Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: OFW mom to be struggling with people telling her to leave her newborn  (Read 2018 times)

AR'smom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile

hi! Napahanap ako ng group discussion sionce I feel so alone in my struggle. I'm currently in Riyadh with a good pay ( first time magkasweldo ng mataas taas). My PCOS ako kaya sobrang unexpected pregnancy ko after 5 years and because walang makatulong samin mag alaga ng baby, I decided na uuwi ako next year for good at alagaan baby ko. My husband will stay here for a year. May kunting maiipon at may work na pwedeng balikan na although hindi na ganun kataas sweldo. Sumasakit puso ko pag sinasabihan ako ng mga tao na wag na lang umuwi, dito na lang at ipaubaya sa sitter ( 8 hours a day) and baby or iwanan na lang ang baby sa mother ko sa pinas after giving birth. Mas masakit pa sa puso na mismo mother at in laws ko ayaw din sa gagawin ko. wala daw silang maitutulong samin financially ( as if we're asking). Dito na daw ako at malaki ang sweldo. I feel like nobody understands that I choose to take care of my child over sums of money.mas lalong pang masakit na it seems nagbabago na rin isip ng asawa ko. Malaking pera lang ba talaga ang kelangan ng isang anak? Because I don't see it that way.
« Last Edit: October 01, 2019, 07:55:53 pm by AR'smom »
Logged

momshee8

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: OFW mom to be struggling with people telling her to leave her newborn
« Reply #1 on: October 02, 2019, 02:34:39 am »

Dear AR'smom, I used to be an OFW Mom too, when I gave birth to my son.. we had to send him to Manila when he was 4 months old under the care of my in-laws while hubby and I stayed overseas far away from the baby because that time, the baby was not allowed to stay there for long period as he was considered as a foreigner. At the same time, we are not yet ready to give up our jobs thinking na hindi pa enough ang savings namen to live a comfortable life back in PH. Yes, I feel you na mahirap talagang mawalay sa anak esp super bata pa niya. It's best na makasama ng baby at least her mom to support na din and bf at may peace of mind din kasi kapag and parents mismo ang kasama ng baby. Though sacrifice din at the same time if lalo na kapag not financially ready pa. Few months later we've decided to go back as a family na din sa PH. We were shocked na it's not cheap pala sa Manila and education here lalo na kapag nag Toddler years na sya is very expensive aside pa dun sa other needs ng bata like diapers and milk, etc. Minsan napapaisip din kami na sana we still stayed in other country but most often we just look at the positive side.. mas happy talaga when kumpleto ang family and nakakaraos din naman po for now.. but it was just us.. It would really depend to both the husband and wife on how you would manage everything, plan and discuss the setup, pros and cons, and above all else Pray. There would be a lot of opinions around but in the end kayo pa din po as parents ang talagang mag dedecide on what to do.. Mahirap but we have to give our best efforts for the child. Goodluck po sa inyo and God bless your family!
Logged

lalaland

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: OFW mom to be struggling with people telling her to leave her newborn
« Reply #2 on: October 03, 2019, 09:23:14 am »

Karaniwan po kasing mentalidad ng mga Pilipino, mas maganda ang buhay sa ibang bansa. Kaya yung ibang PIlipino ayaw nang umuwi kasi nakakahiya daw. Akala nila hindi ka naging successful sa abroad kaya uuwi ka nalang. Ang masama pa, kung nakadepende sila sa padala mo, alam nilang titigil ang sustento kung uuwi na yung OFW na kapamilya nila. Hindi naman po silang masasamang tao. Hindi lang nila alam ang totoong buhay ng mga OFW.

Kung hindi naman po kayo makikitira o aasa sa tulong nila, ituloy po ninyo ang desisyon ninyo. Wala po kayong kailangan ipaliwanag. Hindi sila ang nagpapakain sa inyo.
Logged