Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 ... 10 11 [12] 13 14 ... 17

Author Topic: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle  (Read 609004 times)

만.♥ kyutie ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #165 on: June 04, 2013, 12:12:33 am »

Hello, anyone can help me answer my question? everyday akong nag oonline at more than 5x a day kong chinechek kung may reply ba dito .. (sorry im not blaming you guys if may suamgot man o wala..) masyado lang siguro akong na pra-praning .. :( its been 2.6 years ko nang ginagawa / sinusunod yung nababasa / natutunan ko dito about safe days at unsafe.., 100% effective naman sya para sakin.. ngayon lang kxe talaga ngyari ito after a year.. akala kxe ni hubby safe ako nung 30.. kea sinadya niya i release lahat sa luob .. may LMP is MAY 21 2013.. saktong 28days po b4 ako magkaroon.. ang madalas kasi naming ginagawa is, bago may 8 days, if mag do-do kame, ni rerelease niya lahat sa luob.. pero nitong MAY 30 kxe, bale ika 10th day ko ayun .. almost 2h< akong nag sesearch at nagbabasa basa, ang sabi ng iba dito ayon sa aking nababasa o search, count 1 to 7 days (yung day1 yung unang nagkaperiod ka hanggang 7days, safe) yung iba naman, pag period mo is 5days, kunyari JUNE 1 1st day ng period mo, at nag end ang period mo nung JUNE 5, mag cocount ka sa JUNE 6 + 5 days so = JUNE 10 safe pa, basta ang daming iba't ibang way.. binabasa ko din ang mga previous post, nung time na mag DO kxe kame ni hubby, sure ako na medyo dry at wala mucus na lumabas e.. (diba pag ganun sign yun na safe pa ako? tska pasok pa naman sa date na safe ako) pero kinabukasan ng gabi kxe, may lumabas na mucus e.. yung katulad ng pinaliwanag ni daddy jojo.. huhu.. posible po bang mabuntis ako?  :'(
Logged

licious10

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 149
  • "my life, my rules"
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #166 on: June 04, 2013, 05:51:52 am »

relax ka lang sis! pero syempre,alam naman nating ang 10th day although sabe ay safe pa pero alanganin nadin,di kita tinatakot or what ah sis?yung pang 8th day nga na nag do kame kabado na ko nun,pero thank god di naman ako nabuntis,malay mo naman di ba?pero kung na timingan kayo,well its a gift :)
Logged
love me or hate me, either way you're thinking of me

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #167 on: June 04, 2013, 06:05:49 am »

Dear 만.♥ кяιzzℓє ♥.만

According sa Standard Days Method (SDM), ang estimated na fertile days ay Day 8 to 19.

Day 1 ang first day ng menstrual flow.  Ang Day 10 ay fertile day.

Sa isang posted message mo noong Mar. 31, 2011, tama yung calendar mo.  Kung ang start ng Period ay 4th of the month, ang estimated safedays ay 4, 5, 6, 7, 8, 9 and 10 (Day 1 to 7), Fertile ang 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, and 22 (Day 8 to 19).

Pero ang SDM ay estimate lang.  Ina-assume na ang range ng cycle mo ay 26 to 32 days.  Sa 26 Day Cycle kasi, ang Day 8 ay ang start ng fertile day...at sa 32 Day Cycle, ang Day 19 ang last day na fertile ka.

Dapat mo itanong sa sarili mo, "Ano ba ang Cycle Length ko?" "26 to 32 Days ba?" "Pwede ba sa akin ang SDM?"

Para masagot mo ang mga tanong na ito,kailangan may listahan ka ng mga dates ng start ng menstruation period mo.  Heto ang ilang dates ng start ng Menstruation period mo (Day 1)

May 21, 2013
Jan. 6, 2013
Jun. 25, 2011
May 31, 2011 - 25 Days Cycle (May 31 to Jun. 24)
May 3, 2011 - 28 Days Cycle (May 3 to 30)

Since meron kang 25 Days Cycle, hindi applicable sa iyo ang Standad Days Method.    Possible kasi na sa Day 7 ay fertile ka na.

Heto, may ginawa akong illustration ng Fertile Days ng bawat cycle. Putol ang right side nito ha...kaya huwag mo iassume na hanggang Day 22 lang lahat ito.  Kapag binuo ko kasi ang image, masyado nang liliit at baka di mabasa.


F - Fertile Day
P - Pinaka-Fertile, Peak Day, Ovulation or that day when an egg is released.

Ang estimated Cycle Length mo ay 25 to 28 Days Cycle. So, kung pagbabasehan ito ...at May 21 ang Day 1 ng previous menstruation period mo...possible na Fertile ka from May 27 (Day 7) to Jun. 4 (Day 15).  Paki check sa image sa itaas ang 25 Days Cycle at 28 Days Cycle.

Estimate lang ito...based sa computation ng Cycle Days mo.  Ang mas accurate ay kung sasabayan mo ito ng pag-check ng mucus.  So kung wala kang na-observe na mucus discharge noong May 27 hanggang May 30...possible na hindi ka pa fertile.

Pero dapat laging nagsisiguro...kahit walang na-observe na mucus...pero Day 7 na...mas sure kung hindi na muna mag-all-the-way sa loob.
« Last Edit: June 04, 2013, 10:08:26 am by Daddy Jojo »
Logged

licious10

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 149
  • "my life, my rules"
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #168 on: June 04, 2013, 01:46:41 pm »

so daddy jojo,kung ang cycle ko is between 28-34 puwede sakin ang SDM?since nanganak ako (feb)nagstart ako magmens ng april, sa 3mos na nagkameron nako (april,may,at ngayong june)ibA iba sya, may 32days,34,at ngayong june 30days,pasok ba ako sa SDM o observe muna pa rin ako?grabe hirap naman kasi di makapag all the way,plan ko na tuloy magpa iud if ever
Logged
love me or hate me, either way you're thinking of me

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #169 on: June 04, 2013, 08:11:19 pm »

Hi zeatot10,

HIndi, pwede sa iyo ang Standard Days Method (SDM).  As I have said, para lang siya sa mga 26 to 32 Days ang cycle.  Ang fertile days nito ay mula Day 8 to Day 19.  Ang Day 20 onwards ay safe na para sa SDM...pero hindi sa iyo.  If you can see the image of the chart I posted (notice the days highlighted in yellow), sa mga may 34 Days Cycle na tulad mo...ang Day 20 ang isa sa possible na pinaka-fertile day.  Hanggang Day 21 ang fertile Day mo.

Para sa iyo na 28 to 34 Days Cycle...pagsama-samahin mo ang mga fertile days ng 28 Days hanggang 34 Days Cycle.  Ang estimated safe days mo ay Day 1 to 9 at Day 22 to Day 28 (up to Day 34 or next mens).

Ang Fertile Days (F) mo ay Day 10 to 21 (in Yellow) at ang estimated na possible Pinaka-fertile Days (P) mo ay Day 14 to Day 20.


만.♥ kyutie ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 156
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #170 on: June 04, 2013, 09:46:14 pm »

Hi daddy jojo! Thank you for the quick response  ;D para ka talagang si superman .. hehe
pasensya na ha, kung medyo makulit ako.. ganito lang ako kapag masyado napangungunahan ng emosyon at natatakot..
anyway, yang pinost mo na sinasabi ko na 25 days lang ang cycle ko, last year pa yan diba? nag iba na sya ngayon daddy jojo.,. lagi nang sakto sa 28 days yung cycle ko.. pinaka matagal na yun.. hindi sumosobra.. kahit 1day.. laging 28 talaga.. ang pinka shortest naman is 27 .. ito yung mga LMP ko this year;
JANUARY - 7, 8, 9 medyo hindi ako sure alin jan sa tatlo basta hindi bababa sa date na 7 at lalagpas sa 9
FEBRUARY - 3
MARCH - 2
MARCH - 28
APRIL - 25
MAY - 21

kung icacalculate mo lahat ng day, 28 yan halos.. iisa lang yung 27days (correct me if i'm wrong)
hayy.. kaya nung nag do kami ni hubby, nung MAY 30, ni release niya talaga lahat sa loob.. (sa pag aakalang safe pa ako) kaya nag search2 agad ako at nag basa basa.. naghahanap ako ng chance kung posible bang mabuntis ako that day.. pero nung MAY 30 pababa kxe, wala naman ako na observe na mucus.. :(
anyway daddy jojo, diba malalaman mong fertile ka if may mucus (yung parang egg white sa itlog or parang uhog gaya ng pinaliwanag mo sa mga pinost mo?) how about kung wala akong na observe na ganun, laging parang watery lang pero walang amoy.. inobserbahan ko kasi yung secretion ko kung may sign ba na fertile ako basehan ko kasi na fertile ako is yung mucus.. pero panu kung e2ng araw na fertile na ako gaya sa pinsot mo na yan na fertile na ako ngaying araw or nung isang araw / kahapon, wala pa din mucus? pansin ko kasi watery lang sya eh... sign naba yun na buntis na ako?  :'( :'(
« Last Edit: June 04, 2013, 09:50:27 pm by 만.♥ кяιzzℓє ♥.만 »
Logged

licious10

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 149
  • "my life, my rules"
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #171 on: June 05, 2013, 04:30:06 am »

^^ay oo nga.hehe mobile lang kasi gamit ko daddy jojo kaya di ko makita, gustuhin ko man talaga mag NFP ang hirap talaga :( mahirap na ngayong malusutan eh 4mos palang baby namin,nakakabitin talaga.hmms!
Logged
love me or hate me, either way you're thinking of me

joyrn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #172 on: June 05, 2013, 02:34:25 pm »

hi im new here pls help me..nagkaron po kc ako nung may 28-first day ko po yun natapos ako  june 2  pero may spotting pa din ako nung june 3.tapos nag make love kami ng bf ko nung june 4, safe po ba yun na di ako mabubuntis? worried po kc ako. thanks
Logged

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #173 on: June 05, 2013, 04:54:56 pm »

Hi zeatot10

Ano ang mahirap sa NFP?  Starting sa first day ng mens mo, may 7 days kayo na unlimited sex.  Sa pang-8th hanggang 21st day, baka pwede na munang puro foreplay at stimulation, walang munang genital penetration...pero pwedeng mag-come...both of you...just be creative.  Pag 22nd day na at hanggang sa next mens mo...unlimited sex ulit.

Try nyo rin kaya ang ibang aspect ng marriage, aside from sex.  I develop ninyo ang inyong bond as partners for life.

Recently, may nagsabi sa akin na couple na gumagamit ng IUD...harang sa sex pag tinatamaan ang nakalawit na tali ng IUD.  Sa IUD at Pills nabubuntis pa rin...kadalasan dahil sa position ng IUD at ng kemikal sa Pills...nalalaglag ang baby...kaya akala ng marami effective ito...dahil hindi natutuloy ang pagbubuntis.  Ang mother ko na nagtatrabaho sa hospital noon, muntikan nang mamatay dahil sa infection sa IUD.

licious10

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 149
  • "my life, my rules"
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #174 on: June 06, 2013, 01:26:47 am »

waaah!daddy jojo naman e,wagas manakot (~.~) balak ko palang naman yun,di pa din ako sigurado dun kasi natatakot din ako syempre,ayoko lalo talaga sa pills,baka lalo ako manaba pati sa chemicals na din,mas gusto ko talaga NFP pero kasi di pa ko sure sa mens ko kung regular na talaga siya,kasi mag4mos palang kami ni baby...marame naman kami boNding time aside from sex syempre,di naman talaga kasi dun umiikot ang pagsasama ng magpartner,marame kami time like pagaalaga kay baby,watching tv o movies,foodtrip,etc. Katakot lang talaga mabuntis ngayon,plano pa naman namin 8-10yrs gap ng mga baby namin
Logged
love me or hate me, either way you're thinking of me

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 487
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #175 on: June 06, 2013, 11:42:04 am »

Hi joyrn

Kung May 28 ang Day 1 mo...ang June 4 ay Day 8.

Possible na fertile ka at pwedeng mabuntis kung ang Cycle Length mo ay 26 Days Cycle (or shorter).  Ano pa ba ang ibang dates ng first day ng mens mo? 

That morning, pagbangon mo noong June 4, may na-notice ka ba na mucus discharge?

Kung meron, possible na fertile ka nun at pwede kang mabuntis.

I hope you can consider also your overall health.  Hindi lang ang concern na baka mabuntis ang risk na iko-confront mo when you choose to be sexually active.  DI ba, hindi madali maging babae, especially sa aspect ng feminine hygiene.  When you get into an intimate relationship with someone who is not fully matured and committed to you...as in married to you and you live together (meaning kabisado mo na ang personal hygiene at health ninyo)....mataas ang risk mo na mahawa ng Sexually Transmitted Infections.
Matagal ang maturity ng mga lalaki, especially sa relationships at sex.  Kahit may karelasyon na, nakikipag-sex pa rin sa iba. Pataas ng pataas ang bilang ng may HIV/AIDS...at karamihan dito mga lalaki. Here's a private message sent to me recently.

Sent to: Daddy Jojo on: 2013-05-10, 10:14:33

"Hi po daddy jojo...May Girlfriend po ako 5months n po kami..Nakipagtalik po ako sa ibang babae hindi ko po alam may  Tulo pala sya,after 2 days po daddy jojo hindi ko pa nalaman na may tulo pala yung girl ,nagtalik kami ng gf ko daddy jojo pagtapos after 1 weeek doon ko na po nalaman na may tulo na ako.. May posibilidad po ba na mahawaan din ang gf ko?"

Ang sakit na mentioned dito, tulo ay yung Gonorrhea.  Malapit nang maging untreatable ang sakit na ito.
"Gonorrhea soon untreatable - WHO" from Philippine Council For Health Research And Development. Department of Science and Technology

Some disease are deadly, like HIV/AIDS and the HPV which leads to Cervical Cancer.  Ang akala siguro ng marami, simple lang, pag nakamamatay....mamamatay lang...pero ang pinakamadalas na hassle ng sex...yung suffering from infections at disease...Urinary Tract Infection (UTI), Pubic Lice...

Pubic lice are tiny insects that infect the pubic hair area and lay eggs. These lice can also be found in armpit hair and eyebrows. Pubic lice are known as Phthirus pubis. They are found mostly in teenagers. Pubic lice are often spread during sexual activity. - U.S. Department of Health and Human Services National Institutes of Health

...Herpes, na nahahawa kahit sa kiss lang...ay hindi gumagaling....nagagamot para mabawasan ang symptoms...pero hindi gumagaling...at patuloy na nakakahawa.

...at marami pang iba.  Sana makatulong ako sa pagse-share ng information para sa isang empowered at fully informed choice.

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3245
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #176 on: June 12, 2013, 10:03:20 am »

Topic "calculating your cycle and determining your fertile days" merged with this topic.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

chillerz0029

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #177 on: July 25, 2013, 08:21:35 pm »

hi po good evening hinge lang po ako ng advice kung pano malalaman kung kylan safe and not safe ako last ng dalaw ko nung july 14 pano po ba yung pag bilang and ano po bang yung ovalation sana po masagot nio po yung tanong ko salamat...
Logged

Elisabel21

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #178 on: February 04, 2014, 02:51:02 pm »

Last January 19 patapos na po yung mens ko. so by january 20,21 at 22 kunti nalang talaga yung mga dugong lumalabas. Then last january 30 nki pag sex po ak,. unsafe sex po sya. ? Nag pregnancy test po ako kaninang umaga. negative naman po. Ibig bang sabihin nun hindi ako mabubuntis? Or uulitin kong mag pregnancy test ulit this coming February 19.?
Logged

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1188
    • View Profile
Re: paano malaman kung safe/not fertile or unsafe? / calculating your cycle
« Reply #179 on: February 05, 2014, 01:23:49 am »

Question from another thread, merged with this topic.
Logged
Pages: 1 ... 10 11 [12] 13 14 ... 17