Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Nag cheat si misis 5 years ago. Need advice.  (Read 3221 times)

ubehalaya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Nag cheat si misis 5 years ago. Need advice.
« on: November 06, 2016, 03:24:17 am »

newbie po ako ng try po ako mg register dito wala po kasi akong pwede mapagtanungan or makausap tungkol sa problema ko 27years npo ako, naging gf ko po si misis nung 14 palang ako,then my nalaman po ako last year lang na ng cheat sya sakin 5 years po ang lumipas bago ko malaman,at pinilit ko pa talaga alamin to kahit nakapa imposibleng mangyare,dko alm kung nakabuti bato or lalo ko lang pinahirapan sarili ko kasi 1year napo ang lumipas pero yung skit parang permanente na, nung nalaman ko yung pangloloko niya skin, ni hindi ko po nagawang magalit,saktan,murahin o sigawan si misis,kase sa haba ng pinagsamahan namin never ko po nakagawa kahit kurutin or sabihan man lang sya ng " tan** " sa halip po pinaramdam ko po sa kanya kung gaano ko sya kamahal at kung gaano kasakit yung nagwa sya sakin,pero alam ko po sa sarili ko na yung lang yung time na nagloko sya dahil never npo kami ng kalayo ni misis dahil dito nalang sa bahay ang pinagkakakitan namin at bantay sarado ko na talaga sya,ang mahirap nga lang po ngayon diko na pwede ipakita o iparamdam na masakit padin skin kasi sigurado magtatalo lang kami,and masaklap pa nito after malaman ko yun sa paglipas ng panahon madalas n syang mag no. at dina sya kasing aggressive tulad nung dati,di naman sya pagod or stress,pero alam ko mahal padin ako ni misis  :'(  :(
« Last Edit: November 06, 2016, 03:54:23 pm by Mommyjazz »
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3241
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Nag cheat si misis 5 years ago. Need advice.
« Reply #1 on: November 06, 2016, 04:07:23 pm »

Una muna po, nagpapasalamat ako na hindi kayo nag-resort sa pananakit o verbal abuse sa misis niyo kahit sinaktan niya kayo emotionally. Hindi ninyo binaggit kung magasawa na kayo nung time na nagkasala sa inyo misis mo.


Kung bakit hindi ninyo malimutan yung ginawa ng misis mo noon, tulad ng maraming tanong dito sa forum na bakit hindi sila makalimot at makapag patawad, kasi po we are blessed with healthy minds. Binigyan tayo ng Diyos ng utak na perfect. Hindi tayo ulyanin at dapat nating ipagpasalamat iyon. Ang pagkalimot at pagpapatawad ay magkaiba. Hindi na tayo makakalimot sa mga nangyari sa nakaraan natin na nagdulot sa atin ng malaking impact. Pero mababago natin ang attitude natin sa pagtanggap ng nakaraan at sa iisipin at ikikilos natin tuwing naaalala natin iyon.


Easy lang po sa pagtrato kay misis. Hindi mo man siya sinasaktan o minumura, ang paghihigpit o pagbabantay-sarado sa kanya ay isa ding form of abuse. Pagusapan po ninyo at aminin ang sinasaloob ninyo. Pag pareho kayong aminado sa faults ninyo at willing magkasundo pero hirap kung pano, then pwede po kayong magpa counselling. Maraming payo kayo makukuha sa mga kaibigan o sa internet tulad nitong forum pero isang marriage counsellor lang talaga ang makakapag payo ng maayos at tama.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.