Parent Chat

  • June 18, 2019, 06:36:00 am
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Smart Parenting is giving away awesome prizes twice a month! No purchase necessary. Click here to find out.

Pages: [1] 2 3

Author Topic: pakiramdam ko katulong ako  (Read 3803 times)

meme

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 120
  • With u and God in the center, I am complete...
    • View Profile
pakiramdam ko katulong ako
« on: May 26, 2009, 12:24:01 pm »

hello mga mommies help naman po actually hindi ko po kasi alam kung ano po ba talaga ang tama..
im 25 years old married with 1 year old son.
and problem ko po is. ganito..

before nung preggy palang ako nakabukod kami ni hubby ko. okay naman yung pagsasama namin ni hubby hindi sya demanding. then nung nag give birth ako sa baby namin. 2months lang kami nagsama kasi sumakay na sya ng barko. so we decided na umuwi muna ko sa bahay ng parents ko. after 10months na nasa barko sya okay naman kami.. pero ngayung umuwi sya we have our own place grabe napakademanding na niya..

gusto niya gumising ako ng 7am at gawin ko na yung mga gawaing bahay habang tulog pa si baby. then pag hindi ko nagawang gumising ng ganun kaaga at masira ang time table niya ako lagi ang sinisisi.. i just cant understand kong ganun po ba talaga dapat ang mga mommies. i admit it hindi ako sanay gumising ng maaga.. and im still adjusting sinabi ko na rin sa kanya yun pero sabi niya until when daw ako mag aadjust.

nalilito ang mga sis d ko tuloy alam kong kakayanin ko.. parang ang hirap naman ng ganun pakiramdam ko katulong ako sa bahay at buong araw akong nag tatrabaho. tapos parang hindi pa maubos ubos yung mga trabaho sa bahay kasi hubby ko ayaw na ayaw na may nikikitang kalat. minsan tumutulong naman sya kaso nakakainis lang lagi nyang sinasabi ganun talaga trabaho ng Mommies.

like this morning.. nagtalo kami
nag alarm sya ng 7am so ginigising na niya ko.. pero hindi ko talaga kayang bumangon kasi si baby ko nag iipin so iyak ng iyak mga 3am na siguro ako natulog then nagising ako mga 8:30am then ginawan ko sya ng breakfast tapos nilabahan ko yung mga binabad ko nung gabi. so marami rami din yun kasi si hubby 3x a day kung magbihis. then naghugas ako ng bottle ni baby. si hubby at si baby nag lalaro sa bed syempre nagutom ang lola nyo so nag luto ako ng tinolang manok. mga 11am na yata akong natapos then yun galit na galit na sya bakit daw kasi tanghali na akong gumising at hindi ko pa napapaliguan si baby.. then naisip ko hindi pa nga ako nakakapag breakfast buti sya kumain na.. pakiramdam ko kasi ako lagi buntungan ng sisi pag hindi nasunod yung time table niya..
haist ganito ba talaga ang maging wife.. parang habang buhay na hirap yata. :(

sis advice me naman po.. nalilito kasi ko.

thank you 


naku sis parehas tyo problem except that ako hnd tlaga marunong sa gwaing bhay. kaya mas maigi na may work ako kc dko kaya mging ful time housewife. mdalas din namin pag awayan ni hubby yan dti kc sya pa yung nagluluto. pero infairness s kanya tnutulungan tlaga tsaka ok yung manner ng pagsabi niya.
sis kung kaya nyo naman bkit d kyo kumuha ng kasi... para may katu tulong ka sa gawain?

Read it on Smart Parenting.
Moms Are Often More Tired Than Dads: How Men Can Be a Better Partner

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/moms-more-tired-emotional-labor-a00026-20180822?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: January 10, 2019, 10:34:05 pm by Mommy Jazz »
Logged
"Happy is the man who captures the first love of a woman, but happier is the woman who captures the last love of a manů."

keih liwanag

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1078
  • ANNE KEIR.. the HAPPINESS beyond our HAPPINESS!
    • View Profile
    • my multiply
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #1 on: May 26, 2009, 12:26:43 pm »

grabe naloka ko sa behavior ng asawa mo ha. gusto niya yata maid/helper eh! hindi asawa!

well, talk it over lang sis. open communication is the best preventive measure para hindi mauwi sa big big big fights. tell everything to him, your heartaches, your pains, your sentiments... asawa ka so you have all the right to blurt them out. be as mahinahon as possible. walang problem na hindi kayang i-solve ng maayos na usapan, and of course through prayers. kaya mo yan sis.
Logged
Being a mom is deciding forever to have your heart go walking around outside your body.

mommy e

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 211
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #2 on: May 26, 2009, 12:37:40 pm »

pag wala kami yaya, kuracha din ang lola nyo ... minsan tinatanghali din ng gising kc puyat ... me time na nagre react c hubby pero most of the time naman he understands at tumutulong din naman sya like sa pagluluto ( mas masarap kc sya magluto, hehe ), paglaro sa kids, pagpapaligo ... sis, tingin ko nga medyo me pagka exag c hubby mo .. explain mo din sa kanya sis , na need din natin minsan ng pahinga, na nalo lobat din tau ... hirap kc sa mga lalaki, napaka insensitive talaga minsan... haaaayyyy
Logged
Count your blessings .... not what's missing ....

leighzyaj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #3 on: May 26, 2009, 12:37:58 pm »

lam mo bka gusto niya talagang ma feel na housewife ka..bka naman gusto lang niya talaga na ikaw mag aasikaso sa kanila.sbhin mo nalang na  hwag ka niya  biglain and kung kaya nyo naman kuha ka ng mkkasama sa bhay.pag usapan nyo nalang.for sure mhirap din kc naging buhay niya sa barko.baka gusto niya lang siguruhin na kaya mo na pag sakaling aalis siya ulit...mabuting usapan lang yan...and more patience. ;)


Logged

ayaNmisha

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
  • "Little Girls are Heavens Flowers"
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #4 on: May 26, 2009, 12:39:06 pm »

oo nga sis.. bakit di kayo mag hire ng helper.. suggest mo sa DH mo yan and sana reasonable sya pag kinausap mo..

pero sa totoo lang ganyan talga ang maging wife eh.. kahit may work ka pa or helper ka.. ikaw din lahat. The best you can do is to talk to your hubby, as in heart to heart.. tell him yung feelings mo.. na nahihirapan ka din kahit papano.. na di madali na maging housewife. Sabihin mo sa kanya na willing ka naman gawin lahat kasi family mo sila.. wag lang sya mag nag.. hehe grabe sis parang sya ang babae ha.. Anyway, pag pray mo din na magiba ihip ng hangin sa hubby mo..
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #5 on: May 26, 2009, 12:47:10 pm »

hello mga sis thank you sa mga reply's nyo huh.. actually napag usapan na namin yan last week.. then sabi niya sa akin once na matapos yung pinapagawa naming house malapit sa kanila then kukuha na kami ng kasama sa bahay.. at makakapag work na rin ako.. hindi talaga ako sanay na nasa bahay lang since pag kadalaga nag wowork lang talaga ko.. then isa pa sis.. never akong nakapag laba sa bahay namin nung single pa ko.. pero ngaun ginagawa ko na kasi last week nagpalaba kami sa maid ng mommy niya.. ayun napagalitan pa kami ng hubby ko ng MIL ko so nahiya ako hindi na ko pumayag na magpalaba ulit..

nasabi ko na rin yan kay hubby na dapat pala katulong ang hinanap niya at hindi asawa sinabi ko na rin na sana pala pro or yung dating may family na yung kinuha mo kasi gusto niya perfect wife yung tipong lahat tama yung ginagawa hallour first time mom and wife ako ang dami kong hindi alam then lagi pa nyang sinasabi sakin ask mo sa mommy ko.. or ask mo sa mama mo.. as in nakakainis.. pero okay naman kahit nag away kami ngaun atleast nakauwi ako sa bahay namin at may time ako para makapag computer..
 
Logged

Mac.Rodriguez

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 174
  • thegoodiesprojects@gmail.com
    • View Profile
    • thegoodiesprojects
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #6 on: May 26, 2009, 12:55:09 pm »

hay naku sis... hindi ko naman nilalahat ng mga lalaki, pero i think sakit nila yan unless they were really brought up by their moms in a good way or something they realized in their life na ang mga babae or asawa ay hindi maid at paanakan lang.

i understand how you feel. full time mom ako, quite my job to focus on taking care of the baby. hubby lang breadwinner. pero pagnag-leave yan sa office... ay! sobrang stressed ako sa house. besides that you take care of the baby, you get criticized pa on how you do it.  lahat mali sa mata niya. tapus utos dito, kalat dyan. sorry na lang at hindi ako nagluluto, kaya asawa ko nagluluto. minsan nga gusto ko umalis ng bahay sandali at iwan sa kanya yun bata! hindi kasi nila alam kung gaano kahirap mag-alaga. plus maglinis ng bahay.

try to tell him how you feel. make him understand. make him do "father" work as well so he'll understand how it feels to be a mom specially waking up early in the morning! maybe that will help change his mind...good luck! Godbless.
Logged

eytellene

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 541
  • my treasures...
    • View Profile
    • <a href="https://chitika.com/publishers.php?refid=eytellene" style="text-decoration: none;"><img src="http://scripts.chitika.net/eminimalls/logos/125x125.png" border="0" alt="Get Chitika Premium"
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #7 on: May 26, 2009, 01:07:12 pm »

share ko lang po yung sa hubby ko nung naka ML ako kaiinis din sya na bakit daw lagi na lang ako pagod at minsan nairita nako kase may times na antok ka na tas biglang iyak si baby so nung nag work nako bigla naman sya nawalan ng work so sya muna tas naramdaman na niya pagod na naramdaman ko tas nainis na din sya kay baby tas sabi ko 'o kala ko ba wag mainis kay baby ano ka ngaun?' simula noon nd na sya ganun mag demand sakin nagkawork na din sya tas my yaya na kame pero nd na sya yung tulad before na alila ang dating ko kase sabi ko fair tau ayun okay naman sya.  I guess factor din na sadyang mabait tlaga ang hubby ko hahaha  ;D
Logged
my treasures     

momijoi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #8 on: May 26, 2009, 01:26:00 pm »

si hubby di naman siya ganun kastrict, yun lang pag nandito siya sa house puro utos at kalat. hay nako kung san san nakikita tsinelas niya, sapatos niya at kung ano-ano pa. pero in fairness to him pag nagpatulong na ko gawin isang bagay tumutulong naman. minsan din pag may pupuntahan ako siya naiiwan kay baby ok naman sila..  ;) and kung di ko kaya gumising sa umaga para magprepare ng baon niya siya na din gumagawa...  :D yun lang pag gusto niya ng brownies, cookies etc, pipilitin talaga ako magbake kahit gabi na.  >:(

so sis dapat pagusapan nyo ng maayos. :)
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #9 on: May 26, 2009, 01:34:35 pm »

si hubby tumutulong naman sya.. kaso hindi ko maunawaan bakit everytime na masisira yung time table niya ako nalang ang laging mali.. lagi nyang sinasabi skin pag tulog ang baby dun daw ako gumawa ng gawaing bahay then ginagawa ko naman talagang hindi lang nauubos yung gawaing bahay,, grabe hindi naman malaki yung bahay namin pero hindi ko alam bakit parang hindi matapos tapos yung mga gawain then gigising na si baby mag kakalat ulit.. tapos need ko na namang mag luto ng food for them.. okay lang naman skin yung mga gawaing bahay eh.. kaso mas nasasaktan ako kasi may asawa akong super kung mag nag.. daig niya pa ang babae.. ang ganda ganda ng mood ko kanina habang nagluluto ng tinola then babanatan niya ko ng kasalanan ko kung bakit tanghali na at hindi pa ko tapos.. if nagising daw ako ng 7am nung ginigising niya ko d sana tapos na ko.. then hihiritan pa ko na tinulungan niya na kong mag alaga ng bata at dapat ako daw ang gumagawa kasi yun ang trabaho ng mommy.. naiisip ko kung ganito ng ganito ayuko ng maging asawa niya na super demanding tapos sasabihin niya pa pag sumasagot ako ng medyo mataas ang tune ng voice ko.. wala daw akong breeding... grabe nakakaloka..
Logged

eytellene

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 541
  • my treasures...
    • View Profile
    • <a href="https://chitika.com/publishers.php?refid=eytellene" style="text-decoration: none;"><img src="http://scripts.chitika.net/eminimalls/logos/125x125.png" border="0" alt="Get Chitika Premium"
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #10 on: May 26, 2009, 01:42:36 pm »

grabe naman yung hubby mo.. dapat ata mg usap kayo ng masinsinan na ganito nararamdman mo na nd ka naman katulong tsaka dapat lang na tulungan ka niya noh haler... >:(
Logged
my treasures     

Swity_laine10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
  • My baby grace
    • View Profile
    • Proud Mama
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #11 on: May 26, 2009, 02:22:01 pm »

hi mommy yuri...in my case naman kahit first time mom parang na ready ko na yung self ko na ganun talga ang dapat gawin ng mga mommies pero dapat may help naman ang husband kahit konti lang....pero mas nakakapagod situation ko kasi i am a working mom tapos pagdating sa bahay kailangan hands on nako kay baby at the same time i need to do my obligation sa bahay i need to see to it mga needs sa bahay ( si hubby bahala sa ibang finances) then obligation ko pa kay hubby hayyyy sobrang pagod and stressful talga andami kong iniisip...no wonder ang ibang mommies wala nang time to beautify their selves at parang nagiging isa nako don.....
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #12 on: May 26, 2009, 03:07:32 pm »

naku mga sis ang hirap talaga isa pang problem ko.. mula ng dumating si hubby dito sa pinas hindi sya nag abot ng pera sa akin para sa budget sa bahay pero lahat naman ng need ko binibili niya pero alam nyo ba yung pakiramdam ng ang daming trabaho sa bahay tapos gawa ka ng gawa ni maski pambili ko ng asin hihingin ko parin sa kanya.. pero lahat talaga ng pabili ko binibili niya naman ang problem lang hindi sya nag bibigay ng extra money sa akin.. kahit wala naman akong bibilhin pero iba talaga yung may hawak na pera di ba? so minsan nag talo na kami sa mga gawaing bahay at tungkulin ng mommies na ganito ganyan.. so sinabi ko rin ang tungkulin niya di ba dapat nag bibigay ka sa asawa mo at ako ang nagbabudget kaso ang sagot ng lolo mo is lahat naman ng need natin dito binibigay ko.. so bakit need mo pa ng pera..

grabe hindi ko nga alam yung gagawin ko parang ang sarap magpakalayo layo at mag isip kaso kawawa naman ang baby..

tama nga si mommy mac na nasa pag papalaki ng magulang.. kasi alam naman ng parents niya yung sitwasyun ko na kahit peso hindi nag aabot anak niya sa akin pero wala parin syang ginagawa.. ni hindi manlang pag sabihan ang anak niya na mali yung ganun.. hai nakakaluka talaga..

minsan nga naiisip ko kung matatagalan ko toh pero minsan naman naiisip ko baka kasi bago lang kami.. pero what if pag dating ng panahon ganito na talaga baka hindi ko matagalan parang ayuko ng mag asawa mas masarap pang kami nalang ng anak ko.. pero hindi ko naman alam na baka naiisip ko lang toh kasi masama ang loob ko kay hubby..

Logged

michi247

  • Guest
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #13 on: May 26, 2009, 03:21:56 pm »

sis, kami kasi ni hubby, sa umpisa pa lang share na kami ng household chores kasi pareho kami working, di na nabago yun kahit ngayon na may anak na kami, nagresign na kasi ko nung nagbuntis at til now alaga pa rin ko kay baby. wala rin kami katulong. late din ko gumising simula nung nagbuntis ako kasi late din tulog ko, pero hinahayaan lang ko ni hubby para makapahinga ko, kasi lam naman niya kung panu ko gumawa sa bahay. so hindi ko na siya pinaghahandaan ng breakfast like before.

hubby ko naglalaba sa min tuwing weekend, kasi nagreklamu ko dati na sumasakit likod ko, kasi lalaki ng damit niya, tho washing machine naman, hehe! tinutulungan ko na lang pag tapos na ko sa chores ko and tulog si baby. may time din na ako na rin gumagawa kung may free time ako at behave naman si baby, kasi lam ko pagod din siya sa work. pero bihira lang yun, most of the time, siya talaga. tapos after dinner namin, siya naghuhugas ng plato, pati bote ni baby, sterilized na lahat yun paggising ko. siya din naglilinis ng bathroom namin, nakasanayan na niya kasi nung buntis ako, yaw niya ko palinisin dahil maamoy ko daw yung chemicals nung panlinis so til now, siya na rin. sindakan lang daw yan e..hehe!

pag minsan nagrereklamu, lague ko sinasabi, wala ka katulong dito ha, kaya tumulong ka dito sa bahay, di porket ikaw ang nagwowork at ako sa bahay, hindi ka na gagawa dito, kung katulong nga may bayad ako wala. kung gusto mu walang gawin, maghanap ka ng katulong na pakakasalan mu. hehe! tapos tatawa lang yun.

may mga guys talaga na gusto nila work lang sila tapos tayo na lahat sa bahay.
Logged

eytellene

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 541
  • my treasures...
    • View Profile
    • <a href="https://chitika.com/publishers.php?refid=eytellene" style="text-decoration: none;"><img src="http://scripts.chitika.net/eminimalls/logos/125x125.png" border="0" alt="Get Chitika Premium"
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #14 on: May 26, 2009, 03:36:23 pm »

hay ako tlaga ayaw ko mamalantsa haha... minsan namalantsa ako tas nakita niya tlaga na nahirapan ako tas sumasakit likod ko simula nun sya na namamalantsa tas sa sterelize kung sino may time kase pag weekend salitan tlaga kame pg di sya tumutulong di ako umiimik kaya gets na niya...hehe   ;D
Logged
my treasures     
Pages: [1] 2 3