Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 17

Author Topic: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle  (Read 609435 times)

dmnq

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 88
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #120 on: April 21, 2012, 08:44:45 pm »

safe un sis.. sabi nila 10 days after ng period safe na safe.. kaya kami ni hubby hindi nag iingat pag ganun :)
Logged

BestCo Photobooth

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #121 on: April 24, 2012, 01:31:15 pm »

' thank's po.. i tell her po kasi di pa daw sya nagmemens ..
Logged

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 505
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #122 on: April 24, 2012, 03:09:25 pm »

pasali po.

so if ang period mo nag start ng April 1 tapos nag end ng April 5, safe makipag lovemaking until 11 w/o using any protections? correct me if im wrong please. thanks!
Logged

BestCo Photobooth

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #123 on: April 25, 2012, 09:25:47 am »

pasali po.

so if ang period mo nag start ng April 1 tapos nag end ng April 5, safe makipag lovemaking until 11 w/o using any protections? correct me if im wrong please. thanks!

' 8 daw po sila nag do..
wori kasi sya kasi di sila gumamit ng proteksiyon..
saken sya nagtatanong.. kaya nagpost po ako dito..
thank's po mga sis..
Logged

Mrs. Anderson

  • Global Moderator
  • Full Member
  • *****
  • Posts: 246
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #124 on: April 25, 2012, 10:47:01 am »

Same discussions merged.
Please use the search function before creating new threads.
Logged
It's your contributions that matter, not the number of posts.
Please use the search tools available. We have lots of valuable inputs from the members; take time to read them.

mami shae

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
  • proud mom of thaeron
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #125 on: April 25, 2012, 01:02:45 pm »

subscribing......
Logged

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #126 on: April 25, 2012, 04:48:49 pm »

Possible na hindi safe, kung short ang cycle.

Kung nag-22 days ang Fertility Cycle, magpapang-abot ang menstruation at Fertile Days

Halimbawa, kung 4 days ang mentruation, from Apr. 1 to 4.  Sa April 4, pwedeng sumabay na Fertile na rin, pero di ito madali ma-detect. 



Ang Ovulation/Peak Day (P), o yung pag-release ng Egg Cell ay nangyayari 12 to 16 days before the next menstruation.  May OB Gyn na ine-eksakto na lang ito na 14 days estimate.

So kung ang start ng previous menstruation, or Day 1, ay April 1...at nasa 22-Days ang Cycle, count 14 days backwards from April 22.

Ang possible Ovulation Day ay April 8. Sinasabi rin na 3 to 5 days before Ovulation, magkakaroon ng secretion ng Cervical Mucus/White Mens/Discharge.  Kaya magiging Fertile (F) ang April 4 to 8.  Nabubuhay ang egg ng hanggang 24 hours, at meron pa ring Cervical Mucus after ng Ovulation Day, kaya hanggang Apr. 9, possible pa rin na mabuhay ang sperm at ma-fertilize ang egg.

Kailangan alamin muna ang range ng Fertility Cycle. Heto ang example ng may 28 to 35 Days Cycle.


Click to view in Full size

Iko-combine ang Fertile Days ng lahat ng recorded na Cycles, para ma estimate ang susunod na trend...para malaman kung kailan safe o hindi.
« Last Edit: April 25, 2012, 04:57:10 pm by Daddy Jojo »
Logged

aikarex

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • Proud Mom and Wife
    • View Profile

Daddy Jo,

Please help me po.  I'm an avid follower of ur post. Ako naman ang mag-ask ngayun. Eto ang period ko:
Dec. 20-25,Jan 26-30, Feb. 26- March 1, March 31- April 4. Tas ngyon pong May hindi pa ako nagkakaron. Eto mga tanong ko:
1. Regular po ba period ko?
2. Pano po ba ang correct na bilang ng cycle start po ba siya sa 1st day of mens or after? nalilito kasi ako.
3. Ano pong natural method ang masusugest nyo sa akin?
Kasi po darating si hubby on May 11 at for good na kami magkakasama papuntang Toronto,lagi kami magkalayo kaya hindi ko masydo nawawatch ang period at cycles ko. Ayaw po kasi namin ng pills.



Thank you!
Aika
Logged
I'm so happy and blessed that finally all is set and we will never be depart again from daddy :)

God is really good! Cheers~~

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness

Dear Aika:

Thank you for being an "avid follower" of my posts.  Update naman, wala pa rin ba period mo until today, May 7?

Nagsisimula lagi ang bilang on the first day ng menstruation period.  Iyon ang Day 1.  Nagtatapos ang bilang sa first day din ng next mens.  Based sa dates na binigay mo sa akin, Long Cycle ka, 32 to 38 days.  Hindi pa kasama dito ang cycle mo for Mar. 31 to May.


Click here for Full Size

Heto ang estimated safe and fertile period mo.  Pagdating ng hubby mo this May 11, safe pa. 

Kung magkaroon ka na ngayon, May 7, ibig sabihin 38 days nga ang pinakamahaba mong cycle.  From Day 1 to Day 13 (May 7 to May 19), safe pa.

Ang possible na next fertile days mo, May 20 to 31.  Observe mo sa days na ito kung may mapansin ka na discharge/cervical mucus/white mens pagkabangon mo sa umaga at pagpunta sa CR.

Ang pinakamalaki ang possibility na mabuntis ka, o pinaka-fertile days ay May 24 to 30.

Possible na ang mao-observe mo na cervical mucus/discharge sa dates na ito ay parang raw egg-white.  Mas okay sana na, aside from your menstruation dates at cycle lenght, sana maisulat o i-record ninyo ng hubby mo ang na-observe ninyo.

In addition, i-take note ninyo rin ang mga secondary signs ng fertility.  Feeling very sensitive ba sa touch?  Mataas ba ang sex drive?

Ang ginawa kong chart ay estimate lang.  Mas accurate kung maidadagdag mo ang actual observation ng cervical mucus at iba pang signs.

Please consider trying the Two Day Method.  Pwede mong gamitin ang chart na ginawa ko.  Just let me know and I'll find the time to edit it so that you can use it.

BTW, hindi pwede sa iyo ang Standard Days Method o kahit anong calendar-based method ha.

Please keep on sharing here so that others will also learn.  Thanks.

« Last Edit: May 07, 2012, 05:50:29 pm by Daddy Jojo »
Logged

aikarex

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • Proud Mom and Wife
    • View Profile

Daddy Jojo,

Ur wonderfully amazing Daddy Jojo! Everyday ko nga wait reply mo eh. Kala ko nga di mo ako sasagutin. Thank you so much! At eto po ang update, just yesterday May 6 lang ako nagkaroon, at tama po kayo ang haba ng cycle ko..hehe.. Normal naman po ba ang period ko?

Sige po, i will let you know my progress on understanding the whole thing.

Pano po kayo ng end up sa bilang  dun sa estimated safe at fertile days ko? Saka ano po yung mga nakahilight na yellow na vertical at horizontal sa table ko?

Tama po kayo based din po sa mga nabasa ko na post nyo. Hindi ako pwede sa Standard Days Method.

Sa Billings pwede din po ba ako aside from two day? saka pwede po ba paki explain pa po mabuti? Di ko kasi masydo magets..hehe

Thank you,
Aika
Logged
I'm so happy and blessed that finally all is set and we will never be depart again from daddy :)

God is really good! Cheers~~

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness

Dear aikarex,

Thank you for your appreciation ha.  Heto na ang updated chart mo.


Click here for Full Size

Ang fertility cycle mo ay 32 to 38 days.  This is based on the dates of your previous menstruation period.  Ang estimated dates ng next mens mo ay June 6 to 13. 

Please involve your husband in your fertility observation, kahit malayo pa siya sa iyo.  This should be a good opportunity for bonding and intimacy.  For example, he could help you remember that it's time to check if there's a need to buy sanitary napkins na.

Normal ba ang period mo?  Alam mo, para sa akin (opinion ko lang), karamihan naman yata ay normal.  I wonder, ano kaya ang normal o hindi normal?  Is there such a person na perfectly 28 day cycle all the time?  We are human beings.  We are alive...so, the more irregular, the more indefinite...the more that we are unpredictable...that's a sign that we are normal living persons.  So we shouldn't be alarmed and think that we need to normalize.  Siguro, kung makikita ng OB mo ang long cycles mo eh baka sabihan ka na, "Ay, kailangan 28 day cycle ka" tapos reresetahan ka ng contraceptives.

Anyway, salamat ha, for choosing to consider Natural Family Planning.  You are saving lives...your own unborn children...by just having this choice.

Going back...yung naka-highlight na yellow ay ang mga Fertile Days (F) mo.  Ito kasi yung days na may mapapansin ka na mucus.  Nagsisimula ito na sticky at medyo yellowish (infertile to low fertility) at unti-unting magiging clear (high fertility).  Ito yung mga days na pwedeng mabuntis.



Ovulation or Peak Day
Ang Peak Day (P) ay ang pinaka fertile sa lahat ng days na ito.  Ito yung time na nagre-release ang babae ng Egg Cell.  Sinasabi ng mga books at OBs na ito (na tinatawag ding Ovulation Day) ay nangyayari in about 12-16 days before the next mentruation.  Kadalasan, this is pegged at 14 days.  Subukan mo i-check ang days sa chart na may P sa ilalim.  Halimbawa, noong Dec. to Jan na cycle mo (1st row), Jan. 12 ang estimated na nagrelease ka ng egg. Ang ibang mga dates ay Feb. 12, Mar. 17 at April 22.

Other Fertile Days
Three to five days before the Peak Day, a woman will notice secretions as she gets up in the morning and goes to the bathroom.  Ito yung Mucus na galing sa Cervix.  Kapag naging parang raw egg-white na ito, mapo-protectahan nito ang sperms para mabuhay, makapasok sa Cervical Opening, sa Uterus, at kung wala pa ang Egg doon, makakadiretso sila sa Fallopian Tube.  Ang estimated 3-5 days na ito sa chart mo ay ang Jan. 8-12, Feb. 8-12, Mar. 13-17, at Apr. 18-22

The Woman's Egg can survive 2 Days
Ito ang dahilan kaya sa chart, may extra day pa after ng ovulation.  Ang two days na ito sa chart ay ang Jan. 12-13, Feb 12-13, Mar. 17-18 at Apr. 22-23.

Ang lahat ng Fertile days mo ay naka-highlight as yellow. Ang pinaka-fertile ay light yellow.

Combine Your Cycles and Estimate Your Next
Pag pinagsama-sama ang 32 to 38 cycles mo, mae-estimate mo na ang next na safe and fertile dates mo.  Safe from May 1 to 13.  Possibly fertile on May 14 to 25.  Possibly most fertile on May 18 to 24. Afterwards, sure na safe na ulit from May 26 and until the next Menstruation Period day and beyond (about 12 more days).

Take note ha, these are only estimates ha.  Ang pinaka-accurate sa lahat ay kung mag-record ka ng actual signs mo.  So starting May 14, huwag na muna kayo mag-all-the-way.  Kailangan kasi walang ibang fluid o secretion na hindi galing sa iyo.  Kung may deposit kasi ng semen na galing kay hubby on that day, mahirap malaman kung may mucus/white mens ka.

Sa chart, pwede kang magrecord ng observation ng cervical mucus sa row na may label na CM.  Ito na yung pag-gamit nga ng Billings Ovulation Method.




mami shae

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
  • proud mom of thaeron
    • View Profile

@Daddy Jojo,

wow! I am so impressed with your explanations.. I have been taking contraceptive pills for 7 years, until my husband and I decided to stop and we decided to have natural family planning...So I really wanna learn about this as well as my husband, I involved him about this din. For now I am using an application in my Ipad for tracking my period, so far accurate naman sia kase I have menstruation on the exact date stated there.. have you heard about it? but anyhoo I still want to learn it 'natural way". how can I have this kind of chart? and how long ko kailangan i-track yung period ko to be sure na tama na yung cycle ko?

thank you so much
your response will be very helpful :)
Logged

aikarex

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • Proud Mom and Wife
    • View Profile

Daddy Jojo,

Thank you so much po! ang dami dami kong baon na aral pagpunta ko sa Toronto ;D

Sana kahit andun na ako, sagutin nyo pa din po mga queries ko ha?

More power!

God bless :)

Aika
Logged
I'm so happy and blessed that finally all is set and we will never be depart again from daddy :)

God is really good! Cheers~~

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness

Dear mami shae

Thank you for your appreciation of what I've shared.  I have been trying to reply to your message since the very day you posted it.  However, I have been preoccupied with other inquiries in both the main board and in private messages which came in first.  The response I composed for you was lost.  Anyway, I've written a new one and I'm finding the time to finish it.  I hope to be able to help you. 

mami shae

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
  • proud mom of thaeron
    • View Profile

^thanks so much... no worries! very much appreciated :)
Logged
Pages: 1 ... 7 8 [9] 10 11 ... 17