Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: is my husband obliged to give money to his mother?  (Read 3990 times)

mamastar

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
is my husband obliged to give money to his mother?
« on: March 22, 2017, 07:11:09 am »

I know mabigat sa pandinig ang obligasyon. yun nga lang, hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan magbigay pa ni hubby ng pera sa mom niya since may work ang mom niya at seaman naman ang father-in-law ko. in short, okay ang income nila. kami naman ni hubby, parehas may work at may 1 year old daughter na. minsan naiisip ko kailangan ko lang siguro maging open-minded lang para matanggap ang ginagawa ni hubby kaso ang point ko lang, wala pa kaming gaanong ipon to buy our own house. sa ngayon nakikitira kami sa parents ko since doon ang mas maluwag na space, hindi humihingi ng share sa gastos ang parents ko para daw makaipon kami, yun din ang dahilan kung bakit na sa kanila kami ngayon at di sa in-laws ko. pag kasi dun kami sa in-laws ko, maliban sa binibigay ni hubby sa mom niya eh kailangan namin mag share din sa gastusin doon. minsan kasi naiinis na lang ako kasi ang luho ng mom niya, minsan magrereklamo na wala siyang pera at ang dami nilang utang tapos makikita mo kung saan saan nagpapabook. imbes na mag invest, gusto niya latest ang mga gadgets niya, sa ngayon may isang Iphone at isang Galaxy edge siya. may isang kapatid si hubby na single at nagwowork, yung kapatid niya na yun nakatira pa sa parents nila, pwede naman siya na muna ang magbigay sa mommy nila kaysa si hubby di ba? ang gusto ko lang kasi talaga maka-ipon kami para makabili ng sariling bahay, sa ngayon kasi pa sakto sakto lang kami. di naman pwedeng forever nandun kami sa parents ko, parents ko nga hindi tinatanggap kung may ibibigay kami tapos yung mother-in-law ko parang inoobligahan talaga magbigay si hubby tuwing sweldo niya. noong di pa kami kasal di ko pinakikialaman yun kasi wala akong karapatan. noon nga halos ako ang gumagastos sa date namin kasi lahat ng sahod niya binibigay niya sa mom niya, tapos minsan maririnig mo pa ang mom niya "bakit ito lang?!". mommies, alam naman natin lahat magastos na pag may baby at challenging talaga mag ipon. kung sino man sainyo ang naka experience ng ganito or something alike, please tell me paano niyo nareresolve ang ganitong sitwasyon?
Logged

Maritess Enriquez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: is my husband obliged to give money to his mother?
« Reply #1 on: October 31, 2017, 11:44:31 am »

Siguro take everything slowly when it comes to MIL.  Mahirap kalaban yan lalo na pag mommy's boy si hubby.  Siguro maganda pagusapan niyo like having a joint account kung san equal distribution ang deposit niyo every payday.   Regarding kay MIL, na kay hubby kasi yang decision na yan.  Be open minded and work on something na slowly nilalayo mo si hubby sa pagiging mommy's boy to becoming a head of the family.  I had issues like that in which hanggang ngayon ganun pa rin, hindi mo maiiwasan yan magulang kasi yan e.   
Logged

Mrs.Ridz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: is my husband obliged to give money to his mother?
« Reply #2 on: March 05, 2018, 02:26:46 pm »

I also have the same problem mga sis. Seaman din asawa ko.
May certain percentage na allocated sa akin. Lahat ng kailangan (expenses or need bayaran) sa allotment na binagay sa akin ikakaltas. Kasi sabi ng MIL ko na sa akin na daw ikaltas lahat. To think i'm preggy. Ang saya.  ;D
Logged
The Lord is my rock and my fortress and my deliverer, my God, my rock, in whom I take refuge, my shield, and the horn of my salvation, my stronghold. (Ps. 18:2)

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3206
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: is my husband obliged to give money to his mother?
« Reply #3 on: March 07, 2018, 11:10:24 am »

Hello Mommy Bhelz! Nabasa ko rin po yung post ninyo about allocation sa "asawa ng seaman" thread.


I think it is a good thing that he is paying for the house, loan and expenses. Yes, konti lang ang matitira sayo but think of it, ang laki ng problema na naligtas ka, wala kang magiging utang. Matatapos din itong lahat ng bayarin at darating din ang araw na sayo na rin mapupunta ang buong 45%, hindi pa lang ngayon kasi ganun talaga ang naguumpisa pa lang ng pamilya. Maraming gastos. You are lucky kasi may pambayad.

Also, yung allocation ng husband mo for your in-laws is a good reason na hindi sila manghingi sayo. Problema ito ng maraming couples and you are saved from it. Don't mind kung magkano ang matitira sayo at share ng in-laws mo kasi hindi naman natin alam ang napupuntahan, binabayaran at pinaggagamitan non. Ang importante, natutupad niya yung pag-establish ng future ninyo kahit may binibigay siya sa magulang niya.


Kung ang worry mo is baka kulangin ang panganganak mo and baby care expenses, then try to write down a realistic cost and breakdown vs yung ipon ninyo so you can ask for enough amount to cover it.

Good luck po, give us na update and do join other discussions as well here on Parent Chat.
Logged

Mrs.Ridz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: is my husband obliged to give money to his mother?
« Reply #4 on: March 07, 2018, 04:02:18 pm »

Thank you for your comment Mommyjazz, this will be a big help for me.  :-*

I was thinking for days na kung kakayanin ko po ba magbudget.  ;D Masyado po kasi akong anxious dahil sa pregnancy ko po.  :P I was over thinking po sobra. Napagusapan naman po namin ni hubby yung sa budget. Sabi ko po, sana as long as wala ng extra na kukunin it's fine. Matipid naman po ako. Yun lang po ang worry ko kasi syempre i need to start securing for our future, lalo na't ayoko po na hanggang tumanda si hubby nagbabarko parin siya.

It was a pleasure and privilege joining you all here sa Parent Chat, marami po akong matutunan, likewise, magshare din po ako sa mga discussions.

Thank you very much po Mommyjazz!  :-* :-*

Logged
The Lord is my rock and my fortress and my deliverer, my God, my rock, in whom I take refuge, my shield, and the horn of my salvation, my stronghold. (Ps. 18:2)