Parent Chat

  • June 25, 2019, 02:03:52 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Smart Parenting is giving away awesome prizes twice a month! No purchase necessary. Click here to find out.

Author Topic: Pasaway na asawa!  (Read 1215 times)

Lorna Sabado

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Pasaway na asawa!
« on: August 29, 2017, 08:19:32 am »

Hi. Share ko lang and advice na din. Yung asawa ko Kasi grabe sakit sa ulo. Hirap ihandle yung ugali niya. Mas may time pa siya sa barkada niya kesa sa amin ng anak niya. Pag nandito naman siya sa bahay, puro cellphone lang naman ang ginagawa, facebook, games sa cellphone, chat chat.. Sinasabi ko naman saknya na wag naman siya puro cellphone, magkarron naman siya ng time sa anak niya, bonding man lang sana.. Hindi na nga kami lumalabas e for bonding family. Always nalang kami nandito sa bahay ng anak ko. Tinggang-tingga na kami sa bahay. :'(

pero masipag naman siya pagdating sa gawaing bahay, alam niya kung paano magluto, at maglaba.. Sa totoo niyan siya ang naglalaba every saturday.. Dahil saturday and sunday ang off niya.. Pero after niya maglaba, magluto, o maglinis umaalis kaagad siya, para magbasketball, ppunta nnmn siya sa mga barkada niya. Tapos gabi na uuwi. Kung hindi mo pauwiin. Hindi tlaga siya uuwi.. Grabe talaga! Hindi ko maintindihan.. Okay naman siya pagdating sa gawaing bahay. Pero parang hindi niya alam na tatay na siya at pamilyadong tao na siya! Jusko! Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi saknya.. Mahirap naman na, ulit-ulitin ko saknya na "pamilyado ka na, kumilos at umasta ka naman na tatay"..

Hindi pa kami kasal.. Pero ganito na ang nangyayari sa amin. Palagi nalang ganito ang issue sa amin.. Kapag kakausapin ko siya, lagi niya sinasabi "mamaya na tayo magusap, naglalaro pa ako" kainis diba?!! Di niyo paguusapan yung issue hahayaan nalang na lumipas ang panahon.. Sobrang sama na talaga ng loob ko sakanya..

Tapos, pag nagkita kita kasama mga family both sides pati na din mga friends lagi niyang kinukwento na mabait siya, na oo daw alam niyang tatay na siya kaya nga siya daw ang nagaasikaso sa bahay. Nagluluto daw, naglilinis, at naglalaba.. Pag wala lang naman siya pasok tsaka niya yun ginagawa.. Ang yabang niya!

Ako, diko kaya na ipahiya siya sa ibang tao. Pero siya, kayang kaya niya ako ipahiya. Hindi man siya nagaalinlangan na sabihin sakin mga bagay na alam niyang maooffend ako.. Wala siyang takot na magalit ako saknya.. Bakit siya ganun? Di ko tuloy alam kung mahal pa ba ako ng asawa ko :(
Logged