Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2] 3

Author Topic: pakiramdam ko katulong ako  (Read 12121 times)

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #15 on: May 26, 2009, 05:25:14 pm »

hai naku sis ang lolo ko nandito na nga ako sa bahay ng parents ko tumatawag pa para sabihin na ako ang mali.. grabe nakakapang init ng ulo.. kahit sa phone napakabungangero
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 416
  • my life
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #16 on: May 26, 2009, 05:51:49 pm »

hay naku sis ang hirap nyan dati ganyan din kami ni hubby (nung wala pa kami baby) then kinausap ko sya i explained na my problem talaga ko sa pagtulog kaya hirap ako gumising ng maaga ayun ngkaintindihan naman kami now na my baby ej na ko ang gising ko is 10am pa rin (nahihirapan talaga ko gumising ng maaga) re naman sa labahin nagpapalaba kami sya ang my ayaw na ako maglaba kasi di daw niya ko inasawa para paglabahin at pag plantsahin hehe basta ang gusto lang niya is ako magluluto at alagaan ko si ej... naiintindihan niya kasi na stressfull talaga ang my baby sis iexplain mo kay hubby mo yung side mo or get a maid or kahit taga laba na lang and taga plantsa...
« Last Edit: January 07, 2019, 11:14:09 pm by Mommy Jazz »
Logged

cheiz

  • Guest
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #17 on: May 26, 2009, 06:01:18 pm »

sis better talk things over with your husband. Tell him in a nice way how you are feeling and make him understand that you need to rest also as your not a maid. As for him insisting na ganun talaga ang maging wife/mom tell him hindi inaasawa ang mga babae para alilain ng mga lalaki. Base kc sa kwento mo eh feeling ko naka egoistic ng asawa mo. try mo kayang iwan sa kanya ang baby no for how many days and let him do all the work. or try mong mag sakit sakitan para sya lahat ang gumalaw sa bahay para alam niya na ang hirap.
Logged

mariann

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 859
  • enjoying motherhood to micah and iza
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #18 on: May 26, 2009, 06:48:43 pm »

i can empathize with you.  my hubby and my mother-in-law used to treat me like just a baby-maker.  when i gave birth to my daughter, binalewala agad ako.  they have never considered my role as a mother and as a wife.  as if sila lang marunong mag-alaga ng bata, when in fact, laki din sa yaya ang hubby ko, kasi buong araw nag-mamahjong si mommy niya.  as if wala na akong magawang tama.  as if expert yong mom niya sa gawaing bahay, when in fact, she doesn't even know how to manage a household kasi katulong ang nagpapatakbo ng bahay.  which is very much opposite with my upbringing.  i'm hands on in everything.  but i was never appreciated.

though i'm a working mom, i used to have low self-esteem during that time kasi they were putting me down.  but then, stronger as i am, i began to pick up myself.  when my daughter was 2 months old, NILAYASAN KO SILA.  i packed up everything i own as well as my baby's.  i went home to my parents house.  of course, lahat nga mura sa mundo tinext sa kin, pati call pa sa telepono, up to the point of coming over to my parents house.  but i never minded them.  i closed my ears on negative words they hurl at me, especially from my mother in law.

eventually, my hubby (proof that he really loves me) tried to reconcile with me.  not just because of our baby, but because he wants to be with me.  that was my chance of pouring out everything i've felt.  now, we've overcome everything.

PAYO KO SA YO (payo then ito sa akin when i was down):
     LOVE YOURSELF FIRST.  you cannot give love to others unless you love yourself.
     DON'T MAKE HIM GET USED TO THE WAY HE'S TREATING YOU.  pag nasanay siyang inaapak-apakan ka, mahirap nang bagohin yon.
     MAKE HIM SEE AND FEEL HOW WORTHY YOU ARE AS A MOTHER AND AS A WIFE.  do your part.  be the best mom wife that you can be.  kung magreklamo, don't mind him.  just do your part.
     IF YOU WANT HIM TO RESPECT YOU, THEN DON'T LOSE YOUR SELF-RESPECT.

i'm sure after all these trials, you will emerge as a strong woman.  God does not give us problems we cannot bear.  Pray all the time.
Logged
mariann[move]

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #19 on: May 26, 2009, 07:14:33 pm »

hello sis kamusta ka na... thanks pala sa advice huh actually nag papalaundry kami kaso ang panget ng paglaba sa laundry haws na un so sabi ko wag nalang.. ayaw niya rin na naglalaba ako kasi alam niya naman na nung dalaga pa ko nagpapalaba talaga ko.. then sabi niya dalhin namin sa kanila yung labahan namin pero pinagalitan kami ng mommy niya nung nakitang napakadumi ng mga damit ng baby namin kasi yung iba nasukahan so nanigas na dun sa nahiya ako even though sya ang pinagalitan parang ako na rin yun kasi ako yung babae then ako ang hindi marunong maglaba kaya sabi ko sa sarili ko pag aaralan kong maglaba last time kinukuha na naman niya yung labahan namin para dalhin na naman sa kanila sabi ko wag na ako nalang kaya ginagawa ko sa gabi bago kami matulog binababad ko na yung mga labahan so pag gising ko dun ko nalang sya kukusutan..
alam niya sis na tanghali talaga ko kung magising dalaga palang ako mag bf at gf palang kami ang gising ko talaga is 11am minsan nga 12pm tulog pa ko pero hindi niya alam kong anong klase pag aadjust sa buhay ang ginagawa ko.. hindi niya parin na aapreciate kaya nasasaktan ako..
« Last Edit: January 07, 2019, 11:15:07 pm by Mommy Jazz »
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #20 on: May 26, 2009, 07:23:09 pm »

sis thank you sa advice mo huh alam mo parang ganyan din tingin sa aking ng family ng hubby ko.. at mismong si hubby parang gusto niya perfect wife agad ako kahit sa pag aalaga sa bata nakikialam mga MIL ko pag may nakitang mali nag rereact eh para naman sa akin eh tama kasi ganun ako pinalaki ng magulang ko.. lulalaki kasing spoiled ang mga bata sa kanila eh sa amin pamangkin ko at the ages of 7 independent na!.. gusto ko sana mamuhay nung kami lang talaga kaso the sad part is lilipat na kami next month sa new house namin na katapat lang ng house nila. and i cant imagine kung anong paghihirap ang mararanasan ko gusto ko sanang kausapin parents ko sa nararamdaman ko kaso ayuko ng makarating pa sa kanila like my hubby pag nag aaway kami sinasabi niya agad sa mommy niya.. pakiramdam ko ako ang laging mali hindi naman ako makakilos ngayun kasi hindi ako makapag work ngayun since nung dumating sya nag stop muna ko mag work para naman may time ako sa kanya so walang money na pumapasok sa akin at hindi naman niya ko binibigyan hindi ko alam kong bakit sya ganun.. gusto ko ngang umalis bukas buong araw para pag sundo niya sa akin dito wala ako dito kaso ayuko naman na kung ano ano iisipin niya.. basta masama kasi talaga loob ko.. pakiramdam ko lahat ng tao sa kabilang bahay eh plastic pakitang tao lang lahat pero pag talikod ko lahat ng kilos ko nakikita..

« Last Edit: January 07, 2019, 11:15:27 pm by Mommy Jazz »
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #21 on: May 26, 2009, 07:28:06 pm »

[sis alam mo sinabi ko na rin sa kanya yan kanina when he called me up.. then sagot niya sa akin hindi naman daw niya ko ginagawang maid hindi lang daw talaga ko sanay na sa mga gawaing bahay.. then sabi niya so meaning to say si nanay ginagawa mong maid ( mom ko) kasi daw si nanay gumagawa ng mga gawaing bahay.. tapos nakapag isip ako so hindi ako nakapag salita then sabi niya see... kinain ko daw mga salita ko.. then it was too late when i realize na nasanay na mom ko sa mga gawaing bahay cuz they been married for a long time.. pero sya kasi gusto niya bigla bigla hindi ko alam kong ano ba talaga yung tama or lahat ba ng mga mommies ganito yung ginagawa./i]
« Last Edit: January 07, 2019, 11:15:52 pm by Mommy Jazz »
Logged

mommy shelaih

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 416
  • my life
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #22 on: May 26, 2009, 07:32:49 pm »


im good naman sis... uhm siguro mataas talga expectation sayo ni hubby... baka ganun ang mommy ya kaya he expect u to be like her.... si hubby ko dati ganyan kesyo ang nanany daw niya eh ganun at ako daw hindi ang sagot ko sa kanya "look ur mom and i are diff. person ayoko ng kinocompare ako kasi may mga nagagawa naman ako na hindi kaya ng mom mo" tska sinasabi ko sa kanya na dnt expect too much coz im giving my very best to be a good mother and wife to u and my son..... grabe naman si hubby mo minsan na nga lang siya umuwi away pa kayo...
« Last Edit: January 07, 2019, 11:12:08 pm by Mommy Jazz »
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #23 on: May 26, 2009, 08:00:12 pm »

gusto ko nga syang awayin or ibalik nalang sa nanay niya.. kasi lagi nalang syang nakatali sa saya ng nanay niya..  ayuko syang makita bukas sis hindi ko alam saan ako magtatago hindi pa kasi ko handang makausap sya parang ayuko paring umuwi sa bahay namin kaso kilala ko asawa ko napakadali nyang mag sabi ng sorry pero hindi niya alam na yung mga sinasabi niya eh masasakit then sorry... yung tipong parang walang nangyari..
« Last Edit: January 07, 2019, 11:17:07 pm by Mommy Jazz »
Logged

-ann-

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #24 on: May 26, 2009, 09:05:55 pm »

ang hirap naman ng ginagawa sau ng hubby mo...parang binigla k niya sa mga gusto niya.bkit hindi k muna niya kinausap n,ganito ganyan ang mga gusto n nayng mangyri sa inyo.pr may chance k tumanggi.at bakit naman ikaw lang ang gusto niya ggising ng maaga bkit sya anong ggwin niya?tutulog hanggang sa gsto nyang oras?at hihintayin n tawagin mo pag ready n ang kakainin niya??sana sa mga simpleng bagay,sya n ang ggwa nun pr sau.
kami ni hubby ngaun bumukod n kami and saka p namin n realized n paalisin ang aming katulong,so ako fultime n ako sa bata at sa house.at first un sobrang hirap pero hindi naman sya nag demand n gumising ako ng maaga.sya n ang gumagawa nun kc alam niya whole day n akong magpapagod sa paglilinis at pag asikaso ng anak namin,kaya b4 sya umalis sa umaga..sya n naghanda ng breakfast,nagwalis sa umaga at mag map ng sahig.wala kming usapan n ganun kusa lang niya..consideration lang...
siguro sa inyo,bago k bumalik sa house nyo kausapin mo n sya at ibigay mo ang mga gusto mong mangyri sa inyo.take it or leave it.kung ayaw niya sabihin mo klangan nyo preho ng time pr magisip.mahirap ang magsasama ulit kayo tapos hindi naman bukas sa loob mo ang mga ngyayari sa iyo.at wag nyo ng patagalin ng ganyan,kc mahirap ng mag-open kapag lumipas n.
goodluck sau..and pray ka lang.kaya mo yan...or accept the fact n yan n ang destiny mo.ang magkarun ng demanding n husband.and from there mkakaya mo n ang mga ngyayari.lahat naman ng umpisa mahirap pero kapag sanay ka n alam mo n ang diskarte n ggwin.
Logged

Chie77

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 647
  • HAPPY & CONTENTED
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #25 on: May 26, 2009, 09:51:55 pm »

sis grabe naman hubby mo..

pasensya na but d pwede sa akin yan. sobra naman..

share q lang-

wen i got pregnant unxpectedly,sabi mama q sa mil q-wala yang alam sa bahay,d marunong maglaba,maglinis,magluto..

sabi mil q-ok lang d naman "katulong" kailangan anak q..

at ganun nga ang nagyayari sa amin.ofcourse kailangan gawin ang mga gawaing bahay, pero d namin priority un. ang priority ang magbonding as family, "happy together". mas madalas nga nagpapadeliver n langkami food. at kung pwedeng disposables gagamitin namin, un na e..

matagal din kaming walang helper kz mas gusto namin kami kami lang (except nw may new baby kailangan na talga). pero pag kami lang, tulungan talga kami hubby (minsan nga mas pa sya). sya gumagawa mabibigat hsehold chores. sya naglalaba..

to think na d din sanay si hubby sa gawing bahay ha. 2 ang yaya nun e.. pero dahil love niya q, he is doing all those things..
Logged

Chie77

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 647
  • HAPPY & CONTENTED
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #26 on: May 26, 2009, 09:55:28 pm »

PAYO KO SA YO (payo then ito sa akin when i was down):
     LOVE YOURSELF FIRST.  you cannot give love to others unless you love yourself.
     DON'T MAKE HIM GET USED TO THE WAY HE'S TREATING YOU.  pag nasanay siyang inaapak-apakan ka, mahirap nang bagohin yon.
     MAKE HIM SEE AND FEEL HOW WORTHY YOU ARE AS A MOTHER AND AS A WIFE.  do your part.  be the best mom wife that you can be.  kung magreklamo, don't mind him.  just do your part.
     IF YOU WANT HIM TO RESPECT YOU, THEN DON'T LOSE YOUR SELF-RESPECT.

i'm sure after all these trials, you will emerge as a strong woman.  God does not give us problems we cannot bear.  Pray all the time.
[/quote]


THE BEST ADVICE!!
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 221
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #27 on: May 26, 2009, 11:24:58 pm »

sis thank you huh.. nandito na ko sa bahay ng parents ko then now when were watching t.v in the living room na realize ko na miss ko talaga being home. haist na miss ko ang room ko ang sarap ng tulog ni baby kasi malamig sa bahay napakainit.. then kaylangang gumising ng maaga so i know tomorrow kahit gumising ako ng 10am walang asawang mag magagalit sa totoo lang mga sis baliktad kami ng sitwasyon eh d ba dapat babae ang nagger so ngayun asawa ko ang nagger super.. lahat ng bagay sa akin ang bato ng sisi naiisip ko nga kung kakayanin ko ba na mabuhay at buhayin si baby parang mas masarap pang mabuhay ng anak lang kasi kong ganito pala ang pag aasawa parang ayuko ng mag asawa.. hindi naman ako pinalaki ng nanay ko at hindi ko din pinangarap na maging taga silbi okay sana kong gagawin ko lahat ng gawaing bahay ng kusa hindi ko mararamdaman ang pagod pero kong gagawin ko kasi sabi ng boss ko naku hindi pwede skin yun..

swerte naman kayo sis atleast yung hubby nyo understanding. right now pag iniisip kong bumalik sa bahay namin at mangyayari ulit yun parang naiiyak na ko .. natatakot ako baka na truma na ko sa nangyari sa amin.. mahal ko naman yung hubby ko eh kaso parang napakahirap nyang mahalin hindi niya ma aapreciate lahat ng bagay na ginagawa ko puro sya demand haist buti nalang natulog si baby na hindi hinanap si hubby...
Logged

ayaNmisha

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 59
  • "Little Girls are Heavens Flowers"
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #28 on: May 27, 2009, 09:38:56 am »

tama sis.. magsakit sakitan ka.. reverse psyche mo kaya hubby.. instead of doing all the work, tumigil ka at magtamad-tamaran.. tapos yung anak mo iwan mo sa kanya. hmmm.. I know it's risky pero u wouldn't know pag ni-reverse mo diba??? tutal naman nina-nag ka niya kahit na tama yung ginagawa mo at nagpapakahirap na ang drama mo.. why not turn things around??? Dapat sa ganyang hubby after talking it through with him and pouring your heart out ay binibigyan ng leksyon... wife ka niya.. meaning "katuwang" HINDI "katulong".
« Last Edit: January 07, 2019, 11:18:03 pm by Mommy Jazz »
Logged

mommy lore

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
  • Always a proud mom!
    • View Profile
Re: pakiramdam ko katulong ako
« Reply #29 on: May 27, 2009, 01:20:49 pm »

Hi Yuri,

Ilang yrs na kayong kasal ng hubby mo? Dati na ba syang sumasakay ng barko or first time nung after mo nanganak?
I'm asking this kasi tingin ko nasa adjustment period pa rin kayo ng hubby mo sa ngayon.

Bago pa lang kami ikasal there are things na alam ko na na dapat kong pag aralan. Hindi rin kasi ako sanay magluto, maglaba, mamalantsa, mamalengke all that stuff. So before the wedding nung nakatira pa ko sa parents ko nagpaturo na ako sa mom ko ng lahat ng yan. Gusto ko kasi alam ko yang mga yan kasi I know na magiging part yan ng pag aalaga ko sa hubby at sa mga magiging kids namin.

Pareho kaming working ni hubby and I know as a wife hindi ganun kadali ang magiging adjustments ko. Part ng pagiging wife natin ang asikasuhin ang mga asawa natin. Nung nagkaanak kami super hands on talaga ako sa anak mga ko. Dati nung bata pa sila when I leave them sa yaya nila I make sure that everthing is well taken care of. Ngayon na nag school na sila super effort na lalo kasi maaga silang sinusundo ng school bus yung panganay ko then ihahatid pa namin ni hubby ang bunso ko to school. Halos 5 hours na nga lang ang tulog ko pag weekdays pero oks lang sakin basta makita kong my hubby and my kids are ok. Bawi na lang ako ng tulog pag weekends. hehe

Tama yung suggestion ng ibang mommies dito, better kung may kasambahay ka para hindi ka hirap sa mga gawaing bahay. Pero it doesn't mean naman na ipapaubaya mo na sa katulong lahat. Monitored mo pa rin dapat.

Si hubby kasi may pagka burara din yun e. Pero siguro natutunan ko din i-accept ang mga shortcomings niya. May pagkukusa din naman sya e pag nakikita nyang ngarag ako. Tama yun mag voice out ka din ng feelings mo kay hubby. Say it in a nice way at yung medyo malamig ang ulo para magkakaintindihan kayo.

So I think mommy both of you just needs to adjust. Kaya mo yan! :)
Logged
Pages: 1 [2] 3