang my nkkausap ako..nakakatulong ang ishare mo yan s mga momy n..mas mataas ang level kpg CS..CS dn ako..mga after 2mos bgo ako nging ok..ang hirap nung time n un feeling ko d n ko mahal ng asawa ko kc tumaba ako..sbi niya praning lang daw ako..pero totoo minsan talaga s buhay ntin naloloka tayo kc nga dhil s hormonal imbalance..just always talk to someone and open it up..wg k mahihiya ng mgopen sa mga momy kc maiintindihan k nila.
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 417
  • my life
    • View Profile
Re: post-partum depression
« Reply #44 on: December 09, 2008, 03:02:20 pm »

cassie, do you have somebody in your home to assist u in taking care of the baby and to talk to? sana meron para maka-rest ka, one of the factors that contributes depression is yong pagod lalo na 1st time mom...at maganda rin yong may kasama ka para may makakausap ka, mahirap pag walang kausap to divert your attention from loneliness/empty feelings...

hi sis uhm la po ako kasama sa bahay...... lagi kami lang ni baby si hubby kasi dami inaasikaso now.... uhm sinabi ko kay hubby kung ano nangyayari sakin (PPD)....actually nung buntis ako sinabi ko na sa kanya yung about sa PPD para sabi ko after ko manganak if ever na mangyari sakin yun eh aware na sya.. so nung sinabi ko sa kanya na im experiencing ppd ayun he always text and call me pag nasa labas sya, lagi niya kami chinecheck ni baby.... binili din na ko ng laptop para daw malibang ako.... minsan naiiyak pa rin ako pero nilalabanan ko talaga ang ginagawa ko is tinatawagan ko sya kahit la kami pinaguusapan basta my makausap ako....kagabi nagdecide sya na mgbakasyon kami kahit 2days lang para daw ma iba naman environment ko at malibang naman daw ako... so far hindi na ko masyado umiiyak... im happy na meron akong asawang naiintindihan ako..... sana mawala na tong PPD ko.....
Logged
Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 16