Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: NEED help! Paano makikipahiwalay sa BAYOLENTENG LIVE-IN PARTNER?  (Read 1834 times)

ellaine delos reyes

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile

Hello Mga Sis,

Need ko ng advice from all of you. I hope matulungan ninyo ako.

almost 9 yrs na kaming nagsasama ng live-in partner ko. Naranasan ko nang lahat sa kanya. Alcoholic sya at barkdista. Nakatikim na din ako ng kaunting pananakit.

Until one day, buntis ako noon sa baby namin. Sinundo ko sya para kumain, at nakita ko na nag-iinom na naman sya. Tinawag ko sya pero ang sabi niya uuwi na sya, tatapusin lang daw niya yung iniinom niya. Knowing na alam ko naman na hindi sya uuwi hanggat hindi sya lasing na lasing. Ang Mali ko lang, ininsist ko yung gusto ko na umuwi na sya. Take note, umuulan pa nung time na yun at 7mos akong buntis. Siguro nakulitan sya, nagalit sya at hinampas niya sa akin yung jacket na dala niya. In the end, umuwi akong luhaan. Pinagmumura niya ako pag-uwi niya ng bahay. Maraming salitang masasakit akong narinig mula sa kanya.

Then, last year nasunugan kami. Napilitan kami na lumipat sa tinitirhan ng parents ko. Naging ok kami for about 3 or 4 mos then after noon, tuwing papasok ako ng trabaho. Parati syang nakamonitor sa akin, tawag at text. Every time na hindi ko nasasagot tawag niya, pinagbibintangan ako na may lalaking kasama or kinakalantari (Ang sakit, db?). Kahit alam ko naman sa sarili ko na wala naman talaga akong ginagawang masama. Over na sya sa pagiging possessive. kahit sa pag-pasok ko sa school, ganun pa rin sya. Nakakapagod na! Sawa na ako sa mga masasakit nyang mga salita. Pagod na ako sa mga paratang niya. Kahit na ako ang bumuhay sa pamilya namin sa mahabang panahon, never kong naiisip na makipag relasyon sa iba. Kahit na nagkatrabaho sya, at kakapirangot lang ang ibinibigay niya pera, ok lang sa akin dahil ang katwiran ko may trabaho din ako at mas kayang kong iprovide yung mga bagay na hindi niya kayang ibigay. Kahit na, wala syang gaanong trabaho at ako, trabaho at school ang inaasikaso. deadma lang, ako parin ang nag-aasikaso sa kanila pero hindi yun sapat para sa kanya. MGA SIS, ANO ANG GAGAWIN KO? Tuwing makikipaghiwalay ako, ang sasabihin niya Sige, mahiwalay tayo pero sisirain ko buhay ko at sisirain ko din ang buhay mo. Pinagbabantaan din niya ako na, Mag-eeskandalo sya sa office namin Nakakapagod makisama sa kanya na makitid ang pag-iisip Natatakot ako na kung ano ang gawin niya sa akin, na baka bigla na lang niya akong saktan o di kaya ipahiya in public places. I need ADVICE.
Logged

proud_daddy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 107
    • View Profile
Re: NEED help! Paano makikipahiwalay sa BAYOLENTENG LIVE-IN PARTNER?
« Reply #1 on: July 26, 2016, 06:59:59 am »

I suggest pag sinaktan ka ipabaranggay mo. Malakas ang batas para sa pang aabuso sa babae. Matutulungan ka ng social services sa barangay.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3242
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: NEED help! Paano makikipahiwalay sa BAYOLENTENG LIVE-IN PARTNER?
« Reply #2 on: July 27, 2016, 09:12:01 am »

Eto po ang makakatulong sa inyo.
http://karapatangbabae.weebly.com/anti-vawc.html

http://karapatangbabae.weebly.com/protection-order.html

Huwag kayong magalala sa mga banta niya. Ang proteksyon po ninyo ay sakop ng batas.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.